공유

Chapter 35.2

last update 최신 업데이트: 2025-03-17 21:39:26

DUMIRETSO NG KUSINA si Briel matapos na batiin ang ama na tumango lang naman sa kanya. Muling binalikan ang kanyang mga narinig. Kung hindi ang kanyang kapatid ang may gawa noon kay Albert, ang Gobernador ba ang may gawa noon? Hindi niya makalimutan ang mga banta ni Giovanni kay Albert. Bigla tuloy nais niyang makita si Giovanni upang siguraduhin kung ito nga ba ang may gawa noon. Gumayak na siya matapos na uminom ng tubig. Ni hindi siya kumain ng agahan at nag-drive na patungo sa hotel kung saan naka-check in ang Gobernador. Hindi niya alam kung ano ang mga sasabihin niya kapag nagkita na sila, malamang magugulat itong naroroon na naman siya. Ganunpaman, hindi pa rin siya dito nagpapigil.

“Bahala na mamaya kung ano ang idadahilan ko, basta gusto ko siyang makita…”

Ilang beses na siyang nakapunta doon kung kaya naman dire-diretso na siya sa elevator. Ni hindi na rin siya sinita ng nasa front desk dahil mukhang nakilala na siya. Pagdating niya sa harap ng pintuan ng suite ay makailan
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (19)
goodnovel comment avatar
Flor Taer Llaban
ang haba naman ng pashback na ito naka walang gana
goodnovel comment avatar
Chona Bobot Santiago
update pls
goodnovel comment avatar
Maricel Pacia
masyado na mahaba Flash back natu dapat kung anu hkling updates bago mag balik tanaw yon nlang dapat yong magbakadyon na sila 🥲
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 102.2

    DALA NG LABIS na gulat pagkabukas ng ilaw ng sala ay napahawak na si Briel sa kanyang dibdib. Lumakas na ang kabog ng kanyang puso. Humigpit pa ang hawak niya sa tangkay ng paperbag kung nasaan ang mga pagkain na inuwi at mga binili sa kanya ng ina. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata nang tumambad sa harapan niya ang nakangiting mukha ng mag-aama.“Happy Birthday, Mommy!” ulit na sabay ni Brian at Gia, nakayakap na sa magkabilang hita niya.Hindi pa rin magawang makakilos ni Briel sa kanyang kinatatayuan na nasa kay Giovanni na ang mga mata. Kinuha na kasi nito ang inihanda niyang bouquet ng bulaklak upang ibigay sa kanya. “Happy birthday, Briel…” Tinanggap nni Briel ang bulaklak na kulang na lang ay ihampas kay Giovanni dala ng kilig. “Speechless? Wala ka man lang sasabihin?” nang-aasar pang tanong ng dating Governor. Pinatulis na ni Briel ang nguso, pilit na sinu-supressed niya ang emosyon sa kanyang loob. Namumula ang mga matang inirapan ni Briel si Giovanni na binigyan n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 102.1

    NANG MATAPOS ANG dalawang Linggong bakasyon ay agad ng bumaba ang mag-anak dahil marami pa silang kailangang asikasuhin. Sinabihan nila si Donya Livia ng tungkol sa kanilang planong pagpapakasal. Hindi pa man final ang date, pero meron na silang naiisip kung kailan. Ang gusto ni Briel ay intimate wedding na lang ang mangyari tutal ay matanda naman na sila at may mga anak na rin, subalit ayaw naman na pumayag ni Giovanni. Ang gusto niya ay maging grand wedding iyon ng taon. Hindi naman nila i-o-open sa public, ngunit ipapakita nila ang ibang pangyayari sa kasal sa pamamagitan ng social media.“Bakit hindi na lang natin simple’han?” “Bakit natin sisimple’han lang kung kaya naman natin ang bongga? Isa pa nais kong bumawi, Briel.” Kung si Briel ang papapiliin, simple lang talaga ang nais niya. Ngunit dahil nais ni Giovanni na grand, sino siya para tutulan iyon? Saka, ito naman ang gagastos sa lahat. Sinabi rin nilang dalawa na sila na ang bahala sa lahat at hindi na kailangang makialam

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.4

    NAPALINGON NA SI Briel kay Giovanni at Brian na nagpapalitan ng tingin na may kahulugan habang kumakain sila ng dinner. Ni katiting ay hindi siya nakaramdam na may mali. Ipinagkibit na lang niya ng balikat kung anuman ang sinasabi ng kanilang bunsong anak na di niya ma-gets.“Okay, kain ng marami Gia nang mabilis na lumaki.” sabi niya sa anak na hinaplos pa ang ulo. Nagpatuloy na lumipas ang mga araw nila sa Laoag. Hindi na muling nag-krus ang landas nina Albert at ng pamilya ni Giovanni. Bagay na labis na pinapagpasalamat ng dating Governor noon. “Ang swerte mo talaga, Gabriella!” tunog naiinggit na sambit ng isa sa mga katrabaho ni Briel nang sunduin siya ng mag-aama niya, may usapan kasi silang diretso ng kakain sila sa labas nito. “Oo nga, saan kaya makakahanap ng ganyang klase ng lalaki? Mukhang one in a million lang eh.” “Mahirap makahanap ng kagaya niya.” mayabang na sagot ni Briel na proud na proud sa sarili, feeling niya ay ang ganda-ganda niya ng mga sandaling iyon haban

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.3

    MATAPOS NA MAGBIHIS at patuyuin ng hair dryer ang kanyang buhok ay nahiga na si Briel na parang sabik ang likod na nag-inat matapos na lumapat iyon sa kama. Naging parang musika sa kanyang pandinig ang agos ng tubig ng shower kung nasaan noon si Giovanni. Itinaas na niya ang isang kamay upang tingnan lang ang singsing na nasa kanyang daliri na agad kuminang sa tama ng ilaw sa silid. Ngumiti siya nang malaki. Hindi pa rin makapaniwala na okay na sila ulit. Sinulyapan niya ang pintuan ng banyo bago muling napangiti na animo ay teenager na kinikilig. Oo, hindi na siya teenager pero iyong puso niya ay sobrang saya ng mga sandaling iyon. Napakasaya. Inayos niya ang kumot sa katawan. Humihilik na noon si Briel paglabas ni Giovanni.“Talagang hindi niya ako hinintay na matapos maligo.” bulong ni Giovanni habang tinutuyo ang kanyang buhok ng hawak niyang extra na towel, titig na titig na sa mukha ni Briel. “Ang daya...”Kinabukasan, sabay-sabay na kumain ng agahan ang mag-anak at pagkatapos a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.2

    AWTOMATIKONG HUMAWAK NA muli ang isang kamay ni Giovanni paikot sa kanyang beywang. Mula sa mga anak na nagtatampisaw sa tubig alat ay lumipat ang paningin niya kay Briel na tumitig na sa kanyang mukha ng mga ilang segundo na para bang mayroong binabasa doon. “Tama ka. Sobrang simple lang ng ganitong buhay. Walang stress, walang problemang iniisip.” Mula sa beywang ni Briel ay tumaas ang isang palad ni Giovanni na humaplos sa ulo ng babae. Marahan. Magaan. Iyong ipong parang normal na sa kanilang dalawa ang ganung mga tanawin.“Walang ganito sa Baguio, pero doon sa villa natin meron. Nakalimutan mo yatang may dagat din tayo sa likod kagaya ng villa ng kapatid mo.” paalala ni Giovanni na nagpakislap ng mata ni Briel. Oo nga pala, nakalimutan niya. Marahil ay dahil sa sobrang dami ng mga pangyayari kaya ganun. “Iba pa rin kapag alam mong nasa ibang lugar ka, kagaya na lang nito.” Litanya ni Briel na hindi magawang maintindihan ni Giovanni. Ganun pa man ay di na nagtanong. Pinili na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 101.1

    GANUN NA LANG ang inggit ng mga ka-trabaho ni Briel nang makita ang pagdating ng kanilang pamilya sa kaparehong hotel na kanilang tutuluyan sana ng kanyang mga katrabaho. Hindi man sila direktang magsalita ay nakikita ni Briel ang ebidensya sa kanilang mga mukha lalo na at ang karamihan sa kanila ay may kanya-kanya na ‘ring pamilya na kagaya niya. Matapos na tumango sa kanila ay diretso silang pumasok sa uukupahin nilang suite. Nag-hello lang sa kanila si Briel at nangakong hindi siya male-late sa magiging iterinary nila kinabukasan na siyang simula rin nila. “Anong gusto mong unang gawin natin? Magpahinga o lumabas?” tanong ni Giovanni na nakatingin ang mga mata sa kanyang anak na si Brian na nakadapa na sa ibabaw ng kama nila. “I’m too tired, Daddy. Gusto kong matulog.” reklamo ng anak na halatang may jetlag pa noon.“Ha? Gusto mong matulog? Iyon na nga ang ginawa mo buong biyahe natin patungo dito.” pinasigla pa ni Giovanni ang kanyang boses upang ipaintindi iyon kay Brian, “Come

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status