Share

The Substitute Wife of Mr. Dela Fuente
The Substitute Wife of Mr. Dela Fuente
Author: mavi

Chapter 0

Simula

“Amora! Amora!”

Natigilan ako sa paglilinis ng alaga naming baboy nang narinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan na si Kristal. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya.

“Bakit?” nagtataka kong tanong at bumuga ng hangin. 

Hingal na lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.  

“Nahimatay ang nanay mo!" natataranta niyang sabi sa akin. 

Nabitiwan ko ang hawak ko na tabo nang marinig ko iyon. Napasinghap ako at agad tumakbo patungo sa bahay. Nangilid ang aking luha sa nalaman. 

“Nay!” sigaw ko nang nakarating sa bahay. 

Naabutan ko na ibinangon siya ni Tatay mula sa pagkabulagta sa sahig. 

Natigilan ako at tumulo ang luha aking mata. “N-Nay!”

Nanlisik ang mata ni Tatay nang makita ako. “Saan ka ba nanggaling, Amora? Hindi mo man lang binantayan ang Nanay mo!”

Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin kay Nanay na walang malay. Kumirot ang puso ko at biglang nanghina. 

Si Kristal na kararating lang ay agad tinulungan si Tatay sa pagbuhat kay Nanay patungo sa kama. 

“Nagpakahirap ako sa pangingisda tapos ikaw, naglalakwatsa lang?”

Lumapit ako sa kanila. “Hindi ako naglakwatsa, Tay! Nilinisan ko ang baboy—"

“Kahit kailan ay pabigat ka talaga sa bahay na ito. Hindi mo dapat iniwan ang Nanay mo dito!”

Nanlumo ako at napatingin kay Nanay na putlang-putla. “T-Tay, dalhin na kaya natin si N-Nanay sa ospital…” nanginginig ko na sabi. “Baka iba na iyan, Tay!”

“May pera ka ba, ha?” singhal niya sa akin. “Kung naghanap ka lang ng trabaho, eh, sana may pang-ospital na tayo sa Nanay mo! Oh hindi kaya manghingi ka sa totoong tatay mo! Iyon! Iyon ang gagawin mo Amora para makatulong ka naman sa amin! Humingi ka ng pera!”

Bigla akong nanghina. Ilang beses nang nahimatay si Nanay at nang tinanong ko naman siya ay sinabi niya sa akin na ayos lang siya. Pero ito, hindi na ito ayos. 

Napaupo na lang ako sa sobrang panghihina. Nang lumapit sa akin si Kristal ay tinapik niya ang balikat ko. 

“O-Okay lang iyan, Amora. Magiging maayos din si Auntie Belinda. Hindi mo naman kasalanan.” Umupo siya sa tabi ko at saka niyakap ako. “Magiging okay lang din ang lahat.”

Pumatak ang luha sa aking mata. “Ano ang gagawin ko? H-Hindi ko kaya na mawala si Nanay…”

“Siguro mas mabuting manghingi ka ng tulong sa totoo mong tatay, Amora," suggest niya. 

Namilog ang mata ko at binalingan si Kristal na ngayon ay nag-iwas na ng tingin sa akin. Kumalas siya sa yakap. 

“Pasensya na pero mapera naman ang tatay mo at anak ka niya,” dagdag niya pa. “Baka barya lang sa kanya ang babayarin sa ospital.”

Huli kong nakausap si Daddy ay noong nakaraang buwan. Nagpunta siya rito upang sabihin sa akin na magpanggap bilang si Amore. Hindi ko tinanggap ang gusto niya dahil mali iyon. Galit siya sa akin at baka imposible niya akong tutulungan. 

“Sana nga ay tutulungan niya ako…” bulong ko na lang sa sarili ko. 

Hindi man siya naging ama sa akin, pero ang kanyang tulong ay malaking impact na sa akin. Hindi ko na sisilingin ang kanyang pagkukulang kapag tutulungan niya ako. 

*** 

“Tulungan niyo po ako,” naiiyak ko na sabi. “Tulungan niyo po kami. K-Kailangan ko po ng pera. Kahit iyon na lang po. Hindi na ulit ako manggugulo sa inyo,” halos pagmamakaawa ko. 

Gabi nang biglang bumisita si Daddy kasama ang kanyang mga tauhan. Hindi ko alam kung ano ang ipinunta niya rito ngunit nagkaroon ako ng pag-asa. Walang nakakaalam na anak niya ako bukod kay Kristal, Nanay, at Tatay. 

“After you declined my request, manghihingi ka ng tulong sa akin?” taas-kilay niyang tanong sa akin. 

Pumatak muli ang luha sa aking mata. “P-Pasensya na po—”

“I am here to remove all of you in this land. After all, this is mine, Amora…” He smirked. 

Namilog ang mata ko at biglang hinawakan ang kanyang kamay. Nagulat siya sa ginawa ko. 

“N-No. Huwag niyo pong gawin iyan. Kawawa ang mga tao.” Umiling ako nang paulit-ulit. “T-Tatanggapin ko po. H-Huwag mo silang paalisin dahil w-wala na po silang matitirhan. T-Tatanggapin ko po b-basta tulungan niyo po ako. Kailangan ko po ng pera…” Pinagtagpo ko ang aking palad at halos lumuhod na sa harap niya.

Tiningnan niya lang ako na umiiyak bago siya ngumisi at hinawakan ang baba ko. “Really? You will accept my offer?”

Agad-agad ako na tumango. “O-Opo. Gagawin ko ang gusto niyo basta huwag niyo lang sila paalisin sa lugar na ito.”

“Hmm…” Umupo siya sa isang upuan at saka sinenyasan ang mga tauhan niya. “Huwag na. My daughter will do her job. Cancel na ang pagpapaalis sa kanila.”

Mas lalong pumatak ang luha sa aking mata. 

“I will send money to your foster parents at sasama ka sa akin ngayon, Amora. Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagigising si Amore at ngayon ang uwi ng kanyang asawa. Ang alam lang ni Eureko ay nagbabakasyon si Amore and he is expecting your twin sister’s presence tonight.”

Kinuyom ko ang kamao ko. 

“Magpapanggap ka bilang si Amore, Amora. Kapalit ng serbisyo mo ay ang pera na gusto mo at pangkabuhayan ng mga taong mahal na mahal mo sa lugar na ito.”

The same night, tulog na sila Nanay at Tatay nang umalis ako. Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon na magpaalam sa kanila. Hindi nila alam na may ganitong pangyayari sa buhay ko. Ayaw ko lang na mag-alala sila sa akin lalo na si Nanay.

“Wear this…”

Daddy gave me a black contact lenses. Napalunok ako nang tinanggap ko ito. 

“You have a blue eyes habang ang anak ko ay black.”

Kumirot ang puso ko. Anak niya.

Nang nakarating na kami sa malaking mansyon ay bigla akong nalula. Hinawakan ni Daddy ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. 

“Make sure that you will do your job, Amora. Hangga’t hindi pa nagigising si Amore, ikaw muna ang papalit sa puwesto niya,” aniya at sabay kaming pumasok sa mansyon na sobrang ganda at laki. 

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang tuluyan na kaming nakapasok, bumungad sa amin ang mga kasambahay. Binati nila kami at kita at ramdam ko ang takot sa kanilang mga mata. 

“Nandito na po si Ma’am Amore, Sir.”

Huminto kami sa sala kung saan may isang lalaki na nakatanaw sa bintana. Naka-tuxedo siya at nakatalikod sa amin. Binitiwan ako ni Daddy at saka lumapit sa lalaki. 

“Eureko, hijo. I’m sorry. We’re late.”

Napalunok ako lalo na nang unti-unting lumingon sa amin ang lalaki na may hawak pala na wine glass sa kanyang kamay. Nang nagtama ang paningin namin ay napasinghap ako. 

He smirked. “Welcome back, my wife…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status