“Mukhang seryoso na po talaga si Ma’am Alianna na iwanan ka, Sir Dwaine. Hindi mo man lang po ba siya tututulan? Turan ni Julius. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch na nasa loob opisina ni Don Gregorio.
Hindi sumagot si Dwaine. Tinitigan niya lamang ang annulment papers na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng matanda. “Alam mo, Sir Dwaine, nakikita ko kay Ma’am Alianna na ayaw pa talaga niyang sumuko. Ayaw ka pa niyang pakawalan. Baka napipilitan lang siya kasi feeling niya, wala ng pag-asa na umusad ang relasyon niyo.” Umayos ng upo si Julius. Tsaka siya muling nagpatuloy sa pagsasalita. “What if huwag mo munang pirmahan ‘yang annulment papers? What if iparamdam mo muna sa kanya na against ka sa desisyon niyang putulin ang panghabangbuhay na ugnayan niyo? Sir Dwaine, mahal mo naman si Ma’am Alianna, ‘di ba? Hindi mo naman siya pakakawalan ‘di ba?” Malalim na bumuntong hininga si Dwaine. “Alam mo, Julius, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Alam mong ni minsan ay hindi ko inisip si Alianna. Kahit pa sa tatlong taon naming pagsasama ay binuhos niya ang buong pagmamahal at pag-aalaga sa akin.” “Alam ko naman ‘yon, Sir Dwaine. Kung paano ka alagaan ni Ma’am Alianna… kung paano siya maghintay sa iyo kahit inaabot ka na ng madaling araw… lahat ng effort ay ginawa niya.” “Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon, binalewala ko siya. Pinagod ko siya!” “Pero may oras ka pa naman. Pwede ka pang bumawi. Si Ma’am Alianna na lang ang babae sa buhay mo ngayon. Pwede ka pa namang magsimula ulit eh. Ligawan mo siya. Ibuhos mo ang pagmamahal na nararapat para sa kanya.” Tumikhim si Dwaine. Tiningnan niya ng diretso si Julius. “Masyado kang invested sa marriage namin ni Alianna. May dapat ba akong malaman, Julius?” Nakataas pa ang isang kilay na turan ni Dwaine. “Luh! Sir Dwaine, naman! Concern lang ako kay Ma’am Alianna. Matagal-tagal ko rin siyang nasubaybayan at nakita ko kung paano ka niya alagaan. Mahal ka talaga niya. Lahat ng ginawa niya para sa ‘yo, hindi ko nakitang ginawa ni Ma’am Lilia.” “Lilia loves me more than you know.” Dwaine reacted. He clenched his fist and licked his lower lip. “Boss Dwaine, kalma lang po. Wala naman akong sinabing hindi ka minahal ni Ma’am Lilia. Ang akin lang, never kong nakitang sobra siyang naging concern sa ‘yo. Kasama mo nga lang siya kapag masaya ka eh, pero kapag malungkot ka at pinuputakte ka ng problema… sino bang nariyan sa tabi mo at hindi ka iniiwan? Hindi ba’t si Ma’am Alianna?!” “You were right!” Dwaine finally admitted. “But, I don’t think this is the perfect time to be with her. Masyado ko siyang sinaktan. Marami na akong ginawang kasalanan sa kanya, and I don’t think I’m the perfect man for her.” “So, you’re willing to lose her?” Seryoso ang mukha ni Julius habang sinasabi niya iyon. Seryoso rin ang kanilang pinag-uusapan pero bigla siyang tumawa. “Napapa-english na tuloy ako dahil sa ‘yo, Sir Dwaine! Ipaglaban mo na kasi si Ma’am Alianna. Sa tingin ko naman po, hindi siya mahirap magustuhan eh. Ayaw mo lang pong subukan.” “I—” Magsasalita na sana si Dwaine ng biglang nag-ring ang phone ni Julius kaya tiningnan niya ito ng pamatay na tingin. “Teka lang, Sir! Sagutin ko lang ‘to ha!” Agad na tumayo si Julius. Lumabas siya ng opisina ni Don Gregorio para sagutin ang nasabing tawag. ‘Ano ba naman ‘tong si Joven! Panira ng usapan. Nasa exciting part na kami ni Sir Dwaine eh!’ Kumaltak si Julius. Saka niya sinagot ang nasabing tawag. Makalipas ang ilang sandali, muling bumalik sa loob ng opisina ni Don Gregorio si Julius at sa pagkakataong iyon, nagmamadali siya’t natataranta. “Sir Dwaine—” usal niya. “Iyong asawa niyo po…” “What happened to my wife?!” nagtatakang tanong ni Dwaine. Tumayo siya’t itinuon ang dalawa niyang kamay sa lamesa. Nagulat si Julius sa sinabi ni Dwaine. Gusto niyang asarin ito ngunit mas pinili niyang ipagsawalang bahala ang sinabi ng amo dahil wala sa hulog kung gagawin niya iyon. “Tumawag po si Joven. May nabasag raw po sa loob ng kwarto ninyo. Nag-aalala po sila na baka may nangyari na raw po kay Ma’am Alianna.” “Ano?!” Sigaw ni Dwaine. Agad siyang umalis sa kanyang pwesto at dumiretso palabas ng opisina ng kanyang lolo. “Ano bang nangyari? May ginawa na ba silang paraan? Sinubukan ba nilang katukin ang pinto para masiguro kung ayos lang si Alianna sa loob?” Habang nagsasalita si Dwaine ay nagmamadali siya sa paglalakad. Sa laki ng mansyon ng mga Palacios, halos isang kilometro ang layo ng opisina ni Don Gregorio sa kwarto nina Dwaine kaya hindi ganoon kabilis na marating ito. “Kinatok na raw po nila pero hindi raw po sumasagot si Ma’am Alianna!” “Tell them to do everything they could to open that fúcking door of ours!” “Opo—” agad na ni contact ni Julius si Joven. Sa sobrang bilis maglakad ni Dwaine, hinihingal na siya sa kakahabol. Makalipas ang ilang minuto… “Anong nangyari sa asawa ko?!” sigaw ni Dwaine. Dahil sa sinabi ni Dwaine, natigilan si Manang Lucy. Kasalukuyan kasi siyang naghahanap sa spare key ng kwarto nina Dwaine. “Ano na?! Hindi niyo pa rin nabubuksan ang pintuan?” galit na tanong ni Dwaine. Halos pandilatan niya ng mata si Aling Lucy at si Joven habang naghahalungkat ito sa may cabinet. “S-sorry po, Sir Dwaine! Masyado pong maraming susi dito.” Turan ni Aling Lucy. Natataranta na siya dahil sa pag-aalala. “Julius, tumulong ka na nga rin sa paghahanap!” Utos ni Dwaine. Agad siyang tumayo sa tapat ng pintuan at kinakatok ito ng malakas. “Alianna, open this door. Please open this fúcking door.” Paulit-ulit na kumatok si Dwaine at paulit-ulit rin niyang tinawag ang pangalan ni Alianna pero wala itong respond. Ni ha ni ho mula sa kanyang asawa ay wala siyang narinig. “Ano na?! Wala pa rin ba?” Gigil nang sambit ni Dwaine. Halos mamula na ang mga kamay niya kakakalampag sa pintuang gawa sa pinakamatibay na kahoy. “Ito na po—” ani Joven. Agad niyang inabot kay Dwaine ang susi at dali-dali naman nitong binuksan ang pinto. Nanginginig ang mga kamay ni Dwaine noong mga sandaling iyon. Pinaghalong kaba at pag-aalala kasi ang nararamdaman niya habang sinususian ang pinto. Pagbukas niya, nabitawan niya ang hawak niyang pinagsama-samang susi sa kanyang nakita. “Alianna—”“Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang nais ni lolo. Lahat ng gusto niya, sinunod ko. Ngayon lang ako tututol dahil ayokong sirain ni Lilia muli ang buhay ko.”Bumuntong hininga ng napagkalalim si Dwaine. Nakabalik na siya sa constructed building na inaasikaso niya dahil iniwan niya na ang matanda sa opisina nito upang maiwasan ang pagtatalo.Habang nakaupo sa swivel chair, bigla siyang nakaisip ng ideya. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at saka nag-dial ng numero mula sa kanyang phonebook.[“Hello?”]“May I speak to Mr. Harrison Sebastiano?” [“Yes, speaking…who’s this?”]Tumikhim si Dwaine bago sumagot. “S-si Dwaine ‘to, Harrison. Napatawag ako kasi gusto sana kitang makausap. Kung available ka ngayon, pwede ba tayong magkita kahit saglit lang?”[“Ang random ng pagtawag mo. Ni hindi ko in-expect na alam mo pala ang office number ko, but anyways…what do you want to talk about? Is it about business? Tungkol ba sa partnership between the Sebasti
“Hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, lolo. NEVER!” “No, Dwaine. You have no choice but to marry her. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na bunga ng pagtataksil ang anak mo? Gusto mo bang makulit na naman ang nangyari, thirty years ago?” Hinilot ng matanda ang sintido niya matapos niyang sabihin iyon.Umawang ang gilid ng labi ni Dwaine dahil sa tinuran ng matanda. “A-ano’ng ibig mong sabihin, lolo? A-ano bang nangyari thirty years ago?”Tinitigan ng matanda ang apo niya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, pinag-iisipan niya kung dapat na ba niyang sabihin ang isa sa pinaka tatago-tago niyang lihim mula pa noong hindi pa ito pinapanganak.“Lolo, ano pong totoo? Sabihin niyo na po, total ay mabanggit niyo na rin naman sa akin. Huwag niyo na po akong bitinin.”Tumikhim ang matanda. Bumwelo ito bago nagsimulang magkwento. “Fine! I’ll tell you the truth, but promise me… you won’t judge me.Ginawa ko ‘yong desisyon na ‘yon para sa’yo at para sa kompanya
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea