Share

Chapter 3

 Iniwan ako ni Eureko na tulala. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Totoo ba iyon? Na mamamalagi na siya rito sa mansiyon? Hala! Paano na? Akala ko pa naman…

“M-Ma’am, okay lang po ba kayo?” medyo takot na tanong sa akin ng isang kasambahay na nag-alinlangan pang lumapit sa akin. 

Binalingan ko siya. “Narinig mo ba ang sinabi niya?”

Napakurap-kurap siya at tumango. “O-Opo.”

Nanlumo ako. Paano na? Hindi ko akalain na mananatili siya rito. Baka nagduda na iyon. Hindi naman siguro niya kilala ang asawa niya, hindi ba? Hindi naman sila nagpapansinan ni Amore base sa sinabi sa akin ni Rica. Pero kahit na, hindi pa rin ako makampante. 

“Bakit ba kasi siya mananatili rito?” Napatingin ako sa pinggan ko na wala ng laman. 

Bumuntonghininga ako at saka tumayo na. Ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko ngunit nagulat ako nang agad akong pinigilan ng kasambahay na nakausap ko kanina. Napaatras ako sa gulat at napatingin sa kanya. 

Nakita ko na natakot siya sa tingin ko. Nahuli ko kasi siyang napalunok. 

“A-Ako na po ang m-magliligpit, Ma’am,” nauutal niyang sabi sa akin at saka dali-daling iniligpit ang pinagkainan namin ni Eureko. 

Agad ko siyang tinulungan. Hinawakan ko ang baso na ginamit ni Eureko. 

“Huh? Okay lang naman.”Medyo natawa ako. “Kaya ko nama—”

Nakagat ko ang ibabang labi ko at natigilan nang may napagtanto ako. 

Muntik ko nang makalimutan. Hindi nga pala ako si Amora. Ako si Amore sa pamamahay na ito. Wala akong magawa kundi magpanggap bilang siya. 

Binitiwan ko na lang ang baso at saka umatras na. Hinayaan ko na lang ang kasambahay na ligpitin ang aming pinagkainan. 

Hindi ako sanay na may magliligpit para sa akin pero kailangan kong masanay dahil senyorita pala si Amore dito. Hindi pinapatrabaho. 

Napagdesisyonan ko na magtungo na lamang sa kuwarto. Hindi ko pa kabisado ang malaking mansiyon na ito. Ang tanging alam ko lang ay ang malawak na sala, hapagkainan, kusina, at ang kuwarto ng asawa ni Amore. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa asawa ni Amore. Ngayong sinabi niya sa akin na dito na siya mamamalagi, ang ibig sabihin no’n ay araw-araw ko na siyang makikita at makakasama. 

Sana ay magising na si Amore. Iyon lang ang tanging hiling ko dahil totoong nakakakonsensya itong ginagawa ko. 

***  

“D-Dad…” Luminga-linga ako habang hawak-hawak ko ang telepono dito sa kuwarto. “Si Amora po ito.”

“Hello, Amore.”

Kumirot ang puso ko sa pangalan na binanggit niya. Alam niya na si Amora ako ngunit ibang pangalan ang kanyang binanggit. 

Pinigilan ko ang sarili ko na maluha. 

“D-Dad, si Amora po ito," sambit ko at hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa telepono.  

“Alam ko, hija,” malamig niyang sambit sa kabilang linya. “Pero hindi ba at ikaw si Amore sa pamamahay na iyan? Dapat lang kitang tawaging Amore.”

Mas lalong kumirot ang puso ko at hindi nakapagsalita. 

“Bakit ka nga pala tumawag? May problema ba?” tanong niya. 

Umayos ako sa aking puwesto. “A-Ang sabi po ng asawa ni Amore, dito na raw siya mamamalagi simula ngayon.” Napalunok ako lalo. “D-Dad, paano ito? Wala akong kaalam-alam tungkol kay Amore at mas lalong hindi ko alam kung ano ang nangyayari dito.”

“Nagrereklamo ka ba, hija?”

Natahimik ako. 

“Kaya nga may pinadala ako na tao riyan para maging assistant mo. At isa pa problema mo iyan, Amora. Pinadalhan ko na ng pera ang magulang mo gaya ng pangako ko kaya sana ay tutupad ka rin, Amora. Hangga’t hindi pa nagigising ang kakambal mo, diyan ka lang. Huwag mong sirain ang lahat, Amora.”

At walang sabi-sabing binabaan niya ako ng tawag. Napayuko ako habang nanginginig na binaba ang telepono sabay punas sa luha na tumulo sa aking mata.

Tama nga naman siya. Bakit ako nagrereklamo? Trabaho ko naman ito. 

“Are you okay?”

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng boses ng asawa ni Amore na si Eureko. Bigla akong napaiwas ng tingin nang napansin ko na tanging shorts lang ang suot niya.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. 

“You don’t look okay. Para kang nakakita ng multo,” aniya sabay tungo sa malaking kama naming dalawa. 

Hindi ko talaga alam kung paano ko siya patutunguhan. Hindi ba talaga sila nagpapansinan ni Amore? Bakit ganito siya makitungo sa akin ngayon? 

Nang nakarating sa may kama si Eureko ay humarap siya sa akin at saka siya umupo sa malambot na kama. Tiningnan niya ako gamit ang kanyang malamig na ekspresyon. Napalunok ako at halos maubusan na ng laway sa sobrang kaba.  

Napasinghap ako nang tinapik niya ang kama. “Halika. Tabihan mo ako sa pagtulog.”

Bigla akong kinabahan. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ko. 

“Hey…” Tinagilid niya ang ulo niya. “I’m staying here to fulfill my duty, Amore. Come on, alam ko na gusto mo rin ito.”

Kinuyom ko ang kamao ko. 

“You literally fucked men behind my back, Amore.” Lumamig lalo ang boses niya at napaatras ako nang tumayo siya at marahas na naglakad palapit sa akin. “So, don’t act like a virgin here.”

Nang nakalapit na siya sa akin ay walang kahirap-hirap niyang hinapit ang bewang ko. Napapikit ako nang pinag-isa niya ang aming noo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napasinghap pa ako lalo na nang hinaplos niya ang pisngi ko. 

“You really are a scary kitten, huh? What happened? You changed?”

Napatili ako at naimulat ko ang mata ko nang bigla niya akong kinarga at binagsak sa malambot na kama. Namilog ang mata ko nang dinaganan niya ako. 

“H-Huwag.” Inilagay ko ang palad ko sa dibdib niya. 

Umangat ang kilay niya at natawa. “Huwag? Why? Hmm? I’m not forcing you, Amore. This is our duty. To give our parents a grandchild.”

Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi ako si Amore! Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kanya dahil hindi ako si Amore. 

“P-Pagod ako…” Pumikit ako at halatang-halata na sa akin ang panginginig. “Gusto ko na m-matulog.”

“Bullshit!” 

Hinampas niya ang gilid ko sabay alis sa pagkadagan. Inis niya akong tiningnan at saka napailing na lamang. Kinagat ko ang ibabang labi ko lalo na nang nakita ko siyang kumuha ng unan at kumot sabay tungo sa may sofa. Umawang ang labi ko nang muli niya akong binalingan na may samang tingin bago niya ipinuwesto ang sarili sa malaking sofa. 

Bigla akong nakonsensya.

Sana talaga ay magigising na si Amore. Hindi ko yata kaya ang pagpapanggap na ito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status