Share

Chapter 4

Author: Covey Pens
last update Last Updated: 2022-11-30 17:49:35

"O Pierce! Sa iyo na to si miss byutipul! Miss, sa kaniya ka na sumakay."

Inis na tinaliman ko ng sulyap ang driver ng tricycle na sasakyan ko sana. Hindi na ako lumingon pa para tingnan si Pierce. Masisira lang ang araw ko. Good mood pa naman ako ngayon dahil nakapasa ako sa exam last week.

"Seryoso ka mama? Di ba ikaw ang nakatorno dito? Bakit mo ako ipapasa sa iba?" nagtitimpi kong saad.

Nagsipulan at nagkantiyawan ang mga driver na nakarinig.

"Ang taray."

"Palaban."

"Bagay sa bata natin."

"Kasi miss byutipul, may pupuntahan pa pala ako diyan sa kabila."

Ininguso nito ang hardware sa tapat ng paradahan.

"May bibilhin pa pala akong piyesa nitong motor. Sige na, kay Pierce ka na sumakay."

Inihampas-hampas nito sa likod ang t-shirt na nakasampay sa hubad na balikat.

Saglit na sinulyapan ko ang lalaking prenteng nakaupo sa motor nito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa may edad na lalaking wala na sigurong pinagkatandaan sa pang-aalaska.

"Sino po ba ang sunod na lalarga? Hindi naman nakalinya ang lalaking sinasabi niyo."

Unti-unti nang nag-iinit ang bumbunan ko idagdag pa ang mainit na buga ng hangin at sikat ng araw.

"Ay, hindi na kailangan kung nakalinya ba si Pierce o hindi. Matic na 'yan basta ikaw ang pasahero 'di ba mga kasama?"

"Oo naman!"

"Si Pierce pa! Malakas samin yan!"

"Galingan mo bata!"

Naghiyawan pa ang ilan.

Wala na akong nagawa kundi humakbang patungo sa lalaki na iiling-iling habang pumupwesto sa motor. Tiim-bagang na sumakay ako.

"Enjoy ba ha? Hindi mo matanggap ang rejection ko kaya ginagamit mo sila? Sinabi ko lang na di kita gusto, triggered ka na agad? Mga lalaki nga naman!"

Inirapan ko ang lalaki at naiinis na humalukipkip. Sinamaan ko ng tingin ang mga driver na nagtatatawanan pa rin.

Pinaandar na ni Pierce ang tricycle.

"Ang cute mo kapag galit. Mas lalo kang gumaganda."

Sarkastiko akong tumawa. "Alam kong na-offend kita noong isang gabi kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka natutuwa ngayon. Pasalamat ka maganda ang araw ko kundi natikman mo na kung pano ako magalit."

"Nakikipagkaibigan lang, Xylca. Nirerespeto ko naman ang relasyon mo at ng boyfriend mo."

"Nakikipagkaibigan? Duda ako. Mukhang patay na patay ka sa akin e. Love at first sight kuya? Aba, mga batang hamog at tangang teeenager na lang ang maniniwala diyan. Kaya ikaw, lubayan mo ako, ha. Oo, gwapo ka kuya pero pass ka sa akin. Katawan mo lang ata maipagmamalaki mo e."

Nanahimik ang lalaki.

"Pera pera na lang ba talaga? Hindi ka ba naniniwala sa pag-ibig?" untag nito maya-maya. May nahimigan akong kung anong kalungkutan sa boses nito.

"Nakakain ba yan? Nakakabusog? Kung hindi eh wala akong pakialam diyan. Mas marami pang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin."

"Ibig sabihin hindi mo mahal ang nobyo mo?"

"Mahal siyempre."

"Ah kasi may pera."

Natawa ako.

"Bingo!"

"Wala man akong pera sa ngayon pero swerte naman ang mamahalin ko."

"Tsk. Kasi malaki ang k*****a mo, kuya? Oo, alam kong kinakain iyan pero di naman iyan nakakabusog. Wala namang sustansya ang lumalabas sa inyo. Parang malabnaw na gatas na hinaluan ng maraming tubig."

Pumalatak ako.

Humalakhak ang lalaki.

"Alam mo, gusto na talaga kita. Aylab your personality."

"Salamat pero di kita gusto."

"Wag kang mag-alala, natututunan ang pag-ibig."

"Slow learner ako. Kung ikaw na lang din naman, pipiliin ko na lang ang maging mangmang habangbuhay."

"Wag kang magsalita ng tapos. Baka kainin mo ang mga sinabi mo."

"Isa lang naman ang makakapagpabago ng isip ko. Pera. Kapag yumaman ka tapos gusto mo pa rin ako, magugustuhan din naman kita agad."

Hindi na nagsalita ang lalaki hanggang marating namin ang university. Nang huminto ito ay dumukot ako ng pera.

"Sakay ka uli sakin mamaya, Xylca. Babaguhin ko ang pananaw mo tungkol sa pag-ibig. Ipapaintindi ko sa iyo na higit sa pera at materyal na bagay, pag-ibig ang pinakamahalaga sa buhay."

Kunot ang noong tinitigan ko siya. "Kumain ka na. Gutom lang iyan." Inilagay ko ang bente sa sisidlan nito ng barya at bumaba.

"Seryoso ako. Aabangan kita mamaya. Hihintayin kita rito," determinado nitong saad.

"Stalker ba kita? Ang malas ko naman. Sarili kong stalker pinagbayad pa ako ng pamasahe."

Tila hindi ininda ng lalaki ang patama ko. Kumindat pa ito.

"Mag-aral ka ng mabuti. Mag-ingat ka na rin. Mamahalin pa kita."

Itinaas ko ang gitnang daliri at itinutok sa mukha nito.

"Pakyu with feelings, kuya. Galawan mo pang 13 years old na kakatuli pa lang. Tse!"

Isinukbit ko ang bag sa balikat at nagmartsa na papasok sa university.

"XYLCA, may stalker ka ata. Kanina pa tayo sinusundan ng lalaking iyon, o. May atraso ka ba diyan? Utang? Baka naman ex mo iyan. Di pa nakamove-on sa iyo kaya ka sinusundan?"

Bahagya ko lang na tiningnan si Pierce mula sa likuran at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hayaan mo na siya. May sira sa utak iyan kaya ganiyan."

Sinulyapan uli ni Geraldine ang lalaki.

"Parang 'di naman. Parang matino naman si kuya. Tsaka ang gwapo niya, Xylca a. Kilala mo ba iyan? Ngayon ko lang yata nakita ang mukha niya dito."

"Mukha lang matino pero may sabit iyan. Maniwala ka sa akin. Nakita ko siya kanina na bumubula ang bibig."

Nanlaki ang mga mata ni Geraldine at mas binilisan pa ang paglalakad.

"Seryoso ka?! Tapos okay lang sa iyo na may sumusunod na baliw sa atin! Nireport mo na ba iyan? Ang dangerous pala ni kuya!"

Kinagat ko ang labi para pigilan ang tawa.

"Sabi nila hindi naman siya delikado. Behave daw iyan. Hindi nananakit. Habit lang daw talaga niyan na sundan ang mga babaeng magaganda. Nabigo kasi sa pag-ibig kaya nasiraan ng bait."

"Ganoon ba. Kawawa naman si kuya."

"Kawawa talaga."

Naghikab ako at itinaas ang mga kamay sa ulunan at tumingala sa madilim na kalangitan. Bumaba ang tingin ko sa street name sa susunod na kanto. Hinampas ko sa balikat si Geraldine.

"Huy gaga, lampas ka na. Doon ang kanto niyo, o."

Tumigil sa paglalakad si Geraldine at nilingon ang nilagpasan namin na street. Napakamot ito sa ulo.

"Oo nga no. Sige na, Xylca. Una na ako. Mag-ingat ka."

"Sila ang mag-ingat sa akin."

Tumawa ito.

"Oo nga pala. Mag-ingat sila sa kamandag ng nag-iisang Xylca. Uwi na ako. Bye!" Kumaway ito.

Kumaway din ako pabalik.

"Bye. Chat ko na lang sa iyo iyong mga customers mo. Komisyon ko, a."

"Sure! Ikaw pa ba. Salamat!"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ramdam ko pa rin ang presensiya ni Pierce mula sa likuran ko. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kaninang tanghali.

"Pag-ibig, pag-ibig. Ano sya? Batang paslit? Saan ka ba naglululunggang lalaki ka at naniniwala ka pa doon? Oo, totoo ang emosyong iyan pero higit pa sa pera? Kala mo naman kung sinong hindi nahihirapan sa buhay na salat sa pera. Ah, ewan. Hindi ako magaling sa mga analysis analysis na ganito."

Umismid ako.

Nilingon ko ang lalaki na ilang metro ang layo sa akin. Buti naman at alam nitong dumistansiya. Akala ko lalapitan na niya ako ngayong wala na si Geraldine. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ito ginagawa.

Sino ba ang tangang lalaki na susundan ang isang babae para lang ano? Para baguhin ang paningin ko tungkol sa sinasabi niyang pag-ibig? Or talagang tinamaan lang siguro siya sa akin. Hinawi ko ang buhok sa naisip. Pwede. Afam nga nababaliw sa akin, Pinoy pa kaya.

Narating ko ang kanto nang matiwasay. Tahimik lang si Pierce sa buong durasyon ng paglalakad namin. Andoon lang ito sa likod ko na mabagal na naglalakad, pinapakiramdaman ako.

Sumakay ako sa jeep at pumwesto sa pinakadulong bahagi. Pinigilan ko ang sariling lingunin ang lalaki na ramdam ko ang pagtitig sa akin. Pero nadaig pa rin ako ng curiosity. Pumihit ako at tiningnan ang ito. Nasalubong ko ang mga mata nito.

Pinutol ng lalaki ang tinginan namin at bumaba ang tingin sa ibaba ng jeep na parang may binabasa pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa akin. There's a satisfied look on his face.

Nag-iwas ako ng tingin. Ang weird niya sa totoo lang. Pero ang gwapo pa ring tingnan kahit sa simpleng shirt, pantalon at tsinelas. Parang model si kuya. Hindi siya mukhang mahirap. Ilang paligo lang ay magmumukha nang mayaman si kuya.

Sure akong may dugong banyaga ito dahil sa kulay ng mata, sa napakatangos na ilong at sa kutis. Ibang-iba ang binata sa mga kasamahan nito sa pasetoda.

Saglit pa na nagtama ang paningin naming dalawa bago lumarga ang jeep. Kita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi nito bago siya tuluyang nawala sa peripheral vision ko.

Akala ko huli na ang pangyayaring iyon dahil hindi ko na siya nakita kinabukasan ng tanghali. Mali ako. Sobra pa sa mali dahil kinagabihan ay nandoon na naman siya sa eksaktong lugar, nakatayo at mukhang kanina pa ako hinihintay. Binalewala ko siya at naglakad na.

Sumunod ang lalaki sa likuran ko at nagtira ng tamang distansiya. Kagaya noong isang gabi, wala itong kibo. Hinahatid lang talaga ako. Saka pa lang ito lalapit kapag nakasakay na ako sa jeep at tititigan ang kung ano sa ibaba ng jeep.

Nagpatuloy ang kakaibang aktuwasyong iyon ng lalaki ng ilang araw. But this time, may kaunting pagbabago. Akala ko mananatili lang siya uli sa likod ko nun pero mali na naman ako. Tumawid ang lalaki sa kabilang kalsada at sinabayan ang paglalakad ko.

Napangiti ako ng lihim. Hindi ko alam pero nacute-an ako sa ginawa ni kuya. Para itago ang ngiti ko ay yumuko ako at kinuha ang phone. Isinuot ko ang ear pods at nagpatugtog. Itinaas ko ang kamay sa ulunan at tumingala sa langit na puno ng bituin.

Hindi ako romantic na tao pero alam kong may kakaibang nangyari sa gabing iyon. Parang hinaplos ang puso ko na ewan. Parang ang gaan ng pakiramdam ko. I feel so secured.

As usual, sumakay ako sa jeep at tinanaw ang lalaki na nakatingin sa akin. May kakaiba nga siguro sa gabing iyon dahil hindi ko binawi ang mata ko sa kaniya hanggang sa unti-unting lumaki ang aming distansiya at tuluyan nang naglaho  ang kaniyang pigura.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Sugar Baby    63

    Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy

  • The Sugar Baby    62

    Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag

  • The Sugar Baby    61

    "Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa

  • The Sugar Baby    60

    Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano

  • The Sugar Baby    59

    Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-

  • The Sugar Baby    58

    Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status