Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2021-07-15 17:17:56

"Naimbag nga bigat kenka nakkung. (Magandang umaga sayo anak)." Nakangiting bati sa akin ng isa sa mga kasamahan ni manang karing na naninilbihan sa pamilya nina Celestine nang makasalubong ko itong namimitas ng mga bulaklak ng rosas sa flower garden ni tita Sheryl. Ang mommy ni Celestine.

"Magandang araw din po sa inyo." Pabalik kong bati sa matanda at napagpasiyahan kong tulungan ito sa pamimitas ng bulaklak.

Medyo matagal na rin ang pananatili ko rito kaya kahit papaano ay may konti na akong naiintindihan sa kanilang diyalekto dito. Gaya na lamang ng sinabi ng matanda na ang ibig sabihin ay "Magandang umaga sayo anak".

Nang tapos na kaming namitas ng bulaklak ay umalis na si manang para iayos ang mga bulaklak sa mga vase samantalang ako ay nanatili sa flower garden at naglibot-libot muna hanggang sa mabagot ako kaya naisip kong magtungo sa bahay nina Lynjel. Naging malapit na rin kase ako sa kanya at kina Kevin mula noong magkakasama kaming nagpunta sa Palaui Island. At saka isa pa ay hindi naman kalayuan ang bahay nina Lynjel sa bahay nina celestine kaya mabilis lang akong makakarating doon.

Habang naglalakad ako patungo kina lynjel ay nakasalubong ko si Allen.

"Diana saan ka pupunta?" 

"Sa bahay nina Lynjel. Ikaw?" 

"Pupuntahan sana kita para kamustahin pero heto kaharap na kita," wika nito at ewan ko ba kung bakit tila nakaramdam ng saya ang aking puso ng dahil sa sinabi nito. Napapadalas na yata ang ganitong pakiramdam sa akin sa tuwing nakakasama ko siya at nakakausap pero hindi ko pa rin mawari kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pakiramdam na ito dahil ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito para sa iisang tao.

At sa paglipas ng mga araw mula no'ng magkakilala kami ay unti-unti na kaming naging malapit sa isa't-isa. Napakabilis ng mga pangyayari. Kasing bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Talaga ba?" 

"Oo, na miss kita eh," wika nito at may pakindat-kindat pang nalalaman.

"Anong pinagsasabi mo diyan. Nagkita kaya tayo kahapon."

"Eh sa palagi kong hinahanap-hanap ang presensya mo eh."

"Hayy ewan ko sayo Allen," wika ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Seryoso nga ako. Sa tingin ko nga gusto na kita," wika nito na siyang ikinahinto ko at mabilis na napatingin sa kanya.

"Joke lang. Alam ko namang hindi pwede kase malapit ka nang ikasal." Agad nitong saad na siyang pumawi sa ngiting nasa aking labi. Hindi ko maintindihan ang aking puso dahil parang may kirot akong naramdaman sa aking puso ng sabihin iyon ni Allen. Joke lang? Bakit ganito? Parang gusto kong bawiin niya ang sinabi niya. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito ng dahil sa kanya?

"Luhh tulala ka diyan. Huwag mo masyadong seryosohin 'yong sinabi ko," wika nito at inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napaatras ako ng kaunti. Napailing ako at iwinaksi ang mga naglalarong katanungan sa aking isipan.

 "Alam ko naman na joke lang iyon. Tsk. Huwag kang mag-alala hindi ko din naman iyon sineryoso," wika ko at nagpatuloy na muli sa paglalakad. Sinabayan naman ako ni Allen hanggang sa makarating kami sa bahay nina lynjel pero nakakalungkot dahil wala siya.

"Hayy babalik nalang ako sa bahay nina Celestine," wika ko at maglalakad na sana paalis ng hawakan ako ni Allen sa aking palapulsuhan kaya napatingin ako sa kanya.

"Kung gusto mo pwede kang mamasyal sa amin." Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya dahil gusto ko rin na makita kung saan siya nakatira at nang makapasyal-pasyal din ako sa mga bahay-bahay dito. Sa totoo lang ay pangalawang beses ko pa lang ang mamasyal o maglakad-lakad rito. Dahil madalas lang akong nagi-stay sa loob ng bahay nina Celestine o kaya naman ay sa dagat lang ako nagpupupunta. Hindi kase ako sanay na palaging namamasyal.

"Tara na," wika ni Allen at naglakad na ito kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Makalipas ang ilang lakaran ay huminto kami sa tapat nang hindi kalakihang bahay. Kung tutuusin ay parang kasing lawak lamang ito ng aking kwarto sa aming bahay. May mga halaman na nakapalibot at walang pintura ang bahay pero hindi naman iyon ang importante.

Pumasok kami sa bahay na tinitirhan ni Allen at agad na bumungad sa akin ang di masyadong malawak na sala. May mga nakadikit na mga litrato sa pader pero ang umagaw nang aking pansin ay ang isang litrato ni Allen na suot-suot ang toga at may hawak siyang diploma habang malawak ang ngiti. Oo nga pala. Pareho lang kami na fresh graduate pa lang. Architecture ang kinuha niyang kurso samantalang sa akin ay about sa business. Well, ang totoo ay architecture din sana ang kukunin kong kurso noon pero hindi ako pinahintulutan nina mommy. Nakakainggit si Allen kase kahit na nakatira lang siya sa di kalakihang bahay at hindi man marangya ang buhay na mayroon siya ay masaya pa rin siya. 'Di tulad ko na fresh graduate pa lang pero malapit nang ikasal at masasabi kong pinagpala ako sa mga materyal na bagay pero hindi naman masaya sa buhay at saka hindi rin malaya. Hindi malayang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Unti-unti ay may mga luhang lumandas sa aking pisngi.

"Ayos ka lang?" biglang tanong sa akin ni Allen mula sa aking likuran kaya mabilis kong pinunasan ang mga lumandas na luha sa aking pisngi.

"Yes," wika ko at nakangiting humarap sa kanya.

"Ano na naman kasing iniisip mo. Ayan tuloy nalulungkot ka na naman."

"Wala noh. Tsaka isa pa hindi naman ako malungkot."

"Mabuti pa kakantahan nalang kita para hindi ka na malungkot," wika nito at umalis. Ako naman ay umupo sa sofa. Pagbalik niya ay may hawak-hawak na itong gitara na kulay itim. Umupo ito sa tabi ko at nagsimulang magtipa. At umawit ng awitin na ang title ay "I wish I'm the one".

            I'm silently staring

            Blank on the ceiling

            It's 2 am in the morning

            And I keep on wishing

            That I-i-i'm the one

            That you'll love forever and ever

            How I wish I'm the one 

            You'll spend time until forever

            Cause baby I'm in love with you

            And I know you're inlove too

            That makes me crazy 'cause it's not me

            But because you're inlove with        somebody else

Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagtitipa siya sa kanyang gitara at kumakanta. Damang-dama ko yung kanta kaya naman nararamdaman ko ang mensaheng gustong ipahiwatig ng kanta. 

             And It badly hurts me 

             Cause I can't do anything

             To make you mine

             Cause I'm just a nothing

   

             And now all I ever could do for you

             Is to turn around and let you go

            Even though I never had the chance 

             To feel your love and call you mine

             But somehow I wish I'm the one

             That you'll love forever and ever

             How I wish I'm the one 

             You'll spend time until forever

             I wish I'm  the one

             That you'll love forever

             How I wish I'm the one 

             You'll spend time until forever

             I wish I'm the one

Kinanta niya ang awiting iyon hanggang matapos ng may malumanay na boses. Napakasarap pakinggan ang boses nito. Hindi ko inaakalang may tinatago pala itong boses na napakaganda sa pandinig. Sa totoo lang,  nakakadagdag ito sa charms niya at sa bawat pagbigkas niya ng mga linya ay damang-dama ko ang mensahe ng kanta. Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti. Though, the song is about someone who's inlove with the person who can't reciprocate his feelings and he even wish to be with that someone. However, it saddened me because he can't be with the person he's inlove with. In short, it's only a one sided love. 

"Ayan ngumiti ka na," wika nito at nginitian ako.

"Did you composed that song?" I asked.

"Ah eh oo. Ginawa ko 'to kagabi," wika niya at napakamot sa kanyang ulo na tila ay nahihiya.

 "It's a great song." Napangiti naman siya sa aking tinuran. Mayamaya'y tumunog ang aking cellphone at nagtext lang pala si Celestine. Ano na naman kaya ang trip ng pinsan ko't pinapauwi na ako?

"Allen kailangan ko nang bumalik sa bahay nina celestine." Tumayo ako at ganun din siya.

"Sige. Hatid na kita." 

Lumabas na kami ng bahay na tinitirhan niya at naglakad na kami patungo sa bahay nina Celestine.

                                    

                                     ~~~

Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa aking kama nang biglang tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko ay tumatawag pala si mommy. Bakit kaya siya napatawag?

"Hello mom," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag.  

"Diana in two weeks ay uuwi ka na. Masyado ka nang matagal diyan. Baka nakakalimutan mo na marami pa ang kailangan mong gawin dito. At saka isa pa ay malapit na ang kasal niyo ni eEric. May napili na kaming wedding gown para sayo at kailangan mo iyong isukat. Sulitin mo na ang mga natitirang araw mo diyan. Maliwanag ba?" wika nito mula sa kabilang linya.

"Yes mom." Pagkatapos ko iyong sabihin ay binabaan na ako ng telepono. Napangiti na lang ako nang mapait. Hindi man lang ako kinamusta. Sabagay pagdating sa pagiging anak niya ay hindi ako mahalaga pero kapag tungkol sa mga business nila. Doon lang ako mahalaga. Kailan ko kaya mararamdaman na mahalaga ako sa kanila bilang anak nila? Hindi parang isang bagay na pwede nilang gamitin para sa kapakanan ng kanilang negosyo. 

Napahinga ako nang malalim bago bumangon. Mayamaya'y biglang pumasok sa aking kwarto si Celestine.

"Cuz" wika nito at umupo sa tabi ko.

"Yes?" Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at ngumiti. At saka walang pasabi ay hinila niya ako palabas ng kwarto.

"Celestine saan ba tayo pupunta?"

"May liga ngayon ng basketball dito sa barangay kaya manonood tayo," wika nito at laking pasasalamat ko nang huminto na ito sa paghila sa akin hanggang sa sala.

"Well, you can say it to me properly and not by dragging me. At hindi mo ba alam na alas syete na ng gabi oh. Sigurado ka ba ha?" 

"Eh sorry na hehe. Eh ganun talaga kaya tara na dahil nagsimula na raw sabi ni Lynjel. Nandoon siya ngayon kasama si Clifford at pati na rin si Allen dahil siya, si Clifford at Kevin ay kasali sa mga player ng purok natin." 

"Sige. Just wait me. Magbibihis lang ako."

"Ok naman na 'yang ayos mo kaya tara na," wika ni celestine at ayun hinila na naman ako patungo sa sasakyan. Napailing na lang ako sa inasal ng pinsan kong ito.

Napatingin ako sa suot ko at napasapo na lang sa noo. Well, nakasuot lang naman ako ng denim short at loose white v-neck shirt. Ayos lang naman ang suot ko dahil hindi naman masyadong maikli ang suot kong short pero hindi kase ako sanay na lumalabas ng bahay na naka-short. Huminto kami sa tapat ng barangay hall at agad na tumungo sa basketball court. Hindi pa man kami nakakarating doon ay rinig na rinig na ang mga tilian ng mga tao at mas nangingibabaw ang tili ng mga kababaihan.

"Nandoon sina Lynjel oh," wika ni Celestine at may itinuro sa may bleacher. Napatingin naman ako sa direksyong itinuro ni Celestine at nandoon nga sila. Kumakaway pa sila sa amin ni Celestine.

Naglakad kami patungo doon sa pwesto nina lynjel at nang makarating kami doon ay napatingin ako sa paligid. Maraming mga tao, bata man o matanda. Maingay ang paligid dahil na rin sa mga tilian ng mga tao dahil sa pag-cheer ng team na boto nila. 

Napapaligiran din ng mga tao ang basketball court dahil na rin siguro sa wala na silang maupuan na espasyo sa bleacher.

Napatingin ako sa court at abala ang bawat panig ng mga manlalaro sa paglalaro ng basketball. Agad namang naagaw ng atensyon ko si Allen na hawak ang bola at sinusubukang mag-shoot pero may nagbabantay sa kanya.

"Go Allen!" malakas na sigaw ni Fiyonah. Tumayo at itinaas pa ang hawak nitong cartolina na may nakasulat na "GO team zone 1".

Nanatili ang tensyon sa pagitan ni Allen at ng kalaban niya. Patuloy sa pagd-drible si allen at tila nag-iisip ito kung paano niya ito malulusotan ang kalaban. Akmang aagawin ng kalaban sa kanya ang bola kaya nag-step backward siya at ishinoot ang bola.  Nakakarinding tilian ang namayani ng mashoot sa ring ang bola at 3 points iyon. Kaya pati ako ay hindi ko napigilan ang sariling mapatayo at mag-cheer sa team nina Allen.

"Go go go team zone 1" malakas naming wika nina Fiyonah, Celestine, Lynjel, ako at syempre yung iba pang mga tao na boto sa team nina Allen. Napatingin sa gawi ko si Allen. Kinindatan ako nito at ngitian kaya nahampas ako ng mga katabi kong sina Fiyonah.

"Ayieehhh may pakindat-kindat pa sayo si Allen ah," wika nila sabay hampas sa akin nang mahina.

Nagpatuloy ang laban at syempre patuloy lang kami sa pag cheer. Sa totoo lang, napapaos na nga ako dahil sa kakasigaw. Sa sobrang ingay na namin ay palaging napapatingin sa amin ang mga tao sa tuwing nag-iingay kami kapag nakakapuntos ang team nina Allen.

"Wooooooooooooo" malakas naming sigaw nina Celestine nang inanunsyo na nanalo sina Allen. Agad kaming umalis sa kinauupuan namin at nilapitan ang team nila.

"Congrats love." Rinig kong wika ni Lynjel kay Clifford at niyakap ito.

"Diana" Tawag naman sa akin ni Allen kaya napadako ang aking tingin sa kanyang direksyon.

Naglakad ito palapit sa akin ng may ngiti sa mga labi. Halata ang saya sa kanyang mga mata. Well, sino ba naman ang hindi magiging masaya kapag nanalo ka di ba?

"Congrats nga pala sa inyo. You did very well," wika ko at ginulo ang buhok niya.

"Thank you." pagkasabi niya iyon ay niyakap niya ako na siyang 'di ko inaasahan pero niyakap ko rin siya pabalik.

"Nag-enjoy ka ba sa panonood?" 

"Uhm yes. I never imagined na ganito pala kasayang manood ng basketball. This is my first time attending this kind of event," wika ko. Yes, this is my very first time na dumalo sa ganito dahil hindi naman ako sumasama sa mga kaklase kong nanonood ng mga basketball tournament kahit sa mga school namin noon dahil palaging ang pagbabasa ng mga libro ang inaatupag ko noong nag-aaral pa lamang ako.

"Uhm" biglang tikhim ni Celestine at may nakakalokong ngiti sa mga labi kaya kumalas na kami ni Allen sa pagkakayakap. Ginulo nito ang buhok ko at ngumiti na naman ng pagkatamistamis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Tragic Romance   Chapter 26

    "You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai

  • The Tragic Romance   Chapter 25

    "Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi

  • The Tragic Romance   Chapter 24

    Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.

  • The Tragic Romance   Chapter 23

    "I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.

  • The Tragic Romance   Chapter 22

    "Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking

  • The Tragic Romance   Chapter 21

    "Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status