LOGINHindi pa kailanman nagmakaawa si Lira sa harap ng lalaking hindi niya kilala, pero ngayong gabi, wala na siyang ibang magagawa.
Sa pribadong silid sa ikatlong palapag ng Hotel Pilar, nakaupo sa dulo ng mesa ang isang lalaking naka-suit at may mamahaling relo sa kaliwang kamay. Hindi na kailangang sabihing mayaman siya. Kita iyon sa upo niya, sa paraan ng pag-ikot niya ng alak sa baso, at sa tingin niyang parang pag-aari niya ang mundo. Sa harap niya, nakahain ang mga pagkaing hindi pa natitikman ni Lira kahit kailan. Walong waiter ang nakatayo sa gilid, tahimik at nagkukunwaring walang naririnig. Pumasok si Lira at umupo sa upuang pinakamalayo sa kanya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Sir Gael, pasensya na po sa sinabi ko kanina. Pakiusap, huwag n'yo na pong idamay ang pamilya ko. Gagawin ko po ang gusto n'yo." Si Gael Montenegro ang panganay ng pamilyang may-ari ng Montenegro Group, at isang bilyon ang yaman niya. Sa buong Infanta, alam ng lahat na mayabang siya at babaero, at kapag may nagustuhan siyang babae, nakukuha niya ito kahit magkano pa ang pera’ng ilalabas niya. Ibinaba niya ang kutsilyo at tinidor na pinanghihiwa niya sa steak, tapos tumingala at ngumiti na parang may narinig na nakakatawa. "Ako na nga ang lumapit sa 'yo, tapos tatanggihan mo pa ako? Sinabi mo pang may asawa ka. Mas gusto mo pa ang walang kuwenta’ng ‘yon kaysa sa akin? Alam mo bang insulto 'yon para sa akin? Sino ka ba sa tingin mo?" Sumenyas siya sa isang waiter, at agad itong nagsalin ng alak sa baso niya. Pinasadahan niya ng tingin si Lira mula ulo hanggang paa, dinilaan ang labi, at ngumisi. "Matagal na kitang gustong ma-solo. Sabi nila, ikaw raw ang pinakamagandang babae sa Infanta. Gusto kitang makita nang malapitan. Tapos tatanggi ka? Ngayon, alam mo ng mali ka?" Kinagat ni Lira ang labi at mahigpit na pinagsalikop ang mga kamay sa kandungan. Gusto niyang sumagot, pero yumuko na lang siya. "Opo, Sir. Mali po ako." "Mabuti naman at alam mo." Iniunat ni Gael ang kanang binti at tinapik ang hita niya. "Dito ka umupo. Gusto kitang makita nang malapitan." Humigpit ang kapit ni Lira sa upuan. Hindi niya akalaing sa harap pa ng walong tao siya ipapahiya ng lalaking ito. Hindi siya gumalaw. Nagsalubong ang kilay ni Gael at ibinagsak niya ang baso sa mesa. Tumalsik ang alak sa puting mantel, at napaigtad si Lira. "Ano, ayaw mo?" malakas niyang sabi. "Gusto mo bang lumaki ang anak mo na kasama ang walang silbi mong asawa? Sige, ikaw ang bahala." Nanginig ang buong katawan ni Lira. Ayaw na ayaw niya, pero dahan-dahan siyang tumayo, at pakiramdam niya ay may kadena na nakatali sa bawat paa niya. Huminto siya sa harap ni Gael at hindi pa rin umuupo. Tumawa ang lalaki, hinila siya sa kandungan nito, at malakas na hinampas ang puwet niya. "Dapat sinusunod mo at dapat pinasasaya mo ako," bulong ni Gael sa tainga niya, at amoy alak ang hininga nito. "Kapag hindi, mahihirapan ang mga mama mo, ang anak mo, ang buong pamilya mo, pati ang asawa mong walang kuwenta. Hindi ako nagbibiro. Subukan mo, kung gusto mo." Wala nang natirang pag-asa sa mga mata ni Lira. Sa buong buhay niya, iisang lalaki lang ang nakasama niya, at ngayon, pinaglalaruan siya ng iba sa harap ng walong estranghero. Gusto niyang lumaban, pero naisip niya ang mangyayari sa pamilya niya kapag ginawa niya iyon. Napabuntong-hininga siya at halos sumuko na. Sa sandaling iyon, may maliit na boses na sumigaw mula sa p***o. "Mama!" Bumukas ang p***o at pumasok si Tala, masayang tumatakbo, hindi alam kung ano ang naabutan niya. Nanlaki ang mga mata ni Lira at napatayo siya sa gulat. Hindi niya kayang makita ng anak niya ang ganitong kahihiyan, kaya sa isang iglap, itinaas niya ang kamay at sinampal si Gael. Natulala si Gael. Hawak niya ang pisngi niya at nakatitig kay Lira na parang hindi niya maintindihan ang nangyari. May babae bang nangahas na sampalin siya? Bago pa siya makapagsalita, may sumugod na lalaki sa kanya, parang tigreng ilang taong nakakulong. Sinuntok at sinipa siya nito, at wala siyang nagawa kundi yakapin ang ulo niya at sumigaw sa sakit. Nang makita ni Lira kung sino iyon, nanlaki ang magaganda niyang mata. "Elias!” Halos hindi niya nakilala ang asawa niya. Limang taon itong tahimik na tinatanggap ang lahat ng pang-aapi, hindi lumalaban, hindi man lang nagtaas ng boses. Ngayon, nakikipagbugbugan ito para sa kanya. May munting init na gumapang sa dibdib ni Lira, isang tuwa na hindi niya masabi kaninuman, pati sa sarili niya. Pero hindi siya tiningnan ni Elias. Hinawakan nito ang kamay niya, binuhat si Tala sa kabilang braso, at tumalikod para umalis. Sa may p***o, huminto ito. Nakakuyom ang mga kamao nito, at halatang pinipilit nitong pakalmahin ang boses. "Nangako ako kay Tala na kakausapin kita para hindi na tayo maghiwalay. Ayokong makita niyang nasisira ang pamilya natin sa edad niya. Kaya kakalimutan ko na ang lahat ng nangyari." Pulang-pula ang mga mata ni Elias nang tumingin siya kay Lira, at kitang-kita roon ang sakit at galit. "Pero ikaw, ito ba talaga ang gusto mo? Ang sumama sa ibang lalaki? Ganoon na ba ako kababa sa 'yo? Hindi mo man lang naisip si Tala. Ikaw– " Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sinampal siya ni Lira. Umiiyak si Lira at nanginginig ang boses niya. "Ano ba ang tingin mo sa akin? Malandi? Konti na lang, sasabihin mo ng bayaran ako." Pinunasan niya ang luha sa pisngi, at paulit-ulit siyang tumango. "Sige, ganoon na nga ako. Masaya ka na ba?" Itinuro niya ang p***o at sumigaw. "Lumayas ka! Ngayon din! Ayoko nang makita ang mukha mo!" Pagkatapos niyon, tuluyan na siyang humagulgol. Kanina pa pala nakatayo si Aling Trinidad sa gilid ng p***o, nanonood. Hindi na siya nakatiis. Galit na galit siyang lumapit at sinampal si Elias. "Walanghiya ka! Wala kang alam, tapos ang lakas pa ng loob mong sabihan ang anak ko ng ganyan! Sige, ikukuwento ko na sa 'yo ang totoo!" Biglang nag-iba ang mukha ni Lira. "Ma, huwag na po..." "Tumahimik ka!" sigaw ni Aling Trinidad. "Ang dami mo nang pinagdaanan, tapos iisipin pa ng hayop na 'yan na malandi ka!" Wala ng nagawa si Lira. Kinagat na lang niya ang labi at umiwas ng tingin. Natigilan si Elias. Tama pala ang kutob niya kanina na may mas malalim na dahilan ang lahat. Totoong tinatawag siyang walang silbi ng mga tao sa bahay na iyon, pero si Lira, kahit kailan, hindi siya pinabayaan sa abot ng makakaya nito. Mahalaga kay Lira ang pangalan at dangal niya, kaya bakit bigla siyang nagbago? Matagal nang may nararamdamang mali si Elias, at ngayon, unti-unti na itong lumalabas. Tinitigan siya nang masama ni Aling Trinidad. "Si Ernesto, ang tiyuhin ni Lira, ang nang-aapi sa amin nitong limang taon. Siya ang nag-imbita kay Gael Montenegro sa bahay ng mga Buenacosa. Alam niyang babaero 'yon, pero pinilit pa rin niyang isama si Lira sa handaan. Gaya ng inaasahan, nagustuhan ni Gael ang anak ko, at gusto niya itong paglaruan." "Tumanggi si Lira. Pero sabi ni Ernesto, malaking negosyo ang mapupunta sa pamilya kapag nagpakasal siya sa mga Montenegro. Kinumbinsi pa niya si Donya Remedios na pilitin si Lira. Hindi pa rin pumayag ang anak ko, kaya tinanggal siya ni Ernesto sa posisyon niya sa kumpanya at kinuha ang lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng maraming taon. Pati ang bahay natin ngayon, gusto niyang bawiin." "Kahit ganoon, hindi pa rin pumayag si Lira, kaya nagbanta si Gael. Kapag hindi kami pumayag agad, wawasakin niya ang kumpanya ng mga Buenacosa, at palalayasin niya sa Infanta ang tatay ni Lira at ako. Pati si Tala, at ikaw." Nanginig ang boses ni Aling Trinidad sa galit at pagod. "Kaya wala kang karapatan husgahan ang anak ko!" Hindi nakagalaw si Elias. Nakahawak pa rin sa kanya ang maliit na kamay ni Tala, at sa katahimikan ng silid, mas malakas pa sa kahit anong sigaw ang tibok ng puso niya. Nakatingin siya kay Lira na nakayuko at hindi makatingin sa kanya, at saka niya naintindihan na ang babaeng nagsabing wala siyang halaga ay ang parehong babaeng tiniis ang lahat para ilayo sila sa panganib.Sampung minuto lang ang kailangan para bumagsak ang Montenegro Group, pero mas matagal pang sumagot si Elias sa simpleng tanong ng asawa niya.Nasa kalagitnaan na sila ng daan pauwi nang hindi na makatiis si Lira. Nakatitig siya kay Elias mula sa likod ng kotse, at kitang-kita sa mga mata niya na ilang minuto na siyang pigil na pigil. "Elias, hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang nangyari kanina? Sino ka ba talaga?"Saglit na natahimik si Elias. Alam niyang kapag sinabi niya ang buong katotohanan, hindi iyon makakabuti kay Lira, at madadamay pa ang buong pamilya nito. "Dati akong sundalo, alam mo 'yon. Sa isang misyon, may nailigtas akong napakayamang tao. Ang sabi niya, kapag wala na akong ibang malapitan, tutulungan niya ako ng isang beses. Kanina, wala na akong ibang maisip na paraan, kaya sa kanya ako humingi ng tulong."Tumango si Lira. Nasabi na rin naman ni Elias noon na dating sundalo siya, kaya madali niyang pinaniwalaan ito.Nang marinig ito ni Aling Trinidad ay kumunot ang n
Tumawa si Gael habang hawak ang baling kamay, at kahit halatang nasasaktan siya, hindi niya mapigilan ang tawa."Sampung minuto? Mawawala ang Montenegro Group sa Infanta?" Umiling siya na parang nakarinig ng pinakanakakatawang biro sa buong buhay niya. "Ang lakas talaga ng loob mo, ano? Basura ka lang kung ikukumpara sa pamilya ko. Paano mo gagawin 'yang sinasabi mo?"Hindi rin naniniwala si Aling Trinidad. Oo, iba ang dating ni Elias ngayong gabi, at hindi na ito ang manugang na sunod-sunuran sa kanya sa loob ng limang taon. Pero iba pa rin kapag ang mga Montenegro ang pinag-uusapan. Kahit ang pinakamayamang pamilya sa Infanta, hindi kayang pabagsakin ang ganoon kalaking kumpanya sa loob ng sampung minuto. Lalo na ang lalaking nagluluto lang ng tinola sa kusina nila.Mabilis siyang lumapit kay Gael, nanginginig ang boses. "Sir Gael, pasensya na po talaga. Makikipaghiwalay na po siya sa anak ko. Pumayag na si Lira sa gusto n'yo, huwag n'yo lang kaming idamay. Wala po kaming alam sa mg
Hindi alam ni Elias ang gagawin. Sumisikip ang dibdib niya sa nalaman.Kaya pala ganoon kalamig si Lira nitong mga nakaraang araw. Kaya pala pinipilit nitong ilayo sila ni Tala sa Infanta. Tinitigan niya ang asawa niyang nakayuko, balikat lang ang gumagalaw sa pag-iyak, at doon niya lang naintindihan kung gaano karami ang pinasan nito nang mag-isa. At siya pa ang may ganang magalit. Kung may paraan lang na masampal niya ang sarili niya nang hindi nakikita ni Tala, ginawa na niya."Akala mo siguro, may nangyari sa kanila ni Gael sa bahay," sabi ni Aling Trinidad. Basag ang boses niya at panay ang punas ng palad sa mukha. "Wala, Elias. Pinilit siya ng hayop na 'yon, pero lumaban ang anak ko, kaya siya sinampal. 'Yung kumot na nilabhan niya, 'yung mga tisyung nakita mo sa basurahan, hindi 'yon ang iniisip mo. Dugo 'yon. Dugo ng anak ko."Napatakip siya sa bibig, at doon na tuluyang bumigay ang matapang niyang tindig. "Hindi namin sinabi kasi alam naming susugod ka, at baka mas lalo lang
Hindi pa kailanman nagmakaawa si Lira sa harap ng lalaking hindi niya kilala, pero ngayong gabi, wala na siyang ibang magagawa.Sa pribadong silid sa ikatlong palapag ng Hotel Pilar, nakaupo sa dulo ng mesa ang isang lalaking naka-suit at may mamahaling relo sa kaliwang kamay. Hindi na kailangang sabihing mayaman siya. Kita iyon sa upo niya, sa paraan ng pag-ikot niya ng alak sa baso, at sa tingin niyang parang pag-aari niya ang mundo. Sa harap niya, nakahain ang mga pagkaing hindi pa natitikman ni Lira kahit kailan. Walong waiter ang nakatayo sa gilid, tahimik at nagkukunwaring walang naririnig.Pumasok si Lira at umupo sa upuang pinakamalayo sa kanya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Sir Gael, pasensya na po sa sinabi ko kanina. Pakiusap, huwag n'yo na pong idamay ang pamilya ko. Gagawin ko po ang gusto n'yo."Si Gael Montenegro ang panganay ng pamilyang may-ari ng Montenegro Group, at isang bilyon ang yaman niya. Sa buong Infanta, alam ng lahat na mayabang siya at babaero
Kaya ni Elias harapin ang isang milyong kalaban, pero hindi niya kayang marinig na umiiyak ang anak niya.Nakatayo si Tala sa may pinto ng kuwarto, yakap ang sarili niya, at panay ang punas ng kamay sa mukha. Hindi pa rin tumitigil ang luha niya. "Ma, Pa, nag aaway po ba kayo? Natatakot na po ako." Humihikbi siya habang nagsasalita kaya putol-putol ang bawat salita.Agad na lumuhod si Elias at kinarga ang bata. Kumapit ito sa leeg niya, at dama niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Apat na taong gulang pa lang si Tala, kaya hindi nito dapat naririnig ang ganito. Hinimas niya ang likod ng anak at huminga nang malalim, kahit nanginginig pa ang kamay niya.Paglingon ni Lira, ay nakita ni Elias ang pulang bakat ng kamay sa kaliwang pisngi nito. Pulang-pula rin ang mukha niya hanggang tainga. Saglit na nawala ang galit ni Elias at napalitan ng kaba. "Ano'ng nangyari sa mukha mo?"Natawa si Lira nang mahina. Hinawakan niya ang pisngi niya at tumingin sa ibang direksyon. "Ginusto ko ito.”N
Sa dinami-dami ng taong puwedeng makakita kay Elias Madrigal na may bitbit na kangkong, ang limang Diyos ng Digmaan pa talaga.Alas-kuwatro ng hapon, abala si Elias sa pamilihan ng Infanta. Namimili siya ng sitaw habang binibilang ang barya sa palad niya. Puting t-shirt, shorts, at lumang tsinelas ang suot niya, at nasa bayong niya ang kangkong, dalawang kamatis, at kalahating kilong sitaw.Hanggang sa may umugong sa kalangitan. Isa-isang tumingala ang mga tindera, at pati ang matandang nagbebenta ng isda ay napahinto sa pagtimbang.Limampung eroplanong pandigma ang mabagal na lumilipad sa ibabaw ng lungsod. Halos matakpan na ang araw, at gumagapang sa mga bubong ang mga anino nila. Sa unahang kalsada naman, nakahilera ang animnapung trak na puno ng mga sundalong may armas. Sumusunod sa kanila ang dalawampung sasakyang may kanyon at limang tangke, at sa gitna ng lahat ay dahan-dahang umaandar ang isang mahaba at itim na Limousine na hindi tinatablan ng bala. Naglagay ang mga sundalo n







