Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia, siya na ang pinaka - loyal na babaeng umaaligid kay Adriel Latimer. Kulang na lang daw ay pati ang nilalakaran ni Adriel ay susundan niya ng pamunas para lang mapasaya ito.
Ilang beses na siya pinahiya ni Adriel, ilang beses na rin siyang pinapagalitan ngunit mistula naging bingi at bulag si Sereia. Isang tawag lang din nito ay gagalaw na ang kanyang biyas para lapitan ito at magmamakaawa na siya sa presensiya nito. Sabi pa nila na napaka - cheap ni Sereia, dahil hindi man lang niya iniisip ang kanyang repustasyon. Alam niyang hindi siya gusto ni Adriel pero pilit pa rin niyang isiniksik ang sarili sa buhay nito. Gumagawa pa rin siya ng paraan para gustuhin siya nito, dahilan upang palagi itong mapikon sa kanya. Isang araw, habang nagkasiyahan sila Adreil kasama ang kanyang mga barkada sa isang pribadong kwarto ng bar. Napag - usapan nila si Sereia. “Adriel, paano ba ‘yan. Mahal na mahal ka ni Sereia. Ayaw ka na niyang lubayan. Kailan mo ba siya pakakasalan?” tanong pa ni James na isa sa pinakamalapit na barkada ni Adreil. Nakangisi pa ito habang nakatukod ang dalawang kamay sa mesa na kanyang pinag - upuan. Adreil smirk. “Is a low rate lady are worthy of my name?” Ang hindi alam ni Adreil ay nakikinig mula sa labas si Sereia. Nakadikit ang tainga nito sa pinto habang ang dalawang kamay ay nakalapat sa malamig na dingding. Kagat nito ng mariin ang labi at napayuko dahil sa kahihiyan. Napayuko siya. ‘Mababa ba siya? Ganito ba talaga ang tingin nito sa kanya?’ may hihinakit na ani ni Sereia sa kanyang isip. Dala ng galit ay marahas niyang tinulak ang pinto. Nabulabog sila Adriel, pati rin ang mga barkada nito. Napaawang ang kanilang mga bibig nang makitang iniluwa mula sa pinto si Sereia. Binalot ng katahimikan ang paligid, ngunit ang pagkaawang ng kanilang mga labi ay unti - unting napalitan ng pagkamangha at ngisi. Limang lalaki ang nasa loob ng private room at pang - anim si Adriel, at dahil kinulang sa bilang si Sereia ay natuod siya sa kinatatayuan. Napasipol naman ang ilan. Nag - apiran pa ang dalawang barkada ni Adriel. Na para bang nasisiyahan sa pinapanood na magandang pelikula. Kanina lang ay tinawagan ni Adreil si Sereia hindi para pagalitan ito, kung hindi papuntahin ito sa bar na pinag - inuman nila. They made a bet and everyone gamble that Sereia would not come. Nag - away kasi ang dalawang kahapon. Paano, nalaman ni Sereia na may dinala na isang magandang babae si Adriel sa hotel kaya inaway niya ito. Ginantihan naman siya ng bulyaw ng huli kaya nauwi iyon sa pagtatalo. Akala nila ay hindi ito pupunta, dahil nga sa pikon pa ito. Hindi nila inaasahan na makunat pa sa bakal ang mukha ni Sereia. Tinawagan lang ito ni Adriel pero sumunod kaagad ito. Na para bang walang masamang namagitan sa kanilang dalawa. Binalewala ni Sereia ang mga aroganteng tingin ng mga lalaki. Sa halip ay walang emosiyon siyang lumapit siya kay Adriel. Napatingin siya sa dalawang babae na nakadantay sa magkabilaang braso nito. Kukulo na yata ang dugo niya dahil tabas ng tela ng mga suot nito. Napaka - revealing at kinulang sa tela. Halos lumuwa na ang suso ng mga ito dahil sa pagka - ipit. Kaunting liyad lang din ata ng dalawa ay masisilipan na ito. Maging ang mukha nito ay tadtad ng make - up. Maputi ang mga mukha ngunit sa bandang leeg ay may kaitiman. Talagang malalaman mong kinapalan ang paglagay ng polbura sa mukha dahil hindi pantay ang kulay nito. Tumikyas ang kanyang kilay pero hindi siya nagsalita. Pinagmasdan niya ang mukha ni Adriel. Kasabay ng kanyang pagtitig ay unti - unting paglaho ng kanyang galit sa kanyang puso. Ito ang isa sa pinakaayaw ni Sereia sa kanyang sarili. Napakabilis niyang bumigay. Pati ang pagtitig niya rito ay puno ng lambing. Binalingan niya ang babae na nasa kanan nito. “Pasensiya na pero pwede bang tumabi ka muna?” Awtomatikong tumaas ang kilay nito at dismayadong napapatitig kay Sereia. “Sino ka ba sa akala mo?” Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo lang siya roon at hinintay ang babae na tumayo. Nang makitang hindi siya nagpatinag ay mas lalo nitong inilapit ang sarili kay Adriel at sinadyang pinabunggo ang suso. Hinila nito ang palapulsuhan ni Adriel at nagsalita. “Riel, siya ba iyong sinasabi mo na babae na parang aso na buntot ng buntot sa’yo? Ang tapang niya ah.” Napalingon sa kanya si Adriel pero hindi ito nagsalita. Mayamaya pa ay hinawakan nito ang kamay ng babaeng hipon. “What’s wrong? Are you unhappy?” Tumango naman ang babae nang nakabunsangot. Kamuntik ng mawalan ng pasensiya si Sereia dahil sa kaartehan ng babae nito. “I’ll ask her to apologize to you okay? Don’t be sad. It doesn’t suit you, “ he said in a coaxed young voice. Bigla namang sumigla ang babae nito. Nagliwanag pa ang mukha nito at mas lalong nagpa - cute. “Okay,” saad ng babaeng hipon. Saka siya binalingan ni Adriel. Sa isang kurap ay biglang nagbago ang timpla ng mukha nito. “Mag - sorry ka, Sereia.” Pero hindi siya gumalaw. Ni hindi rin bumuka ang kanyang bibig. Wala siya planong makipagtalo sa isang hitad na babae na ang alam lang ay lumandi at magpabebe sa harap ng isang lalaki. Lumalim ang gitla ng noo nito. “Bingi ka ba? Sinabi kong mag - sorry ka. Naririnig mo ba ako?” Napalunok si Sereia. Muli siyang napatingin kay Adriel. Nang makita niya ang galit nito ay nagsimula nang bumangon ang kanyang takot. “Huwag ka ng magalit,” pakiusap pa niya. Adriel snorted smugly. He lifts his chin and arrogantly said,” If you don’t want me to be angry, apologize. Don’t make me wait, Sereia.” Parang tuta na tumango naman si Sereia. Mabilis siyang lumingon sa babae nito at sinabing,” sorry kung na - offend kita,” malamig pa niyang wika. Nawala sa kanya ang paningin ni Adriel. Hinaplos nito ang mukha ng babae at malambing na kinausap. “Okay na ba?” Tumaas ang kilay ng babaeng hipon nang may maanalisa siya. Taas - noo niyang tinitigan si Sereia. Kung ganoon ay walang pakialam si Adriel. Hindi rin nito sinerseryo ang bagong dating na dalaga. Isang masamang ideya ang pumasok sa isip niya. Saglit na umangat ang gilid ng kanyang labi sabay tingin kay Sereia nang nakakaloko. Umiling siya. “Hindi,” sabay simangot. Muli niyang hinaplos ang kamay ni Adriel. “Hindi naman siya sincere.” Inipit ni Adriel ang buhok ng babae sa tainga. “So what do you want?” Napatingin sa paligid ang babaeng hipon. Nang makita niya ang mga bote ng wine sa mesa ay tinuro niya ito. “Kung gusto mong ipakita ang sincerity mo, ubusin mo ang mga wine na nasa mesa.” Biglang dumaan ang katahimikan sa pagitan nila.Hindi na nagpaliguy-ligoy si Sereia. Binigay niya ang hand bag na may laman na damit. Nilapag niya ito sa mesa at binigay kay Dismund."Ito na po iyong damit mo. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin kagabi," sinserong sabi ni Sereia.Pahapyaw na sinulyapan ni Dismund si Linux na nasa kanyang tabi. Nang makita niyang malamig pa rin ito kung tumitig ay napangiwi siya. "What are you thanking for? It's my duty as a brother to help you." Then he fakely chuckled.Pagkatapos niyon ay tumayo siya. "Maiwan ko muna kayo. I need to go to the comfort room."Biglang tumayo si Sereia. "Kung ganoon ay aalis na rin ako. Naibigay ko na ang suit. Iyan lang naman talaga ang sadya ko rito."Umiling si Dismund. "No, no, I mean." He fakely chuckled. "You guys talk," he said then quickly got out of the VIP room.Napatiimbagang si Sereia. Umupo siya na nasa mesa lang nakatingin. Pagkatapos ay kinalikot niya ang hawakan ng bag na may laman na suit ni Dismund. Doon niya ibinuhos ang kanyang sama ng loob.
Hindi makatingin ng diretso si Sereia kay Jasmine. Ewan niya pero mistulang dinumbol ng malakas ang puso niyang nang banggitin iyon ni Jasmine. Kaagad niyang naalala si Linux.Napailong siya. Mabilis siyang umalis para pumasok sa kanyang kwarto.Habang tinantanaw ni Jasmine ang kaibigan ay bigla siyang may naalala. Tumayo siya at sinundan ito sa kwarto."Sereia, natatandaan mo pa ba si Bryan?"Kumunot ang noo ni Sereia sa narinig. Mabagal niyang tinipa ang switch ng ilaw. Pagkatapos niya ay lumingon siya kay Jasmine."Bakit?"Ngumisi ulit si Jasmine. "Umuwi na siya. And guess what, he wants to meet you."Tumango-tango lang si Sereia. "Ah, gano'n ba?"Napabusangot si Jasmine. Muli siyang lumapit kay Sereia at pinaglaruan ang buhok nito."Bryan is quite good. Nagtataka talaga ako kung bakit ayaw mo sa kanya," pangungumbinsi pa ni Jasmine.Iniwas ni Sereia ang kanyang mata. Hindi siya kumibo. Lumapit siya sa closet at kumuha ng damit.Napahalukipkip si Jasmin
"Sereia? Hey, ako 'to, si Dismund. Natatandaan mo naman siguro ako ano? Mahirap kalimutan ang kagwapuhan ko eh."Pinaikot ni Sereia ang kanyang mata. "Ilang taon tayo hindi nagkita, mayabang ka pa rin? Baka gusto mo magbago?"Napatawa si Dismund sa kabilang linya. "Hindi ko kailangan magbago dahil inborn na 'to. May maipagmayabang naman ako kaya okay lang. Gwapo naman talaga ako."Napabuntonghininga si Sereia sa narinig. "Mahangin, Dismund. Ano ba kasing gusto mo?""Teka lang, ito naman oh. Galit na kaagad," nagtatampo pang saad ni Dismund."Siraulo ka talaga. Ibababa ko na 'to," inis na wika ni Sereia.Akmang pipindutin na niya sana ang end button nang humabol sa pagsasalita si Dismund."Teka lang kasi. Hindi ko pa nga nasabi kung anong sadya ko."Napabuga ng marahas na hangin si Sereia. "Ano ba kasi iyon?""Ahm, nakauwi ka na ba?"Nalukot ang mukha ni Sereia sa narinig. "Bakit mo naman tinatanong?""Hey, stop it. Seryoso na nga ako," ani pa ni Dismund.
Pag-uwi ni Sereia sa boarding house ay nabungaran niya si Jasmine na nag-eepake ng gamit nito. Nakapkurap siya. Pumasok siya sa boarding house. Mabagal niyang sinarado ang pinto habang pinagmamasdan ang kaibigan. Abala ito sa pag-aayos ng gamit nito sa pink na maleta.Kumunot ang noo ni Sereia. "Aalis ka?"Nag-angat ng tingin si Jasmine. Saglit siyang tumigil sa pagliligpit ng gamit nang makita niya si Sereia."How's the party?" Jasmine asked.Bumagsak ang balikat ni Sereia. Umupo siya sa sofa at napabuntonghininga."Okay lang naman," tamad na wika ni Sereia.Napataas ang kilay ni Jasmine sa narinig. Namewang siya. "Aalis na nga ako, ganyan pa ang mukha mo?" may himig na pagtatampo na wika ni Jasmine.Pilit na ngumiti si Sereia. "Saan ka pala pupunta?""Tsk." Tinabihan siya ni Jasmine. "Nakalimutan mo na ba? May trabaho na ako. Kailangan kong lumipat. Mas convenient sa akin ang manirahan sa mas malapit na boarding house sa pinagtatrabahuan ko. Nagkataon
Nang marinig iyon ni Adriel ay napatiimbagang siya. Naikuyom niya ang kanyang kamay at binato ng hindi makapaniwalang tingin ang kanyang Mama.Napaismid siya. Manghang umiling-iling siya. Nahagip ng paningin niya ang mamahaling vase na nasa gilid ng kanyang kinatatayuan. Mabilis niya itong nilapitan.Ubod lakas na sinipa ni Adriel ang malaking antigo na vase dahilan upang mabasag ito. Kumalat sa sahig ang mga bubog nito. Ang iba pang piraso niyon ay sumalpok pa sa sofa dahil sa malakas ng pagkakasipa niya."Adriel!" Sigaw ni Anastasia.Ngumisi lang siya. Imbes na tumigil ay dinurog niya pa ang malalaking piraso ng vase. Inikot-ikot niya pa iyon habang tinapakan nang hindi pinutol ang pagtitigan nila ng kanyang Mama."Wala ka na talagang alam kung hindi mandaran at hawakan ang buhay ko. Ano? Hindi ka ba mapakali kung hindi mo napapaikot ang bawat sitwasyon sa buhay ko?" inis na saad ni Adriel."Watch your words, Adriel. I'm your—""Mom?" Si Adriel na ang nagdugtong sa sasabihin nito. U
"Why can't I get through? Binlock ka, Pre?"Napalitan ng madilim na emosiyon sa mukha ni Adriel. Mabilis pa sa alas kuwatro na nilapitan niya si Helios. Mabigat ang kanyang hakbang at nagsalubong ang kilay. Saka niya kinuha mula sa kamay nito ang kanyang selpon.Looking at the rejected call, he coldy said," why are you touching my phone?""What? I just did it because you're not in the mood," Helios answered. "Siya naman ang parati mo hinahanap kapag naiinis ka hindi ba? May problema ba roon?"Adriel clenched his jaw. "You contacted Sereia to comfort me or you contacted her just to annoy me? You know that I hate her. Why call her?"Hindi nakapagsalita si Helios. Namewang siya at tinitigan ang kaibigan.Muling tinignan ni Adriel ang kanyang selpon. Sinubukan niyang idial ang numero ni Sereia pero tama nga sinabi ni Helios. Hinawakan niya ng mariin ang selpon.Inagaw niya ang wine glass kay James. Binalibag niya ito sa gilid ng karaoke machine. Tumama iyon sa dingding. Nabasag iyon at na