Share

The Unrequited Love
The Unrequited Love
Author: Diemyourxzs

Chapter 1

INIKOT ko ang mata ko sa airport. Kakalabas ko lang ng eroplano at ngayon ay tuwang tuwa ako sa nakikita ko. Nakauwi na ako! Nakauwi na ako sa pilipinas. Oh my Gosh. I can't believe it.

After eight years, really! I'm now in the Philippines.Nakatapak na ako sa lupang sinilangan ko! I miss this so much! Ilang taon din akong namalagi sa US para magpagamot pero ngayon nakabalik na ulit ako. Sobra pa sa tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

I need to go to see my family. They didn't know that today is my flight. I wanted to surprise them. I'm really really happy right now. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Ang pamilyang hindi ko nakita sa loob ng walong taon ay makikita ko na ngayon. Is this real? I can't stop wandering. Hindi talaga ako makapaniwala!

Pumara lang ako ng taxi para makauwi. Tumigil ang taxi sa harap ko at bumaba si Manong driver para tulungan akong ilagay ang mga gamit ko sa compartment ng taxi. Tumulong na din ako sa paglagay ng mga bagahe ko dahil medyo madami ang dala ko at mabigat pa ang bawat bagahe, 

"Thank you po Manong!" Sabi ko kay Manong matapos mapasok lahat ng gamit sa sasakyan. Tinanguan lang ako ni Manong at pumasok na sa driver seat.  Pumasok ako sa back seat hawak ang bag ko at sinara na ang pinto. Pinaandar na niya ang sasakyan pagkatapos.

Nilabas ko ang phone ko para kuhanan ng litrato ang mga nadadaanan namin. Ang laki na ng pinagbago ng bansa. Natatandaan ko pa noong bata ako, hindi pa masyado ayos ang mga kalsada dito at wala pang matataas na gusali pero ngayon ay kaya nang makisabay sa mga lugar na nasa ibang bansa.

Umiling ako dahil sa aking naisip. Eight years na nga pala ang nakalipas kaya malamang ay marami na ang nagbago. Ano ba ang naiisip ko? Syempre sa tagal kong nawala, malamang may magbabago. Imposible namang wala no.

"Nandito na po tayo Ma'am." Sabi ni Manong. Ngumiti lang ako sa kaniya at lalabas na sana nang matigilan ako sa nakita ko. Nakita ko  si Kuya na may inihatid na isang lalaki sa labas at umalis ito sakay ng kotse niya.

Who's that? Friend ni Kuya? Ay wow! May nagiging friend pa pala yon?

Napansin yata ni Kuya ang taxi na nakahinto sa labas ng bahay dahil naka-kunot ang noo niya habang nakatingin sa taxi na nakahinto sa harap ng bahay kaya napagdesisyunan kong lumabas na at ngumiti sa kaniya.

"Sino po sila?"

Napasimangot naman ako dahil sa tanong niya. Alam kong pinagtitripan niya ako. Ganyan naman palagi siya pagdating sa akin. Akala mo hindi pamilya!

"Ehe. Your beautiful sister!" Sabi ko at lumapit sa kaniya saka hinampas sa braso niya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko. Don't tell me, hindi talaga niya ako kilala? Seryoso ba?

"Look Miss. I really don't know you. At bakit ka nanghahampas?" Tanong niya habang hawak ang braso niyang hinampas ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi. Knowing kuya, mahilig siyang magbiro.

Hindi ba talaga ako kilala nito o nantitrip lang para mainis ako? Tinitigan ko siya sa mata niya para malaman kung nagbibiro ba talaga siya o hindi. 

"Miss?" Di makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo talaga ako kilala o nangjo-joke ka lang?" Tanong ko pa pero hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.

Hindi ko siya pinansin nang pinigilan niya ako at pumasok na sa loob  ng gate pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa ginagawa ko.

"Trespassing ka! Pwede ka namin kasuhan sa ginagawa mo!" Sabi niya. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa inis dahil sa kinikilos niya. So hindi talaga ako kilala? Anong klaseng kapatid 'to para makalimutan ang kapatid niya? Pero imposible! Imposibleng kinalimutan ako nito, unless, gusto niya talaga akong kalimutan, right?

"Kuya naman! Isa pa, I will kick your thing down there!" Sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napatakip siya sa 'bagay'na iyon pero nakuha pang kwestyunin ako.

"Kuya? Hey... I'm telling you —"

"What happened he—" Napatingin naman ako kay Mommy nang bigla siyang lumabas ng bahay at biglang napatingin sa akin. Nanlaki naman ang mata niya ng makita ako.

"Dahlia? Is that you?" Di makapaniwalang tanong ni Mommy. Naglakad siya palapit sa direksyon ko at hinawakan ang kamay ko. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya at kinuha ang kamay niyang nakahawak sa akin para pisilin ito at magmano.

"It's me Mom." Sagot ko. Napatakip siya ng bunganga nang makumpirmang ako nga ang anak niya. 

"Dahlia?" Napabaling ang tingin ko kay Kuya nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. "As in Dahlia Catarhina? My baby?" Di makapaniwalang tanong ni Kuya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong ginawa niya sa akin kanina. Anong akala niya? Kakalimutan ko lang 'yon? No! Never! Kalimutan ba naman ako. Sinong hindi masasaktan doon?

Gulat siyang tumingin sa akin at tinuro-turo ang sarili. "It's me! Your Kuya Vince. Remember me?" Tanong niya at lumapit sa akin. Walang buhay ko siyang tinignan at ngumiti rin kalaunan.

"Kuya Vince, who?" Gulat siyang tumingin sa akin nang marinig ang sinabi ko pero hindi ko na siya pinansin. Nilingon ko si Mommy na ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nandito na ako sa harapan niya ngayon. I hugged her tight at kissed her on her cheek.

"I miss you Mom!" Malambing na sabi ko. Napaluha naman siya ng matapos kong humiwalay sa kaniya sa pagkakayakap. Niyaya niya akong pumasok sa loob at maupo sa couch. Ang mga gamit ko naman ay pinapasok na ni Mommy sa mga katulong para dalhin iyon sa kwarto ko.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka? Edi sana nasundo ka namin ng Kuya mo." Sabi niya nang makaupo kami. Binigyan niya ako ng isang basong tubig, ininom ko naman iyon.

"Mom is right! Edi sana hindi rin umabot sa ganitong sitwasyon." Sabi naman ni Kuya pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Malay ko ba kung sino ka, ang tagal kong hindi ka nakita." Rinig ko pang bulong niya.

"I wanted to surprise you pero mukhang tayong lahat ang nasurprise." Sabi ko na pinaparinggan ang isa sa tabi. Sila sana ang iso-sorpresa ko, pero hindi ko alam na may surprise din palang naghihintay sa akin. Tsk!

"Where's Daddy nga po pala?" Tanong ko saka inikot ang tingin sa bahay. Si Daddy lang kasi ang wala dito, Akala ko nandito rin siya pero mukhang nasa company pa iyon.

"Nasa france siya for business. Mamaya pa 'yon uuwi." Sagot ni Mommy. Tumango na lang ako at uminom ulit ng tubig.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Magsasalita na sana si Kuya ng inunahan ko siya. Nilingon naman niya ako.

"How are you, Mom?" I asked.

"I'm fine. How about you? Mag-isa ka lang bumyahe papunta dito. You must be tired." Sagot ni Mommy at kinuha ang kamay ko saka ito hinimas.  Nginitian ko lang siya at sumagot.

"I'm all good Mom. There's nothing to worry to about. Everything's normal." Sagot ko. Ramdam ko naman na nakatingin lang sa amin si Kuya at parang naghihintay kung kailan siya magsasalita. Bahala siya diyan.

"Ako? hindi mo man lang ba tatanung—"

"May pinabibigay po pala sa inyo si Doctor Johnson, Mom. It's just a token of gift lang daw po and she hoped you'll like it." Sabi ko at nilabas ang ipinabibigay ni Doc kay Mommy. Kinuha niya ang hawak ko at binuksan ito. Nakangiti naman niya itong tinanggap at binuksan. Tuwang tuwa siya ng makita ang laman ng regalo.

"Where's mine? Do you have something for me?" Tanong ni Kuya. Kanina pa siya salita ng salita pero walang pumapansin sa kaniya. Kaming dalawa lang ni Mommy ang magka-usap at kanina pa nagpapapansin si Kuya sa amin pero dedma lang kami.

"Mom. I'm tired. I'll go to my room now." Paalam ko kay Mommy pagkatapos. Tumango lang siya sa akin saka niyakap akong muli bago ako binitawan.

Tumayo na ako at naglakad paalis. Hindi pa ako nakakalimang hakbang aa hagdan nang tawagin ako ni Kuya.

"Dada!" Huminto ako at nilingon siya na sumusunod pala sa akin.

"Hindi mo ako papansin?" Tanong niya at huminto sa harap ko.

"Why? Are you going to threaten me?" Tanong

ko pabalik. Agad naman siyang umiling kasama ang kamay niya bago tumingin sa akin.

"No! Why would I?" Mabilis niyang sabi sa akin. "Come on. Sorry na! Hindi ko naman alam e." Dugtong niya. Sarcastic akong tumawa at tinignan siya ng masama. Iniwas niya ang tingin sa akin

"How could you! How could a brother didn't recognized his sister? You hurt my feelings back there!" I answered. Nilingon niya at mas lumapit pa sa akin.

Hindi ko naman maiwasang masaktan. Akala ko pinagtitripan lang niya ako kanina pero hindi niya pala talaga ako naalala. That hurts so bad! Who does that to his family? Kala mo walang mga pinagsamahan para kalimutan lang ng ganoon.

"I had no idea!" Sagot niya. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. No idea? Oh hell! Dumb reason!

"So you really forgotten me? It's just eight years and you didn't recognized me? What part of me has changed?" Tanong ko sa kaniya.

"All! Literally just you! You've grown up now Dada. You were just a kid back then." Sagot naman niya.

"Your excuses sucks! I was happy but you ruined my happiness! Of all people, why you?" Naiiyak kong sabi. Hinila niya ako palapit sa kaniya saka niyakap.

"I'm sorry. I was too much for you. You don't deserve me." Sabi niya habang hinihimas ang buhok ko. Lumayo naman ako sa kaniya at ngumisi.

"Yes. I don't deserve you! You ugly monkey!" Sabi ko at patakbong umakyat pataas sa kwarto ko.

"What the—"

"MOM! I NEED A NEW BROTHER! SOMEONE WHO'S NOT VINCE DANIEL EL MUNDO!"

I JUST woke up when I heard something downstairs, Mga nagkakatuwaan kumbaga. Tumayo ako sa pagkakahiga at napagdesisyunan na lumabas ng kwarto para tignan kung ano ang ganap sa baba.

Anong meron at bakit parang ang saya-saya nila? 

"Mom? What's happening? Bakit ang ingay-ingay niyo?" Tanong ko habang kinukusot pa ang mata. Pagkatapos kong kumusot ng mata ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin na mga mata.

"Hi!"

"Hi Dahlia. Ang ganda mo!" 

Gulat akong nakatingin sa mga taong nasa harap ko. Lahat sila ay nakangiti sa akin habang nakataas pa ang kamay na para bang kumakaway.

"H-hi..." Nahihiyang sabi ko. Who are these people? Why are they here?

"Oh Dada! Gising ka na pala. Wala si Mommy, umalis." Lumapit ako sa kaniya at palihim na kinurot ang tagiliran niya. Napadaing naman siya sa sakit. Napatingin sa amin ang kaibigan niya dahil sa ingay na ginawa niya pero ngumiti lang kami ng pilit sa kanila.

"Nagising ako dahil sa ingay! Who are they?" Tanong ko sa kaniya. Nilapag niya muna ang tray na hawak niya sa lamesa at hinila ako papunta sa kusina.

"Mga kaibigan ko. I invited them and Mom knows it!" Paliwanag niya sa akin. "And sorry na! Hindi ko naman alam na magigising ka dahil sa kanila e ang layo layo kaya ng kwarto mo." Dugtong niya.

"I can hear everything! Why are you all so loud? Wala naman kayo sa bar. Anong meron at bakit nandito sila?" Tanong ko ulit. Napakamot naman siya sa ulo niya at tumingin sa akin.

"I'm older than you. Wag kang puro tanong!" Sabi niya at tumingin sa sala kung saan nakatingin din sa amin ang mga barkada niya. Err. Kailangan bang tignan kaming magkapatid habang nag-uusap. The food is already there, pwede namang kumain na sila at huwag kami pansinin.

"And so? Childish ka naman!" Sabi ko at inasar siya. 

"Hoy, hindi porque nakapunta ka ng America, e ang galing gaing mo na! Bata ka pa din. Baby namin!" Sabi niya saka ngumisi nang masabi niya ang huling salita. Lumukot ang mukha ko dahil sa narinig.

"Yuck Kuya! Tigilan mo ako sa baby-baby na iyan. Matanda ka na, tigilan mo na ang pang-aasar mo sa akin! Mas mukhang matanda pa nga ako mag-isip kesa sa iyo!" Sabi ko.

"Puro ka salita. Ewan ko sa iyo!" Sabi niya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "At anong klaseng suot iyan? Kinulang sa tela?" Dagdag niya pa saka kunot-noong tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"It's called fashion. Stupid!" Taas kila kong sabi. 

"Stu-stupid?" Bago pa niya ako masapak ay agad na akong tumakbo pabalik sa kwarto ko pero natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni Kuya.

"Nandito ka na pala Nathan! Buti nakarating ka. Akala namin hindi ka na dadating e!"

Nathan? Nathan Lopez!

Lumingon ako sa direksyon nila Kuya at nakitang nakatayo si Nathan sa harap niya. Is that him? How could he grow into a fine man?

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatulala at kanina pa pala ako tinatawag ni Kuya. Kumurap naman ako at tumingin sa kaniya.

"Hmm? Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Sumenyas naman siya na bumaba ako pero hindi ako gumalaw. 

"Halika. Bumaba ka muna sandali." Walang pasabing bumaba ako at naglakad papunta sa kanila. Huminto ako sa tabi ni Kuya at diretsong tumingin kay Nathan na nasa harapan ko.

"Remember her? Si Dahlia, kapatid ko. Kakauwi lang niya kanina galing America. Do you still remember her?" Tanong ni Kuya kay Nathan. 

Walang emosyon akong tinignan ni Nathan sa mata, na para bang kinikilatis niya muna ang pagkatao ko bago magsalita.

"I do. The sick girl." Walang emosyon niyang sabi. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan nang marinig ko ang boses niya. It's so cold, nakakalamig ang boses niya at parang mas gugustuhin mo na lang na wag siyang magsalita.

"Ah, yeah. But she's fine now. Perfect and well." Pilit na nngiting sabi ni Kuya at nilingon ako saka ngumiti. 

Tumalikod si Nathan sa amin at dumiretso sa dalang kaibigan niyang nasa sala at kumakain na. Tinapik muna ni Kuya ang balikat ko bago sumunod kay Nathan. 

Hindi muna ako umakyat sa kwarto ko at dumiretso na lang muna sa kusina para uminom ng tubig. 

Bakit siya ganon? Parang hindi na niya ako kilala at ibang-iba na siya sa dating siya. Nagbago rin ang paraan ng pagsalita niya, ang cold na. Everything about him has changed. Parang ibang tao na siya kung titignan. 

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatambay dito sa kusina at nagulat na lang nang biglang pumasok si Nathan. Natigil pa siya ng makita ako at kalaunan ay tumuloy na rin sa pagpasok at dumiretso sa fridge kung saan ay katabi ko lang. Tumayo ako ng maayos at mahigpit na hinawakan ang baso sa kamay ko. 

Nag-uumpisa nang tumibok ang puso ko lalo na't nasa tabi ko lang si Nathan na kumukuha ng mga drinks. Para bang napako na ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako makagalaw pa.

Nang matapos si Nathan sa pagkuha ng mga drinks ay nagsimula na itong maglakad palabas ng kusina. 

"N-nathan . . ." Hindi ko alam kung bakit lumabas 'yon sa bunganga ko. And I didn't mean to speak, bigla na lang lumabas ang salitang iyon sa labi ko. Nilingon niya ako at hinihintay ang sasabihin ko.

"H-how are you?" Nauutal kong tanong. Kaya kong makipagtitigan sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit ako nauutal kapag kinakausap ko siya. Hindi naman ako ganito sa kaniya dati noong mga bata palang kami o baka dahil sa iba na siya ngayon? He's intimiditating.

"Fine, I guess." Wala pa ring emosyong sagot niya sa tanong ko. Nanatili pa rin siyang nakatayo habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, parang tumiklop na ang dila ko mula nung nagsalita siya.

"Is there anything?" Tanong niya. Mabilis akong umiling bilang sagot sa tanong niya. 

"Okay." Sabi niya at lumabas na. 

Yes. He used to be a cheerful guy when we were a kid but he didn't pay any attention to me then either, up until now. Everything about him has changed but only the attention I wish to receive from him is still nothing.

I am still invisible to him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status