Masuk
Sa dinami-dami ng taong puwedeng makakita kay Elias Madrigal na may bitbit na kangkong, ang limang Diyos ng Digmaan pa talaga.
Alas-kuwatro ng hapon, abala si Elias sa pamilihan ng Infanta. Namimili siya ng sitaw habang binibilang ang barya sa palad niya. Puting t-shirt, shorts, at lumang tsinelas ang suot niya, at nasa bayong niya ang kangkong, dalawang kamatis, at kalahating kilong sitaw. Hanggang sa may umugong sa kalangitan. Isa-isang tumingala ang mga tindera, at pati ang matandang nagbebenta ng isda ay napahinto sa pagtimbang. Limampung eroplanong pandigma ang mabagal na lumilipad sa ibabaw ng lungsod. Halos matakpan na ang araw, at gumagapang sa mga bubong ang mga anino nila. Sa unahang kalsada naman, nakahilera ang animnapung trak na puno ng mga sundalong may armas. Sumusunod sa kanila ang dalawampung sasakyang may kanyon at limang tangke, at sa gitna ng lahat ay dahan-dahang umaandar ang isang mahaba at itim na Limousine na hindi tinatablan ng bala. Naglagay ang mga sundalo ng tatlong patong na harang sa magkabilang gilid ng kalsada, tig-tatlumpung metro ang lapad, at wala ni isang taga-Infanta ang nangahas lumapit. Sa mga telebisyon ng karinderya at tindahan, iisa ang laman ng balita. Sabay-sabay raw dumating sa lungsod ang limang Diyos ng Digmaan. Bawat isa sa kanila ay malaki ang naitulong sa bansa at kinatatakutan ng lahat, kaya walang makapagsabi kung bakit sila magkakasama. "Master…" Napahinto siya. Limang taon na niyang hindi naririnig ang tawag na iyon, pero kilala pa rin ito ng tainga niya. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita ang limang taong naka-uniporme sa harap niya. Kumikinang ang mga medalya sa dibdib nila, at tuwid na tuwid ang tindig ng bawat isa. Sabay-sabay nilang inilapat ang kanang kamao sa kaliwang dibdib, at kitang-kita sa mga mata nila ang tuwa. "Pinakamataas na Diyos ng Digmaan, Rojen Saldivar!" sabi ng nasa harap. Sumunod agad ang apat. "Diyos ng Digmaan ng Unos, Garret Felipe!” “Diyos ng Digmaan ng Katatagan, Marchial Mercadejas!” “Diyos ng Digmaan ng Sambayanan, Lucas Alleje!” “Diyos ng Digmaan ng Siklabo, Darix Santinel!" "Pagbati po, Master!"sabay-sabay nilang saad. Umalingawngaw iyon hanggang sa dulo ng palengke. Napaupo sa upuan ang isang tindera, at nabitawan ng lalaki ang isdang hawak niya. Tiningnan ni Elias ang lima, tapos ang bayong niya, tapos ang lima ulit. Bumuntong-hininga siya na parang pagod na pagod na sa mundo. "Nagkakamali kayo," sabi niya. "Elias ang pangalan ko, hindi ako ang ‘master’ na hinahanap ninyo." Aalis na sana siya, pero maingat siyang hinawakan ni Garret sa braso, parang takot itong makabasag ng kung ano. "Master, limang taon po kayong nawala, at limang taon namin kayong hinanap. Kapag hindi kayo bumalik, babagsak ang Celestial at masasakop ang buong Olympus. Kaya n'yo po bang panoorin na lang iyon?" Sunud-sunod na tumango ang apat pa. May pawis na sa noo nila, at halata ni Elias na hindi sila nagbibiro. Walang pinuno ang Celestia, at malapit nang bumagsak ang mga sundalo. Matagal na nilang hinahanap ang taong ito, kaya ngayong nasa harap na nila ito, wala silang balak na pakawalan siya. "Celestial," mahinang ulit ni Elias. May mapait na lasang dumaan sa dila niya habang sinasabi iyon. Siya mismo ang nagtatag niyon, sampung taon na ang nakararaan. Wala pang isang taon, umabot na sa isang milyong mandirigma ang sumali, at naging pinakamalaking samahan ito sa buong mundo. Pinangunahan niya ang bawat laban at ni minsan ay hindi siya natalo, hanggang sa wala nang naglakas-loob na kumalaban sa kanya. Sa loob lang ng dalawang taon, napatigil niya ang digmaan. Pinarangalan siya nang todo, at doon nagsimula ang problema. Sabi kasi ng matatanda, kapag mas malaki ang nagawa ni Elias kaysa sa hari, delikado ito para sa kaniya. Kapag iniutos ng hari na patayin siya, wala siyang magagawa. Kung nagtagal pa si Elias, pati ang mga kapatid niya sa Celestial ay hindi na niya maipagtatanggol. Kaya uminom siya ng alak nang walang pag-aalinlangan, iniwan ang lahat ng kapangyarihan niya, at tahimik na umalis sa Olympus. Nang mawala ang lakas niya, nagsulputan ang mga kaaway na matagal nang naghihintay, at handa silang gumastos ng kahit magkano para mapatay lang siya. Kung hindi siya malakas, matagal na siyang nakalibing. Itinaas ni Elias ang bayong at ngumiti, kahit halata namang pilit. "Kayo ang nagpaalis sa akin, tapos ngayon babawiin n'yo? Tumabi na kayo. Magluluto pa ako, hinihintay na ako ng asawa't anak ko." "Master, hindi po puwede..." Humarang ulit ang lima, mabilis at natataranta. Bahagyang tumingala si Elias, at parang yelong dumaloy sa likod nila ang lamig ng tingin niya. Hindi sila makagalaw. Si Darix, na minsang nakipaglaban nang tatlong araw na walang tulog, ay namutla at napalunok. "Gusto n'yo bang mamatay?" mahinang tanong ni Elias. Mahina lang ang pagkakasabi nito, pero nanginig ang lahat ng nakarinig. Sa mismong sandaling iyon, tumunog ang telepono sa bulsa niya. Nang makita niya kung sino ang tumawag, nawala ang bagsik sa mukha niya at kusang lumambot ang balikat niya. "Anak," aniya. "Papa." Nanginginig ang boses ni Tala, 'yung boses na pilit pinipigilan ang iyak. "Andito na naman po 'yung lalaki para saktan si Mama. Takot na takot na po ako. Papa, kailan ka po uuwi?" Parang may batong bumagsak sa ulo ni Elias. Nawala ang ngiti niya at nagdilim ang paningin niya, at wala na siyang narinig sa mga sinasabi ng lima. Tumalikod siya at mabilis na naglakad palayo. Walang nangahas na pumigil sa kanya, at naiwan silang nakatayo roon, nakadikit pa rin ang mga kamao sa dibdib. Habang pauwi, bumalik sa isip niya ang lahat. Limang taon na ang nakararaan, halos mamatay siya sa mga sugat na iniwan ng mga kaaway niya. Duguan at halos hindi na makalakad nang makarating siya sa Infanta, at doon niya nakilala si Lira Buenacosa, na tumatakbo sa dilim habang nanginginig ang mga kamay. Tinraydor ito ng sarili nitong kadugo at pinainom ng gamot na nagpapainit ng katawan. Iniligtas niya ito, pero may nangyari sa kanila nang gabing iyon. Pagkalipas ng isang buwan, nalaman ni Lira na buntis siya. Ipinag-utos din ng matanda sa pamilya ng Buenacosa na ipakasal ang dalawa. Limang taon siyang hindi nirerespeto sa bahay na iyon. Lalo pa itong lumala nang mamatay ang matanda, at mas masahol pa sa aso ang trato sa kanya. Pero hindi siya umalis. May utang na loob siya kay Lira, at gusto niyang makitang lumaki ang anak niyang si Tala. Hindi man naging masaya si Lira sa piling niya, may respeto pa rin sila sa isa't isa. Naiwan naman sa pamilihan ang limang Diyos ng Digmaan, at saka lang sila natauhan. "Teka," bulong ni Marchial, "Niloko si master ng asawa niya?" Walang sumagot, pero nagkatinginan silang lima. Kahit ano pa ang mangyari, kailangan nilang makumbinsi ang master na bumalik at pamunuan ulit ang Celestial. Pagdating ni Elias sa Unit 612 ng Ikalawang Tore sa Villa Pag-asa, hindi pa siya nakakapasok nang may maliit na katawang tumakbo palapit sa kanya. Naka-damit pang-prinsesa si Tala, may tirintas, at nakangiti kahit namumula ang mga mata. Napakaganda niya, parang manika, at mahigpit niyang niyakap sa baywang ang ama. "Papa!" Niyakap din siya ni Elias, kahit hinihingal pa at nanginginig ang tuhod. Amoy sabon at gatas ang buhok ng anak niya, at pumikit siya sandali para pakalmahin ang sarili. "Tala, nasaan si Mama?" Itinuro ng bata ang kuwarto. "Nag-aayos po ng kumot si Mama. Umalis na po 'yung lalaki." Nagngalit ang ngipin ni Elias. Mabilis siyang pumasok sa kuwarto at binuksan ang p***o, at ang unang tumama sa mata niya ay ang basurahang may mga bagong lukot na tisyu. Biglang nag-init ang buong katawan niya, at hindi niya namalayang sumisigaw na siya. "Lira!" Nakatalikod sa kanya ang babae, balingkinitan at maputi, naka-puting sando, shorts, at itim na medyas sa mahahaba nitong binti. Isinipit ni Lira ang buhok sa likod ng tainga, 'yung galaw na limang taon nang kabisado ni Elias, at saglit itong huminto. Pero hindi ito lumingon. "Nandiyan ka na pala," kalmado nitong sabi. "Magluto na tayo." "Magluto? Anong magluto ang sinasabi mo!" Ibinagsak ni Elias ang bayong, at gumulong ang mga kamatis hanggang sa paanan ni Lira. "Aaminin ko, sa limang taon na 'to, wala akong naibigay sa 'yo. Marami kang tiniis dahil sa akin. Kung hindi mo na ako kayang makasama, puwede naman tayong maghiwalay. Pero bakit dito mo pa ginawa, sa bahay natin, sa harap pa ng anak natin?" Bago pa siya makatapos, sumagot na si Lira. "Ano ba’ng pakialam mo?" Humarap na ito sa kanya, at wala ni katiting na hiya sa mukha nito. "Limang taon kang parang asong takot sa lahat, tapos ngayon sinisigawan mo’ko? Ano'ng karapatan mong pakialaman ang buhay ko?" Hindi nakasagot si Elias. Ano nga ba naman ang pakialam ng lalakeng walang ka laban-laban sa babaeng hindi nakikita ang halaga niya?Sampung minuto lang ang kailangan para bumagsak ang Montenegro Group, pero mas matagal pang sumagot si Elias sa simpleng tanong ng asawa niya.Nasa kalagitnaan na sila ng daan pauwi nang hindi na makatiis si Lira. Nakatitig siya kay Elias mula sa likod ng kotse, at kitang-kita sa mga mata niya na ilang minuto na siyang pigil na pigil. "Elias, hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang nangyari kanina? Sino ka ba talaga?"Saglit na natahimik si Elias. Alam niyang kapag sinabi niya ang buong katotohanan, hindi iyon makakabuti kay Lira, at madadamay pa ang buong pamilya nito. "Dati akong sundalo, alam mo 'yon. Sa isang misyon, may nailigtas akong napakayamang tao. Ang sabi niya, kapag wala na akong ibang malapitan, tutulungan niya ako ng isang beses. Kanina, wala na akong ibang maisip na paraan, kaya sa kanya ako humingi ng tulong."Tumango si Lira. Nasabi na rin naman ni Elias noon na dating sundalo siya, kaya madali niyang pinaniwalaan ito.Nang marinig ito ni Aling Trinidad ay kumunot ang n
Tumawa si Gael habang hawak ang baling kamay, at kahit halatang nasasaktan siya, hindi niya mapigilan ang tawa."Sampung minuto? Mawawala ang Montenegro Group sa Infanta?" Umiling siya na parang nakarinig ng pinakanakakatawang biro sa buong buhay niya. "Ang lakas talaga ng loob mo, ano? Basura ka lang kung ikukumpara sa pamilya ko. Paano mo gagawin 'yang sinasabi mo?"Hindi rin naniniwala si Aling Trinidad. Oo, iba ang dating ni Elias ngayong gabi, at hindi na ito ang manugang na sunod-sunuran sa kanya sa loob ng limang taon. Pero iba pa rin kapag ang mga Montenegro ang pinag-uusapan. Kahit ang pinakamayamang pamilya sa Infanta, hindi kayang pabagsakin ang ganoon kalaking kumpanya sa loob ng sampung minuto. Lalo na ang lalaking nagluluto lang ng tinola sa kusina nila.Mabilis siyang lumapit kay Gael, nanginginig ang boses. "Sir Gael, pasensya na po talaga. Makikipaghiwalay na po siya sa anak ko. Pumayag na si Lira sa gusto n'yo, huwag n'yo lang kaming idamay. Wala po kaming alam sa mg
Hindi alam ni Elias ang gagawin. Sumisikip ang dibdib niya sa nalaman.Kaya pala ganoon kalamig si Lira nitong mga nakaraang araw. Kaya pala pinipilit nitong ilayo sila ni Tala sa Infanta. Tinitigan niya ang asawa niyang nakayuko, balikat lang ang gumagalaw sa pag-iyak, at doon niya lang naintindihan kung gaano karami ang pinasan nito nang mag-isa. At siya pa ang may ganang magalit. Kung may paraan lang na masampal niya ang sarili niya nang hindi nakikita ni Tala, ginawa na niya."Akala mo siguro, may nangyari sa kanila ni Gael sa bahay," sabi ni Aling Trinidad. Basag ang boses niya at panay ang punas ng palad sa mukha. "Wala, Elias. Pinilit siya ng hayop na 'yon, pero lumaban ang anak ko, kaya siya sinampal. 'Yung kumot na nilabhan niya, 'yung mga tisyung nakita mo sa basurahan, hindi 'yon ang iniisip mo. Dugo 'yon. Dugo ng anak ko."Napatakip siya sa bibig, at doon na tuluyang bumigay ang matapang niyang tindig. "Hindi namin sinabi kasi alam naming susugod ka, at baka mas lalo lang
Hindi pa kailanman nagmakaawa si Lira sa harap ng lalaking hindi niya kilala, pero ngayong gabi, wala na siyang ibang magagawa.Sa pribadong silid sa ikatlong palapag ng Hotel Pilar, nakaupo sa dulo ng mesa ang isang lalaking naka-suit at may mamahaling relo sa kaliwang kamay. Hindi na kailangang sabihing mayaman siya. Kita iyon sa upo niya, sa paraan ng pag-ikot niya ng alak sa baso, at sa tingin niyang parang pag-aari niya ang mundo. Sa harap niya, nakahain ang mga pagkaing hindi pa natitikman ni Lira kahit kailan. Walong waiter ang nakatayo sa gilid, tahimik at nagkukunwaring walang naririnig.Pumasok si Lira at umupo sa upuang pinakamalayo sa kanya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Sir Gael, pasensya na po sa sinabi ko kanina. Pakiusap, huwag n'yo na pong idamay ang pamilya ko. Gagawin ko po ang gusto n'yo."Si Gael Montenegro ang panganay ng pamilyang may-ari ng Montenegro Group, at isang bilyon ang yaman niya. Sa buong Infanta, alam ng lahat na mayabang siya at babaero
Kaya ni Elias harapin ang isang milyong kalaban, pero hindi niya kayang marinig na umiiyak ang anak niya.Nakatayo si Tala sa may pinto ng kuwarto, yakap ang sarili niya, at panay ang punas ng kamay sa mukha. Hindi pa rin tumitigil ang luha niya. "Ma, Pa, nag aaway po ba kayo? Natatakot na po ako." Humihikbi siya habang nagsasalita kaya putol-putol ang bawat salita.Agad na lumuhod si Elias at kinarga ang bata. Kumapit ito sa leeg niya, at dama niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Apat na taong gulang pa lang si Tala, kaya hindi nito dapat naririnig ang ganito. Hinimas niya ang likod ng anak at huminga nang malalim, kahit nanginginig pa ang kamay niya.Paglingon ni Lira, ay nakita ni Elias ang pulang bakat ng kamay sa kaliwang pisngi nito. Pulang-pula rin ang mukha niya hanggang tainga. Saglit na nawala ang galit ni Elias at napalitan ng kaba. "Ano'ng nangyari sa mukha mo?"Natawa si Lira nang mahina. Hinawakan niya ang pisngi niya at tumingin sa ibang direksyon. "Ginusto ko ito.”N
Sa dinami-dami ng taong puwedeng makakita kay Elias Madrigal na may bitbit na kangkong, ang limang Diyos ng Digmaan pa talaga.Alas-kuwatro ng hapon, abala si Elias sa pamilihan ng Infanta. Namimili siya ng sitaw habang binibilang ang barya sa palad niya. Puting t-shirt, shorts, at lumang tsinelas ang suot niya, at nasa bayong niya ang kangkong, dalawang kamatis, at kalahating kilong sitaw.Hanggang sa may umugong sa kalangitan. Isa-isang tumingala ang mga tindera, at pati ang matandang nagbebenta ng isda ay napahinto sa pagtimbang.Limampung eroplanong pandigma ang mabagal na lumilipad sa ibabaw ng lungsod. Halos matakpan na ang araw, at gumagapang sa mga bubong ang mga anino nila. Sa unahang kalsada naman, nakahilera ang animnapung trak na puno ng mga sundalong may armas. Sumusunod sa kanila ang dalawampung sasakyang may kanyon at limang tangke, at sa gitna ng lahat ay dahan-dahang umaandar ang isang mahaba at itim na Limousine na hindi tinatablan ng bala. Naglagay ang mga sundalo n







