مشاركة

The Spy Who Got Me Pregnant
The Spy Who Got Me Pregnant
مؤلف: Summer

Kabanata 001

مؤلف: Summer
last update تاريخ النشر: 2026-10-21 17:09:10

“Isang linggo na lang, Ysabel. Isang linggo, at kapag wala pa rin akong natatanggap na kahit isang chapter, ika-cancel na ng publisher ang kontrata mo.”

Tahimik na nakatingin si Ysabel Dela Vega sa laptop niyang nakabukas sa isang blankong page. Isang buong page na parang pinagtatawanan siya.

“I'm sorry po, Ma’am. Susubukan ko po.”

“Susubukan?” Hihinga nang malalim ang editor niyang si Ma’am Corazon sa kabilang linya. “Tatlong buwan ka nang sumusubok. Ang Sweet Surrender mo, number one iyon sa app noong nakaraang taon. Nasaan na ang Ysabel Dela Vega na iyon?”

Hindi niya alam. Iyon ang masakit na katotohanan. Isang kilalang romance writer si Ysabel sa edad na bente-siyete, may libo-libong mambabasang naghihintay sa bawat update niya, pero dalawang taon na simula nang mamatay ang ama ay para bang nawala rin ang kakayahan niyang magsulat tungkol sa pag-ibig. Paano ka nga naman magsusulat ng happy ending kung ang sarili mong buhay ay punong-puno ng tanong na walang sagot?

Pagkababa ng tawag isasara niya ang laptop at titingin sa kisame. Naghahanap ng sagot.

Sa gilid ng mesa nakapatong ang lumang notebook na may kupas na itim na pabalat. Iyon ang naiwan ng kanyang tatay, isang accountant na pumanaw sa isang “aksidente” na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap. Wala namang kakaiba sa laman noon, puro numero, puro petsa at mga linyang hindi niya maintindihan, pero hindi niya magawang itapon. Iyon na lang ang natira sa kanya.

Biglang bbukas ang p***o ng apartment niya. Tatambad sa kanya si Tin na naka-colorful dress.

“Ysabel Dela Vega! Tumayo ka d’yan, aalis tayo!”

Si Tin, ang matalik niyang kaibigan mula pa college, nakapamewang.  Hawak pa nito ang duplicate key na hindi niya maalalang ibinigay niya.

“Hindi ako sasama.”

“Hindi ako nagtatanong, bes. Tatlong linggo ka nang hindi lumalabas. Mukha ka nang multo, tingnan mo nga ang eyebags mo. Nagtatanong tanong ako sa kanto, ang sabi kapag writer’s block, kailangan daw ng bagong inspirasyon. At ang inspirasyon, nasa Velvet Room! Kaya magbihis ka yung pinaka-sexy mong damit! Iinom tayo at maghahanap ng inspirasyon don!” Iiling si Ysabel pero wala na siyang magawa kasi hihilahin na siya ni Tin papuntang banyon.

“Bes, mukang may amoy ka na ah. Tama lang na puntahan kita.” Matatawa si Ysabel.  Wala an siyang magagawa. Alam niyang hindi titigil si Tin hangga’t hindi siya napapapayag.

***

Maingay at madilim ang Velvet Room sa BGC, amoy alak at umaalingasaw ang mabangong pabango sa hangin. Ilang minuto pa lang sila don nawala na si Tin sa dance floor, kaya mag-isa na lang si Ysabel sa dulo ng bar counter, hawak ang isang baso ng cocktail na hindi pa niya nangangalahati.

Kukuha siya ng napkin at ballpen mula sa bag. Ugali na niya iyon, kapag may naoobserbahan siya isinusulat niya agad.  Like may babaeng umiiyak sa sulok. Lalaking panay ang tingin sa relo. Magboyfriend na nag-aaway sa  gitna ng dance floor.

“Mukhang mas malala pa ang gabi mo kaysa sa akin.”

Mapapalingon siya. Isang lalaki ang uupo sa katabing stool, matangkad, semi-kal ang buhok,  at nakasuot ng itim na polo na nakatupi hanggang siko kaya kitang kita ang tattoo nito mula leeg hanggang buong braso. May manipis na peklat sa kaliwang kilay kaya mas lalong na-emphasize ang ganda ng mata ng lalaki. Hindi ito ngumingiti pero parang may kakaibang init sa mga mata nito.

“Excuse me?” taas-kilay na sagot ni Ysabel.

“Nagsusulat ka sa napkin habang nag-iisa ka sa bar. Either spy ka, o writer.” He smirks “Mukha namang hindi ka spy.”

Matatawa si Ysabel. “Writer. Romance writer ako.”

“Romance.” Inulit iyon ng lalaki na parang isang salitang banyaga. “Hindi ako naniniwala sa pag-ibig.”

“Perfect. Kailangan ko ng cynic para sa character ko.” Itataas ni Ysabel ang baso kasabay ng pagtaas ng kilay niya. “Ako nga pala si Belle.”

Pen name niya iyon. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi niya, siguro dahil sa gabing iyon ay gusto niyang maging ibang tao, isang babaeng walang kontratang nanganganib at walang amang pinatay.

“Marco,” sagot nito, saka inabot ang kamay niya. Mainit at magaspang ang palad nito. “Import-export. Boring ang trabaho ko.”

“Mas boring ang buhay ko.”

“Hindi ako sigurado.” Tinitigan siya nito nang matagal. “Mukhang ang laki ng problema mo e”

Hindi alam ni Ysabel kung dala lang ng alak kaya lumapit siya sa lalake na halos amoy na niya ang hininga nito.

“Ang totoo niyan, may kwento akong sinusulat pero hindi ko matapos. Isang forbidden love na hindi ko alam kung saan pupuntahan”

“Anong problema mo?” Hahawiin ni Marco ang buhok ni Ysabel na tumakip na sa mata nito. Pipigilan ni Ysabel ang hininga. Makakaramdam ng init.

“Familiar ka naman yata sa writer’s block. Yun ang nangyayari sa akin ngayon…at ang tungkol sa tatay ko”

May dadaan na kakaibang emosyon sa mukha ni Marco na hindi mabasa ni Ysabel.

“Gusto mo ng inspirasyon?” mahinang tanong ni Marco, malapit na malapit sa tainga niya.

Dapat ay umiwas si Ysabel. Dapat tumawa na lang siya at ibalik ang usapan sa topic. Pero sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, she felt alive.

“Yes, gustong gusto ko” bulong niya.

Magkahawak-kamay silang lalabas, hindi na alintana ang mga matang sumusunod sa kanila.

Ilang minuto lang, nasa elevator na sila ng isang hotel. Pagkapasok nila, haharap si Marco kay Ysabel. Magdidikit ang kanilang mga katawan habang unti-unting sumasara ang pintuan.

Bago tuluyang magsara ang elevator, hahawakan ni Marco ang mukha ni Ysabel at hahalikan ito. Saglit na matitigilan si Ysabel sa gulat, manlalaki ang mga mata.  Pero mapapikit si Ysabel nang naramdaman niya ang mga labi ni Marco, unti-unting lalambot ang kanyang ekspresyon. Mapapapikit siya at mapapahawak sa dibdib nito, tila naghahanap ng balanse sa gitna ng biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

***

Alas-kuwatro ng madaling-araw nang dahan-dahang babangon si Marco mula sa kama.

Natutulog nang mahimbing si Ysabel, nakabaon ang mukha sa unan, magulo ang buhok at may bahagyang ngiti sa labi.  Bago tuluyang bumangon tititigan ni Marco si Ysabel at aayusin ang kumot nito.

Tahimik niyang isusuot ang polo at kukunin ang cellphone. Sisilipin niya ang bag ni Ysabel na nakapatong sa sofa, bubuksan at mabilis na titingnan ang laman. Wala don ang hinahanap niya. Isasara niya ang bag nang walang ingay, saka lalabas ng kuwarto.

Sa dulo ng hallway ay tinawagan niya ang nag-iisang numerong naka-save sa phone.

“Sir, contact established,” mahinang sabi niya. “Dela Vega is clean. Wala siyang ideya.”

“Nakita mo ba ang notebook ng tatay niya?” malamig na boses sa kabilang linya.

“Wala sa bag niya. Malamang nasa apartment.”

“Gawin mo ang lahat ng kailangan, Agent Valderama, kung kailanganin kunin ang loob niya gawin mo. Ang babaeng iyan ang huling susi sa Ledger ni Aurelio.”

Mapuputol ang tawag. Manatili si MJ na nakatayo, nakatingin sa pintong nilabasan niya. Dapat ay walang nararamdaman ang isang agent sa misyon. Iyon ang unang itinuro sa kanila.

Pero bakit parang may mali? Bakit parang gusto niyang bumalik sa loob?

“Hindi ito kasama sa plano,” bulong niya sa sarili, saka mabilis na maglalakad palayo bago pa magbago ang isip niya.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 005

    Madaling-araw na nang makarating sila sa Tagaytay.Isang maliit na rest house ang itinuro ni MJ, nakatago sa gitna ng mga puno at malayo sa kahit anong kapitbahay. May kahoy na balkonahe, isang fireplace, at isang kusinang matagal nang hindi nagagamit.“Safehouse ito ng pamilya namin,” paliwanag ni MJ habang binubuksan ang ilaw. “Hindi ito nakarehistro sa kahit saang record ng task force.”“Kamag-anak mo ba ang may-ari?”“Lola ko. Pumanaw siya noong ako ay disinuwebe.” May bahagyang lungkot sa boses nito. “Ito ang nag-iisang lugar na ako lang ang may susi.”Hindi siya sumagot. Sa unang pagkakataon ay napansin niyang may mga litrato sa dingding, mga lumang larawan ng isang batang lalaking nakangiti nang malaki sa tabi ng matandang babae. Ibang-iba sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya akalaing marunong palang ngumiti nang ganoon si MJ.Pagkatapos ay napansin niya ang dugo sa manggas nito.“Umupo ka nga.”“Okay lang ako.”“Hindi ako nagtatanong, Agent Valderama.” Ginamit niya a

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 004

    “Ibigay mo sa akin iyan, Ysabel.”Hindi gagalaw si Ysabel. Mahigpit na hawak ang badge, at kahit nanginginig ang kamay niya ay diretso niyang sasalubungin ng tingin ang lalaki.“Agent ka. Hindi ka security consultant, hindi ka rin importer.” Mapait siyang natawa. “May litrato ako sa wallet mo, MJ. Tatlong linggo bago tayo nagkita. Ano ako sa’yo, misyon?”Hindi agad makakasagot si MJ. Pagkatapos ay marahang kukunin ang wallet sa kamay ni Ysabel, saka isinara ang pinto ng apartment at ini-lock. Sisilip ito sa bintana, titingnan ang kalsada, bago muling humarap sa kanya.“Mag-usap tayo” Hindi agad makakasagot si Ysabel.“Ysabel.”Hindi uupo si Ysabel, sasandal siya sa dingding, hawak ang sariling braso na parang protektahan ang sarili.“Ang tatay mo, si Ricardo Dela Vega,” simula ni MJ, mababa at kontrolado ang boses, “ay hindi basta accountant. Labinlimang taon siyang nagtrabaho sa kompanya ni Don Aurelio Sandoval. Ang akala ng lahat ay isa itong negosyante. Ang totoo, pinapatakbo niya

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 003

    Halos hindi nakatulog si Ysabel nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa ang dalawang text, pero kahit ilang beses niyang tawagan ang numero ay hindi na ito sumasagot. In the end, nag-decide siyang pumunta pa rin sa meeting. Kailangan niyang malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.Alas-diyes ng umaga, nakatayo siya sa harap ng isang glass tower sa Ortigas, suot ang pinakaformal niyang blazer at halos grabe ang kaba.Dinala siya ng receptionist sa pinakamataas na palapag, sa isang conference room. Doon ay sinalubong siya ng isang lalaking nasa singkuwenta anyos, naka-grey suit at may fake smile.“Ms. Dela Vega, welcome. Ako si Mr. Lorenzo, ang Vice President ng Aurora Press. Napakahusay ng inyong teaser. Talagang kakaiba ang detalye, para bang totoong totoo.”Kakabahan si Ysabel sa tonong ginamit nito. “Salamat po. Inspirasyon lang po iyon sa mga kuwento ng ama ko.”“Ah, ang inyong ama.” Parang may kumislap sa mata ng lalaki. “Nakakalungkot ang nangyari sa kanya. Anyway, a

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 002

    Limang linggo ang lumipas.Sa loob ng limang linggong iyon, ilang beses na ring tinangka ni Ysabel na kalimutan ang lalaking nagngangalang Marco. Walang number, walang apelyido, at nang bumalik siya sa hotel para magtanong ang sinabi ng receptionist, “Pasensya na po, Ma’am, confidential po ang guest information.”Isang one-night stand lang naman iyon, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili. Isang gabi, isang pagkakamali. Ganoon naman talaga ang mga nangyayari sa mga bar, hindi ba? Hindi iyon katulad ng mga nobelang isinusulat niya kung saan laging may happy ending.Ang nakakainis lang, simula nang gabing iyon ay bumalik ang gana niyang magsulat. Hindi nga lang romance. Isang action na kwento ang sinusulat niya, tungkol sa isang accountant na nag-iwan ng isang lihim na Ledger, at sa anak niyang babaeng hinahabol ng mga taong hindi niya kilala. Gamit niya ang ilang numero at salitang nakita niya sa lumang notebook ng tatay niya, para lang maging makatotohanan ang kuwento.Nai-post na niya

  • The Spy Who Got Me Pregnant    Kabanata 001

    “Isang linggo na lang, Ysabel. Isang linggo, at kapag wala pa rin akong natatanggap na kahit isang chapter, ika-cancel na ng publisher ang kontrata mo.”Tahimik na nakatingin si Ysabel Dela Vega sa laptop niyang nakabukas sa isang blankong page. Isang buong page na parang pinagtatawanan siya.“I'm sorry po, Ma’am. Susubukan ko po.”“Susubukan?” Hihinga nang malalim ang editor niyang si Ma’am Corazon sa kabilang linya. “Tatlong buwan ka nang sumusubok. Ang Sweet Surrender mo, number one iyon sa app noong nakaraang taon. Nasaan na ang Ysabel Dela Vega na iyon?”Hindi niya alam. Iyon ang masakit na katotohanan. Isang kilalang romance writer si Ysabel sa edad na bente-siyete, may libo-libong mambabasang naghihintay sa bawat update niya, pero dalawang taon na simula nang mamatay ang ama ay para bang nawala rin ang kakayahan niyang magsulat tungkol sa pag-ibig. Paano ka nga naman magsusulat ng happy ending kung ang sarili mong buhay ay punong-puno ng tanong na walang sagot?Pagkababa ng taw

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status