Share

6

Flashback

Itinikom ko ang bibig kahit na naramdaman ko ang tangka nitong ipasok ang dila sa loob. Nang hindi nagtagumpay ay bumaba sa leeg ko ang bibig nito habang ang isang kamay ay nagsimulang maglaro sa dibdib ko.

Mas ipinikit ko ang mga mata at dinaklot ang bedsheet para pigilan ang pagtakas ng hagulhol sa bibig. Patuloy lang sa pagtagas ang luha sa mga mata ko.

Bumaba pa ang bibig ni Cholo papunta sa dibdib ko kaya mas lalo akong nanigas sa pagkakahiga. Naghintay ako sa susunod na gagawin nito pero tumigil si Cholo sa pagkilos.

"I don't want to fuck a stone, Karina. Respond to me."

Doon pa lang ako nagdilat ng mga mata. Nakatunghay ito sa akin pero hindi ko mabasa ang eskpresyon nito dahil sa panlalabo ng aking mga mata dahil sa luha.

"H-hindi ko a-alam kung p-papaano," nauutal na pahayag ko.

Napaigik ako sa sakit nang marahas nitong hinawakan ang baba ko at sapilitang itinaas ito dahilan para bahagya akong mapabangon.

"I hate it when people use their tears or fake weakness just to get what they want. Kung nagoyo mo ang ama ko sa pamamagitan ng luha mo, puwes hindi uubra sa akin ang arte mong iyan."

Hinubad nito ang t-shirt at itinapon sa sahig. Sumunod ang pang-ibaba nito at ang briefs. Nag-iwas ako ng tingin nang hubo't h***d na ito sa harapan ko. Umani nang sarkastikong tawa mula kay Cholo ang reaksiyon ko.

May kinuha itong packet ng condom sa drawer ng side table at pinunit, isinuot saka ito pumatong uli sa akin.

May nilagay itong kung anong malapot sa kaselanan ko bago nito ipinuwesto ang kahandaan. Dumagundong sa kaba ang dibdib ko.

Gusto ko siyang patigilin sandali para sabihing magdahan-dahan dahil ito ang unang beses kong makipagtalik pero alam kong hindi niya ako papaniwalaan. Baka lalo lang siyang magalit sa akin.

Papaano ko kasi ipapaliwanag sa kaniya na hindi ako ang babaeng kinasusuklaman niya kung buo na sa isip nito na ako iyon?

Kaya pumikit na lang uli ako at naghanda para sa sakit na mararamdaman. Pampalubag-loob na rin na ibibigay ko ang sarili dito kaysa sa kung sinong lalaki diyan na hindi ko naman gusto.

Babalewalain ko na lang ang marahas nitong pagkilos pati na ang isiping inaaangkin niya ako hindi bilang ako kundi isang maruming babae na nagawang pumatol sa isang lalaking may-asawa.

"You don't deserve any gentleness, Karina. I loathed all women like you," bulong nito bago pinakawalan ang unang ulos.

Nalukot ang mukha ko sa sobrang sakit. Parang namanhid ang anit ko sa sakit. Pumalahaw ako ng iyak kasabay ng pagtulak dito paalis sa ibabaw ko.

Hindi ko pala kaya. Parang pinipilas ang katawan ko sa sakit lalo na sa bandang ibaba ko.

Natigilan si Cholo sa ibabaw ko saka nanlalaki ang mga matang tinitigan ako. Nakita siguro nito na nahihirapan na ako ng sobra kaya umalis ito sa itaas ko at sabunot ang buhok na naupo sa kama.

Para itong nakakita ng multo dahil sa sobrang putla ng mukha nito.

"W-who are you?" tanong nito sa medyo nanginginig na boses.

Hindi ako nagsalita. Kinuha ko lang ang kumot at itinabing sa h***d na katawan. Isinubsob ko ang mukha sa unan at doon ay mahinang umiyak.

Masakit ang katawan ko lalo na sa maselang bahagi nito pero mas masakit ang dibdib ko dahil tuluyan ko nang naiwala ang puri sa ganitong paraan, sa taong kinasusuklaman ako.

Ilang sandali lang akong ganoon. Tahimik na umiiyak habang hindi alam ang susunod na mangyayari. Ipagpapatuloy pa ba namin?

Napaigtad ako at napasiksik sa sulok ng kama ng maramdaman ko ang malamig na kamay nito sa braso ko. Napahiyaw ako ng impit.

Agad naman na umatras si Cholo na ngayon ay nakabihis na. Maputla pa rin ito pero wala na ang madilim na mukha. Takot at pagkabalisa ang nababasa ko sa mga mata nito na kanina ay kulang na lang ay isumpa ako.

"R-Relax. Wala akong gagawin sa iyo."

Umupo ito sa dulo ng kama at napahilamos sa mukha.

"What did I just do? Damn!" saad nito sa tinig na puno ng pagdurusa.

"I'm sorry. I-I thought..."

Tumigil ito sa pagsasalita at ikinuyom ang mga kamao. Tumingin siya sa akin. Agad ko namang ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.

"I promise I won't hurt an innocent woman like you. Get dressed. Pupunta tayo ng presinto."

Doon na ako nataranta. Hindi ako pwedeng makulong. Paano na lang ang ama at kapatid ko?

Hinigpitan ko ang kapit sa kumot saka nakaluhod na lumapit sa binata.

"M-maawa ka, please. Wag mo akong ipakulong maawa ka naman, o. Nagawa ko lang talaga ito dahil desperada na ako. Kailangan ko lang talaga ng pera, Cholo. Maawa ka sa akin pakiusap. Wag mo na lang akong bayaran. Wag mo lang akong ipakulong, please. Ano na lang ang mangyayari sa pamilya ko? May sakit ang tatay ko at nakakulong ang kapatid ko. Paano na lang sila kung pati ako ay makukulong? Maawa ka please... Wag mo namang gawin 'to, o."

Naghahalo na ang sipon at luha ko sa mukha pero wala akong pakialam. Hindi ako pwedeng makulong. Hindi pwede.

Napaawang si Cholo sa akin na para bang hindi ito makapaniwala sa naririnig. Tumayo ito at ilang beses na nagpakawala ng hininga.

"Ano ba itong nagawa ko?"

Narinig kong sabi nito sa boses na puno ng pagsisisi.

Humarap siya sa akin.

"We'll go to the police station because you will report me."

Naguguluhang pinunasan ko ang luha.

"B-bakit?"

"Why? Are you seriously asking me that question? Because I raped you! I forced myself to you! I deserve to go to prison. Magbihis ka na."

Sandali akong napatda pero nahamig ko rin ang sarili kalaunan.

"Hindi mo ako ginahasa. Desisyon ko na ibenta ang sarili. Nagkataon lang na ikaw ang nakasama ko ngayon. Kung ibang lalaki iyon-"

"Stop it. Get dressed," pinal na saad nito.

Pero mas matigas ako.

"Hindi. Ayoko. Katawan ko ito. Ako ang magdedesisyon. Bayad na ako ng kalahati. Okay lang din kung ayaw mo akong bayaran. Tatanggapin ko iyon."

"And then what?! You're going to sell your body to another man tonight? Tomorrow? The next day after?!" bulyaw nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status