Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga nang magising ako dahil sa mahinang pagyugyog sa 'kin. Nang maidilat ko ang mata ko si Rue ang bumungad sa 'kin. Hindi ko alam pero agad akong napalayo sa kaniya dahil sa takot.
"Love..." tawag n'ya sa 'kin na halatang nag-aalala. Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko para pakalmahin ako.
"L-lumayo ka!" sigaw ko na labis n'yang ikinagulat. Kaagad akong napahawak sa leeg ko na pilit hinahabol ang paghinga. Pakiramdam ko totoo ang panaginip na 'yon, pakiramdam ko totoo akong sinakal ang hindi ko lang inaasahan, si Rue ang may gawa no'n.
"L-love?" nagtataka n'yang tanong dahil sa kakaibang kinilos ko. "Love anong nangyayari sayo? Nanaginip ka ba ng masama?" Kitang-kita ko sa nga mata n'ya ang pag-aalala kaya unti-unti na lang
Nakita ko naman ang biglang pagkatensyonado n'ya kaya alam ko na agad na may tinatago s'ya. "Pinaiwan n'ya ako dito dahil alam n'yang pupunta ka dito sa office n'ya. Nasa meeting si Director kanina pero ngayon," sandali s'yang huminto upang tingnan ng kan'yang relos. "Pero ngayon kakatapos lang ng meeting n'ya." "Pakisabi na lang kay Director, babalik na lang ako dito kapag nakabalik na din s'ya," ngiti kong wika at maglalakad na sana palabas nang pigilan n'ya na naman ako. "Ah Doc, kasi kaya ka pinapapunta doon ni Director dahil after ng meeting n'yo hindi na s'ya babalik dito sa ospital, uuwi na po s'ya sa bahay n'ya," alanganin n'yang sabi, halata ko sa kaniya ang pagiging kabado dahil hindi ako pumapayag. Mukhang mapapagalitan s'ya sa sandaling hindi ako sumipot.&nbs
His face was only a few inches closer to mine and I could almost feel his breathing but I could feel the pounding of my chest more. I cannot move. I don't know if it's right for me to turn a blind eye at this time, all I know is, he's going to kiss me and my mind and heart also want that. "I want to kiss you right now." Nanuot sa buo kong pagkatao ang malumanay at malamig n'yang boses na tila humihingi ng permiso mula sa 'kin. Ilang segundo lang ang lumipas ay otomatiko na lang akong napatango sa hindi ko malaman na dahilan. I felt he gently touch my chin until he slowly lifted it so that we were on the same level. Amoy na amoy ko ang bango ng kan'yang hininga. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag makikipag-kiss, nakakakaba and at the same time nakakakakilig.&n
"Palagi na lang natin pinag-uusapan si Rue at gaya ng palagi mong sinasabi ayos naman s'ya. Eh, ikaw? ayos ka lang ba? hindi ka ba nahihirapan kay Rue? hindi ka ba sinasaktan ni Rue? sabihin mo lang kung napapagod ka na, I can hire a new Private Psychologist and Nurse para makapagpahinga ka," mahaba n'yang wika ng hindi man lang pumipikit o umiiwas ng tingin sa 'kin. "Ruther..." 'yon na lang ang tangi kong naisagot sa mga katanungan n'ya. "Im asking you, Angelic," Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya ngunit ibinalik ko rin 'yon dahil alam kong kailangan ko s'yang sagutin dahil kung hindi, maaaring humanap nga s'ya ng ipapalit sa 'kin. "Mabait si Rue at alam kong alam mo 'yon," panimula ko nakita ko naman na nakapirmi lang sa 'kin ang mga titig n'ya na nag-aantay sa sunod kong sasabihin. "Oo, aaminin ko na minsan nagagawa n'ya akong saktan pero
Bahagya akong natigilan sa tinanong ni Carreon hindi dahil hindi ko alam ang depinisyon ng pamilya kundi dahil hindi ko maintindihan bakit tinatanong n'ya ang bagay na 'yon. Hindi n'ya inalis ang mga mata sa 'kin at nag-aantay talaga s'ya sa isasagot ko. "Simple lang naman ang depinisyon ng pamilya sa 'kin, ang pamilya sila ang hindi ka tatalikuran kahit anong mali pa ang nagawa mo. Nandiyan sila para intindihin, tanggapin, tulungan at mahalin ka." Tumango-tango naman s'ya na tila naging sang-ayon sa sinabi ko. "Paano kung sa umpisa lang gan'yan ka ideal ang tinuring mong pamilya? masasabi mo pa rin bang gan'yan kung ang taong minsan mo nang tinuring na pamilya ay nagawa kang saktan o ang isa pang malapit sa sayo?"
Ngunit hindi ko alam pero bigla akong nakahinga ng maluwag. "Ang bango naman n'yang niluluto mo," sabay pulupot sa akin ng kan'yang dalawang braso. I felt secured in his arms. "Patapos na 'to, nagugutom ka na ba?" tumango naman s'ya. Matapos kong maghain ay sabay na kaming kumain ni Rue. Tahimik lang at walang kumikibo sa amin tanging pagkalansing lang ng kutsara,tinidor at plato ang dinig. "Are you okay?" pambabasag n'ya ng katahimikan. Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. "Oo naman," sagot ko ngunit 'di pa rin talaga natatanggal sa isip ko kung sino ba talaga 'yong pumasok dito kanina. Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan, maghuhugas na rin sana ako nang tawagin ako ni Rue. "Let's watch some movies? gamitin naman natin yung tv paminsan-minsan," pagbibiro
"Yes, Good morni--" agad akong napahinto nang makita ko ang isang babaeng nasa tapat ng pintuan. Nagtataka ako dahil ngayon ko lang s'ya nakita, hindi dito sa floor na 'to kundi sa buong ospital. Hindi kaya takas rin s'ya? pero may something na parang nakita ko na s'ya somewhere? o baka kamukha n'ya lang? whatever. "What's with that look?" maarte at mataray n'yang tanong. Dahil do'n ay nanlaki ang mata ko. Aba kaaga-aga may takas agad na mag-aamok? "Tabi," sunod n'yang wika habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Imbis na sumunod ay akmang isasarado ko na sana ang pinto para tumawag ng nurse pero laking gulat ko nang tulakin n'ya ako dahilan para mapaatras ako ng kaunti. Dahil sa gulat ay sinundan ko na ang s'ya ng tingin habang tulak-tulak ang trolley. Teka? Trolley? "Are you a hospital aide?" tanong ko. Ngayon ko lang napansing naka-white s'yang uniform. "Excuse me?" maarte n'ya turo sa sarili. "I'm a Psychologist
"I don’t think you are responsible for this key. Shame on you, you can’t even calm your client. You scaredy-cat." Seryoso kong wika at nakita ko and pag-awang ng bibig n'ya bago ko s'ya itulak ng bahagya para mabigyan ako ng daan. Nakita ko rin si Ruther sa tabi na pinagmamasdan lang ako sa ginagawa ko. "Hayaan kitang gawin 'to pero ito na ang huli, Ms.Angelic." ani Ruther. Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Ilang segundo lang lumipas na-unlock ko na at agad ko nang pinihit ang door knob. Pagpasok ko ay tumambad sa akin, sa amin ang napakaliwanag na kwarto at mausok. "Ngayon sabihin mo sa'kin kung wala ako, kaya n'yo bang pasukin 'to?" hindi ko na inantay pa ang sagot ni Ruther at naglakad na ako. "Fvck! is he a cult?!" muling bumoses si Zuares pero agad rin s'yang pinatahimik ni Mrs. Romana. Hindi ako nagdalawang-isip na tumuloy sa paglalakad papasok. Patay ang ilaw ng kwar
"You are not supposed to do that! Alam mo ang kondisyon ni Rue!" bulyaw sa akin ni Zuares sa loob na ng kwarto namin ni Rue. Nagising ko s’ya kanina pagkatapos ng therapy pero sbai n’ya ay inaantok pa s’ya kaya muli s’yang nakatulog. Hinarap ko si Zuares at tinitigan sa mga mata. Para akong trabahador na pinapagalitan ng boss sa sitwasyon ko ngayon. "Hypnotherapy? oo Registered Psychologist ka at may karapatan kang gawin ang gano'ng bagay pero sana nag-iisip ka! sana inisip mo 'yong kalagayan ng pasyente! paano kung mas lalong ma-trigger ang sakit n'ya?" muli n'yang sigaw habang ako ay nakikinig lang sa harapan n'ya. Oo alam ko na mali talaga ang ginawa ko at inaamin ko naman 'yon. Maling-mali. "Alam kong alam mo na people who are suffering from delusions, hallucinations, or other psychotic symptoms should not be used by hypnotherapy!" Napapikit na lang ako dahil sa tinis ng boses n'ya at talagang full force pa