Share

60

Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.

Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.

Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili.

“Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status