FAZER LOGINMadaling-araw na nang makarating sila sa Tagaytay.
Isang maliit na rest house ang itinuro ni MJ, nakatago sa gitna ng mga puno at malayo sa kahit anong kapitbahay. May kahoy na balkonahe, isang fireplace, at isang kusinang matagal nang hindi nagagamit.
“Safehouse ito ng pamilya namin,” paliwanag ni MJ habang binubuksan ang ilaw. “Hindi ito nakarehistro sa kahit saang record ng task force.”
“Kamag-anak mo ba ang may-ari?”
“Lola ko. Pumanaw siya noong ako ay disinuwebe.” May bahagyang lungkot sa boses nito. “Ito ang nag-iisang lugar na ako lang ang may susi.”
Hindi siya sumagot. Sa unang pagkakataon ay napansin niyang may mga litrato sa dingding, mga lumang larawan ng isang batang lalaking nakangiti nang malaki sa tabi ng matandang babae. Ibang-iba sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya akalaing marunong palang ngumiti nang ganoon si MJ.
Pagkatapos ay napansin niya ang dugo sa manggas nito.
“Umupo ka nga.”
“Okay lang ako.”
“Hindi ako nagtatanong, Agent Valderama.” Ginamit niya ang eksaktong tonong sinabi nito sa kanya kanina. “Upo.”
Bahagyang aangat ang gilid ng labi ni MJ, pero susunod din siya. Kukunin ni Ysabel ang first aid kit mula sa bag niya. Dahan-dahan niyang gugupitin ang manggas ng polo nito at makikita ang malalim na gasgas sa braso nito. Hindi ito tinamaan ng bala, pero halos ganoon na rin kalala ang sugat.
Maingat niyang lilinisin ang sugat. Tahimik ang buong bahay. Ang tanging maririnig ay ang tik-tak ng lumang orasan at ang bahagyang paghinga ni MJ sa tuwing dumidikit ang bulak sa balat nito.
“Magaling ka,” mahinang papuri ni MJ kay Ysabel.
“Kailangang marunong ang isang writer sa lahat ng bagay. Research.” Hindi siya titingin dito. “Tsaka, nanonood ako ng maraming medical drama.”
“Hindi iyan ang ibig kong sabihin.” Hindi maalis ang tingin ni MJ sa mukha niya. “Parang sanay kang gawin ito para sa taong mahal mo.”
Sandaling matitigilan si Ysabel. Biglang babalik sa isip niya ang alaala ng tatay niya sa ospital at ang mga buwang inaalagaan niya ito habang nakaratay sa kama. Pero hindi niya iyon ikukuwento. Maiiling lang and then tatapusin na lang niya ang pagbabalot sa sugat ni MJ at tatayo.
“Tapos na. Huwag mong babasain yan.”
Pagsikat ng araw, magkatabi silang nakaupo sa harap ng mesa. Nakabukas ang notebook.
“Wala akong maintindihan sa mga numerong ito,” sasabihin ni Ysabel. “Sinubukan ko na itong intindihin dati. Mga petsa at numero lang ang nakikita ko.”
“Hindi mga petsa ang mga ito.” Mabilis na ituturo ni MJ ang isang linya. “Tingnan mo. 14-02-11. Kung petsa iyan, Pebrero 14. Pero ang kasunod, 32-04-09. Walang thirty-two ang April”
Matitigilan si Ysabel habang nakatitig sa pahina. Unti-unting may mabubuo sa isip niya—isang alaala ng batang siya na nakaupo sa kandungan ng ama habang nagsusulat ito ng mga numero sa papel at tinuturuan siya ng isang kakaibang laro.
“Laro ng Bituin,”
“Ano?”
“Noong bata ako, nilalaro namin ito ni Papa. Bawat numero, may katumbas na letra sa isang tula. Lagi niyang sinasabi, ‘Kapag nawala ako, anak, hanapin mo ang bituin.’” Bahagyang manginginig ang boses ni Ysabel. “Akala ko, biro lang iyon. Pero ang tulang iyon… iyon ang lullaby na lagi niyang kinakanta sa akin.”
Hindi na siya magsasalita pa. Kukunin niya ang ballpen at sisimulang i-decode ang mga numero. Habang nagpapatuloy siya, unti-unting mabubuo ang mga nakatagong salita. Mga pangalan. Mga bangko. Mga halaga ng transaksiyon.
Pero sa ikatlong pahina, isang pangalan ang biglang magpapatigil sa kanilang dalawa.
Direktor Armando Reyes, Task Force Aguila.
Manlalamig ang kamay ni MJ.
“Hindi.”
“Bakit”
“Siya ang nagpalaki sa akin sa agency. Siya ang tumanggap sa akin nang mamatay ang lola ko.” Halos hindi makapagsalita si MJ “Hindi puwede. Imposible.”
Biglang kakalabog ang p***o ng balkonahe, kaya sabay silang mapapatayo. Pero hangin lang pala. Mapapahawak si Ysabel sa dibdib habang mabilis namang isasara ni MJ ang notebook at ilalagay sa bag.
“Walang ibang makakaalam nito,” mariin niyang sasabihin. “Hangga't hindi ko napapatunayan ang lahat.”
Biglang magri-ring ang cellphone ni MJ.
Sa screen, isang pangalan ang lilitaw.
DIR. REYES.
Magkakatinginan sila. Dahan-dahang magtataas ng daliri si Ysabel sa labi, sinenyasan siyang huwag magsalita ni MJ. Tatango si Ysabel bago sagutin ang tawag at i-on ang speaker.
“Sir.”
“Valderama.” Kalmado at malalim ang boses ng matanda, taglay ang awtoridad ng isang taong sanay na sinusunod ng lahat. “Nakatanggap ako ng report na pinasok at hinalughog ang apartment ni Ms. Dela Vega kagabi. Nasaan kayo ngayon?”
“Ligtas po kami, Sir. Sisiguraduhin kong hindi na kami matutunton ng mga taong iyon.”
“Good. Ibigay mo sa akin ang location ninyo.”
Biglang mapipigil ang paghinga ni Ysabel. Nakatitig lang si MJ sa cellphone, pero sa unang pagkakataon, makikita niyang nag-aalangan ito.
“Kailangan ko pong mag-report sa inyo nang personal, Sir.”
Sandaling tatahimik ang kabilang linya. Pagkatapos, dahan-dahang magsasalita si Reyes. Malinaw at malamig ang bawat salitang bibitawan nito.
“MJ, alam kong buntis siya.”
Parang may malakas na sasampal kay Ysabel. Agad siyang mapapatingin kay MJ, na kapansin-pansing mamumutla rin. Pareho silang hindi makakakilos.
“Alam kong anak mo ang dinadala niya,” patuloy ng direktor. “At lalong hindi mo dapat itinatago sa akin ang mag-ina mo. Dalhin mo sila sa amin bago mag-Biyernes. Kung hindi, ako mismo ang pupunta sa inyo.”
Biglang mapuputol ang tawag.
Ilang sandali silang mananatiling tahimik. Nanginginig ang mga daliri ni Ysabel habang unti-unti siyang lilingon kay MJ. Punong-puno ng tanong ang mga mata nito, pero may halong takot at pag-asang pilit nitong itinatago.
“Akin ba?” halos pabulong nitong itatanong.
Hindi agad makakasagot si Ysabel. Hindi niya alam kung paano haharapin ang tanong ni MJ, lalo na't may isa pang misteryong mas nakakatakot kaysa sa lahat ng natuklasan nila.
Paano nalaman ng direktor ang tungkol sa pagbubuntis niya eh siya lang at si Tin ang nakakaalam nito?
Madaling-araw na nang makarating sila sa Tagaytay.Isang maliit na rest house ang itinuro ni MJ, nakatago sa gitna ng mga puno at malayo sa kahit anong kapitbahay. May kahoy na balkonahe, isang fireplace, at isang kusinang matagal nang hindi nagagamit.“Safehouse ito ng pamilya namin,” paliwanag ni MJ habang binubuksan ang ilaw. “Hindi ito nakarehistro sa kahit saang record ng task force.”“Kamag-anak mo ba ang may-ari?”“Lola ko. Pumanaw siya noong ako ay disinuwebe.” May bahagyang lungkot sa boses nito. “Ito ang nag-iisang lugar na ako lang ang may susi.”Hindi siya sumagot. Sa unang pagkakataon ay napansin niyang may mga litrato sa dingding, mga lumang larawan ng isang batang lalaking nakangiti nang malaki sa tabi ng matandang babae. Ibang-iba sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya akalaing marunong palang ngumiti nang ganoon si MJ.Pagkatapos ay napansin niya ang dugo sa manggas nito.“Umupo ka nga.”“Okay lang ako.”“Hindi ako nagtatanong, Agent Valderama.” Ginamit niya a
“Ibigay mo sa akin iyan, Ysabel.”Hindi gagalaw si Ysabel. Mahigpit na hawak ang badge, at kahit nanginginig ang kamay niya ay diretso niyang sasalubungin ng tingin ang lalaki.“Agent ka. Hindi ka security consultant, hindi ka rin importer.” Mapait siyang natawa. “May litrato ako sa wallet mo, MJ. Tatlong linggo bago tayo nagkita. Ano ako sa’yo, misyon?”Hindi agad makakasagot si MJ. Pagkatapos ay marahang kukunin ang wallet sa kamay ni Ysabel, saka isinara ang pinto ng apartment at ini-lock. Sisilip ito sa bintana, titingnan ang kalsada, bago muling humarap sa kanya.“Mag-usap tayo” Hindi agad makakasagot si Ysabel.“Ysabel.”Hindi uupo si Ysabel, sasandal siya sa dingding, hawak ang sariling braso na parang protektahan ang sarili.“Ang tatay mo, si Ricardo Dela Vega,” simula ni MJ, mababa at kontrolado ang boses, “ay hindi basta accountant. Labinlimang taon siyang nagtrabaho sa kompanya ni Don Aurelio Sandoval. Ang akala ng lahat ay isa itong negosyante. Ang totoo, pinapatakbo niya
Halos hindi nakatulog si Ysabel nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa ang dalawang text, pero kahit ilang beses niyang tawagan ang numero ay hindi na ito sumasagot. In the end, nag-decide siyang pumunta pa rin sa meeting. Kailangan niyang malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.Alas-diyes ng umaga, nakatayo siya sa harap ng isang glass tower sa Ortigas, suot ang pinakaformal niyang blazer at halos grabe ang kaba.Dinala siya ng receptionist sa pinakamataas na palapag, sa isang conference room. Doon ay sinalubong siya ng isang lalaking nasa singkuwenta anyos, naka-grey suit at may fake smile.“Ms. Dela Vega, welcome. Ako si Mr. Lorenzo, ang Vice President ng Aurora Press. Napakahusay ng inyong teaser. Talagang kakaiba ang detalye, para bang totoong totoo.”Kakabahan si Ysabel sa tonong ginamit nito. “Salamat po. Inspirasyon lang po iyon sa mga kuwento ng ama ko.”“Ah, ang inyong ama.” Parang may kumislap sa mata ng lalaki. “Nakakalungkot ang nangyari sa kanya. Anyway, a
Limang linggo ang lumipas.Sa loob ng limang linggong iyon, ilang beses na ring tinangka ni Ysabel na kalimutan ang lalaking nagngangalang Marco. Walang number, walang apelyido, at nang bumalik siya sa hotel para magtanong ang sinabi ng receptionist, “Pasensya na po, Ma’am, confidential po ang guest information.”Isang one-night stand lang naman iyon, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili. Isang gabi, isang pagkakamali. Ganoon naman talaga ang mga nangyayari sa mga bar, hindi ba? Hindi iyon katulad ng mga nobelang isinusulat niya kung saan laging may happy ending.Ang nakakainis lang, simula nang gabing iyon ay bumalik ang gana niyang magsulat. Hindi nga lang romance. Isang action na kwento ang sinusulat niya, tungkol sa isang accountant na nag-iwan ng isang lihim na Ledger, at sa anak niyang babaeng hinahabol ng mga taong hindi niya kilala. Gamit niya ang ilang numero at salitang nakita niya sa lumang notebook ng tatay niya, para lang maging makatotohanan ang kuwento.Nai-post na niya
“Isang linggo na lang, Ysabel. Isang linggo, at kapag wala pa rin akong natatanggap na kahit isang chapter, ika-cancel na ng publisher ang kontrata mo.”Tahimik na nakatingin si Ysabel Dela Vega sa laptop niyang nakabukas sa isang blankong page. Isang buong page na parang pinagtatawanan siya.“I'm sorry po, Ma’am. Susubukan ko po.”“Susubukan?” Hihinga nang malalim ang editor niyang si Ma’am Corazon sa kabilang linya. “Tatlong buwan ka nang sumusubok. Ang Sweet Surrender mo, number one iyon sa app noong nakaraang taon. Nasaan na ang Ysabel Dela Vega na iyon?”Hindi niya alam. Iyon ang masakit na katotohanan. Isang kilalang romance writer si Ysabel sa edad na bente-siyete, may libo-libong mambabasang naghihintay sa bawat update niya, pero dalawang taon na simula nang mamatay ang ama ay para bang nawala rin ang kakayahan niyang magsulat tungkol sa pag-ibig. Paano ka nga naman magsusulat ng happy ending kung ang sarili mong buhay ay punong-puno ng tanong na walang sagot?Pagkababa ng taw







