Share

Chapter 5

Author: Covey Pens
last update Huling Na-update: 2022-11-30 17:50:12

"Bruha, tingnan mo ang picture ni sinend sakin ng isang afam ko. Bongga talaga ang katawan, day! Naku! Sarap pisilin! Pariah! Tingnan mo dali."

Kinalabit ko si Pariah na nakatunganga lang sa monitor.

"Pahinga ka muna, gaga. Kalahating araw ka nang nakaharap diyan. Relax din. O, eto. Magmeryenda ka muna ng pan de sal at itlog."

Iniumang ko sa kaniya ang hawak na cellphone.

"Ano ba kasi iyan."

Tumayo ito mula sa silya at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito ang cellphone at tinitigan. Binatukan niya ako.

"Walanghiya ka talaga. Ari iyan ng lalaki, eh."

Humagalpak ako ng tawa.

"Oo fren. It's a long, hard and hairy dick. Grabe no, ang laki pala talaga ng mga penis ng mga Amerikano. Ganito rin ba ang kay Owen?"

Inirapan niya ako at tinuktukan sa ulo.

"Doon ka nga sa labas! Binubwisit mo ako, eh. Nagre-review iyong tao. Doon ka kay Barbie!"

"Ito naman! Para joke lang. Pikon agad."

Humiga ako sa kama at tiningnan uli ang picture.

"Di nga, Pariah. Malaki ba?"

Iniumang nito ang nadampot na libro sa akin at aktong ibabato.

"Oo na! Lalabas na!"

Bumangon ako at tinakbo ang pinto pero bago lumabas ay muli ko siyang nilingon.

"Imagine mo nga uli bes para ma-measure natin."

Isinara ko na ang pinto kaya sinalo nito ang lumipad na libro.

Tatawa-tawang pumunta ako sa kusina kung saan magkasamang nagluluto ng kung ano sina Barbie at Sheki.

"Nang-inis ka na naman. Alam mo namang burn out na iyong tao. Hiwain mo nga tong sibuyas para may pakinabang ka naman."

Ibinigay sa akin ni Barbie ang kutsilyo kaya napilitan akong ibaba ang cellphone sa mesa.

"Inaaliw ko lang. Naduduling na kasi sa kakatitig sa computer."

Nilingon ko si Sheki na tahimik na naghahalo ng kung ano sa kaldero.

"Anyare diyan?"

Nagkibit-balikat si Barbie.

"Ewan. Kanina pa yan ganiyan mula nang dumating yan dito kanina. Kausapin mo nga."

Kinuha ko ang cellphone at nilapitan si Sheki na tulala pa rin. Kinalabit ko siya.

"Sheks, may ipapakita ako sa iyo. Baka sakaling magising ka."

Lumingon siya, blangko pa rin ang mukha.

"Ano?"

Ipinakita ko ang picture sa gallery. Tinitigan niya ito nang matagal bago napailing.

"Wala ka talagang kwenta. Alisin mo nga iyan."

Humalakhak ako.

"Ang laki no kaso maitim lang."

"Saan mo ba nakuha iyan?"

"Uy ano iyan? Patingin ako."

Inagaw ni Barbie ang cellphone sa akin at tiningnan. Nanlaki ang mga mata nito.

"Gago ka Xylca! Kadiri ka! Bat ka may ganiyan?"

Natatawang kinuha ko ang cellphone at ibinulsa.

"Sa isa kong afam. May pagka-weird kasi ito. Iba iyong fetish niya. Gusto niyang pinipicturan yung ano niya tas ise-send niya sa mga ka-chat niya."

Tumaas ang kilay ni Barbie kita ang disgusto sa mukha.

"Tapos pumayag kang sendan ka niyan?"

"Ay hala. Hindi ko naman hawak ang utak niya no. Malay ko bang magsesend siya bigla. Natuwa naman ako sa itsura. Parang itim na suman na may mga buhok. Tingnan nga uli natin."

"Hoy tumigil ka nga. Kadiri ka!"

Tumawa ako ng malakas.

"Para ito lang. No big deal. Sanay na akong makatanggap ng ganito."

"Ang dami talagang weird sa Internet," sabi ni Barbie.

"Oo naman lalo na sa field ko na halos lahat ng lahi sa buong mundo ay nakakasalamuha mo. Kahapon nga, may humihingi sa akin ng picture ng kilikili ko. Bibilhin daw! Tinry ko namang sendan. Ayun, binayaran ako. May isa pa na nanghingi ng picture ng paa. E ako naman bilang generous na tao ay siyempre bumigay din agad. Tumataginting na dollars agad."

"Hoy jusko Xylca! Ilan ba ang mga afam mo ngayon?" nanghihilakbot na tanong ni Barbie.

"Lima sila ngayon pero ang jowa ko talaga ay si Charles. Yung iba, mga sumusulpot lang kapag nanghihingi ng mga regalo."

"Regalo?" naguguluhang singit ni Barbie.

"Oo, regalo. Pictures ko."

"Alam ba iyan ni Charles na may iba pa bukod sa kaniya?"

Tumango ako.

"Oo naman. Ano nga iyong tawag niya dito? Ah, open relationship. Alam niya."

"Ang galing ng marketing strategy mo sis. Iba! Hanep ka tol."

"And you're okay with it? You're practically selling yourself," puna ni Sheki.

"For the record, hindi ako nagbebenta ng nudes ko. Di ko rin naman dyina-judge ang ibang nagbebenta ng ganun kasi wala ako sa posisyon nila. Chika chika lang ako tapos send ng kamay, kilikili, paa at kuko. Oo, tama ka. Binebenta ko nga ang sarili ko pero lahat naman tayo dito binebenta ang sarili natin di ba? Iba nga lang sa inyo. Communication skills niyo, technical skills at iba pang mga skeme skills na iyan. Ako naman ay chika skills at presence skills ang binebenta."

"Ay wow! Galing dumepensa. Bars bijj! Hiwain mo na nga iyang sibuyas Xylca. Kanina pa ako nagugutom. Kain na kain na ako."

Tinalikuran ko si Sheki at lumapit sa mesa. Sinimulan kong balatan ang sibuyas.

"You're too defensive," pahabol pa ni Sheki.

"Slight lang naman."

Ngumiti ako. Binalatan ko ang sibuyas at hiniwa.

"Ano ba ang niluluto niyo?" tanong ko kay Barbie na naghihiwa ng hotdog.

"Ang laking hotdog naman niyan. Jumbo." Humagikhik ako.

Tiningnan ako ng masama ni Barbie.

"Ang berde mo talaga kahit kailan Xylca. Manyak mo."

"Uy, wala naman akong sinasabi, nagconclude ka na agad. Ano nga sabi ang lulutuin niyo?"

"Spaghetti."

Sumimangot ako.

"Na naman? Spaghetti din niluto niyo noong isang araw, e."

"Edi wag kang kumain."

Tinampal ko ang kamay ni Barbie.

"Ang sama talaga ng ugali mo sa akin. Kaya ka hindi nagkakajowa e. Kaya ka hindi masagot-sagot ni Kay."

"Sasagutin rin ako nun. Bad trip lang talaga ang kuya niyang unggoy. Panira ng diskarte."

Tinapos nito ang paghihiwa ng hotdog at kinuha ang cheese para i-grate.

"Baka kasi kayo talaga ang nakalaan para sa isa't isa. Ganda ng story niyo pag nagkataon, no. Bayaw mo na ang nililigawan mo dati. Ang sagwa."

"Hindi mangyayari iyan kasi sasagutin na ako ni Kay."

Ngumisi ito.

Pumalatak ako.

"Sheki, di ba noong isang taon pa niya sinasabi iyan? Bat hanggang ngayon, di pa rin to sinasagot? Mali ata pagkakairi sa iyo ng mama mo, e."

Walang tugon ang babae. Nakatungangang patuloy na hinalo lang nito ang pasta.

"Basta. Malakas ang kutob ko na sasagutin na ako ni Kay. Konting tulak na lang talaga ang kulang."

Ipinaikot ko ang mga mata.

"Ilusyunada talaga. Paano ka naman kasi sasagutin kung talong ang gusto niya? Pareho kayong may mani e kaya wala ka talagang pag-asa doon."

Ibinato niya sa akin ang balat ng hotdog.

"Baliw!"

Sinalo ko ang balat at itinapon sa basurahan sa gilid ng mesa.

"Iyan ang totoo bruha. Sabi ng isa kong kaibigan na may babae ring karelasyon, hindi daw siya makontento sa kamay at finger finger lang. Ayaw niya rin sa sex toys. She wants the real thing daw."

Namula ang mukha ni Barbie.

"Bibig mo, Xylca. Hindi rin naman lahat ng pumapasok sa same sex relationship ay ganiyan lang ang hanap. Yung iba, they are after with the person and the feelings."

"Tama ka naman. Side lang naman iyon ng kaibigan ko baka kasi parehas sila ng iniisip ni Kay. Di ba? Natanong mo na ba kasi siya kung pumapatol siya sa bisexual? Baka straight iyon bes."

Natahimik si Barbie. Nanlaki ang mga mata ko, nagulat sa napagtanto.

"Di ka man lang nagtanong? Nanligaw ka agad? Aba, hindi ka talaga sasagutin niyan, no."

May sasabihin pa sana ako pero nahinto nang umilaw ang cellphone sa mesa. Dinampot ko ito at ini-unlock. May nag-message sa akin na unknown account sa dating app. Kunot ang noong binasa ko ito.

Good day. I'm Charles' wife. I'm begging you to stop talking with my husband, please. We have a nine-year old child and I'm expecting a baby. Search my I* Celine Brooks if you want to see the truth.

"The fuck," mahinang mura ko.

Dali daling binuksan ko ang I* at sinearch ang pangalan ng babae. Tama nga ito. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang asawa niya si Charles. May mga pictures nila sa wedding, sa hospital at sa mismong bahay nila kasama ang kanilang anak.

"Yuck," nasambit ko nang mapagtantong nakikipaglandian ako all this time sa may-asawang lalaki.

"Bakit?" takang nilapitan ako ni Barbie at nakiusyuso.

"Sino iyan?"

Huminga ako ng malalim at kinontrol ang galit na umuusbong sa loob.

"Asawa ni Charles. Langya iyong afam na iyon, may asawa at anak pala tapos nangangalantari pa. Malas ko lang dahil ako pa ang nasaktuhan. Gago talaga."

"Woah. Tapos anong gagawin mo?"

"Hello? Di naman na ako masyadong tanga ngayon no. After ni Chris wala naman talaga akong naging seryoso na afam. Hihiwalayan ko na ang mokong na iyon! Akala niya siguro okay lang tong ginagawa niya dahil malayo naman. Considered pa rin na cheating to. Kahit in an open relationship kami, ibang usapan na kung may pamilyang involved."

Tumayo ako at pumunta sa sala. Umupo ako sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa. Binalikan ko uli ang account ng babae.

"Ang lapad ng ngiti pero manloloko naman. Akala mo mahal na mahal ang asawa. Hays, mga lalaki."

Umukilkil sa utak ko ang sinabi ni Pierce.

"Pucha, di talaga ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo, kuya."

Nireplayan ko ang babae.

Hi, thank you for informing me. I'm sorry. I am also a victim. I thought he's single. Rest assured that I will not talk to him anymore. Will block him. I also thought you don't deserve a guy like him. Thank you.

Sunod kong pinadalhan ng message si Charles.

Hey, your wife told me you're cheating on her back. Screw you motherfucking piece of asshole! Putangina mo! Before I blocked you, let me say thank you for the money you wasted on me. I enjoyed it. Bye. My middle finger salutes you.

Matapos i-block si Charles ay tumayo ako at bumalik sa kusina. Nagluluto na ng sauce si Barbie samantalang si Sheki ay mukhang nakabalik na sa mundo.

"Tapos na?" tanong ni Barbie habang patuloy sa paglalagay ng cream sa kawali.

"Pang-ilan na ba iyan for this year?" si Sheki.

"Pangalawa. Sanay na akong nakakatanggap ng mga ganiyang mensahe."

Umupo ako sa silya at nilaro ang hawak na cellphone.

"Part of the experience."

"Ang tindi talaga ng sikmura mo no. Di ka man lang nasaktan. Di man lang umiyak."

Nilingon ko si Barbie.

"Patigasan lang iyan. Laro ang hinahanap nila kaya pagbigyan. Sa huli, mas lamang ako dahil ako ang nagkakapera."

"Iba talaga ang modern hero ng Pinas. Mababayaran mo na ang utang ng bansa natin, bruha. Galing ng marketing strategy mo!"

"So apat na lang ang natira?" si Sheki.

"Yup pero may balak akong magdagdag ng isa. Collect and select ang motto natin sa buhay."

Nagkamot lang ng ulo si Sheki. Alam niyang hindi ko siya pakikinggan kahit ano pa ang sabihin niya sa akin.

"Bahala ka na nga sa buhay mo. Malaki ka na."

Tumayo ito bitbit ang plato ng pasta.

Umayos ako ng upo at kinutingting ang cellphone. Nang may maalala ay pumihit ako.

"Barbs."

"O?"

"Di ba kaibigan mo halos lahat ng mga tricycle drivers sa school?"

"Oo, bakit?"

"Ahm, may napansin ka bang bagong mukha? May nakita kasi akong bagong salta noong isang linggo."

"Alam ko na kung sino ang tinutukoy mo. Gwapo no?" Bahagya niya akong nilingon mula sa hinahalong spaghetti.

"Ang lakas talaga ng radar mo ano. Oo, gwapo siya. Bakit di mo man lang ako nasabihan na meron palang fafa diyan ha."

"Alam kong hindi ka magiging interesado." Nagpatuloy ito sa paghahalo.

"Ha? Bakit?"

"Kasi wala siyang pera."

Napangiwi ako.

"Bat ang galing mong humula?"

"Ay magaling ba? Kilala na kasi kita. Bat ka nagtatanong tungkol kay Pierce? Trip mo?"

Tumawa ako.

"Baka baliktad. Ako yata ang trip niya. Wagas kung magpapansin sa akin e. Stalker sa gabi tapos may pa walk with me walk with me pa na nalalaman."

"Mabait iyang si Pierce. Bagong salta sa pasetoda. Nakakausap ko nga minsan kapag maaga akong umuuwi. Mukhang problemado. Galing ata sa broken family."

"Ah. In fairness ang gwapo niya ha. Bentang-benta ang ganiyang mukha sa mga sugar mommy at beki. Gusto ko sanang alukin ng trabaho kaso baka tumanggi."

Pinatunog nito ang dila sa loob ng bibig.

"Wag na. Matino iyong tao."

Hindi na ako kumibo at nagkibit-balikat na lang. Pero hindi ko maalis ang umahong kuryusidad sa lalaki.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Sugar Baby    63

    Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy

  • The Sugar Baby    62

    Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag

  • The Sugar Baby    61

    "Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa

  • The Sugar Baby    60

    Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano

  • The Sugar Baby    59

    Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-

  • The Sugar Baby    58

    Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng

  • The Sugar Baby    57

    Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin.“Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito.“Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.”“Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.”“Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!”Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowjob when he comes home. That will surely make him so relaxed and happy.”Namula ang mukha ko. “Blowjob? Teka, hindi ko pa napag-aaralan iyan. Baka sumabit lang sa ngipin ko ang bulbol niya.”Tumawa si Myca s

  • The Sugar Baby    56

    “Ma, why are you only telling me this now?”Nahinto ako sa pagpasok sa silid nang marinig ang iritableng tono ni Pierce. Tatawagan ko na sana siya para sabihin na aalis na kami dahil tapos na kaming mag-ayos ni Wyn. Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay ito naman ang nag-aya ng dinner kasabay ang buong pamilya nito.Natuwa ako dahil patunay iyon na unti-unti nang naayos kahit papaano ang relasyon nito sa pamilya nito. Alam ko kung gaano kasalimuot ang kwento ng buhay nito. Minsan niya rin itong nakwento sa akin at mas naintindihan ko pa ang komplikadong sitwasyon nila nang magkausap ako ng mama nito tungkol sa dahilan kung bakit biglang naglayas si Pierce. “Ma, how can I tell Xylc and Wyn that? They’re expecting to have dinner with you and the rest of the family. Ako ang ang-aya sa kanila kasi akala ko na okay na. Sabi mo okay na ‘di ba? Ang sabi nila pupunta sila? But why would they suddenly cancel it?”Ramdam ko ang frustration sa boses nito at kung hindi ko lang alam na si Pierce ito

  • The Sugar Baby    55

    “Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na."Xylc, why?""Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin."Not that busy anymore. Come here.""Yown."Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok."Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."Inayos ko an

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status