MasukKaya ni Elias harapin ang isang milyong kalaban, pero hindi niya kayang marinig na umiiyak ang anak niya.
Nakatayo si Tala sa may p***o ng kuwarto, yakap ang sarili niya, at panay ang punas ng kamay sa mukha. Hindi pa rin tumitigil ang luha niya. "Ma, Pa, nag aaway po ba kayo? Natatakot na po ako." Humihikbi siya habang nagsasalita kaya putol-putol ang bawat salita. Agad na lumuhod si Elias at kinarga ang bata. Kumapit ito sa leeg niya, at dama niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Apat na taong gulang pa lang si Tala, kaya hindi nito dapat naririnig ang ganito. Hinimas niya ang likod ng anak at huminga nang malalim, kahit nanginginig pa ang kamay niya. Paglingon ni Lira, ay nakita ni Elias ang pulang bakat ng kamay sa kaliwang pisngi nito. Pulang-pula rin ang mukha niya hanggang tainga. Saglit na nawala ang galit ni Elias at napalitan ng kaba. "Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Natawa si Lira nang mahina. Hinawakan niya ang pisngi niya at tumingin sa ibang direksyon. "Ginusto ko ito.” Natigilan si Elias. Inulit niya sa isip ang sinabi nito, at nang maintindihan niya ang ibig sabihin, mas uminit pa ang dibdib niya kaysa kanina. Pero nakasubsob sa balikat niya ang basang mukha ni Tala, kaya nilunok na lang niya lahat. "Sino siya?" mababa at pigil ang boses niya. "Wala ka nang pakialam doon." Kinuha ni Lira ang kumot sa kama nang hindi man lang siya tinitingnan, tapos pumasok sa banyo. Narinig ni Elias ang pag-lock ng p***o. Sa higpit ng kuyom ng kamao niya, pumuti ang mga buto ng daliri niya. Gusto niyang basagin ang lahat ng makita niya sa bahay na iyon. Pero karga niya ang anak niya, kaya nanatili na lang siyang nakatayo at nagtiis. Maya-maya, bumababa sa hagdan si Aling Trinidad, ang nanay ni Lira, naka-pulang pantulog at nakahalukipkip. Pinasadahan niya ng tingin si Elias mula ulo hanggang paa. "Wala ka talagang kuwenta, 'no? Limang taon ka na rito pero ano'ng narating mo? Tingnan mo 'yung mga lalaki sa Infanta, may kotse, may bahay, may ipon. Ikaw? Kay Lira ka lang nakasandal. Alam mo ba kung ano'ng sinasabi ng mga kapitbahay sa anak ko? Siya raw ang pinakamagandang estudyante noon, tapos ngayon pinagtatawanan na dahil sa 'yo." Dinampot niya ang lampaso sa tabi ng p***o at ibinato iyon kay Elias. "Magluto ka na, tapos linisin mo ang buong bahay. Kapag hindi mo natapos ngayong gabi, sa labas ka matutulog, kasama ng aso." Nasalo iyon ni Elias gamit ang isang kamay. Namula ang mukha niya at nagtayuan ang mga ugat sa sentido niya. Limang taon na niyang nilulunok ang ganitong mga salita, kaya sanay na siya. Pero ngayong araw, kasama ng mga salitang iyon ang mga lukot na tisyu sa basurahan at ang pulang bakat sa mukha ng asawa niya. Hindi na niya alam kung kaya pa niyang lunukin ang lahat. Tao rin siya, at may hangganan ang pasensya niya. Handa na siyang sumabog nang maramdaman niya ang maliit na kamay ni Tala sa pisngi niya. Pinunasan ng bata ang sarili niyang luha, tapos humigpit ang yakap nito sa leeg niya. "Pa, huwag kang matakot," bulong nito. "Ako ang bahala sa 'yo." Humarap si Tala kay Aling Trinidad, nakatingala at nanginginig ang labi. "Lola, huwag n'yo na pong sigawan si Papa. Huwag n'yo rin po siyang palabasin ng bahay. Ibibigay ko na lang po sa kanya ang kama ko, tapos sa sofa na lang po ako. Pumayag na po kayo, please po." Suminghal si Aling Trinidad at umiwas ng tingin. Sa dingding siya tumitig, na parang may kakaiba roon na ngayon lang niya nakita. Pero napansin ni Elias na bahagyang nanginginig ang balikat ng matanda at mahigpit ang kuyom ng kamay nito. Hindi ito sumagot, pero sapat na iyon para humupa ang galit ni Elias. Kapag nagpatuloy pa ang away, ang bata rin ang masasaktan. Kinarga niya si Tala papunta sa kusina, kahit masama pa rin ang loob niya. Pinaupo niya ang anak sa upuan sa tabi ng lababo at hindi binitawan ang kamay nito. Matagal silang walang imik. Tinitigan niya ang basang pilikmata ni Tala at ang tirintas nitong lumuwag na. "Pa," mahinang sabi ni Tala, "hindi mo po ako iiwan, 'di ba?" Parang may pumiga sa puso ni Elias. Hindi siya agad nakasagot, at sa katahimikang iyon, may bumabagabag sa isip niya. Aksidente lang ang nangyari sa kanila ni Lira noon, at napilitan lang silang ikasal. Pero limang taon na silang magkasama, kaya kabisado na niya ito. Hindi marunong magsinungaling nang diretso si Lira. Kapag may tinatago ito, umiiwas ito ng tingin, at kanina, ni minsan ay hindi ito tumingin sa kanya. Baka may pinagdadaanan ito na hindi niya alam. "Tala, maglaro ka muna ng mga manika mo, ha? May kakausapin lang si Papa." Tumango ang bata, kahit halatang ayaw nitong bitawan ang kamay niya. Tahimik na lumabas si Elias ng kusina. Nasa sala na si Lira, naka-itim na takong at hawak ang pulang bag, katabi ng nanay niya. Tumingin si Elias sa mukha nito, umaasang may makikita siyang sagot doon. "Lira, kung may gusto kang sabihin sa akin, ngayon na." Wala siyang nakita. Naglabas lang si Lira ng papel mula sa bag at ibinagsak iyon sa mesa. "Wala naman akong pakialam sa’yo, kaya wala na rin akong dapat ipaliwanag. Pirmahan mo 'yan, maghiwalay na tayo. Kunin mo ang anak mo at umalis na kayo sa Infanta." Tumalikod siya at lumabas, kasunod ang ina. Umalingawngaw sa pasilyo ang takong niya hanggang sa tuluyang mawala, at hindi siya lumingon kahit isang beses. Alam ni Elias na darating ang ganitong araw, pero masakit pa rin pala. Kanina lang, naniwala siyang may dahilan si Lira. Mukhang nagkamali siya. "Kahit minsan, wala ka bang naramdaman para sa akin?" mahina niyang sabi sa nakasarang p***o. "Limang taon tayong magkasama, hindi mo ba ako minahal? Pati si Tala, hindi mo kayang ipaglaban? Hadlang ba siya sa pagpapakasal mo sa mayaman?" Sinuntok ni Elias ang sofa, at lumubog ang unan sa lakas ng hampas. Sa isang saglit, muntik na niyang sabihin ang totoo. Muntik na niyang tawagan ang limang Diyos ng Digmaan para makita ng buong Infanta kung sino ang tinatrato nilang parang aso. Pero malakas ang mga kaaway niya, at hindi pa sila nawawala. Limang taon siyang nagtiis ng kahirapan para makalayo sa gulo at mabuhay nang tahimik kasama sina Lira at Tala. Kapag ibinunyag niya ang lahat ngayon, masasayang ang lahat ng iyon, at manganganib pa ang buhay ng mag-ina. Habang nakatitig siya sa papel sa mesa, may narinig siyang hikbi mula sa p***o. Nandoon si Tala, yakap ang manikang kalbo na, at pinupunasan ng maliit na kamay ang mukha. Lumapit si Elias at umupo sa sahig sa harap nito. "Anak, bakit ka umiiyak?" Sumubsob si Tala sa leeg niya. "Ayoko pong maghiwalay kayo ni Mama. Ayoko pong tawagin akong batang walang magulang. Ayoko pong mawalay sa inyo." Parang may nabasag sa loob ni Elias. Gusto niyang itago iyon sa anak, pero nalaman pa rin pala nito. Matalino si Tala, at wala talagang maitatago sa kanya. Galit pa rin siya kay Lira, at lalaki siya, paano niya palalampasin ang ginawa nito? Pero nang maisip niyang tatawagin pang batang walang magulang ang anak niya, parang may tumusok sa dibdib niya. Hindi siya sumagot, kaya tumingala si Tala. Basa pa rin ng luha ang malilinaw nitong mata. "Pa, may hihilingin po ako. Kausapin n'yo po si Mama, pakiusap, huwag na po kayong maghiwalay. Hindi na po ako maglalaro ng cellphone, maaga na po akong matutulog, hindi na po ako hihingi ng meryenda, magiging mabait na po ako. Basta huwag lang po kayong maghiwalay, kahit ano po gagawin ko." Nanginig ang puso ni Elias. Noon, wala siyang kinatatakutan at walang kahinaan, at ang sinumang humarang sa kanya ay babanggain niya. Ngayon, ang kahinaan niya ay isang batang apat na taong gulang na naka-tirintas ang buhok. Marahan niyang tinapik ang ulo nito at pilit na ngumiti, kahit mabigat ang bawat ang puso niya. "Hindi ka iiwan ni Papa, Tala. At hindi niya hihiwalayan si Mama. Pangako 'yan." Natigilan si Tala, tapos dahan-dahang ngumiti. Pinunasan niya ang kaniyang luha at itinaas ang hinliliit. "Pa, pinky promise po tayo. Ang sinungaling, pangit!" "Sige, pangako." Pinagsalikop ni Elias ang hinliliit nila, at ang maliit na daliring iyon ang pinakamabigat na bagay na nahawakan niya sa buong buhay niya. Hindi niya hahayaang masaktan ang batang ito, kahit tawagin pa siyang duwag ng buong mundo. Pero habang nakatingin siya sa divorce paper sa mesa, hindi niya alam na ang pangakong binitawan niya ngayong gabi ang magiging pinakamahirap na laban sa buong buhay niya.Sampung minuto lang ang kailangan para bumagsak ang Montenegro Group, pero mas matagal pang sumagot si Elias sa simpleng tanong ng asawa niya.Nasa kalagitnaan na sila ng daan pauwi nang hindi na makatiis si Lira. Nakatitig siya kay Elias mula sa likod ng kotse, at kitang-kita sa mga mata niya na ilang minuto na siyang pigil na pigil. "Elias, hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang nangyari kanina? Sino ka ba talaga?"Saglit na natahimik si Elias. Alam niyang kapag sinabi niya ang buong katotohanan, hindi iyon makakabuti kay Lira, at madadamay pa ang buong pamilya nito. "Dati akong sundalo, alam mo 'yon. Sa isang misyon, may nailigtas akong napakayamang tao. Ang sabi niya, kapag wala na akong ibang malapitan, tutulungan niya ako ng isang beses. Kanina, wala na akong ibang maisip na paraan, kaya sa kanya ako humingi ng tulong."Tumango si Lira. Nasabi na rin naman ni Elias noon na dating sundalo siya, kaya madali niyang pinaniwalaan ito.Nang marinig ito ni Aling Trinidad ay kumunot ang n
Tumawa si Gael habang hawak ang baling kamay, at kahit halatang nasasaktan siya, hindi niya mapigilan ang tawa."Sampung minuto? Mawawala ang Montenegro Group sa Infanta?" Umiling siya na parang nakarinig ng pinakanakakatawang biro sa buong buhay niya. "Ang lakas talaga ng loob mo, ano? Basura ka lang kung ikukumpara sa pamilya ko. Paano mo gagawin 'yang sinasabi mo?"Hindi rin naniniwala si Aling Trinidad. Oo, iba ang dating ni Elias ngayong gabi, at hindi na ito ang manugang na sunod-sunuran sa kanya sa loob ng limang taon. Pero iba pa rin kapag ang mga Montenegro ang pinag-uusapan. Kahit ang pinakamayamang pamilya sa Infanta, hindi kayang pabagsakin ang ganoon kalaking kumpanya sa loob ng sampung minuto. Lalo na ang lalaking nagluluto lang ng tinola sa kusina nila.Mabilis siyang lumapit kay Gael, nanginginig ang boses. "Sir Gael, pasensya na po talaga. Makikipaghiwalay na po siya sa anak ko. Pumayag na si Lira sa gusto n'yo, huwag n'yo lang kaming idamay. Wala po kaming alam sa mg
Hindi alam ni Elias ang gagawin. Sumisikip ang dibdib niya sa nalaman.Kaya pala ganoon kalamig si Lira nitong mga nakaraang araw. Kaya pala pinipilit nitong ilayo sila ni Tala sa Infanta. Tinitigan niya ang asawa niyang nakayuko, balikat lang ang gumagalaw sa pag-iyak, at doon niya lang naintindihan kung gaano karami ang pinasan nito nang mag-isa. At siya pa ang may ganang magalit. Kung may paraan lang na masampal niya ang sarili niya nang hindi nakikita ni Tala, ginawa na niya."Akala mo siguro, may nangyari sa kanila ni Gael sa bahay," sabi ni Aling Trinidad. Basag ang boses niya at panay ang punas ng palad sa mukha. "Wala, Elias. Pinilit siya ng hayop na 'yon, pero lumaban ang anak ko, kaya siya sinampal. 'Yung kumot na nilabhan niya, 'yung mga tisyung nakita mo sa basurahan, hindi 'yon ang iniisip mo. Dugo 'yon. Dugo ng anak ko."Napatakip siya sa bibig, at doon na tuluyang bumigay ang matapang niyang tindig. "Hindi namin sinabi kasi alam naming susugod ka, at baka mas lalo lang
Hindi pa kailanman nagmakaawa si Lira sa harap ng lalaking hindi niya kilala, pero ngayong gabi, wala na siyang ibang magagawa.Sa pribadong silid sa ikatlong palapag ng Hotel Pilar, nakaupo sa dulo ng mesa ang isang lalaking naka-suit at may mamahaling relo sa kaliwang kamay. Hindi na kailangang sabihing mayaman siya. Kita iyon sa upo niya, sa paraan ng pag-ikot niya ng alak sa baso, at sa tingin niyang parang pag-aari niya ang mundo. Sa harap niya, nakahain ang mga pagkaing hindi pa natitikman ni Lira kahit kailan. Walong waiter ang nakatayo sa gilid, tahimik at nagkukunwaring walang naririnig.Pumasok si Lira at umupo sa upuang pinakamalayo sa kanya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Sir Gael, pasensya na po sa sinabi ko kanina. Pakiusap, huwag n'yo na pong idamay ang pamilya ko. Gagawin ko po ang gusto n'yo."Si Gael Montenegro ang panganay ng pamilyang may-ari ng Montenegro Group, at isang bilyon ang yaman niya. Sa buong Infanta, alam ng lahat na mayabang siya at babaero
Kaya ni Elias harapin ang isang milyong kalaban, pero hindi niya kayang marinig na umiiyak ang anak niya.Nakatayo si Tala sa may pinto ng kuwarto, yakap ang sarili niya, at panay ang punas ng kamay sa mukha. Hindi pa rin tumitigil ang luha niya. "Ma, Pa, nag aaway po ba kayo? Natatakot na po ako." Humihikbi siya habang nagsasalita kaya putol-putol ang bawat salita.Agad na lumuhod si Elias at kinarga ang bata. Kumapit ito sa leeg niya, at dama niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Apat na taong gulang pa lang si Tala, kaya hindi nito dapat naririnig ang ganito. Hinimas niya ang likod ng anak at huminga nang malalim, kahit nanginginig pa ang kamay niya.Paglingon ni Lira, ay nakita ni Elias ang pulang bakat ng kamay sa kaliwang pisngi nito. Pulang-pula rin ang mukha niya hanggang tainga. Saglit na nawala ang galit ni Elias at napalitan ng kaba. "Ano'ng nangyari sa mukha mo?"Natawa si Lira nang mahina. Hinawakan niya ang pisngi niya at tumingin sa ibang direksyon. "Ginusto ko ito.”N
Sa dinami-dami ng taong puwedeng makakita kay Elias Madrigal na may bitbit na kangkong, ang limang Diyos ng Digmaan pa talaga.Alas-kuwatro ng hapon, abala si Elias sa pamilihan ng Infanta. Namimili siya ng sitaw habang binibilang ang barya sa palad niya. Puting t-shirt, shorts, at lumang tsinelas ang suot niya, at nasa bayong niya ang kangkong, dalawang kamatis, at kalahating kilong sitaw.Hanggang sa may umugong sa kalangitan. Isa-isang tumingala ang mga tindera, at pati ang matandang nagbebenta ng isda ay napahinto sa pagtimbang.Limampung eroplanong pandigma ang mabagal na lumilipad sa ibabaw ng lungsod. Halos matakpan na ang araw, at gumagapang sa mga bubong ang mga anino nila. Sa unahang kalsada naman, nakahilera ang animnapung trak na puno ng mga sundalong may armas. Sumusunod sa kanila ang dalawampung sasakyang may kanyon at limang tangke, at sa gitna ng lahat ay dahan-dahang umaandar ang isang mahaba at itim na Limousine na hindi tinatablan ng bala. Naglagay ang mga sundalo n







