Masigabong palakpakan ang sumalubong sa mga tenga ni Bella habang naglalakad siya sa aisle, magkahawak ng kamay nila ni Leon. Ramdam niya ang bigat at higpit ng pagkakahawak nito—para bang sinasadya siyang pabitawin. Sa likod ng kanyang belo, ngumiti siya nang tipid, natatakot na baka mabisto ng mga bisita ang katotohanan: isa lamang siyang huwad. Hindi siya ang bride na hinihintay nila.
Nang malapit na sila sa pintuan, bumukas ang cathedral doors. Pumasok ang nakakasilaw na liwanag ng araw, sinabayan ng sunod-sunod na flash ng mga camera. Pilit na tinutulak ng mga guwardiya ang mga press paatras, ngunit nangingibabaw pa rin ang sigawan. “Dito! Dito po, Mr. Veyra! Isang picture pa!” Para sa lahat, ito ay isang pagdiriwang—parang koronasyon ng isang hari. Para kay Bella, isa itong panlilinlang. “Smile,” bulong ni Leon, malamig at mababa ang boses. “Don’t make them wonder why my wife is unhappy on our wedding day. You wouldn’t do that… would you?” Pinilit ni Bella na ngumiti, kahit parang nasusunog ang kanyang pisngi. His heart was aching, and her lungs begged to breathe properly. This day was too much. Tahimik ang biyahe papunta sa Veyra Estate. Walang nagsalita, at nakabibingi ang katahimikan. Nakaupo si Leon sa tabi niya sa limousine, tila relaxed ngunit hindi inaalis ang titig sa kanya. Yumuko na lamang si Bella, nakatitig sa wedding vow booklet na hawak-hawak niya, umaasang hindi mapapansin kung gaano kahigpit ang pagkakakapit niya rito. Sa Veyra Estate, naghihintay ang engrandeng ballroom. Mala-pelikula ang tanawin—kumukutikutitap ang mga kristal na chandelier, sumasayaw ang mga ilaw sa gintong tablecloths, at ang tunog ng violin ay bumabalot sa gabi. Tumayo ang announcer at buong lakas na idineklara: “Mr. Leonardo Veyra and Mrs. Marisella Alcaraz-Veyra!” Muntik nang matumba si Bella sa narinig. Mrs. Marisella Veyra. Parang mga kadena ang bumalot sa pulsuhan niya. Inalalayan siya ni Leon nang walang kahirap-hirap, para bang sanay na sanay sa pagpapanggap. Sa harap ng lahat, siya ang perpektong groom—kalmado, may kontrol, untouchable. Sa mesa, nakaupo ang kanyang pamilya. Ang ina niya, nakangiting pilit habang may bakas ng luha; ang ama naman, parang batong walang emosyon. Bumigat ang dibdib ni Bella. Shame. Guilt. Terror. Hinila ni Leon ang upuan para sa kanya bago siya umupo. Sa malayo, mukha silang masayang bagong kasal. Pero sa malapitan, ang mga salita ni Leon ay parang talim ng kutsilyo. “Tell me,” he murmured, “do you often keep what isn’t yours?” Nanlaki ang mga mata ni Bella. Tumingin si Leon sa kanyang mga kamay. “The vows.” Halos mapahinto siya sa paghinga. Hindi niya namalayang nakita pala ni Leon ang booklet. “They’re Marisella’s,” mahina niyang bulong. Ngumiti si Leon, malamig. “Are they?” Bago pa siya makasagot, nagtawanan ang mga bisita at sabay-sabay nag-toast. Nagtaas din ng baso si Leon, perpekto ang maskara. Ngunit sa ilalim ng mesa, mariin niyang hinawakan ang kamay ni Bella—unyielding, possessive. Parang lalabas ang puso niya sa dibdib, pero hindi niya binawi ang kamay. Natapos nang maaga ang gabi para kay Bella. Wala siyang nakakain sa mga handa; ang bawat talumpati ay nagpapaalala lang na ang kasal na ito ay hindi pag-ibig kundi transaksyon. Nag-uusap na rin ang mga Veyra sa plano nilang expansion ng business. Kaya napagtanto niya na talagang ang kasalang ito ay isa lamang transaksyon, wala ng iba. Nang tumugtog ang unang nota ng waltz, gusto na niyang sumuka. “I can’t,” bulong niya nang tumayo si Leon. “Yes, you can,” sagot nito, inilahad ang kamay. Wala siyang pagpipilian. Pinayagan niya itong igiya siya sa gitna ng dance floor. Ang bisig ni Leon ay mahigpit sa kanyang baywang. Sa mga bisita, perpektong waltz iyon. Pero para kay Bella, parang mga tanikalang pumipigil sa kanya. “Nanginginig ka,” natatawang bulong ni Leon. “Relax, wife. Everyone’s watching.” Relax, wife. Mistulang mga salitang pilit namamayani sa magulong isip at hindi mawaring pakiramdam ni Bella. Kinain niya ang kaba. “I don’t know how to do this,” she admitted. “You’re doing fine.” Dumampi ang labi ni Leon sa kanyang tainga, malamig ang boses. “But don’t lie to me again, Isabella.” Nalaglag ang kanyang sikmura. Isabella. Tinawag niya sa tunay na pangalan. “Alam mo,” bulong ni Bella. “Of course.” His smile dazzled for the crowd, but his eyes cut into her. “Did you think I wouldn’t?” “Bakit mo tinuloy? You could’ve stopped it.” “Because I don’t allow myself to be humiliated,” sagot niya. “If your sister thought she could run, she was wrong. I’ll find her.” Humigpit ang hawak niya sa baywang ni Bella. “And until then—you’ll do.” Parang sumabog ang dibdib niya. Tama ang lahat: ruthless, cold. Danger. Natapos ang sayaw. Palakpakan ang mga tao, hindi batid ang unos sa pagitan nila. Nakangiti si Leon, nag-bow. Hinalikan niya ang kamay ni Bella—para lang sa palabas. At habang inaakay siya pabalik, hindi pa rin mawala sa isip ni Bella ang mga salitang iyon: You’ll do. At sa bawat tibok ng kanyang puso, lalong malinaw ang katotohanan—hindi ito kasal na nagligtas sa kanya mula sa iskandalo. Ito ay kulungan. At hindi niya alam kung may paraan pa para makawala.Ang liwanag ng bagong umaga ay bumuhos sa likod ng mga bintana ng penthouse, naglilikha ng gintong repleksyon sa marmol na sahig. Sa labas, ang siyudad ay nabubuhay na para bang walang nagbabago — paulit-ulit, isang cycle. Pero para kay Bella — Isabella Alcaraz na ngayon ay Isabella Alcaraz-Veyra — wala nang paulit-ulit; hindi na siya sumusunod sa siklo.Nakaupo siya sa dulo ng breakfast table; ang porselang tasa na naglalaman ng tsaa ay nanginginig nang bahagya sa hawak niya. At sa tapat niya ay si Leon — with perfect composure, binabasa ang financial paper na para bang wala lang sa kanya ang kumakalat na mga balita sa media at bali-balita. Bella’s family affairs rose from the ashes burned by the journalist and feast by the rivals.“Relax,” he said without looking up. His voice was smooth, clipped, as if he were speaking to a junior executive, not his bride. “The scandal is contained. The tabloids are already running retractions.”Napakurap si Bella sa sinabi ni Leon. “So quickly?”H
Ang umaga matapos ang kasal, habang ginigising ng araw ang siyudad sa labas, si Bella ay tila walang init na nararamdaman. Nakaupo siya sa dulo ng california-king bed na hindi kanya; nasa loob siya ng penthouse na hindi niya tinuring na tahanan at nakasuot ng robang pantulog na hindi niya pinili. Bawat detalye sa paligid ay sumisigaw ng karangyaan, pero para sa kanya, isa lamang itong gintong kulungan.Nakatapat sa nightstand ang vow booklet — hindi nagalaw; kapansin-pansin ang gintong lettering sa pabalat nito sa ilalim ng liwanag. My Vows. Ayaw niyang makita o mahawakan iyon, pero hindi rin niya kayang itapon. Ito ang nag-iisang bagay na pakiramdam niyang para sa kanya, kahit hindi naman talaga para sa kanya.May katok sa pintuan na pumukaw sa kanyang atensiyon. “Mrs. Veyra,” isang formal at brisk na tinig. “Sir requests you in the dining hall.”Nanlamig ang loob ni Bella sa pagbigkas ng pangalang iyon. Mrs. Veyra. Pilit niyang pinilit tumayo at sumunod papunta sa dining hall.Pagpa
Parang malabong tubig na lang ang tingin ni Bella sa liwanag ng ballroom habang patuloy na lumalalim ang gabi. Tawanan, sigawan, kasiyahan, musika, ang pagtama ng mga wine glasses—lahat iyon ay sumasalpok sa kanya na parang rumaragasang alon na hindi na niya kayang pigilan. Ngumingiti siya kapag kailangan, tumatango at sumasagot kapag kinakausap, pero ang utak niya ay lumilipad kung saan-saan.Wala siyang nararamdaman kundi ang init ng mga kamay ni Leon at ang bigat ng pag-alalay nito sa likod niya. Hindi niya tinanggal o nilipat ang hawak. Para sa mga bisita, sweet and affectionate. Pero para kay Bella, parang kadena iyon—isang hawak na ayaw siyang pakawalan.Nang matapos na ang huling toast at final dance, unti-unti nang kumonti ang mga tao. Isa-isa silang nagsialisan, bitbit ang kani-kanilang regalo at sobre ng pera isa-isa silang nagpaalam bilang congratulations. Exhausting. Umasa si Bella na isa sa libong paalam na iyon ay para rin sa kanya—na sana makaalis na siya.But soon, the
Masigabong palakpakan ang sumalubong sa mga tenga ni Bella habang naglalakad siya sa aisle, magkahawak ng kamay nila ni Leon. Ramdam niya ang bigat at higpit ng pagkakahawak nito—para bang sinasadya siyang pabitawin. Sa likod ng kanyang belo, ngumiti siya nang tipid, natatakot na baka mabisto ng mga bisita ang katotohanan: isa lamang siyang huwad. Hindi siya ang bride na hinihintay nila. Nang malapit na sila sa pintuan, bumukas ang cathedral doors. Pumasok ang nakakasilaw na liwanag ng araw, sinabayan ng sunod-sunod na flash ng mga camera. Pilit na tinutulak ng mga guwardiya ang mga press paatras, ngunit nangingibabaw pa rin ang sigawan. “Dito! Dito po, Mr. Veyra! Isang picture pa!” Para sa lahat, ito ay isang pagdiriwang—parang koronasyon ng isang hari. Para kay Bella, isa itong panlilinlang. “Smile,” bulong ni Leon, malamig at mababa ang boses. “Don’t make them wonder why my wife is unhappy on our wedding day. You wouldn’t do that… would you?” Pinilit ni Bella na ngumiti, kahit
Nangingibabaw at umaalingasaw ang amoy ng mabango at mga puting rosas sa hangin, halos mapuno ang loob ng bridal suite ng San Antonio de Padua Cathedral. Ang mga kristal na chandelier ay naglilikha ng maliliit na repleksyon sa mga salamin at ilang bagay sa loob ng suite, nagbibigay ng kagandahan at kaperpektuhan dito. Pero si Isabella “Bella” Alcaraz ay walang kaalam-alam kung gaano kaganda at kaperpekto ang araw na ito. Nakaupo lang siya sa dulo ng isang velvet couch, magkasaklob ang mga kamay at halos mamuti na ang mga kamao niya sa sobrang higpit. Sa tapat naman niya ay ang kanyang kapatid, prenteng nakaupo sa harap ng vanity mirror, napapaligiran ng mga bridesmaid at make-up artist. Si Marisella—ang tinaguriang Family’s Jewel ng pamilyang Alcaraz. Ang napiling mapangasawa ni Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa, at nakakatakot na bilyonaryong tagapagmana ng Veyra Global Holdings. Katulad ng nakasanayan, si Bella ay prente sa gilid lang, na para bang anino ng k