Share

Chapter 1

“Welcome back, my wife…”

Napalunok ako lalo na nang humakbang palapit sa akin ang asawa ni Amore. Nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo nang hinawakan siya bigla ni Daddy sa braso kaya natigilan siya sa paglapit sa akin. 

“Hijo, Amore is tired. Siguro bukas na lang kayo mag-usap,” ani Daddy sabay tingin sa akin. “Sobrang haba ng kanyang byahe kaya ibigay mo muna sa kanya ang pahinga.”

Muli akong napalunok nang nagtaas ng kilay sa akin ang asawa ni Amore at binalingan niya si Daddy. 

Biglaan itong nangyari sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa harap ng lalaking ito. 

“She doesn’t look tired, Tito Alfonso,” sambit niya at tiningnan muli ako.  “But okay, ihahatid ko siya sa kuwarto namin. Ilang buwan ko siyang hindi nakita at may pag-uusapan pa kami. Right, Amore?”

Hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig sabihin pero tumango ako. “O-Oo.”

Nanliit ang mata niya sa sagot ko bago muling binalingan si Daddy na napailing na lamang sa akin. 

Ang totoo ay kinakabahan ako. Wala akong alam tungkol kay Amore. Ang tanging alam ko, kambal ko siya ngunit siya lang ang kinilalang anak ni Daddy. 

Malas ako sa buhay niya kaya nagawa niya akong ipamigay. Ang sabi ni Nanay sa akin, ibinigay ako ni Daddy sa kanila dahil sa tradisyon ng pamilya ni Daddy na isang anak lang ang kailangan. Hindi puwedeng dalawa o tatlo. 

At ngayong wala ang kinikilala niyang anak, ako ang pumalit pero hindi bilang Amora. 

Ano ba si Amore? Mabait ba siya? Katulad na katulad ko ba? Siguro ay mabait nga siya pero bakit parang takot na takot ang mga kasambahay nang nakita ako? Maybe she’s strict? 

Napalunok ako. 

Hindi ko maitanggi na guwapo ang asawa ni Amore. At sinabi ni Daddy sa akin na ang kasal ng dalawa ay purong negosyo lang. Walang pagmamahal na kasali. Kailangan ang presensya ni Amore dahil kapag hindi ay posibilidad na baka hihiwalayan siya ng asawa niya. Sa tindig pa lang ng lalaking ito, makakahanap agad siya ng babaeng ipapalit kay Amore kapag nagkataon. 

Kailangan nila Dad ang lalaking ito dahil sa pera. 

“Tito Alfonso, salamat sa paghatid sa asawa ko. Ihahatid ko muna siya sa kuwarto namin,” sambit ng asawa ni Amore at lumapit siya sa akin. 

Halos mapaatras ako dahil sa tangkad niya nang makalapit. Napalunok ako ay saka nag-iwas ng tingin.

“Let’s go, Amore,” bulong niya at walang permisong hinapit ang bewang ko kaya namilog ang mata ko sa kanyang ginawa at gulat na napatingin sa kanya. 

Nang tiningnan ko si Daddy ay nilakihan lang niya ako ng mata. Napalunok ako lalo at napatingin sa lalaki na nasa harapan ko. Nanliit ang mata niya sa akin. 

“Mukha kang ibang tao ngayon, Amore,” bulong niya sa akin. “I guess nanibaguhan lang ako dahil sa ilang buwan kitang hindi nakita.”

Nanlamig ako at saka nagbaba ng tingin. “S-Siguro…”

Tigil-hininga ang ginawa ko nang sabay kaming nagtungo sa ikalawang palapag kung saan ang kuwarto namin. Wala akong alam sa mansiyon na ito. Kailangan ko yata itong pag-aralan dahil baka maligaw ako rito at mahahalata na hindi ako si Amore. 

Nang nakarating kami sa kuwarto ay namangha ako sa sobrang ganda. Malaki ang kuwarto at malawak. Malalaki ang bintana at may malalaki rin na kurtina. Malawak din ang kama. Mukhang sakto ang lima hanggang pito ka-tao. 

“W-Wo—Ah!” Napasigaw ako nang biglang may tumulak sa akin mula sa likod kaya nadapa ako sa malambot na kama. 

Akmang babangon na sana ako nang bigla akong dinaganan ng lalaki. Napapikit ako at napakapit sa bedsheet ng kama sa sobrang kaba. Napasinghap ako nang bigla niyang inamoy ang leeg ko. 

“You smell nice today,” bulong niya sa tainga ko na nagpakiliti sa akin. 

“P-Puwede ka bang u-umalis?” nauutal ko na pakiusap. Nasa likuran ko siya kaya sobrang awkward ng posisyon namin. 

He chuckled. “And why? I’ve been waiting for this moment, Amore. Alam mo na hinahayaan lang kita sa kung ano’ng gusto mong gawin sa buhay mo. But babe, we still have a duty to fulfill. You still need to bear my child before you will do whatever you want."

Ano? 

Napatili ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat at saka pinaupo sa kandungan niya. Takot na takot ako sa totoo lang. Hindi pa ako kailanman nahahawakan ng kahit sino na lalaki. Napalunok ako lalo na nang nagtama ang paningin namin. 

“Your eyes look unreal,” seryosong aniya sabay haplos sa pisngi ko. “And you look so innocent.”

Halos pagpawisan na ako. 

“Why are you so rebellious? I knew that you fucked a lot of men. I don’t care about it, Amore. I don’t care how much of a bitch you are. You don’t have any feelings for me. I don’t have either. Our marriage is just purely business but…” Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at saka naibaba niya ang kanyang tingin sa aking labi. “Your lips makes me want to kiss you all night.”

Napangiwi ako. 

“So, can I fuck you?” he asked and licked his lips. 

Namilog ang mata ko sa sobrang gulat. Nanigas ako lalo na nang nakita ko ang kasabikan sa kanyang mata. 

Fuck? Birhen ako at hinding-hindi ko gagawin iyon kasama ang lalaking ito! Hindi ko gagawin iyon. Hindi ko isusuko ang sarili ko sa kanya dahil hindi ako si Amore. I am Amora! 

Nanginig ang kamay ko nang unti-unti niya akong hiniga sa malambot na kama. 

Nang nagtama ang paningin namin ay nakita ko na bigla siyang natigilan. Hindi ako narito para lang magpahawak sa lalaking ito. Hindi ko siya kilala. Hindi ko rin siya gusto. Wala siyang karapatang hawakan ang katawan ko. Wala siyang karapatan na ganoon-ganoonin ako dahil hindi niya ako asawa. 

Kinuyom ko ang kamao ko. But I have to be Amore. Ngayon, ako si Amore. 

“You really look so innocent, Amore. Na parang wala kang kinakamang lalaki bago ako,” matigas niyang sambit at nang akmang ilalapit na sana niya ang kanyang mukha sa akin. Biglang lumipad ang palad ko sa kanyang kaliwang pisngi. 

“What the—” Gulat na gulat siyang napatingin sa akin matapos ko siyang masampal. Ako rin ay nagulat kung bakit ko iyon ginawa. 

“Did you just slap me?” hindi makapaniwala niyang tanong. 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka malakas siyang itinulak palayo sa akin. 

“S-Sorry, g-gusto ko magpahinga.” Niyakap ko ang sarili ko at halos hindi na makatingin sa lalaking nasa gilid ko na. 

“Damn…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status