Share

CHAPTER SEVENTEEN

CALISTA

“C-Cali . . . P-Please help me!”

Napatutop ako sa sariling bibig dahil sa aking nasasaksihan. Hindi ko siya kayang tignan. Tagaktak na ang pawis ko sa noo at sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

“C-Clarisse,” nasambit ko.

Naliligo na siya sa sarili niyang dugo at pilit niyang inaabot ang aking kamay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Gustuhin ko mang sumigaw at humingi ng tulong ngunit tila mayroong pumipigil sa akin.

“H-hindi ko kaya, Cali. H-hindi ko pa kayang iwanan si Dayne! Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako!” Garalgal na ang boses niya at nanghihina na. Pilit pa rin niyang inaabot ang kamay ko kaya’t humugot ako nang malalim na hininga at lakas para abutin iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang kamay na unti-unting naglalaho. Ang kanina

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status