The sound of my six-inch Chanel stiletto echoed through the busting halls of the topmost floor of the biggest and most renowned ship building company in the whole of Asia. My black crossover halter bodycon dress clung to my body like it's my second skin as I sauntered across the long hallway. Pinaraan ko sa maikling buhok ang mga daliri at impressed na tinitigan ang bagong renovated na lugar. Tumigil ako sa harapan ng isang portrait at hindi napigil ang paghanga."Wow. I never thought I could look this good in a painting," I exclaimed when I took a closer look at it.Before me is a magnificently made painting of myself dressed in a black gown. My hair is in a loose and I had that wicked mysterious look in my eyes while looking at the apperture. The painter perfectly captured my lost self some years ago.Dahan-dahan akong pumihit para tingnan ang isa pang portrait na nasa kabilang bahagi ng hallway.Kumurap ako nang makailang beses at parang natunaw ang puso ko sa nakita. Matamis ang
Para kay Cholo Gastrell,Walang kasiguraduhan kung mapapasakamay o mababasa mo pa ito Cholo pero nagbabakasakali lang ako tutal ito na ang huling bagay na makukuha mo mula sa akin.Pasensiya ka na dahil hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Please 'wag mong isipin na iniwan kita. Oo, aaminin ko na pinag-isipan ko noong una pero binawi ko agad kasi hindi ko pala kayang iwan ka. Naipit lang ako. Wala akong magawa. Isang hamak na babae lang ako. Kayang-kaya nila akong tirisin, hamakin, at pahirapan.Siguro may ideya ka na na may damdamin na ako para sa iyo. Alam ko naman kasing hindi ako magaling magtago ng nararamdaman ko. Minahal kita, Cholo. Sana maniwala ka at tanggapin ang pag-ibig ko kahit isang segundo lang. Wala man akong ibang pwedeng pagkomparahan ng damdamin ko pero alam ko sa sarili ko na mahal kita. Mahal na mahal kahit tuluyan mo na akong inabandona, kahit hindi mo ako pinagkaabalahan pang bigyan ng isang sulyap na para bang ang isang tulad ko ay hindi karapat-dapat na makausap ka
The sound of my five-inch Valentino shoes echoed through the empty halls of the topmost floor of the biggest and most renowned ship building company in the whole of Southeast Asia.My flowing sheen-length black dress clung to my body like it's my second skin as I sauntered across the long hallway.Dinala ko sa bibig ang bote ng beer at nilagok. Nilaro ko rin sa kamay ang hawak na high end na Sony camera saka inilabas ang blade mula sa dalang Gucci handbag.Marahas na pinaraanan ko ng saksak ang bawat mamahaling painting na nakasabit sa dingding."Ooop, one million pesos gone." Tinakpan ko pa ang bibig na parang nabigla ako sa ginawa. "You're so bad, Karina. So, so bad!" Tumawa ako na parang baliw habang pinagmamasdan ang mga gutay-gutay na mga paintings."Nah, they're just a speck on his bank account. A mote on a giant's eye."Ru
FlashbackNoong una ko pa lang na makita si Cholo, alam ko nang alangan kami sa isa't isa. Nakakalula ang yaman ng pamilya nito. Mayamang negosyanteng Amerikano ang tatay nito na siyang nanguna sa shipbuilding industry sa bansa. Ang mama naman nito ay anak ng isang kilalang mall owner sa siyudad.Kung ikokompara sa kanilang hawak na impluwensiya at yaman, para lang akong putik na dumikit sa gilid ng kanilang sapatos. Isang hamak na magsasaka ang tatay ko na nang ma-stroke ay tuluyan nang nawalan nang ganang mabuhay. Ilang beses ko na siyang nahuling sinubukang kitilin ang buhay nito kaya kinailangan kong patigilin ang kapatid sa part-time job nito sa karinderya para may magbantay kay papa. Wala na akong balita sa ina ko na ayon sa mga kwento ni papa ay nagmamadaling naglakad palayo nang mailagay na niya ako sa mga bisig ng ama. May nag-offer daw na agent dito para maging entertainer sa Japan kaya nagkukumahog itong iwan ako kahit na mag-a-anim na buwan p
Hindi ako nag-angat ng tingin sa pagkakatitig sa isang pares ng magkasintahan na magkahawak-kamay sa ibaba ng balkonahe ng hotel kahit na naramdaman ko ang paggalaw ng sinuman sa likod ko.Kinampante ko ang sarili habang nakaupo sa isa sa dalawang silya na nakapalibot sa isang mamahaling mesa.I tipped the glass of wine I'm drinking and gulped it all down."What do you want, Ymir?" I said in a calm voice.Umupo sa kaharap ko na silya ang lalaki at sinundan ang tingin ko. Wala na ang magkaparehang tinititigan ko kanina. Cars and passers by in this busy side of the city replaced the bitter view. I tasted nostalgia when a gust of wind blew taking the withered leaves of a pine tree with it."Bakit ka pa bumalik? Hindi pa ba sapat ang perang nakuha mo, Karina?"Napahinto ang tangka kong pagsagot sa tumatawag sa cellphone ko sa tanong nito. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at binato ito ng isang blangkong tingin. Pinatay ko mun
Flashback"H-ha??" Ang tanging namutawi sa bibig ko pagkarinig ko sa sinabi niya.Prenteng sumandig ito sa upuan at humalukipkip. Ang mga mata nito ay kumislap sa magkahalong galit at pagnanasa."You heard what I said. Ganoon ka na ba kabobo para hindi makaintindi ng simpleng English? Fine, I'll translate it for you. Hubad. Maghubad ka."Parang binabad sa suka ang mukha ko sa narinig. Animo naipon ang dugo sa buong mukha ko at sa puno ng leeg nang inulit nito ang mga salita. Biglang namanhid sa hiya ang pagkatao ko. Kung hindi ba naman ito malupit, malalaman nitong sobra pa sa hinihingi nito ang ginagawa niya sa akin ngayon. Madaling hubarin ang damit pero sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, parang hinahalukay na niya pati ang kaluluwa ko. Natatakot ako sa gagawin niya pagkatapos. "Bakit ka may hawak na cellphone? I-re-record mo ba ako? Gagawa ba tayo ng video? Please Cholo, wala ito sa usapan," mangiyak-ngiyak ko na
What is love?Iyan ang palaging tanong ko noong bata pa ako. Dahil namulat sa isang hindi kumpletong pamilya, hindi natatapos ang isang araw na hindi ko naitatanong kay tatay kung bakit siya iniwan ng aking ina. Kaya nagkaroon ako ng mga tanong gaya ng 'Ganoon ba ang pag-ibig?', 'Nang-iiwan?'Lagi na ay isang magiliw na ngiti ang sagot niya sa akin saka ang paulit-ulit na "Ang tunay na pagmamahal ay pagpaparaya, Karina. Pinalaya ko ang ina mo dahil hindi siya magiging masaya sa akin. Pero higit pa sa saya ang ibinigay niya sa akin nang mahawakan kita sa mga bisig at marinig ko ang unang pag-iyak mo."Hindi ko maintindihan si tatay noon at kahit na ngayon. I can't understand how one can surrender love that easily. Para sa akin, ang pag-ibig ay pakikibaka.Mahina ka? Lalakas ka dahil sa pag-ibig. Malakas ka? Manghihina ka dahil dito. Mabait ka? Wait 'till someone or something threatens your relationship. Maldita ka? Matututo kang magpakum
FlashbackItinikom ko ang bibig kahit na naramdaman ko ang tangka nitong ipasok ang dila sa loob. Nang hindi nagtagumpay ay bumaba sa leeg ko ang bibig nito habang ang isang kamay ay nagsimulang maglaro sa dibdib ko. Mas ipinikit ko ang mga mata at dinaklot ang bedsheet para pigilan ang pagtakas ng hagulhol sa bibig. Patuloy lang sa pagtagas ang luha sa mga mata ko.Bumaba pa ang bibig ni Cholo papunta sa dibdib ko kaya mas lalo akong nanigas sa pagkakahiga. Naghintay ako sa susunod na gagawin nito pero tumigil si Cholo sa pagkilos. "I don't want to fuck a stone, Karina. Respond to me."Doon pa lang ako nagdilat ng mga mata. Nakatunghay ito sa akin pero hindi ko mabasa ang eskpresyon nito dahil sa panlalabo ng aking mga mata dahil sa luha."H-hindi ko a-alam kung p-papaano," nauutal na pahayag ko.Napaigik ako sa sakit nang marahas nitong hinawakan ang baba ko at sapilitang itinaas ito dahilan para bahagya akong mapabangon."I hate it when people use their tears or fake weakness jus