"Can you compete with that? Look at the way he looks at Ely as if she's the only woman he can see. Kaya mo bang tapatan iyan?"Hindi ko na kailangang lumingon pa sa nagsalita para makilala ito. The uncontrollable anger that suddenly roused from deep within me is enough for me to identify the person.I smirked and continued drinking my wine. Kanina pa ako nakaupo rito sa nakalaang mesa para sa amin ni Cholo sa gitna ng bulwagan kung saan idinadaos ang isang pagtatapon ng isa sa family friend ng mga Gastrell.Kanina pa rin ako nag-iisa rito dahil ang magaling kong asawa ay basta na lang akong iniwan para makipag-usap sa mismong organizer ng event. And to my utter dismay, Elizabeth is there by his side looking like his wife while laughing with the other wives beside their own husbands.Ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako dapat ang nakikipagtawanan sa mga legit wives while sipping my glass of champagne. Ako dapat ang nakahawak sa braso ni Cholo at sumusuporta sa asawa, not the mistress.
FlashbackIbinagsak ko ang sarili sa kama matapos hubarin ang de-takong na sapatos. Pagod ang katawan na ipinikit ko ang mga mata at isinubsob ang mukha sa malambot na unan. Katatapos lang ng dinner namin kasama ang pamilya ni Cholo. Nandoon si Donya Teodora "Catharine" Gastrell na matalim pa rin ang tingin sa akin at ang ama nito na si Don Easton Gastrell na malamig ang pakikitungo sa aming dalawa ni Cholo. Nandoon din ang iilang mga babaeng pinsan nito na buong gabi akong ininsulto.Kulang na nga lang ay balatan nila ako ng buhay sa paraan ng pagtatanong nila. Buti na lang at nakaalalay palagi si Cholo sa akin. Ito ang sumasalo sa mga katanungan na wala akong sagot. Ni hindi ko masyadong nagalaw ang pagkain sa plato ko na hindi ko alam kung ano ang tawag kaya nang makaalis kami sa mansiyon ay idinaan ako ni Cholo sa isang restaurant. Laking pasasalamat ko na lang talaga dahil maalalahanin ito.Napabangon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Cholo na kinukuskos ang buhok ng tuwa
Ang sabihin na nasaktan ako dahil sa harap-harapan niyang pagpili sa kerida niya sa harap ng panganib ay hindi angkop na salita para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon.Para akong tinalupan ng buhay at binudburan ng suka at asin sa sobrang hapdi na pumipilas sa pagkatao ko ngayon. Para akong pinatikim ng mag-asawang sampal mula sa isang dosenang mga kamay sa katotohanan na paulit-ulit na ibininilad sa aking harapan na pilit kong iniiwasan.Ngayong gabing ito ang nagpatunay sa akin na higit pa sa inaasahan ko ang ugnayan ng dalawa.......which means kailangan ko nang gamitin ang mga alas ko.Isinuot ko ang black robe sa hubad na katawan at tinitigan ang basang mukha sa salamin na may bakas nang sumambulat na dugo kanina.Hindi na ako masyadong maputla. May kulay na kahit papaano ang mukha ko thanks to Vishen. If not for him, I don't know what could have happen to me in the middle of the raining bullets. I could be dead for all I know and Elizabeth will finally have my husband. That
Flashback"Just walk casually and let me handle all of them. Smile if you have to but never answer their questions. You get me?"Wala na akong nagawa kundi tumango sa bulong ni Cholo. Paano pa kasi ako makakapalag kung hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi dahil hinila na niya ako palabas sa sasakyan papunta sa napakalaking gate ng isang napakagarang mansiyon kung saan ay maraming mga nasa media na ang nasa labas at naghihintay sa amin.Ang unang plano ay isang pagtitipon na naman ng mag-anak na Gastrell pero imbes na sa mansiyon ay sa labas na. Kailangang makita kami ng mga binayarang mga journalists ng ina ni Cholo para mailathala ang mga litrato kinabukasan para matapos na rin ang mga haka-haka. Papaunlakan din namin ang isang ambush interview para ipahayag sa lahat na kasal nga kaming dalawa. Pero ang lahat ng iyon ay biglang hindi natuloy dahil tumawag ang mama ni Cholo kaninang nasa sasakyan kami para sabihin na nagbago na ang venue. Sa halip na sa restaurant ay sa
"What's this for?"Itinaas ko ang mga damit na inihagis ni Cholo sa akin. I looked at it with disgust. Really? Who the fuck still wears a plain rainbow dress in this time and place? Pumasok ito sa walk-in closet at pagbalik ay nakabihis na ito. He's wearing a simple khaki shorts and a white polo shirt paired with a white sneakers. Nakataas sa ulo ang shades nito habang may kung anong kinukuha sa drawer."Suotin mo. We'll go to my mother's house. Nakatango na ako sa lunch para sa araw na ito."Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Sumadsad sa sahig ang suot ko na strapless black dress na kanina ko pang ginagamit upang akitin ang asawa. Naroong tumuwad na ako, iliyad ang likod, at ilantad ang hita pero hindi pa rin niya ako pinapansin. I expected that we'll just spent the day making love in all the corners of the house because it's the first time that Cholo took a one-week vacation. Nasagap ko kay nameless girl nang minsang magpunta ako sa opisina ng asawa."Pupunta tayo kina mama?
Flashback"Still cold? Should I hug you tighter?"Umiling lang ako sa tanong ni Cholo saka nagsumiksik sa tagiliran nito. Nakauwi na kami sa tinitirhan namin mula sa dinner sa restaurant sa isang mall. Hindi na kami sumamang kumain sa ina nito dahil alam naman ni Cholo kung paano ako tratuhin ni Donya Teodora. Mabuti na lang talaga at napakamaalalahanin nito. Ginagawa nito ang lahat para hindi ako maipit ng pamilya nito."Karina..." bulong nito sa may tenga ko kasabay ng isang halik sa may bumbunan ko."Bakit?" bulong ko rin nang hindi nagtataas ng tingin dito.Alam ko ang ibig nitong gawin. Nararamdaman ko sa bawat gabi na nagtatabi kami sa iisang kama. Ibubulong niya ang pangalan ko tapos hihintayin ang sagot ko. Sa mga gabing iyon ay hindi ako sumasagot. Ngayon lang dahil... Baka ito na ang huli.Tumaas ang kamay nito sa tenga ko at pinaglaruan ito."After all of this, can I still see you?"Pumikit ako at kinagat ang dila. Pinigil ko ang pagpatak ng mga luha. Nang mahamig ang saril
"Do you think what you claimed will have an effect to me, Elizabeth? Well if you think so then I suggest you think again. Hindi ko pa rin isusuko si Cholo kahit na ano ang mangyari. You are having a child with him? No problem. It's either you give it to me or I have to put the two of you in jail. It's clearly against the law. I'm sure people nowadays won't tolerate cheaters, right mama?" Sarkastiko kong tiningnan ang ina ni Cholo na namula uli sa galit."Karina," saway sa akin ni Cholo na mukhang nakabawi na sa pagkagulat nito kanina.Marahas ko siyang binalingan. "Is that the reason why you have been cold to me lately? Magkakaanak ba talaga kayong dalawa ng kabit mo? How could you do this to me, Cholo?"Dumilim ang mukha nito bago ako mariing hinawakan sa braso."Stop this, Karina. Nasa hapag tayo ng pagkain."Iwinasiwas ko palayo ang kamay nito sa akin. Tiningnan ko ang nananahimik na mga pinsan nito."But that's exactly the point! Tahimik tayong kumakain tapos basta-basta na lang
Flashback"At the exit of Cerro Roca, may itim na van na susundo sa iyo. Sumama ka sa kanila dahil sila na rin ang kukuha sa ama at kapatid mo. Ihahatid ka nila sa lugar kung saan mananatili kayo until I order you to leave soon. Kailangan ko lang siguraduhin na hindi kayo tatakas."Pinahid ko ang mga luha sa mata habang mataman na nakikinig kay Ymir. Nang masiguro kong mahimbing na na natutulog si Cholo ay umiskapo na ako patungo sa mansiyon ng mga Asturia. Ang bilin ni Ymir sa akin ay kakatagpuin niya ako guardhouse ng mansiyon. Ngayong gabi ang usapan namin ng kapatid ni Elizabeth na aalis na ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito pero iisang bagay lang ang alam kong siguradong mangyayari. Magagalit sa akin si Cholo at isusumpa niya ako dahil hindi ako tumupad sa usapan namin. Ako na nangakong tutulungan siya. Ako na nagsabing hindi ko siya iiwanan ay nauna nang lumayo.Labag man sa aking kalooban ang gagawin ay wala na akong magagawa pa. Ito na ang itinakda