Share

Try

Halos mapaatras si Mavis sa deretsong pagkapit ni Jana sa kanya pagkalapit nito sa kanya. Lihim siyang napangiwi ng masagi nito ang gasgas sa siko niya. Napahinga siya ng malalim. Napatingin siya rito. Tuluyan ng nabura sa isip nito ang pagkatalo at nabaling na sa kanya ang atensyon.

"Kanina pa kita hinahanap. Na late ka ng gising?" Tanong nito.

Tumango siya. "Oo."

Malawak itong ngumiti sa kanya. Ngunit ng mapalingon sa kinaroroonan ni Allison kalaunan ay dahan-dahan itong napasimangot.

"Natalo na naman ako ng ingrata," sabi nito sa tonong nagsusumbong. "Mahirap talagang tanggapin kapag ang ingrata ang nakakatalo sa akin."

Muling nasira ang mukha nito dahil naalala ang pagkatalo nito sa mortal nitong kaaway. Sumimangot ito, bagsak ang balikat at huminga ng malalim.

Tipid siyang ngumiti rito. "Magaling ka naman. Isang puntos lang ang lamang niya, that'sgood enough. Bumawi ka na lang sa susunod." sabi niya rito.

Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito. Hindi matanggap ang pagkatalo.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status