LOGIN“Ibigay mo sa akin iyan, Ysabel.”
Hindi gagalaw si Ysabel. Mahigpit na hawak ang badge, at kahit nanginginig ang kamay niya ay diretso niyang sasalubungin ng tingin ang lalaki.
“Agent ka. Hindi ka security consultant, hindi ka rin importer.” Mapait siyang natawa. “May litrato ako sa wallet mo, MJ. Tatlong linggo bago tayo nagkita. Ano ako sa’yo, misyon?”
Hindi agad makakasagot si MJ. Pagkatapos ay marahang kukunin ang wallet sa kamay ni Ysabel, saka isinara ang p***o ng apartment at ini-lock. Sisilip ito sa bintana, titingnan ang kalsada, bago muling humarap sa kanya.
“Mag-usap tayo” Hindi agad makakasagot si Ysabel.
“Ysabel.”
Hindi uupo si Ysabel, sasandal siya sa dingding, hawak ang sariling braso na parang protektahan ang sarili.
“Ang tatay mo, si Ricardo Dela Vega,” simula ni MJ, mababa at kontrolado ang boses, “ay hindi basta accountant. Labinlimang taon siyang nagtrabaho sa kompanya ni Don Aurelio Sandoval. Ang akala ng lahat ay isa itong negosyante. Ang totoo, pinapatakbo niya ang pinakamalaking money-laundering network sa bansa.”
Manlalaki ang mata ni Ysabel sa gulat. “Hindi totoo iyan.” Iiling si MJ.
“Dalawang taon na siyang patay, at hindi iyon aksidente. Bago siya mamatay, gumawa siya ng isang Ledger. Lahat ng pangalan, lahat ng account, lahat ng opisyal na tumanggap ng pera ni Aurelio. Itinago niya iyon at hindi na nahanap hanggang ngayon.” Titingin si MJ sa mesa kung saan nakapatong ang itim na notebook. “Naniniwala kami na ang susi para mabasa iyon ay nasa notebook na iyan.”
Napatingin din siya roon. Ang lumang notebook na ilang taon niyang pinagmamasdan, ang numerong akala niya ay dahil magaling lag ang tatay niya sa numero. Hindi makahinga si Ysabel sa revelations.
“Kaya ka lumapit sa akin,” halos pabulong niyang sabi. “Para sa notebook.” Hindi agad makakasagot si MJ, yuyuko.
“Sabihin mo yung totoo”
“Oo.”
Kahit inaasahan na ni Ysabel ang sagot, masasaktan pa din siya.
“Ginamit mo ako.”
“Inutusan akong lumapit at makuha ang tiwala mo,” mahinang sabi ni MJ. “Pero ang nangyari sa hotel…” Saglit na titigil at titingin kay Ysabel. “Hindi iyon utos, Ysabel. Hindi yun planado.”
“Sa tingin mo gagaan ang loob ko dahil lang sa sinabi mo?” Mabilis na tutulo ang luha ni Ysabel, pero mabilis niyang pupunasan. “Lumabas ka.”
“Hindi puwede.”
“Lumabas ka sa bahay ko!”
“May dalawang lalaking nakabantay sa baba mula pa kaninang umaga.” Ituturo ni MJ ang bintana. “Hindi sila sa akin. Hindi sila sa task force. At kapag umalis ako ngayon, hindi ko magagarantiya na buhay ka pa bukas ng umaga.”
Mapapatingin si Ysabel sa labas.Makikita niya ang itim na SUV na hindi pa niya napapansin kanina, at sa loob noon ay dalawang anino ang nakatingin diretso sa apartment niya.
Manghihina si Ysabel. Mapapakapapit sa gilid ng mesa.
“Ikaw ba ang nagpadala ng text kagabi?” tanong niya. “Na huwag kong pirmahan ang kontrata?”
Kukunot ang noo ni MJ. “Anong text?”
Ipapakita niya ang message. Babasahin ni MJ ang message at nakita niya kung paano umigting ang panga nito, kung paano dumilim ang mga mata nito. Pero biglang maiisip ni Ysabel ang isa pang message na magre-reveal kay MJ na buntis siya! Bigla niyang hahablutin ang cellphone.
Magtataka si MJ “Bakit?” Defensive na sasagot si Ysabel. “Wala. So sinong nagpadala nito?”
“Hindi ako ang nagpadala niyan.”
“Eh sino?”
“Hindi ko alam. Pero yung nagpadala niyan ay may alam na hindi dapat nila alam.”
Hindi na niya sinabi na alam din ng nagpadala ng message na buntis siya. Ayaw niyang malaman ni MJ na nagbunga ang nangyari sa kanila noon.
***
Makakatulog si Ysabel sa sobrang pagod. Nagpapasalamat na lang na hindi siya nagkaron ng cravings. Hindi niya namalayang si MJ nasa labas ng kwarto niya at nakaupo sa sahig, nakahawak sa baril at nakatingin sa kadiliman.
Alas-dos ng madaling-araw, isang mahinang tunog ang nagpagising kay MJ.
Tik. Tik. Tik.
May nagbubukas ng lock ng p***o.
Dali-dali niyang pupuntahan si Ysabel para gisingin ito. Tatakpan niya ang bibig ni Ysabel.
“Huwag kang magsasalita,” bulong niya sa tainga nito, at mararamdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ng dalaga. “Kunin mo ang notebook. Ngayon na.”
Mabilis na kikilos si Ysabel. Kukunin niya ang notebook at ilalagay sa bag, nanginginig siya, habang si MJ ay dahan-dahang lumapit sa pintuan na may hawak na baril.
Isang malakas na sipa ang tatami sa p***o mula sa labas kaya titilapon si MJ sa dingding. Papasok ang dalawang lalaking nakaitim, naka-mask, at may mga baril na may silencer. Walang pasabi at agad na kinalabit ng isa ang gatilyo.
Pssh. Tatama ang bala sa dingding, ilang pulgada lang mula sa ulo ni Ysabel.
“Dapa!” sigaw ni MJ.
Susubsob si Ysabel sa sahig, tinatakpan ang tainga. Narinig niya ang sunod-sunod na putok, ang pagkabasag ng salamin, ang tunog ng katawang bumabagsak. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang sinipa ni MJ ang baril ng isang lalaki, sinuntok ito sa panga at inihagis sa mesa. Gumagalaw ito na parang hindi tao, mabilis, malinis, at pulidong galaw.
Isa bala ang dadaaplis sa braso ni MJ. Mapapahiyaw si Ysabel.
“MJ!” Hindi hihinto si MJ. Halata na focus ito. Hahampasin niya ng baril ang ulo ng kalaban. Hahandusayi to.
Biglang tatahimik ang buong apartment. Maiiwan ang amoy ng pulbura, ang tunog ng sirang ilaw, at ang hingal ni MJ at impit na iyak ni Ysabel dahil sa nasaksihan.
“Tara na,” hingal na sabi ni MJ, hinahawakan ang dumudugong braso. “Hindi lang sila ang darating.”
“May tama ka.”
“Mamaya na yan. Kumuha ka ng damit, at mga kailangan mo, one minute!.”
Sa loob ng isang minuto halos walang maalala si Ysabel. Basta na lang niyang isinilid sa bag ang mga damit, ang laptop, ang ilang gamot at ang folder mula sa clinic, bago sila tumakbo palabas sa fire exit.
Bumababa sila nang sabay, hawak ni MJ ang kamay niya nang mahigpit. Sa ikalimang palapag ay may narinig silang mga yabag sa itaas, mabibigat at mabilis.“Bilisan mo!”
Sa sobrang pagmamadali, nadulas si Ysabel. Napasigaw siya, at naramdaman niyang bumagsak ang katawan niya.
Pero hindi siya tumama sa semento.
Sinalo siya ni MJ. Malakas ang pagkakayakap nito sa kanya, at sa sandaling iyon ay naramdaman niya ang init ng katawan nito, ang tibok ng puso nito.
Instinct na itinakip niya ang dalawang kamay sa kanyang tiyan, at nakita iyon ni MJ.
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang segundo lang iyon, pero parang tumigil ang oras.
“Ysabel…” Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. “Bakit mo hawak ang…”
“Tumakbo na tayo,” putol niya, at mabilis na itinulak ang sarili palayo.
***
Nasa loob na sila ng sasakyan ni MJ, mabilis na tumatakbo sa madilim na kalsada ng Ortigas, nang tuluyang bumigay ang tiyan ni Ysabel.
“Itabi mo… itabi mo ang sasakyan…”
Halos hindi pa tumitigil ang kotse ay nakababa na siya at sumusuka sa gilid ng kalsada. Lalabas din si MJ, hawak ang isang bote ng tubig. Tahimik siyang tatayo sa likod ni Ysabel, hinihimas ang likod nito, hanggang sa matapos ang pagsusuka.
“Salamat,” mahina niyang sabi, hindi tumitingin kay MJ
“Ysabel.”
“Stress lang. Nagulat lang ako sa nangyari.”
“Alam kong bihira ito pero hindi ka ba.” Mabagal at maingat ang pagkakasabi ni MJ.
“Hindi.” Mabilis niyang inagaw ang bote at uminom. “Hindi. Anong iniisip mo? Huwag mong isipin iyan.”
Matagal siyang tititigan ni MJ. Hinahanap kung nagsisinungaling si Ysabel. Mabilis na iiwas ng tingin si Ysabel.
“Sige, ayaw kitang pilitin” sabi lang niya. “Pero kapag handa ka nang magsabi, nandito lang ako.”
Hindi sasagot si Ysabel. Pero habang umaandar ang sasakyan hindi niya maiwasang pasimpleng sumulyap sa dugo sa braso ni MJ. Worried si Ysabel.
“Dadalhin kita sa isang ligtas na lugar,” sabi nito. “Sa Tagaytay. Walang nakakaalam doon, kahit task force.”
“Kahit task force?” Mapakunot noo si Ysabel “Kakampi mo sila diba?”
Hindi agad makakasagot si MJ. Mahigpit ang kapit nito sa manibela.
“Hindi ko na alam kung sino ang puwede kong pagkatiwalaan,” mahina nitong sabi. “Dalawang taon nang may nagbebenta ng impormasyon sa loob. Kaya nga alam ng mga lalaking iyon kung nasaan ka ngayong gabi.”
Manlalamig si Ysabel. “Ibig mong sabihin, may traydor sa loob ng agency ninyo.”
“Oo. At hindi ko pa alam kung sino.”
Titingin si Ysabel sa labas ng bintana, sa mga ilaw ng lungsod na unti-unting lumalayo. Inaalala niya ang dalawang text, ang taong nakaaalam na buntis siya, ang pabangong kumakapit sa notebook, at ang drawer na hindi nakasara.
Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip niya. At sa lahat ng iyon, may isang tanong na pilit niyang iniiwasang sagutin.
Madaling-araw na nang makarating sila sa Tagaytay.Isang maliit na rest house ang itinuro ni MJ, nakatago sa gitna ng mga puno at malayo sa kahit anong kapitbahay. May kahoy na balkonahe, isang fireplace, at isang kusinang matagal nang hindi nagagamit.“Safehouse ito ng pamilya namin,” paliwanag ni MJ habang binubuksan ang ilaw. “Hindi ito nakarehistro sa kahit saang record ng task force.”“Kamag-anak mo ba ang may-ari?”“Lola ko. Pumanaw siya noong ako ay disinuwebe.” May bahagyang lungkot sa boses nito. “Ito ang nag-iisang lugar na ako lang ang may susi.”Hindi siya sumagot. Sa unang pagkakataon ay napansin niyang may mga litrato sa dingding, mga lumang larawan ng isang batang lalaking nakangiti nang malaki sa tabi ng matandang babae. Ibang-iba sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya akalaing marunong palang ngumiti nang ganoon si MJ.Pagkatapos ay napansin niya ang dugo sa manggas nito.“Umupo ka nga.”“Okay lang ako.”“Hindi ako nagtatanong, Agent Valderama.” Ginamit niya a
“Ibigay mo sa akin iyan, Ysabel.”Hindi gagalaw si Ysabel. Mahigpit na hawak ang badge, at kahit nanginginig ang kamay niya ay diretso niyang sasalubungin ng tingin ang lalaki.“Agent ka. Hindi ka security consultant, hindi ka rin importer.” Mapait siyang natawa. “May litrato ako sa wallet mo, MJ. Tatlong linggo bago tayo nagkita. Ano ako sa’yo, misyon?”Hindi agad makakasagot si MJ. Pagkatapos ay marahang kukunin ang wallet sa kamay ni Ysabel, saka isinara ang pinto ng apartment at ini-lock. Sisilip ito sa bintana, titingnan ang kalsada, bago muling humarap sa kanya.“Mag-usap tayo” Hindi agad makakasagot si Ysabel.“Ysabel.”Hindi uupo si Ysabel, sasandal siya sa dingding, hawak ang sariling braso na parang protektahan ang sarili.“Ang tatay mo, si Ricardo Dela Vega,” simula ni MJ, mababa at kontrolado ang boses, “ay hindi basta accountant. Labinlimang taon siyang nagtrabaho sa kompanya ni Don Aurelio Sandoval. Ang akala ng lahat ay isa itong negosyante. Ang totoo, pinapatakbo niya
Halos hindi nakatulog si Ysabel nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa ang dalawang text, pero kahit ilang beses niyang tawagan ang numero ay hindi na ito sumasagot. In the end, nag-decide siyang pumunta pa rin sa meeting. Kailangan niyang malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.Alas-diyes ng umaga, nakatayo siya sa harap ng isang glass tower sa Ortigas, suot ang pinakaformal niyang blazer at halos grabe ang kaba.Dinala siya ng receptionist sa pinakamataas na palapag, sa isang conference room. Doon ay sinalubong siya ng isang lalaking nasa singkuwenta anyos, naka-grey suit at may fake smile.“Ms. Dela Vega, welcome. Ako si Mr. Lorenzo, ang Vice President ng Aurora Press. Napakahusay ng inyong teaser. Talagang kakaiba ang detalye, para bang totoong totoo.”Kakabahan si Ysabel sa tonong ginamit nito. “Salamat po. Inspirasyon lang po iyon sa mga kuwento ng ama ko.”“Ah, ang inyong ama.” Parang may kumislap sa mata ng lalaki. “Nakakalungkot ang nangyari sa kanya. Anyway, a
Limang linggo ang lumipas.Sa loob ng limang linggong iyon, ilang beses na ring tinangka ni Ysabel na kalimutan ang lalaking nagngangalang Marco. Walang number, walang apelyido, at nang bumalik siya sa hotel para magtanong ang sinabi ng receptionist, “Pasensya na po, Ma’am, confidential po ang guest information.”Isang one-night stand lang naman iyon, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili. Isang gabi, isang pagkakamali. Ganoon naman talaga ang mga nangyayari sa mga bar, hindi ba? Hindi iyon katulad ng mga nobelang isinusulat niya kung saan laging may happy ending.Ang nakakainis lang, simula nang gabing iyon ay bumalik ang gana niyang magsulat. Hindi nga lang romance. Isang action na kwento ang sinusulat niya, tungkol sa isang accountant na nag-iwan ng isang lihim na Ledger, at sa anak niyang babaeng hinahabol ng mga taong hindi niya kilala. Gamit niya ang ilang numero at salitang nakita niya sa lumang notebook ng tatay niya, para lang maging makatotohanan ang kuwento.Nai-post na niya
“Isang linggo na lang, Ysabel. Isang linggo, at kapag wala pa rin akong natatanggap na kahit isang chapter, ika-cancel na ng publisher ang kontrata mo.”Tahimik na nakatingin si Ysabel Dela Vega sa laptop niyang nakabukas sa isang blankong page. Isang buong page na parang pinagtatawanan siya.“I'm sorry po, Ma’am. Susubukan ko po.”“Susubukan?” Hihinga nang malalim ang editor niyang si Ma’am Corazon sa kabilang linya. “Tatlong buwan ka nang sumusubok. Ang Sweet Surrender mo, number one iyon sa app noong nakaraang taon. Nasaan na ang Ysabel Dela Vega na iyon?”Hindi niya alam. Iyon ang masakit na katotohanan. Isang kilalang romance writer si Ysabel sa edad na bente-siyete, may libo-libong mambabasang naghihintay sa bawat update niya, pero dalawang taon na simula nang mamatay ang ama ay para bang nawala rin ang kakayahan niyang magsulat tungkol sa pag-ibig. Paano ka nga naman magsusulat ng happy ending kung ang sarili mong buhay ay punong-puno ng tanong na walang sagot?Pagkababa ng taw







