Share

The Sugar Baby
The Sugar Baby
Author: Covey Pens

Prologue

Madilim na nang makalabas ako sa university. Hinintay ko pa kasi ang professor ni Pariah sa minor subject para ipasa ang project nitong ilang araw nang late sa deadline. Buti na lang at binigyan pa siya ng professor ng extended time nang malaman ang nangyari.

Humigit ako ng hininga pagkaalala kay Pariah. Nakakaawa ang kaniyang kaibigan. Sunud-sunod ang dagok na dumating sa kaniyang buhay. Sana makayanan niya ang lahat ng ito. Hindi kasi biro ang mga naganap dito.

Umihip ang malamig na hangin dala ng parating na bagyo. Niyakap ko ang sarili. Tumingala ako sa maitim na ulap na nasisinagan ng ilaw galing sa mga nakasinding lampposts. Mukhang uulan.

Binilisan ko ang paglalakad. Nilampasan ko ang mga driver ng tricycles na nagtatawag ng mga pasahero. Sakto na lang ang barya ko sa bulsa pambayad sa jeep kaya wala akong choice kundi lakarin ang may kalayuan ding distansiya mula sa eskwelahan hanggang sa kanto.

Inilabas ko ang ear pods at ikinonekta sa Iphone ko. Isinaksak ko ang mga ito sa tenga at pumili ng kanta. Pauwi na Ako ang title. Isinilid ko sa bulsa ng suot na blue jeans ang cellphone at hinawakan ang strap ng backpack sa magkabilang gilid.

Nagsimula akong mag-jogging. Medyo awkward ang galawan ko dahil sa bag sa likod pero hindi ko na lang ito pinansin. Dapat makauwi na agad ako para makapagsaing na.

Nakarinig ako ng mga sutsot galing sa mga tindero at driver ng mga motorsiklo sa gilid. Dinig ko dahil sinadya kong mahina ang volume ng kanta para makasigurado ako. Nagpatuloy ako sa mahinang pagtakbo at hindi na pinansin ang papalakas na catcalls nila.

Kalahati na ang natatakbo ko nang makaramdam ako ng presensiya mula sa likod. Parang may sumusunod sa akin. Tumigil ako sa pagtakbo at kinuha ang ear pods sa tenga. Tumigil rin ang anino. Imbes na matakot ay nagkibit-balikat ako at bumalik sa paglalakad. Sumunod naman ang anino.

Ilang minuto na ang nakararaan pero nakabuntot pa rin sa likod ko ang anino. Naiiritang tumigil ako at nilingon ito. Isang lalaki na naka-t-shirt na black, shorts na hanggang tuhod at tsinelas ang nalingunan ko. Matangkad ang lalaki at matipuno ang pangangatawan. Hindi ko masiyadong makita ang mukha nito dahil madilim na sa parteng iyon ng lugar. Hindi rin naman ako takot dahil marami namang taong naglalakad.

Itinaas ko ang hintuturo at dinuro ang lalaki.

"Hoy kuya, sinasabi ko sa iyo na kung may balak kang pormahan ako eh 'wag mo na lang subukan. Mahigpit ako sa qualifications ng mga prospect suitors. Dapat ang sweldo mo ay six figures, may house and lot at pangkabuhayan showcase. Bonus na lang kung may pan de sal ka at mukhang pwedeng ipasyal sa mall nang hindi na kailangan magmaskara. Hep!"

Pinatigil ko ang akma nitong paghakbang patungo sa akin.

"Hindi ka ba nakikinig? 'Wag mong pinapainit ang ulo ko, ha. Wala ako sa mood! Gutom ako dahil hindi ako pinadalhan ng afam ko ng allowance! Ang hirap kayang mag-edit ng mga nudes para lang may maipadala ako sa kaniya tapos hindi siya tutupad sa usapan? Kaya ikaw kuya ha, sinasabi ko sa iyo, 'pag nagka-jowa ka, tuparin mo ang mga pangako mo. And no, hindi ako interesedo sa iyo kasi mukha kang walang pera. Magugustuhan lang kita kung nangangamoy dollars at peso sign ka kaya tantanan mo na ang pagsunud-sunud sa akin, ha. You get it, boi?"

Tumalikod na ako pagkatapos kong maglitanya. Nagsimula akong maglakad uli pero huminto rin kalaunan nang maramdaman kong sumusunod na naman ang lalaki.

Inis na nilingon ko na naman ang lalaki.

"Ang kulit mo rin kuya, ano? Ang sabi ko hin—"

"Bibili lang ako ng balut sa kanto, miss. Hindi kita sinusundan. Hindi ka rin naman kagandahan para manginsulto diyan," putol niya sa akin.

Nilampasan niya ako at tumawid sa kabilang kalsada kung saan nagkukumpulan ang mga tindera ng balut at street foods.

Napamaang ako. Napahiya ako dun, a.

Balewalang ibinalik ko ang ear pods sa tenga at parang walang nangyaring bumalik sa paglalakad.

"Ang ganda ng boses ni kuya. Napaka-manly. Yummy. Yung boses pa lang, ulam na. Ano kaya ang itsura niya? Guwapo rin kaya gaya ng boses niya?"

Nilingon ko ang lalaki na abala na sa paglalagay ng suka at asin sa hawak na balut. Sinundan ko ng tingin ang mga labi nito nang higupin nito ang sabaw ng balut. Tinangka kong silipin ang mukha ng lalaki pero nakatagilid ito kaya ang side view lang niya ang nakita ko.

Sumuko na ako. Wala rin naman akong mapapala kapag nakita ko ang buong mukha niya.

"Ang pula kasi ng labi tapos literal na nakakapanindig-balahibo ang tinig," palusot ko sa sarili.

"Kaso poor siya."

Binilisan ko na ang paglalakad nang matanaw ang barker ng jeep sa unahan. Kailangan ko nang makauwi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status