مشاركة

Kabanata 003

مؤلف: Summer
last update تاريخ النشر: 2026-10-21 17:11:33

Halos hindi nakatulog si Ysabel nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa ang dalawang text, pero kahit ilang beses niyang tawagan ang numero ay hindi na ito sumasagot. In the end, nag-decide siyang pumunta pa rin sa meeting. Kailangan niyang malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

Alas-diyes ng umaga, nakatayo siya sa harap ng isang glass tower sa Ortigas, suot ang pinakaformal niyang blazer at halos grabe ang kaba.

Dinala siya ng receptionist sa pinakamataas na palapag, sa isang conference room. Doon ay sinalubong siya ng isang lalaking nasa singkuwenta anyos, naka-grey suit at may fake smile.

“Ms. Dela Vega, welcome. Ako si Mr. Lorenzo, ang Vice President ng Aurora Press. Napakahusay ng inyong teaser. Talagang kakaiba ang detalye, para bang totoong totoo.”

Kakabahan si Ysabel sa tonong ginamit nito. “Salamat po. Inspirasyon lang po iyon sa mga kuwento ng ama ko.”

“Ah, ang inyong ama.” Parang may kumislap sa mata ng lalaki. “Nakakalungkot ang nangyari sa kanya. Anyway, ayon sa kontrata, kailangan lang naming makuha ang lahat ng orihinal na materyales ninyo. Mga notes, notebook, kahit ano pa man, para maprotektahan ang copyright.”

Matitigilan si Ysabel. Notebook?

“Hindi ko po alam kung kailangan iyon.”

“Standard procedure lang.” Inilapit nito ang kontrata at isang pen. “Isang pirma lang, at bukas na bukas ay nasa account mo na ang limang milyon.”

Tititigan ni Ysabel ang kontrata. Isang pirma lang, at lahat ng problema niya  malulutas. Pero maiisip niya niya ang text sa kanya kagabi.

Huwag mong pirmahan.

“Pwede ko po bang basahin muna nang maigi?” maingat niyang tanong.

Didilim nang bahagya ang mukha ni Mr. Lorenzo, pero agad ding babalik ang ngiti. “Siyempre naman. Pero bago tayo magpatuloy, ipakikilala ko muna ang taong magiging kasama mo mula ngayon, para sa kaligtasan ninyo. Marami kasi kaming natatanggap na banta tuwing may malalaking proyekto.”

Bubukas ang p***o sa likuran niya.

“Ms. Dela Vega, ito si MJ Valderama, ang security consultant na magbabantay sa inyo.”

Matitigilan si Ysabela bago pa man siya makalingon. Alam niya ang amoy na iyon. Ang pabangong nasa notebook ng tatay niya.

Dahan-dahan siyang haharap kay MJ.

Matangkad na lalaki, naka-itim na suit sa halip na polo, maayos na nakasuklay ang buhok. Pero ang manipis na peklat sa kaliwang kilay at ang matalim na tingin na iyon ay hindi niya malilimutan kahit kailan.

Si Marco!

Mabibitawan niya ang hawak na ballpen. Tutunog iyon sa sahig, mapapatingin sa kanya si Mr. Lorenzo. Nagtataka. Didilim naman ang mukha ni Marco.

“Ms. Dela Vega, okay lang po ba kayo?” tanong ni Marco, walang kahit anong emosyon sa boses. Yuyuko ito at kukunin ang ballapen, saka iaabot sa kanya nang buong propesyonal. “Nice to meet you. Have we met before?”

Gusto niyang tumawa. Gusto niyang sumigaw. Ang lalaking kasama niya sa kama, ang ama ng batang nasa sinapupunan niya, ay nakatayo sa harap niya na parang estranghero.

“H-hindi,” mahina niyang sagot, pilit na pinapakalma ang boses. “Hindi pa po. First time.”

Bahagyang gagalaw ang panga ni MJ, pero wala nang ibang nagbago sa mukha nito. “Good. Kung ganoon ay simulan na natin.”

***

Hindi na masyadong maalala ang natitirang bahagi ng meeting. Sinabi niyang kailangan pa niya ng isang araw para pag-aralan ang kontrata. Mabuti pumayag naman si Mr. Lorenzo, kahit halatang hindi ito natuwa. Pagkalabas nila ng building tahimik na susunod si MJ sa kanya hanggang sa parking lot.

“Ihahatid na kita pauwi,” malamig nitong sabi. “Utos ng kompanya.”

“Hindi na. Kaya kong umuwi mag-isa.”

“Hindi ako nagtatanong, Ms. Dela Vega.”

Ending, sasakay rin siya sa itim na sasakyan nito, ang parehong kotse na nakita niya sa kabilang kalsada kagabi. Napatingin siya kay MJ nang maisara ang p***o. Hindi na mapigilan ni Ysabel na tumalak.

“Marco ang pangalan mo noong gabing iyon.”

Hindi sasagot si Marco. Nakatingin lang ito sa unahan habang nagmamaneho.

“Hindi mo man lang ba itatanggi? Magkunwari ka namang hindi mo ako kilala!”

“Belle ang pangalan mo,” mahinahong sagot nito, sa unang pagkakataon ay lumingon sa kanya. “Pareho tayong gumamit ng ibang pangalan.”

Matitigilan si Ysabel “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Isang pagkakamali ang nangyari noong gabing iyon, Ms. Dela Vega. Mas makabubuti sa ating dalawa kung kalimutan na natin iyon at gawin na lang nating propesyonal ang lahat.”

Parang sinampal siya. Pagkakamali. Iyon pala ang tingin nito sa gabing hanggang ngayon ay dala-dala niya, sa literal na paraan. Hahawakan niya ang tiyan, pero mabilis niyang bibitawan para hindi mahalata ni Marco na buntis siya.

“Fine,” malamig din niyang tugon. “Propesyonal.”

Wala nang nagsalita hanggang sa makarating sila sa apartment. Puno lang ng tension silng dalawa.

Pagdating nila sa apartment, magpupumilit si MJ na unang pumasok para i-check ang buong unit. Si Ysabel sa pintuan, pigil ang luha, habang pinapanood itong tumingin sa bawat sulok ng apartment niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa hormones kaya siya umiiyak o dahil nakita na niya ang ama ng anak niya pero mukang malabo na panagutan siya nito.

Sa sobrang pagmamadali ni Marco mahuhulog ang isang maliit na leather wallet mula sa bulsa ng jacket nito. Pupulutin ito ni Ysabel. Matitigilan siya sa makikita.

Hindi isang ordinaryong ID ng security consultant ang nasa loob. Isang makintab na badge na may nakaukit na agila, at sa ilalim ay ang mga salitang:

TASK FORCE AGUILA. Special Intelligence Agent Mikael Jericho Valderama.

Agent. Agent si Marco!

Mapapansin niya rin ang isang nakatuping papel sa likod ng badge. Bubuksan ito ni Ysabel.

Isang picture niya iyon. Kuha sa labas ng isang coffee shop, naka-hoodie at may hawak na kape. Sa ibaba ay may sulat-kamay na date.

Tatlong linggo bago sila nagkita sa Velvet Room.

Dahan-dahan siyang mag-aangat ng tingin. Nakatayo na si MJ sa harap niya, nakatitig sa wallet na hawak niya, at sa unang pagkakataon nawala ang kalmadong maskara sa mukha nito.

“Ysabel,” mahina nitong sabi. “Ibigay mo sa akin iyan.”

Hindi makagalaw si Ysabel. Maiiyak na habang unti-unting nabubuo sa isip niya ang katotohanan.

Hindi aksidente ang gabing iyon.

Hindi sila nagkataon lang.

Siya ang target.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 005

    Madaling-araw na nang makarating sila sa Tagaytay.Isang maliit na rest house ang itinuro ni MJ, nakatago sa gitna ng mga puno at malayo sa kahit anong kapitbahay. May kahoy na balkonahe, isang fireplace, at isang kusinang matagal nang hindi nagagamit.“Safehouse ito ng pamilya namin,” paliwanag ni MJ habang binubuksan ang ilaw. “Hindi ito nakarehistro sa kahit saang record ng task force.”“Kamag-anak mo ba ang may-ari?”“Lola ko. Pumanaw siya noong ako ay disinuwebe.” May bahagyang lungkot sa boses nito. “Ito ang nag-iisang lugar na ako lang ang may susi.”Hindi siya sumagot. Sa unang pagkakataon ay napansin niyang may mga litrato sa dingding, mga lumang larawan ng isang batang lalaking nakangiti nang malaki sa tabi ng matandang babae. Ibang-iba sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya akalaing marunong palang ngumiti nang ganoon si MJ.Pagkatapos ay napansin niya ang dugo sa manggas nito.“Umupo ka nga.”“Okay lang ako.”“Hindi ako nagtatanong, Agent Valderama.” Ginamit niya a

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 004

    “Ibigay mo sa akin iyan, Ysabel.”Hindi gagalaw si Ysabel. Mahigpit na hawak ang badge, at kahit nanginginig ang kamay niya ay diretso niyang sasalubungin ng tingin ang lalaki.“Agent ka. Hindi ka security consultant, hindi ka rin importer.” Mapait siyang natawa. “May litrato ako sa wallet mo, MJ. Tatlong linggo bago tayo nagkita. Ano ako sa’yo, misyon?”Hindi agad makakasagot si MJ. Pagkatapos ay marahang kukunin ang wallet sa kamay ni Ysabel, saka isinara ang pinto ng apartment at ini-lock. Sisilip ito sa bintana, titingnan ang kalsada, bago muling humarap sa kanya.“Mag-usap tayo” Hindi agad makakasagot si Ysabel.“Ysabel.”Hindi uupo si Ysabel, sasandal siya sa dingding, hawak ang sariling braso na parang protektahan ang sarili.“Ang tatay mo, si Ricardo Dela Vega,” simula ni MJ, mababa at kontrolado ang boses, “ay hindi basta accountant. Labinlimang taon siyang nagtrabaho sa kompanya ni Don Aurelio Sandoval. Ang akala ng lahat ay isa itong negosyante. Ang totoo, pinapatakbo niya

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 003

    Halos hindi nakatulog si Ysabel nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa ang dalawang text, pero kahit ilang beses niyang tawagan ang numero ay hindi na ito sumasagot. In the end, nag-decide siyang pumunta pa rin sa meeting. Kailangan niyang malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.Alas-diyes ng umaga, nakatayo siya sa harap ng isang glass tower sa Ortigas, suot ang pinakaformal niyang blazer at halos grabe ang kaba.Dinala siya ng receptionist sa pinakamataas na palapag, sa isang conference room. Doon ay sinalubong siya ng isang lalaking nasa singkuwenta anyos, naka-grey suit at may fake smile.“Ms. Dela Vega, welcome. Ako si Mr. Lorenzo, ang Vice President ng Aurora Press. Napakahusay ng inyong teaser. Talagang kakaiba ang detalye, para bang totoong totoo.”Kakabahan si Ysabel sa tonong ginamit nito. “Salamat po. Inspirasyon lang po iyon sa mga kuwento ng ama ko.”“Ah, ang inyong ama.” Parang may kumislap sa mata ng lalaki. “Nakakalungkot ang nangyari sa kanya. Anyway, a

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 002

    Limang linggo ang lumipas.Sa loob ng limang linggong iyon, ilang beses na ring tinangka ni Ysabel na kalimutan ang lalaking nagngangalang Marco. Walang number, walang apelyido, at nang bumalik siya sa hotel para magtanong ang sinabi ng receptionist, “Pasensya na po, Ma’am, confidential po ang guest information.”Isang one-night stand lang naman iyon, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili. Isang gabi, isang pagkakamali. Ganoon naman talaga ang mga nangyayari sa mga bar, hindi ba? Hindi iyon katulad ng mga nobelang isinusulat niya kung saan laging may happy ending.Ang nakakainis lang, simula nang gabing iyon ay bumalik ang gana niyang magsulat. Hindi nga lang romance. Isang action na kwento ang sinusulat niya, tungkol sa isang accountant na nag-iwan ng isang lihim na Ledger, at sa anak niyang babaeng hinahabol ng mga taong hindi niya kilala. Gamit niya ang ilang numero at salitang nakita niya sa lumang notebook ng tatay niya, para lang maging makatotohanan ang kuwento.Nai-post na niya

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 001

    “Isang linggo na lang, Ysabel. Isang linggo, at kapag wala pa rin akong natatanggap na kahit isang chapter, ika-cancel na ng publisher ang kontrata mo.”Tahimik na nakatingin si Ysabel Dela Vega sa laptop niyang nakabukas sa isang blankong page. Isang buong page na parang pinagtatawanan siya.“I'm sorry po, Ma’am. Susubukan ko po.”“Susubukan?” Hihinga nang malalim ang editor niyang si Ma’am Corazon sa kabilang linya. “Tatlong buwan ka nang sumusubok. Ang Sweet Surrender mo, number one iyon sa app noong nakaraang taon. Nasaan na ang Ysabel Dela Vega na iyon?”Hindi niya alam. Iyon ang masakit na katotohanan. Isang kilalang romance writer si Ysabel sa edad na bente-siyete, may libo-libong mambabasang naghihintay sa bawat update niya, pero dalawang taon na simula nang mamatay ang ama ay para bang nawala rin ang kakayahan niyang magsulat tungkol sa pag-ibig. Paano ka nga naman magsusulat ng happy ending kung ang sarili mong buhay ay punong-puno ng tanong na walang sagot?Pagkababa ng taw

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status