Share

Chapter 5

last update Huling Na-update: 2021-07-16 07:08:21

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kaya naman bumangon na ako at ginawa ang morning routines ko. 

Napatingin ako sa wall clock at napatampal na lang sa aking noo ng mapagtanto na alas otso na ng umaga. Ang late ko ngayong gumising ah. Hindi naman ako nagpuyat kagabi. At dahil nagugutom na ako ay lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Saka dumiretso sa kusina.

"Good morning po manang." bati ko kay manang Karing na abala sa pag-aayos ng mga kagamitan sa kusina.

"Good morning din hija. Kumain ka na diyan." balik nitong bati sa akin.

Umupo na ako sa mga upuan na nakapalibot sa mahabang lamesa at tinanggal ang mga nakatakip sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Kumuha na ako ng mga pagkain at agad na nilantakan dahil gutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay nina celestine para magtungo sa pool sana, nang makasalubong ko sina Celestine at Allen na nag-uusap.

"Oh Diana gising ka na pala. Kumain ka na ba?" ani Celestine.

"Yes," sagot ko naman. Napatingin ako kay allen at nagtataka kung bakit maraming putik ang suot niyang black pants. Nakasuot din ito ng long sleeve pero hindi ito pormal at nakasumbrero rin na tila gawa sa dahon.

"Good morning nga pala sayo Diana." bati sa akin ni Allen.

"Likewise. Uhm why are you wearing clothes like that?"

"Ah ganyan kase ang suot ng mga taong nagta-trabaho sa bukid," wika ni celestine kaya naliwanagan ako.

"Sige celestine balik na ako sa palayan," wika ni allen at nagpaalam na aalis na pero bago pa man siya umalis ay nagsalita ako.    

"Pwede ba akong sumama?" Halos lumuwa naman ang mga mata nina Allen at Celestine.            

"Gusto ko sanang sumama," wika ko at naghihintay sa kanilang sagot. Nakita ko namang napatingin si Allen kay Celestine.             

"You can't go with Allen without me. Sama din ako noh," wika naman ni celestine.            

"Pero matanong ko lang. Saan ba tayo pupunta? I mean kung sa palayan ba or what?"            

"Sa palayan namin," wika ni Celestine at inaya akong magpalit ng damit.           

"Heto isuot mo Diana." Kinuha ko naman ang ibinigay sa akin ni Celestine na damit at tinignan iyon. Jogging pants ito na kulay black na halatang luma na pero pwede pa namang gamitin at long sleeve.            

"Eto oh sumbrero mo. Payabyab ang tawag diyan dito," wika ni Celestine at iniabot sa akin ang isang sumbrero na gaya nung sumbrero ni Allen na hinabi. So, payabyab pala ang tawag nila sa sumbrerong ito.            

Nang tapos na kaming magpalit ng damit ni Celestine ay agad kaming lumabas ng kwarto at tumungo sa kinaroroonan ni allen at umalis patungong palayan.                                                               

                                     ~~~            

"Wow" sambit ko nang makita ang malawak na palayan nang makarating kami sa pupuntahan namin. Maraming mga tao rito. Babae man o lalaki, lahat ay abala sa pag-aani ng mga palay.          

"Sa inyo lahat ng 'to?" tanong ko kay Celestine na nakaupo sa silong at nakasandal sa puno. Mabuti na lang may puno rito kaya may masisilungan kami. 

"Dito na lang kayo. Masyadong mataas ang sikat ng araw kaya napakainit," wika ni Allen at tumungo na sa palayan. Kami naman ni Celestine ay nanatili sa may puno at nagkwentuhan lang nang nagkwentuhan.           

Ngunit nang makalipas ang ilang oras ay umahon na ang mga tao at sumilong para magpahinga. Pagdating ni Allen sa kinaroroonan namin ni Celestine ay umupo ito sa aking tabi. Pawisan ito at halatang pagod na pagod. Kaya naman kinuha ko ang maliit na towel sa aking dalang backpack at mabilis na idinampi ang towel at pinunasan ang kanyang pawis. Pagkatapos ay inabutan siya ng pagkain at inumin para magmeryienda. Pero siya ay nakatingin lang sa akin kaya naman nawirduhan ako sa kanya. 

"Why are you looking at me like that?" I ask but he just smiled at me which makes me smile too.          

"Thank you," he uttered and I just nodded at him.

Nang tapos na siyang magmeryienda ay pinalipas niya muna ang ilang minuto bago bumalik sa palayan at sinundan ko naman siya. At nilusong ang maputik na palayan.          

"Diana anong ginagawa mo rito? Bumalik kana doon sa silong," wika niya nang makita akong tumabi sa kanya.   

"Para tulungan ka."           

"Pero baka masugatan ka diyan sa patalim. Sige na bumalik kana doon," pangungulit niya pero hindi ako nakinig.           

"I can do this so, please let me do this thing. Gusto ko rin namang maexperience yung ganito," wika ko at laking pasasalamat ko nang hinayaan niya na ako sa gusto ko. Mahirap ang mag-ani ng palay lalo na't babad ka sa init at maputik pa kaya saludo ako sa mga magsasaka sa pagiging matiyaga nila.

                                                                                                          ~~~          

Bagsak na bagsak ang katawan ko pagdating namin ni celestine sa kanilang bahay. Kakauwi lang kase namin. Nagpahinga muna ako bago naglinis ng katawan at humiga sa kama dahil sa pagod. Nakakapagod pala yung mga ginagawa ng mga magsasaka. Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng aking likuran marahil ay nangalay ito. Iidlip na sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko namang nagmessage sa akin si Allen. This is the very first time he texted me.            

[You alright?] tanong nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti dahil lang sa text niya.          

"Hmm yeah. Pagod lang. Ikaw?"      

[Ayos lang naman. Heto nagpapahinga.]   

"Me too. Nakakapagod pa lang mag-ani ng mga palay pero worth it naman yung pagod."           

[Oo nga eh. Sige pahinga ka na.]         

"Ikaw din." reply ko at inilagay na sa side table ng kama yung cellphone ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako kahit na alas singko pa lang ng hapon. Kailangan kong magpahinga dahil may laban pa sina Allen mamaya ng basketball at manonood kami.                                                          

                                     ~~~          

"Go Clifford!" Napatakip na lang ako sa aking taenga dahil kay Lynjel na nag-eenjoy sa pagcheer sa nobyo niyang si Clifford. Yep narito muli kami nanonood nang laban nina Allen ng basketball dahil ngayon na ang championship. Ilang gabi din ang lumipas bago dumating ang pinakahihintay nang lahat ng mga manlalaro at ng mga manonood. 

Dikit ang score dahil matindi ang laban. Masasabi kong magaling din ang team na kalaban nina Allen. Bale ang team zone 1 and zone 3 ang naglalaban para sa championship.4th quarter na nang laban at matindi ang tensyon na namamagitan sa pagitan ng dalawang panig. Pero ang nangunguna ay ang team zone 3 dahil may lamang silang sampung puntos sa team nina Allen. Hawak ngayon ng kalaban nina Allen ang bola at sinusubukan nila itong agawin. Naging mabilis ang bawat galaw nina Allen kasama ang kanyang teammates kaya naagaw nila ang bola at nagpatuloy-tuloy na ang hawak nila sa bola hanggang sa matapos ang laro. Tila ba Hindi na nila pinagbigyan ng pagkakataon pang muli na mahawakan nang kalaban ang bola.           

Malakas na tumunog ang signal na nagpapahiwatig na tapos na ang laban at inanunsyo na rin nila ang panalo sa laban. Gaya noong mga nakaraan ay puno nang saya ang nararamdaman namin dahil nanalo ang team nina Allen.           

"Oh baka naman may pablow out kayo diyan." Biro ni fiyonah sa team nina Allen na siyang tinawanan naman nila.   

"Congrats. Panalo na naman kayo." bati ko kay Allen ng may ngiti sa mga labi pero hindi ito nakatingin sa akin. Tila hindi maganda ang awrang bumabalot sa kanya dahil magkasalubong ang kanyang mga kilay, matalim ang tingin nito at parang umuusok ang mga ilong kaya napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya sa isang grupo ng mga lalaki at nakakakilabot ang mga tingin sa akin.     

Mayamaya'y isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap dahil nilapitan sila ni Allen at biglang sinuntok ang isang lalaki kaya nagkagulo pero mabuti na lang ay agad din silang napahinto.      

"Ano bang problema mong g*g* ka?" wika nung lalaki at sinubukang sugurin si Allen pero agad din nilang napigilan.   

"Bastos ka eh," wika naman ni Allen at bago niya pa maisipang sugurin muli 'yong lalaki ay hinila ko siya palayo sa lugar na iyon.           

"Allen, bakit mo ginawa iyon??"            

"Eh pinagpapantasyahan ka nila dahil sa mga tingin nila sayo. Sino naman sa tingin mo ang hindi magagalit doon?" wika nito at ramdam ko pa rin ang pagkulo ng kanyang dugo nang dahil sa lalaking iyon.           

Napatingin ito sa akin at itinali niya palibot sa aking bewang ang isang jacket. Ngayon ko lang napansin na may hawak itong jacket.

"Sa susunod huwag ka nang magsusuot nang ganyan kapag lalabas ka ng bahay," wika nito sabay tingin sa suot ko. Well, nakashort na naman kase ako. Si Celestine kase bigla na lang nanghihila kaya hindi ko na nagawa pang magpalit ng suot. Hindi naman bawal magsuot nang ganito kapag lalabas ka ng bahay. Ang ikinakabahala niya ay baka bastusin ako ng mga ibang tao. Walang masama sa suot ko pero ang masama ay 'yong mga taong bastos ang pag-iisip.

Napatango na lang ako bilang tugon sa kanyang tinuran. Biglang tumunog ang aking cellphone at tumatawag pala si celestine. Siguradong hinahanap na niya ako.

"Hello."

"Diana where are you? Bigla ka na lang nawala. Kailangan na nating umuwi. Nandito na ako sa sasakyan," wika nito.

"Uhm kasama ko si Allen. Sige papunta na kami diyan," wika ko at pinatay na ang tawag.

"Tara na. Uuwi na kami ni Celestine," wika muli at nagsimula na akong maglakad ng agad ding mapahinto.

"Diana" wika nito at hinawakan ako sa aking palapulsuhan kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry sa naging asal ko kanina. Ayoko lang kase na binabastos ka. Sorry ulit sa naging asal ko."

"You don't have to say sorry. Basta sa susunod huwag ka agad nananakit dahil maaaring mali ka sa iyong iniisip," wika ko at tumango naman ito kaya naglakad na kami paalis sa aming kinaroroonan. Pagkarating ko sa sasakyan ay nadatnan ko si Celestine na naghihintay sa akin at ganoon din kay Allen na hinihintay din ng mga teammates niya.

"Sige. Mauna na kami." paalam ko.

"Sige. Ingat kayo," wika naman ni Allen ay niyakap ako.

"Ayieehh tama na 'yang yakapan." mapanuksong wika ni Celestine kaya napailing-iling na lang kami ni Allen at lihim na napangiti.

"Pwede bang magkita tayo bukas sa dagat ng umaga. May sasabihin ako sayo." bulong sa akin ni allen at napatango nalang.

"Sige na. Bye," wika ko at umuwi na kami ni Celestine.

Pagdating namin ni celestine sa kanilang bahay ay agad akong tumungo sa aking kwarto at agad na nagbihis ng damit. Saka ko ibinagsak ang aking katawan sa kama. Napatigtig ako sa kisame habang nakangiti hanggang sa pagtulog.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Tragic Romance   Chapter 26

    "You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai

  • The Tragic Romance   Chapter 25

    "Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi

  • The Tragic Romance   Chapter 24

    Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.

  • The Tragic Romance   Chapter 23

    "I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.

  • The Tragic Romance   Chapter 22

    "Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking

  • The Tragic Romance   Chapter 21

    "Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status