Share

KABANATA 12

Disyembre 09, 1803...

Naalimpungatan si Aling Sabelia nang marinig ang mahinang pagyugyog ng higaang kasalukuyang tinutulugan ni Rycon. Umuuga ito ng bahagya at ng kaniyang tignan ay nakita niyang papaling-paling ang ulo ng anak. Tagmak ng pawis ang noo nito at tila tumakbo sa malayong lugar. Sa unang pagkakataon simula nang mapunta sa kanilang puder ang binata ay narinig niya ang boses nito.

"Rycon, anak! Gumising ka," mahinang aniya at tinapik ng mukha ng anak. Agad na nagmulat ng mga mata si Rycon at sumalubong sa kaniyang mga mata ang nag-aalalang mukha ng Ina.

Napabangon na rin si Mang Rios at tinignan kung ano ang nangyayari. Kinapa ni Aling Sabelia ang noo ni Rycon at napag-alaman niyang mataas ang lagnat ng binata. Nagpresenta si Mang Rios na siya na ang kukuha ng maligamgam na tubig ang iilang mga dahon na papakuluan upang mapababa ang init sa katawan ni Rycon.

"Binabangungot ka yata, anak," malumanay na sambit ng babae.

Nakatitig lang sa kaniya si Rycon. Nanatiling mabilis
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status