Share

Kabanata 4

I woke up with a heavy hangover the next day. I tried remembering what happened last night, but some details are not clear to me, and some… are still a question to me. Basta ang alam ko lang ay nalasing ako nang sobra.

Napahilamos na lamang ako ng aking palad sa aking mukha. Sobrang bigat ng katawan ko. I can’t even feel my arms for some reason, but the thought that I needed to get up to fix myself up motivated me.

Iyon nga lang ay halos mapabalikwas ako sa gulat nang nakitang nasa isang estrangherong silid ako. Sa nanlalaking mga mata ay sinuyod ko ng tingin ang buong paligid.

Where am I? Was I kidnapped? Or… assaulted?

Para masagot ang mga tanong kong iyon, lalo na ang huli ay pinakiramdaman ko ang aking sarili. I looked down and saw that I am wearing different clothes now! Pero hindi naman masakit ang katawan ko. There was no signs that I was… assaulted or something. Kung mayroon man, alam kong galing na iyon sa sobrang pagkalasing ko kagabi.

Muli kong iginala ang mga mata ko sa buong silid.

Everything seemed normal. Walang anumang senyales ng karahasan. In fact, the surroundings looked serene. The rays of the rising sun illuminated the room I was in. Sumasayaw pa ang puting kurtinang siyang tumatabing sa tanawin sa labas.

Dahan-dahan akong tumayo nang ma-proseso ang lahat. Inalala kong mabuti ang mga huling nangyari kagabi.

I drunk. Iyon ang una kong naalala. Then, I remembered someone. A man… who was there with me!

With the thought of him, parang bahang rumagasa ang mga alaala sa aking isip. My eyes instantly widened at the thought of him being the man I need to marry!

Although I wasn’t a hundred percent sure, nakaramdam ako ng kaba.

Mabilis kong tinungo ang pinto. I tightly gripped the doorknob bago iyon pinihit. Halos mapatalon ako sa tuwa nang umiikot iyon—an indication that it wasn’t locked!

If my hunch is right, alas sais pa lang ng umaga kaya naman ramdam ko pa ang pagyakap ng malamig na hangin sa aking balat. I hugged myself as I walked around the unfamiliar house.

I kept on reminding myself to stay alert. Kahit pa wala akong nakikitang banta sa bahay na ito, hindi pa rin ako puwedeng magpakampante.

Marami nang namatay dahil sa maling akala.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na hindi ko naman alam kung saan ba ako dadalhin ng mga paa ko. I wasn’t familiar with the place, so as long as I’m moving… I considered that fine.

In the hopes of finding an answer to my questions in mind, I continued looking around for possible answer. Tahimik na rin akong nagdasal na sana ay wala ako sa masasamang kamay.

Sa gitna ng pagdarasal ko ay nakarinig ako ng yabag kaya naman nataranta ako. Kung ano-ano na lamang ang pumasok sa isip ko kaya mula sa paglalakad ay dahan-dahan iyong bumilis hanggang sa naging takbo.

I was running for my life when I bumped into someone. Hindi na kasi ako nag-abala pang tumingin sa dinaraanan ko dahil sa likod ako nakatingin.

Hinihingal man ay nagkaroon pa rin ako ng lakas ng loob na mag-angat ng tingin sa kung sino mang nakabangga ko.

Tila ba umakyat lahat ng dugo sa aking mukha nang nakita ko kung sino iyon. It was Spade. Sa kaba ko ay bigla ko pang naalala ang kaniyang pangalan.

His eyes were sharp and his jaw was clenched. Nakasuporta na rin ngayon ang kaniyang braso sa aking katawan para hindi ako malaglag. His grip mirrored the harshness of his expression. Lalo pa akong kinabahan.

“W-Where am I?” I asked. Sa wakas ay nagkaroon din ng lakas ng loob para isaboses ang kanina ko pang tanong sa aking isip.

Hindi siya sumagot. Instead, I felt his grip tighten. Napatingin ako sa braso niyang nakapulupot sa aking bewang.

“Bitiwan mo ako,” utos ko. I expected him to listen pero para akong hangin sa harap niya dahil hindi man lang siya gumalaw.

“I said get your hands off of me!” Sigaw ko na nang nawalan na ng pasensiya. Sinusubukan kong intindihin lahat ng nangyayari pero parang hindi ko kaya.

Naisip ko iyong sinabi niya kagabi. We were just strangers. Pareho lang naman kami ng tower na tinutuluyan pero bigla niyang sasabihin sa akin na siya iyong lalaking pakakasalan ko?!

Isang kahibangan iyon para sa akin. Isang malaking kasinungalingan.

Hindi niya pa rin ako sinunod kaya nagpumiglas na ako. I was trying so hard to getaway from him, but his hold gets tighter every time I shake my body off of him!

“Tulungan niyo ako! Help!” I screamed out of my lungs. I was desperately calling for help while he was just standing there, watching me with his dark eyes.

“Pakawalan mo nga ako!” I exclaimed dahil naiinis na talaga ako lalo na dahil mukhang hindi niya ako nakikita. He just won’t listen to me!

“Pakakawalan kita pero kailangan mong kumalma,” aniya nang na wakas ay magdesisyon siyang magsalita.

“Oh, now you’re talking, huh? Akala ko magiging parang hangin lang ako rito. Bitiwan mo nga ako!” I said one last time, and luckily this time… I finally got to getaway from him.

“Nasaan ako? What am I doing in this kind of place?” Magkasundo kong tanong nang hindi inaalis sa kaniya ang aking tingin.

“You’re in my place,” panimula niya. “Dinala kita rito para maayos nating mapag-usapan ang tungkol sa mga nasabi ko kagabi,” he added. Napahugot ako ng malalim na hininga sa aking dibdib.

“Alam kong kahit paano may may naaalala ka, pero gusto kong pag-usapan natin iyon nang hindi ka lasing.”

Nag-iwas ako ngayon ng tingin dahil alam kong nakikita niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko tungkol sa mga sinasabi niya. Bukod pa roon, hindi ko rin kayang tagalan ang naninimbang niyang mga mata.

“A-Ayokong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Iuwi mo na ako,” malamig ang boses kong sinabi saka pa sinubukang humakbang para makaalis doon, pero nabitin ang paghakbang ko nang nagsalita siya.

“Ayaw mong pag-usapan natin, huh? So ano’ng gagawin mo? Tatakbuhan mo na naman kagaya ng palagi mong ginagawa? Ganiyan ka na lang ba palagi? Tatakbuhan mo na lang ba habang buhay ang mga problema mo?” Mas matigas ang boses niyang sinabi.

Kung kanina ay nanghihina pa ako, ngayon ay hindi na. Tila ba naging gatilyo sa aking natutulog na damdamin ang kaniyang mga salita.

It made my heart ache. It pained me to hear him say that kahit na hindi niya naman alam kung saan ako nanggagaling. I felt judged!

“How dare you say that!” Sigaw ko sa kaniya. I jus can’t keep myself quiet when he just insulted me like that!

“Kilala mo ba ako mula pagkabata para sabihin iyan? What made you think na basta ko na lang tinatakbuhan ang mga problema ko? Alam mo ba kung bakit ko iyon ginagawa?” I spitted those words painfully.

It spread in my body like an acid, and it pains me to think that I am crying because of what he just addressed me!

Hindi siya nakapagsalita, pero gusto kong magpatuloy. Ni hindi ko na nga ininda ang mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata.

“Kung okay lang sa’yo na ipamigay ka ng mga magulang mo, ako hindi! Tumakbo ako kasi ayokong pakinabangan nila ako gamit ang masamang intensyon! Alam mo rin ba na kilala lang naman nila ako kapag mayroon silang kailangan sa akin?” Humikhikbi kong sumbat sa kaniya dahil gusto kong maintindihan niya kung bakit ko ginagawa ang bagay na sinasabi niyang pagtakbo mula sa mga problema.

“G-Gusto ko namang ayusin, e. Ayokong habang-buhay na lang akong galit sa mga magulang ko, pero nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na ipaliwanag ko man kung anong nararamdaman at saloobin ko sa gusto nilang mangyari, hinding-hindi rin sila makikinig sa akin. Kung sasabihin mo rin ngayon na subukan ko?” Pagak akong natawa.

“Huwag kang mag-alala dahil nagawa ko na. I begged them not to do this, pero itinuloy pa rin nila kasi uhaw na uhaw sila sa kapangyarihan ay yaman. Kaya heto ako ngayon, tumatakbo kagaya ng sinasabi mo.”

There. Finally I had the courage to voice those words out. Those words that suffocated me for a long time.

Kahit anong lakas ko rin kanina, tila nahigop lahat ng lakas ko pagkatapos kong sabihin ang lahat ng mga salitang iyon sa kaniya.

Wala na akong pakialam kung ano pang isipin niya sa akin ngayon. Kung iinsultuhin niya pa rin ako, wala na akong pakialam. I said what I needed to say. Nasa kaniya na lamang iyon kung makikinig siya sa akin o hindi.

“Kaya iyang kasal na sinasabi mo? Malabong mangyari dahil ayoko ring isipin na gagamitin ka lang ng pamilya ko. My conscience would forever haunt me for that." Matapang ko siya ngayong tinitigan. "Pero sige… dahil gusto mo namang pag-usapan natin. Pag-usapan na natin ngayon para matapos na. Iyon nga lang, hindi ko ipangangako sa’yo na matutuloy ang gusto niyong kasal.”

Iyon ang huli kong sinabi bago ko piniling manahinik na dahil nasabi ko na lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status