Home / Romance / The Whispering Love of a Lily / Chapter 2- Apologize with Senserity

Share

Chapter 2- Apologize with Senserity

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-02-28 12:46:40

Nagbigay na nang utos ang babae ni Adriel pero walang nangahas na magsalita. Nakatingin ang lahat kay Sereia na ngayon ay tila napepe at nakatunganga na nakatingin sa kawalan.

Masyadong matapang ang mga inumin na nasa mesa. Kahit ang mga lalaki na naka - ilang lagok pa lang ay ramdam na nila ang tama ng wine at alak. Marami na nga sila at pinaghatian pa nila ang isang bote. Ito pa kaya na babae, at mag - isa lang nitong iinumin ang lahat ng inorder nila na inumin?

Napipilan si Sereia. Ang kamay niyang nasa likod ay nagsimula ng lumikot. Kung kanina ay palihim niya itong ikinuyom, ngayon naman ay kinurot niya ang sariling kamay dahil sa hiya at inis.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya si Adriel. Umaasa siya na tutulungan siya nito pero nabigo siya. Sa halip ay ngumiti pa ito at hinapit ang bewang ng babae, dahilan upang mas lumiit ang distansiya nila. Inamoy nito ang leeg ng babae. Napabungisngis ang babaeng hipon dahil sa kiliti. Nakita pa niya na pinalo pa nito ang dibdib ni Adriel sabay haplos niyon.

Umangat ang mukha nito at nagkatitigan sila.

Lumunok muna siya bago magsalita, “sigurado ka na ba? Gusto mong inumin ko ang lahat ng ‘yan?”

Alam ni Adriel na mahina ang sikmura ni Sereia pagdating sa mga alak. Alam din niya na mabilis lang umepekto rito ang tapang ng inumin. Nalaman niya iyon nang maraming beses na siyang tinulungan ni Sereia para tanggihan ang alak. Ito ang uminom sa halip na siya. Madalas kasi siyang ayain ng mga kakilala sa inuman at ayaw ng dalaga na uminom siya. Kaya ang ginawa nito ay ito ang uminom sa parte niya. Hanggang sa isang gabi, naka - isang baso pa lang ito ay napaduwal na ito at nahilo. Kamuntik pa ito mawalan ng malay kaya isinugod nila ito sa ospital.

Doon nila nalaman ang kahinaan nito sa alak. Nagkaroon ito ng alcohol poisoning at na - confine ng limang araw. Simula niyon, hindi na niya pinayagan si Sereia na uminom.

Dumilim ang anyo ni Adriel. Alam niya kung bakit pa ito nagtanong sa kanya. She’s trying to control him, and he’s livid. Gusto siya nitong manipulahin gamit ang kahinaan nito.

Sa halip na tulungan ito ay iba sinabi ni Adriel. “You’ve upset my girl, shouldn’t you apologize with sincerity?”

Natahimik si Sereia. Nagkasukatan sila ng tingin ni Adriel. Umaasa siya na babawiin nito ang sinabi pero hindi. Ni hindi na ito tumingin sa kanya. Sa halip ay nakipaglandian pa ito sa babae nito.

Parang tinarak ng kutsilyo ang puso niya.

Mayamaya pa ay nagsalita ulit ito. “Ah, nakalimutan ko. It’s not sincere if you just drink an alcohol. Bakit hindi mo dagdagan ng chili pepper?”

Pinaalis nito ang dalawang babae sa braso nito. Pinulot nito ang chili pepper na nasa snack box. Saka nito itinapon sa mesa.

Lumunok si Sereia. At bago niya gawin ang pinag - uutos ni Adriel ay tinapunan niya muna ito ng masamang tingin. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang lumapit sa mesa at binuksan ang bote ng wine. Kinuha niya rin ang chili pepper.

Pabagsak niyang nilapag sa mesa ang shotglass. Nagsalin siya ng wine at bago niya ininom iyon ay nilagyan niya ito ng chili pepper, ngunit hindi roon nagtapos ang lahat. Lumapit ulit siya sa snack box at kinuha roon ang pickled pepper.

Isiniksik niya sa shotglass ang pepper at inisang lagok ang laman. Nang dumaloy nasa lalamunan niya ang pait at kakaibang lasa dulot ng pepper ay kamuntik ng masuka si Sereia, pero hindi siya tumigil. Nagsalin ulit siya ng inumin, pati ng pepper. Mas dinoble na niya ang dami at sinisiguro niya na makita ito ni Adriel.

Walang emosiyon na tumingin siya kay Adriel habang ininom niya ang laman ng shotglass. Nakita niyang dumilim ang mata nito pero wala siyang balak na tumigil. Pinapahiya na siya nito, bakit pa siya hihinto? Sasagarin na niya ang konsensiya nito hanggang sa mainis ito at mabaliw sa kalokohan nito.

Nagtagis ang kanyang bagang. Marahas na pinunasan niya ang tumulong likido sa bibig niya. Saka niya binalingan ang lahat ng mga taong nakamasid sa kanya. Lalo na ang mga barkada nito. Napaismid siya.

Muli na naman siyang nagsalin, ngunit sa ikatatlong pagkakataon ay inuna na niya ang wine. Saka niya nilantakan ang peckled pepper habang nakatingin kay Adriel.

Nakita niyang napangiwi ang kasama nito. Ang iba ay napaiwas na ng tingin. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Imbes na huminto ay pinagpatuloy niya ang pag - inom.

Kinuha na niya ang bote ng wine. Tinabig na niya ang shotglass. Nabasag iyon. Napasinghap naman ang dalawang babae na nakatingin sa kanya. Ginantihan niya ito ng masamang tingin.

Kinuha niya ang dalawang bote at sabay na ininom. Kinapos siya ng hininga kaya nilapag niya muna sa mesa ang dalawang bote. Saka siya bumuntonghininga. Akmang lalagukin na niya ang laman ng wine nang biglang tumayo si Adriel.

“Fûck!” Sinipa nito ang babasaging mesa dahilan upang mapasinghap ang mga nakakita.

Parang tangang nakatingin lang siya sa mga nabasag na alak. Kumalat ang laman niyon sa sahig.

“That’s enough,” he said.

Walang emosiyon na tinitigan niya ito. “Bakit mo sinipa?”

Nagtaas - baba na ang dibdib nito. Ang kanina na madilim na mata nito ay mas domoble. Nakakuyom na rin ang kamay nito.

“That’s enough.”

Tumaas ang kanyang kilay. “Sabi mo uubusin ko ang lahat ng alak, pinapak ko na nga ang pepper para lang masiyahan ka. Tapos ikaw itong mapipikon?”

“Stop it!” he shouted.

“At bakit?” mapanuya niyang ani. Lumapit siya sa nabasag na mga bote at pinulot iyon. “Sinunod ko lang gusto mo.” Muli siyang tumingin kina Adriel kahit na nagsisimula ng sumama ang kanyang tiyan. “Sincere na ba ako sa paningin ninyo?”

Marahas na napabuga ng hangin si Adriel. Mula sa kamay ng kasama ay kinuha nito ang wine glass at ibinato sa kanya. Hindi siya umilag. Tumama ang wine glass sa noo niya. Naglikha iyon ng malaking sugat at umagos ang preskong likido sa kanyang sentido.

“Tama na ‘yan,” awat pa ng barkada ni Adriel at dinaluhan ito. “Tama na, Adriel.”

“Pasensiya ka na, Sereia. Nakainom kasi si Adreil —”

“Shut up! Pagputol pa ni Adriel kay James.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 27- A lot of boys

    ‎"Sereia? Hey, ako 'to, si Dismund. Natatandaan mo naman siguro ako ano? Mahirap kalimutan ang kagwapuhan ko eh."‎‎Pinaikot ni Sereia ang kanyang mata. "Ilang taon tayo hindi nagkita, mayabang ka pa rin? Baka gusto mo magbago?"‎‎Napatawa si Dismund sa kabilang linya. "Hindi ko kailangan magbago dahil inborn na 'to. May maipagmayabang naman ako kaya okay lang. Gwapo naman talaga ako."‎‎Napabuntonghininga si Sereia sa narinig. "Mahangin, Dismund. Ano ba kasing gusto mo?"‎‎"Teka lang, ito naman oh. Galit na kaagad," nagtatampo pang saad ni Dismund.‎‎"Siraulo ka talaga. Ibababa ko na 'to," inis na wika ni Sereia.‎‎Akmang pipindutin na niya sana ang end button nang humabol sa pagsasalita si Dismund.‎‎"Teka lang kasi. Hindi ko pa nga nasabi kung anong sadya ko."‎‎Napabuga ng marahas na hangin si Sereia. "Ano ba kasi iyon?"‎‎"Ahm, nakauwi ka na ba?"Nalukot ang mukha ni Sereia sa narinig. "Bakit mo naman tinatanong?"‎‎"Hey, stop it. Seryoso na nga ako," ani pa ni Dismund.

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 26 - Brother in their eyes

    Pag-uwi ni Sereia sa boarding house ay nabungaran niya si Jasmine na nag-eepake ng gamit nito. Nakapkurap siya. ‎‎Pumasok siya sa boarding house. Mabagal niyang sinarado ang pinto habang pinagmamasdan ang kaibigan. Abala ito sa pag-aayos ng gamit nito sa pink na maleta.‎‎Kumunot ang noo ni Sereia. "Aalis ka?"‎‎Nag-angat ng tingin si Jasmine. Saglit siyang tumigil sa pagliligpit ng gamit nang makita niya si Sereia.‎‎"How's the party?" Jasmine asked.‎‎Bumagsak ang balikat ni Sereia. Umupo siya sa sofa at napabuntonghininga.‎‎"Okay lang naman," tamad na wika ni Sereia.‎‎Napataas ang kilay ni Jasmine sa narinig. Namewang siya. ‎‎"Aalis na nga ako, ganyan pa ang mukha mo?" may himig na pagtatampo na wika ni Jasmine.‎‎Pilit na ngumiti si Sereia. "Saan ka pala pupunta?"‎‎"Tsk." Tinabihan siya ni Jasmine. "Nakalimutan mo na ba? May trabaho na ako. Kailangan kong lumipat. Mas convenient sa akin ang manirahan sa mas malapit na boarding house sa pinagtatrabahuan ko. Nagkataon

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 25

    Nang marinig iyon ni Adriel ay napatiimbagang siya. Naikuyom niya ang kanyang kamay at binato ng hindi makapaniwalang tingin ang kanyang Mama.Napaismid siya. Manghang umiling-iling siya. Nahagip ng paningin niya ang mamahaling vase na nasa gilid ng kanyang kinatatayuan. Mabilis niya itong nilapitan.Ubod lakas na sinipa ni Adriel ang malaking antigo na vase dahilan upang mabasag ito. Kumalat sa sahig ang mga bubog nito. Ang iba pang piraso niyon ay sumalpok pa sa sofa dahil sa malakas ng pagkakasipa niya."Adriel!" Sigaw ni Anastasia.Ngumisi lang siya. Imbes na tumigil ay dinurog niya pa ang malalaking piraso ng vase. Inikot-ikot niya pa iyon habang tinapakan nang hindi pinutol ang pagtitigan nila ng kanyang Mama."Wala ka na talagang alam kung hindi mandaran at hawakan ang buhay ko. Ano? Hindi ka ba mapakali kung hindi mo napapaikot ang bawat sitwasyon sa buhay ko?" inis na saad ni Adriel."Watch your words, Adriel. I'm your—""Mom?" Si Adriel na ang nagdugtong sa sasabihin nito. U

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 24- Blocked

    "Why can't I get through? Binlock ka, Pre?"Napalitan ng madilim na emosiyon sa mukha ni Adriel. Mabilis pa sa alas kuwatro na nilapitan niya si Helios. Mabigat ang kanyang hakbang at nagsalubong ang kilay. Saka niya kinuha mula sa kamay nito ang kanyang selpon.Looking at the rejected call, he coldy said," why are you touching my phone?""What? I just did it because you're not in the mood," Helios answered. "Siya naman ang parati mo hinahanap kapag naiinis ka hindi ba? May problema ba roon?"Adriel clenched his jaw. "You contacted Sereia to comfort me or you contacted her just to annoy me? You know that I hate her. Why call her?"Hindi nakapagsalita si Helios. Namewang siya at tinitigan ang kaibigan.Muling tinignan ni Adriel ang kanyang selpon. Sinubukan niyang idial ang numero ni Sereia pero tama nga sinabi ni Helios. Hinawakan niya ng mariin ang selpon.Inagaw niya ang wine glass kay James. Binalibag niya ito sa gilid ng karaoke machine. Tumama iyon sa dingding. Nabasag iyon at na

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 23

    Binagalan ni Adriel sa pagtakbo ang kanyang sports car. Dinukot niya mula sa bulsa na white americana ang kanyang selpon. He pressed the speed dial number 2.Saka niya iyon nilagay sa phone holder na nasa dashboard."Helios..." sambit ni Adriel sa pangalan ng kaibigan."Bud?" takang tanong pa ni Helios sa kabilang linya. "Napatawag ka? How's your—""Call them. Let's have a party," Adriel ordered while his eyes are on the road."Huh?" Helios uttered. "Wait, wait, why? Akala ko ba ay hinatid mo pauwi si Margarette? Kagagaling ni'yo lang sa event ninyo ah? May lakas ka pa para mag- party?"Nagsalubong ang kilay ni Adriel. "Susundin mo ba ang utos ko o hindi? Kung ayaw mo, kalimutan mo na lang."Nawala ang ngiti ni Helios na nasa kabilang linya. "Oo na, tatawagan ko na sila." Pinutol na ni Adriel ang tawag. Saka niya pinasibat ang kanyang kotse.Napadpad si Adriel sa paborito nila na tagpuan. Alam na ni Helios ang tambayan nila kaya ito na mismo ang nag-book ng vip room. Pagpasok niya ro

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 22

    Muling tinitigan ni Dismund ang kinaroroonan ni Sereia. Pansin niya kaagad na may mabigat ito na dinadamdam. Nakatungo kasi ito at nakatitig sa kawalan. Bahagya na rin nagulo ang bangs nito.Binalingan niya si Linux. Napailing na lang siya. Katulad niya ay nakatanaw rin ito sa babae. Bakas sa mukha ang pag-alala pero ayaw naman nito lumapit. Siya tuloy itong naaawa sa dalawa."Give it to her," Linux said again.Napabuntonghininga siya. "Okay." Saka siya naglalakad papunta sa waiting shed. Dala niya ang hinubad niya na suit.Nang nakita siya ni Sereia ay bigla ito naging alerto. Mabilis itong tumayo at umalis sa waiting shed."Sereia, wait," sigaw ni Dismund para pagpigilan ito. "Teka lang. Saan ka pupunta?"Napatigilan siya. Bigla kasi siya nito binato ng blangkong tingin. "Ano naman sa'yo?"Hindi siya kaagad nakasagot. Tinitigan niya ang hawak niya na suit. Saka niya ito iniumang kay Sereia. "Suotin mo 'to. It's getting cold."Natuon sa suit ni Dismund ang mata ni Sereia. Naglapat n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status