LOGINTinitigan ng mariin ni Adriel si Sereia. Lumalim ang gitla ng kanyang noo. Umigting ang kanyang paa dahil sa nakakaawa nitong itsura. Wala na ba talaga itong pakialam sa sarili nito?
“Puro na lang tayo away, Sereia. Nakakapagod na iyong ganito,” ani pa ni Adriel. Umangat ang gilid ng labi ni Sereia. Pinunasan niya ang dugo na dumadaloy sa noo niya. Hilaw siyang napangiti habang nakatitig sa kamay niya na may bahid ng dugo. “Gusto mo na bang makipag - break sa akin dahil pagod ka na?” matabang na wika niya. Naglapat ng marrin ang labi ni Adriel. “Break up? Bakit? Ano bang tingin mo sa relasyon natin?” Iniwaksi niya ang kamay ng barkada na nakahawak sa kanyang braso. Hindi siya nakasagot. Napatitig lang siya kay Adriel ngunit hindi niya ito maaninag ng maayos. Pumungay ang kanyang mata. Napakurap siya. Dahan - dalan na lumabo ang kanyang paningin. Nakaramdam na rin siya ng hilo kaya napahawak siya sa kanyang ulo. Mabagal siyang tumango. “Okay, naintindihan ko.” Muling dumulim ang mata ni Adriel. “Kung naintindihan mo ako, bakit hindi ka pa umalis?” “Riel, awat na,” sabat ng isa niyang barkada. Tinapik nito ang balikat niya. “Huwag kang makialam dito.” Tinabig niya ang kamay nito. Pinagmasdan niya si Sereia. “Ano? Ayaw mo?” Napipilan si Sereia. Hindi siya kaagad nakagalaw. Napatingin siya sa kamay niyang may bahid ng dugo. Ayaw niyang lumuha sa harap nito. Kuta na siya. Pinahiya na siya nito, sinaktan pa. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng mga kasama nito. Dahan - dahan siyang tumayo. Lumapit ang isa sa mga barkada nito at tinulungan siyang tumayo. Tinabig niya ang kamay nito. Tinitigan niya ito sa mata sabay iling. Alam niya ang ugali ni Adriel, paniguradong makakatikim ito kapag tinulungan siya nito. Gustuhin man niyang tanggapin ang alok nito pero siya na ang tumanggi. Ayaw niya na may mapahamak na ibang tao dahil lang sa kanya. Sapo ang noo, mabilis siyang umalis sa kwarto at tumakbo palabas. Tinanaw lang siya ni Adriel. Pagkalagapak ng pinto ay nagsalita ang isa sa mga barkada niya. “Riel, ayaw mo ba siyang sundan? May sugat siya. Baka mapaano iyon pauwi. Hindi ka na niya papansinin.” “Hayaan mo, mabuti na iyon para wala ng asungot na pumapalibot sa akin.” Lumapit siya sa bar counter at kumuha ng maiinom. Kumuha siya ng bagong shotglass at nagsalin ng alak. Nang gumuhit sa lalamunan niya ang pait ay napatingala siya. Muli siyang nagsalin at inisang lagok ang laman ng shotglass. Nagtanguhan naman ang mga alipores ni Adriel. “She’s quite pitiful. Pero alam ni’yo naman kung paano siya dumikit kay Adriel. Para siyang skin disease na pabalik - balik sa balat na mahirap tanggalin. Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon ni Adriel, maiinis din ako. Pero sa ugali ng isang ‘yon. Pupusta ako, babalik na naman iyon. Hindi kompleto ang araw ng babaeng iyon kapag hindi nakikita ang mukha ni Adriel.” “Sinabi mo pa. Mantakin ni’yo nga noong isang gabi, sumunod talaga sa hotel?” Pumalatak ang isa niya pang barkada. “Sumunod, para lang bigyan ng payong iyong kaibigan natin. Sus! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Pati ba naman kalusugan mo ay iniisip na rin niya.” “Ang galing mo talaga, bro.” Lumapit ang si Aaron at tinapik ang balikat ni Adriel. “Ano bang gayuma na meron ka at bakit haling na haling sa’yo si Sereia?” Umiling - iling pa ito. “Simula ngayon, tatawagin na kitang Master.” Napalabi si Adriel. Meanwhile, Helios, who had been sitting in the corner without saying anything, suddenly spoke up. “Adriel, since you are tired of playing. Let me play with you. Ibigay mo sa akin si Sireia at ako na ang bahala sa kanya. Mukhang magandang paglaruan ang isang ‘yon.” Napasipol ang mga barkada ni Adriel. Padarag niyang inilapag sa bar counter ang shotglass at malalim na tinitigan si Helios. Bahagyang namula ang mukha nito. Itinaas nito ang dalawang kamay sabay ngisi. Hihingi na sana ng patawad nang biglang magsalita si Adriel. “A lowly lady piece of shit. You really like her?” He sarcastically said. “Hey, I’m just asking. Hindi ka naman galit, hindi ba?” tanong pa ni Helios. Nagkibit - balikat siya. “Ikaw bahala.” “Ey!” Sabi pa ni James. Lumapit ito kay Helios. “Our Sun God is going to have fun, yeah boy!” Naghiyawan ang mga ito. Lumapit naman ang dalawang babae kay Adriel at inakbayan ito. Samantala, muling napayuko si Sereia nang marinig niya ang usapan ng magbarkada. Naikuyom niya ang kanyang kamay. Umalis siya mula sa pagkakadikit sa pinto at sinapo ang ulo. Hindi niya inaasahan na kaya na pala ni Adriel na ipasa siya sa barkada nito. Nakakasura, nakakanginig ng kalamnan at nakakayamot. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay para itong isang sponge na paulit - ulit na pinisil - pisil hanggang sa mawalan siya ng lakas. Nakakapanghina, lalo na at unti - unti ng sumalakay sa kanya ang epekto ng alak. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Dala ng pagod at biglaang hilo ay napahawak siya sa trash can. Napahikbi siya. Nanginginig ang kanyang braso habang nakatukod ang ang kanang braso sa trash can. Ngunit biglang nagbago ng ritmo ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay parang babaliktad ang kanyang sikmura. Tinakpan niya ang kanyang bibig. Hindi pa man siya nakalakad ay napaduwal na siya sa trash can. Sapo niya ang kanyang tiyan at bahagyang napapikit. Pinagpawisan na siya ng malapot. Nanlamig na rin ang kanyang kamay pati na rin ang paa. Magulo na rin ang kanyang buhok at kumalat pa ang dugo sa kanyang sentido. Hindi man niya nakita ang kanyang itsura ay alam na niyang mukha na siyang miserable. Habol niya ang kanyang hininga. Pagkatapos niyang sumuka ay napasandal siya sa malamig na dingding. May dumaan na tao sa harap niya. Nang makita ang kaawa - awa niyang itsura ay dumalo ito sa kanya. “Are you okay?” Hindi niya maaninag ang mukha nito. Nang kumurap siya ay mas lalong nanlabo ang kanyang paningin. Nasapo niya ang kanyang noo, at ang isang kamay niya ay nakahawak sa tiyan. Masyado ring maliwanag sa kanya ang ilaw kaya mas lalong sumasakit ang ulo niya sa tuwing tumitingin siya sa mga bagay. Kumikislap ito sa paningin niya. Pero ang pagiging pamilyar sa boses na kanyang nakaharap ang siyang dahilan kung bakit kumabog ng husto ang puso ni Sereia. Hindi niya maipaliwanag pero malakas ang kutob niya na parang kilala niya ang taong nakaharap. Ibubuka na niya sana ang kanyang bibig pero masyadong mahina ang boses niya para marinig nito. May sinasabi siya pero mahirap intindihan. Parang tinali ang kanyang dila kaya nabubulol siya. Dumilim ang kanyang paningin. Naramdaman na lang niya na mabubuwal na siya. Hindi pa man tuluyang pumikit ang kanyang mata ay naramdaman niyang may mga braso na yumapos sa kanya. Saka pa lang siya nawalan ng malay. Nagising si Sereia na puro puti ang kanyang naaninag. Napahawak siya sa kanyang noo. Dahan - dahan siyang bumangon habang kalahating nakapikit ang kanyang mata. Ginalugad niya ng tingin ang kwarto. At nang maanalisa niya na nasa ospital siya ay napadilat siya ng mata.Naiwas ni Sereia ang kanyang mata. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Brian. Pakiramdam niya kapag nakikipagtitigan siya ay mababasa nito ang emosiyon sa kanyang mga mata."Kamusta ang pamumuhay mo sa ibang bansa? Hindi ba mahirap?" Pag-iba ni Sereia sa paksa ng kanilang usapan."Medyo, pero ngayon na nakauwi na ako. Hindi ko na maiisip ang puyat at pagod ko. Iba kasi ang way of living sa ibang bansa," ani ni Brian.Tumango si Sereia. "Kasama mo naman ang pinsan mo na lalaki di ba? Si Cody?""Oo, pero iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya mo. Pati na mga kaibigan mo. Lalo na ngayon, nakikita na kita," saad pa ni Brian.Tumikhim si Sereia. Hindi siya makasagot.Pait na ngumiti si Brian. "Sereia, totoo pala talaga na nagkahiwalay na kayo ni Adriel. Akala ko kasi ay wala ka ng balak na hiwalayan siya. You care a lot for him. Naalala ko pa rati, parati mo siya sinusundan kapag vacant time mo na.""Nagbabago ang tao, Brian," ani ni Sereia na hindi makatingin sa kausap."Right— b
"Aalis na lang ako.""Huwag na," pagpigil ni Sereia. "Baka sabihin pa nila na pinalayas kita rito.""That's what you want."Pinukol ni Sereia nang malamig na tingin si Brian. "Hindi ka ba talaga titigil?"Napabuntonghininga si Brian. Inusog niya ng kaunti ang kanyang upuan papunta kay Sereia. Nagsalubong ang kilay ni Sereia. "Ba't ka umusog?""Para hindi nila marinig ang pag-uusap natin," mabilis na sagot ni Brian na hindi man lang natinag. "Look, I just want to talk to you. Parati mo kasi ako iniiwasan.""May dahilan kung bakit ako umiiwas, Brian," walang abog na sagot ni Sereia."Alam ko.""Alam mo naman pala.""Sereia." Brian sighed. "Hanggang ngayon ba naman?"Natahimik si Sereia. Humalukipkip siya at tinitigan si Brian."Narinig ko sa barkada ni Adriel na hiwalay na raw kayo," pagbubukas ni Brian ng usapan. "Is it true?"Tinatamad na tinapunan ng tingin ni Sereia si Brian. "Wala ako rito kung nagsisinungaling lang ang pinagtanungan mo, Brian.""Yeah—right." Brian chuckled. "Buti
Iniwas ni Sereia ang kanyang mata. Binalingan niya ang kanyang kaibigan. "Oo nga pala, ano'ng inorder mo? Ang aga pa para kumain ng dinner." Umupo muna si Jasmine bago sumagot. "Huh? Pero pwede naman kasi na mag-dinner na di ba?" Dahan-dahan na tumango si Sereia. "Kunsabagay, pero maaga pa talaga eh." "Damihan mo na lang ng kain. Para hindi ka magutom mamaya," suhestiyon pa ni Jasmine. "Sige." Biglang tumunog ang cellphone ni Jasmine. Sinagot nito ang tawag nang nakaharap sa kanila. "Oo, nasaan ka na? Huh? Ba't di ka nagsabi?" sunod-sunod na tanong ni Jasmine. Kumunot ang noo ni Sereia sa narinig. Gusto niya sana magtanong pero nahihiya siya. "Sige, sige. Hintayin mo ako riyan. Susunduin kita," pahayag ni Jasmine bago niya binaba ang tawag. "Dito muna kayo. May susunduin lang ako sa labas," imporma ni Jasmine. "Sino?" Hindi mapigilang tanong ni Sereia. Ngumiti ng makahulugan si Jasmine. Binalingan niya si Kevin. "Hon, samahan mo muna si Sereia rito. Babalik kaagad ako." "
Hindi sumagot si Sereia pero tinapunan niya ng malamig na tingin si Kevin. Hindi siya kumukurap kaya bigla itong nailang.Tumikhim si Kevin. "Sorry, ang seryoso mo kasi habang nagtitipa ng cellphone. I was just curious."Tinabingi ni Sereia ang kanyang mukha. "Ang ayaw ko sa lahat ay feeling close na kaagad kahit bago pa lang kami magkakilala," walang abog na sabi ni Sereia.Nawala ang ngiti sa labi ni Kevin. "I-I sorry."Umiling si Sereia. Ininguso niya si Jasmine na nakatayo na at abalang nakipag-usap sa waiter na babae. "Help her. Baka magtampo pa yan sa'yo."Parang natauhan si Kevin. Nilingon niya si Jasmine at tinitigan ito. Saka siya muling lumingon kay Sereia."Y-yeah."Hindi na sumagot si Sereia. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone. Wala pang isang minuto ay may natanggap na naman siya ng bagong message. Pumalatak ng nakangisi si Sereia. Nireplyan niya isa-isa ang mga chat ni Linux.....[May lakad pa ako. Ba't ba ang kulit mo?] Typing........[Ano'ng oras ka uuwi?]"Tc
Naningkit ang mata ni Sereia. Napabusangot siya."Sino na naman 'yan? Baka mamaya ay gusto mo lang makipag-kita dahil may inerereto ka naman sa akin," saad ni Sereia.Bigla siyang nagduda. Hindi na bago sa kanya ang pagiging ala-kupido nito. Noong sila pa ni Adriel, ilang beses na siya nitong sinet-up sa blind date. Na hindi naman niya gusto. Hindi siya nag-eenjoy. Bukod pa roon, ayaw niya sa mga lalaking inirereto nito.Talagang desidido ito na paghiwalayin sila ni Adriel. Hindi nito alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya maiwan-iwan si Adriel. Kaya ang magaling niya na kaibigan. Pilit na humahanap ng paraan para paghiwalayin sila. Nang mapansin nito na hindi talaga natitibag ang damdamin niya. Saka pa ito sumuko.Pero ngayon ay parang nangangati na naman ang kamay nito. Wala na yata itong mapaglibangan kaya pinagdiskitahan na naman nito ang buhay pag-ibig niya."Sus! Huwag ka ng magtanong! Mawawala iyong thrill," ani pa ni Jasmine na excited na excited.Napabusangot si Sere
Natahimik si Adriel. Mariin niya tinitigan ang kanyang nobya ng mapang-ararok. Bigla naman kinabahan si Margarette. Hindi niya alam kung napikon ba ito o ano.Tumikhim si Margarette. Iniwas niya ang kanyang paningin at lumingon kay Manang Lusing. "How about kumain tayo ng break fast? Kumain ka na ba?" Pag-iiba ni Margarette sa usapan. Lumapit siya sa mesa. Sinilip niya kung ano ang nakalapag doon pero may napansin siya. Pagtingin niya kay Manang Lusing ay nakatitig na ito sa kanya. Na para bang iniobserbahan ang kakaiba niyang kilos.Ngumiti ng pilit si Margarette. Umalis siya sa mesa at nilapitan si Adriel."Hindi na. Ihahatid na kita," alok pa ni Adriel na siyang ikinagulat ni Margarette."Huh?" Napalinga si Margarette sa paligid. Saka niya binalingan si Adriel. "P-pero kakarating ko lang ulit. I want to check you pa eh."Lumamig ang ekspresiyon ni Adriel. "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng Mama mo."Umiling si Margarette. "Hindi, nagpaalam na ako.""How about your boarding hou







