Mag-log inHindi sanay si Lawrence Santillan sa katahimikan ng kanilang bahay.
Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, nasanay siyang makita si Anna sa hapag-kainan tuwing umaga, marinig ang mahinang pagbati nito bago siya umalis, at matagpuan ang babaeng nakaupo sa sala sa tuwing umuuwi siya nang gabing-gabi na. Minsan, may hawak itong libro. Minsan naman ay may ginagawa sa kusina o kaya nama'y tahimik na naghihintay habang nakatanaw sa malaking bintana. Hindi niya kailanman tinanong kung bakit naghihintay ang asawa niya. Hindi rin niya kailanman naisip na darating ang araw na hindi na ito maghihintay. "Nasaan si Anna?" tanong niya sa kasambahay nang makitang walang tao sa dining area. "Umalis po kanina, Sir Lawrence." Napakunot ang kaniyang noo habang inaalis ang relo sa kaniyang pulsuhan. "Saan pumunta?" "Hindi po nagsabi, Sir." Sandaling natigilan si Lawrence. Hindi nagsabi? Kailan pa natutong umalis ang asawa niya nang hindi nagpapaalam sa kaniya? "Anong oras umalis?" "Bago po mag-alas nuwebe." Napatingin siya sa kaniyang relo. Alas-diyes pa lamang ng umaga. Kung may pupuntahan si Anna, malamang ay hindi pa ito nakauwi. Hindi niya alam kung bakit niya kailangang malaman ang mga bagay na iyon. Hindi naman siya ang tipo ng asawang nagtatanong kung saan pumupunta ang kaniyang asawa. Sa katunayan, mas gusto pa nga niyang hindi ito nakikialam sa kaniyang mga lakad. Kaya bakit ngayon ay tila may kung anong kumikiliti sa kaniyang isip? "Fine," maikli niyang sagot bago tuluyang tumalikod. Hindi naman mahalaga. Iyon ang sinabi niya sa sarili. Pero nang dumating ang tanghali at hindi pa rin umuuwi si Anna, muli niyang naalala ang pangalan nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilang kunin ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang kanilang message thread. Walang bagong mensahe. Walang paalam. Walang tanong kung uuwi ba siya para sa tanghalian. Wala ring simpleng, Kumain ka na ba? Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Napakababaw ng mga bagay na iyon. Mga bagay na hindi naman dapat niya pinapansin. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, napansin niyang wala ang mga ito. At hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Samantala, masayang nakaupo si Anna sa isang maliit na café nang muling tingnan ang oras sa kaniyang cellphone. Katapat niya ang isang tasa ng kape at isang librong matagal na niyang gustong basahin. Pagkatapos ng kaniyang appointment, nagpasya siyang maglaan ng oras para sa sarili. Walang kailangang ipagluto. Walang kailangang hintaying umuwi. Walang kailangang alalahaning baka magalit kapag hindi nasunod ang gusto. Sa unang pagkakataon, ginawa niya ang isang bagay dahil gusto niya. At nakakapanibago iyon. Dati, kapag may libreng oras siya, iniisip niya agad kung ano ang maaaring gawin para kay Lawrence. Kung anong pagkain ang gusto nito, kung may kailangan ba itong plantsahing damit, o kung may pagkakataon ba silang sabay na kumain. Palagi niyang iniisip ang mga bagay na iyon. Palagi niyang sinusubukang maging mabuting asawa. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa rin siya ang babaeng hinahanap ni Lawrence. Napayuko siya at marahang hinaplos ang gilid ng kaniyang tasa. Hindi naman niya kayang burahin ang pagmamahal sa isang iglap. Kung ganoon lang kadali, marahil ay matagal na niya itong ginawa. Mahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Ngunit unti-unti na niyang nauunawaan na hindi sapat ang pagmamahal niya para punan ang kawalan ng pagmamahal mula sa kabilang panig. At nakakapagod palang laging umasa sa isang bagay na hindi naman ipinangako sa iyo. Kaya ngayong araw, hindi niya pipilitin ang sarili niyang umuwi nang maaga. Hindi niya kailangang magmadali para lamang masigurong may naghihintay na pagkain si Lawrence. Hindi niya kailangang magtanong kung nasaan ito. At higit sa lahat, hindi niya kailangang patunayan araw-araw na karapat-dapat siyang mahalin. Dahil kung may isang bagay mang gusto niyang matutunan ngayon, iyon ay ang mabuhay nang hindi palaging naghihintay na piliin siya ng ibang tao. Alas-sais na ng gabi nang makauwi si Anna. May dala siyang maliit na paper bag mula sa bookstore at isang kahon ng mga pastry na binili niya sa daan. Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang napansin ang presensya ni Lawrence sa sala. Nakaupo ito sa sofa habang may hawak na tablet, ngunit nang marinig ang pagbukas ng p***o, mabilis itong napatingin sa kaniya. "Where have you been?" Napahinto si Anna. Hindi dahil sa tanong, kundi dahil sa tonong ginamit nito. Para bang may nagawa siyang kasalanan. "May appointment ako," mahinahon niyang sagot habang inilalagay ang mga gamit sa mesa. "Appointment?" "Yes." "At hindi mo naisip na magsabi sa akin?" Napatingin siya sa asawa. Sa loob ng ilang segundo, hindi niya alam kung paano sasagot. Dati, sapat na ang isang tanong ni Lawrence para magmadali siyang magpaliwanag. Ayaw niyang magalit ito. Ayaw niyang isipin nitong wala siyang pakialam. Ngunit ngayon, nakapagtataka kung gaano kadaling manahimik. "Did I have to?" tanong niya. Bahagyang natigilan si Lawrence. "What?" "Did I have to tell you where I was going?" Napatayo ito mula sa pagkakaupo. "You're my wife, Anna." Napangiti siya nang bahagya. Hindi iyon ang ngiting nakasanayan ni Lawrence na makita sa kaniya. Walang lambing. Walang pagtatangkang pagaanin ang usapan. "I know, Lawrence. I haven't forgotten." "Then act like it." Dati, masasaktan siya sa mga salitang iyon. Marahil ay magtatanong siya kung ano na naman ang nagawa niyang mali. Marahil ay susubukan niyang ipaliwanag ang sarili hanggang sa tuluyan itong tumahimik. Pero ngayon, pagod na siya. "Being your wife doesn't mean I have to account for every hour of my day," mahinahon niyang sagot. Saglit na natahimik ang buong sala. Tinitigan siya ni Lawrence na para bang hindi nito makilala ang babaeng kaharap. "Since when did you start talking to me like that?" Napalunok si Anna. Napakaraming sagot ang gustong kumawala sa kaniyang bibig. Since when did you start treating me like I was nothing? Since when did you stop asking if I was okay? Since when did I become the only person trying to make this marriage work? Ngunit wala sa mga iyon ang sinabi niya. Sa halip, kinuha niya ang paper bag at tumingin sa hagdan. "Since I realized that I don't have to explain myself just to keep the peace." Iniwan niya si Lawrence sa sala. At sa pagkakataong iyon, hindi na siya lumingon upang alamin kung nakatingin pa rin ito sa kaniya. Hindi agad nakatulog si Lawrence nang gabing iyon. Nakahiga siya sa kama habang nakatingin sa kisame. Sa kabilang panig, tahimik na nagbabasa si Anna, nakasandal sa headboard at may maliit na ilaw na nakatutok sa kaniyang libro. Karaniwan, sa ganitong oras, si Anna ang unang nagtatanong kung gusto ba niyang kumain ng midnight snack. O kaya nama'y magkukuwento ito tungkol sa kung anong nakita nito sa internet, isang librong binasa, o kung ano mang bagay na hindi naman niya gaanong pinapansin. Minsan, sinasagot niya ito nang walang gana. Minsan, hindi niya talaga pinapansin. At kung minsan, sinasabihan niya itong tumahimik dahil gusto niyang magtrabaho. Ngunit hindi na nagsasalita si Anna ngayon. At hindi niya alam kung bakit mas nakakabahala iyon kaysa sa mga panahong hindi niya ito kayang patahimikin. "Anna." Hindi agad nag-angat ng tingin ang babae. "Hmm?" "Are you still going to your appointment next week?" "Yes." "Do you need me to drive you?" Doon lamang siya nilingon ni Anna. May kung anong kakaiba sa mukha nito. Hindi galit. Hindi rin tuwa. Kundi pagtataka. Parang hindi nito inaasahan na mag-aalok siya ng ganoong bagay. "No, thank you. I can manage." Muli itong bumalik sa pagbabasa. Naiwan si Lawrence na nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit siya nagtanong. Hindi niya rin alam kung bakit tila may kung anong kumirot sa kaniyang dibdib nang tanggihan siya nito. Hindi naman dati mahalaga kung sasamahan niya si Anna o hindi. Hindi naman ito nagrereklamo kapag hindi siya available. Kaya bakit ngayon ay tila may nagbago? "Anna." "What is it?" Sandaling nag-alinlangan si Lawrence bago tuluyang nagsalita. "Is something wrong?" Dahan-dahang isinara ni Anna ang libro. Sa loob ng tatlong taon, iyon ang isa sa mga tanong na pinakahihintay niyang marinig mula sa kaniyang asawa. Is something wrong? Dati, sapat na marahil iyon upang mapaluha siya. Sasabihin niyang wala, saka yayakapin ito at magpapasalamat dahil kahit papaano ay napansin siya. Ngunit ngayon, nang marinig niya ang tanong, hindi niya na alam kung paano sasagutin. Dahil paano niya ipaliliwanag ang sakit na hindi naman nagsimula ngayong araw? Paano niya sasabihin na ang problema ay hindi ang isang pagtatalo, isang masamang salita, o isang gabing mag-isa siyang kumain? Ang problema ay ang tatlong taon niyang pag-asang balang araw ay mamahalin din siya ng taong pinakasalan niya. "I'm just tired," sagot niya. "Tired of what?" Tumingin siya sa asawa. Sa unang pagkakataon, hindi niya pinilit ngumiti. "Of waiting, Lawrence." Nawala ang anumang sasabihin sana nito. Hindi na nagdagdag ng paliwanag si Anna. Muli niyang binuksan ang kaniyang libro, habang si Lawrence ay nanatiling tahimik sa tabi niya. Hindi nito naunawaan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. O marahil ay ayaw lamang niyang unawain. Dahil kung may isang bagay na hindi niya kailanman pinroblema sa kanilang pagsasama, iyon ay ang paniniwalang mananatili lang si Anna. Na kahit ilang beses niya itong talikuran, babalik at babalik pa rin ito sa kaniya. Na kahit hindi niya piliin, naroon pa rin ito. Ngunit nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, sumagi sa isip ni Lawrence ang isang tanong na hindi niya kailanman binigyan ng halaga. What if one day Anna gets tired of waiting? Paano na nga ba siya?Hindi ako umiyak nang gabing iyon.Hindi rin ako nagtanong kay Lawrence kung bakit bigla siyang naging interesado sa mga ginagawa ko. Hindi ko na hinanap ang sagot sa mga tanong na matagal ko nang alam kung paano sasagutin.Sa halip, humarap ako sa kabilang bahagi ng kama at ipinikit ang mga mata.Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel sa tabi ni Lawrence. Paminsan-minsan, naririnig ko rin ang pagbukas ng kaniyang telepono. Hindi ko alam kung may kausap siya o may binabasa lamang.At sa pagkakataong iyon, wala na akong pakialam.O marahil, gusto ko lamang paniwalaan iyon.Dahil ang totoo, kahit pilit kong tinuturuan ang sarili kong huwag nang umasa, may maliit na bahagi pa rin sa akin na naghihintay.Naghihintay na baka tawagin niya ako.Na baka tanungin niya kung bakit hindi na ako nagsasalita.Na baka kahit isang beses, piliin niyang alamin kung ano ang nangyayari sa akin bago niya ako husgahan.Ngunit lumipas ang ilang minuto.At nang marinig ko ang pagpatay niya sa ilaw,
Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang napagod. Siguro noong paulit-ulit kong hinintay si Lawrence sa hapag-kainan kahit alam kong hindi na naman siya uuwi nang maaga. O noong natutuhan kong ngumiti sa tuwing may nagtatanong kung masaya ba ako sa piling ng asawa ko, kahit ang totoo, hindi ko na matandaan kung kailan niya ako huling tinanong kung ayos lang ba ako. O baka noong napagtanto kong kahit anong gawin ko, kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi kailanman magiging sapat ang isang babaeng hindi naman niya piniling mahalin. "Ma'am Anna?" Napalingon ako kay Paz na nakatayo sa may pintuan ng silid-kainan. "Yes?" "Naghanda na po ako ng almusal. Ipapahatid ko na po ba kay Sir Lawrence?" Nakasanayan na rin yata ng lahat na kahit hindi ako mahalin ni Lawrence, mamahalin ko pa rin siya nang walang hinihinging kapalit. At iyon ang nakakapagod. Hindi ang magmahal. Kundi ang palaging maging handa para sa isang taong hindi naman kailanman nagplanong manatili sa tabi mo. "Pakilagay
"Anna make sure to wear something appropriate tonight!"Iyon ang unang sinabi ni Lawrence nang magkita sila sa silid bago magtanghali.Nasa harap ng salamin si Anna, maingat na inaayos ang kaniyang buhok. Sandali siyang napatingin sa repleksiyon ng asawa bago muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa."What do you mean by appropriate?"Napakunot ang noo ni Lawrence."You know what I mean. It's my mother's birthday. The entire family will be there.""I know.""Then don't wear anything too extravagant. You know how my relatives are."Bahagyang ngumiti si Anna."Don't worry. I won't embarrass you."Hindi inaasahan ni Lawrence ang sagot na iyon.Sa loob ng tatlong taon, hindi naman naging problema sa kaniya ang pananamit ng asawa. Sa katunayan, madalas pa nga siyang walang pakialam sa mga damit na pinipili nito. Ngunit ngayong narinig niya ang mga salitang iyon, may kung anong hindi komportableng pakiramdam ang gumapang sa kaniyang dibdib.Parang may ibang kahulugan ang sagot ni Anna.Par
Hindi na muling tinanong ni Lawrence si Anna tungkol sa sinabi nito noong nakaraang gabi.Marahil ay dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang itanong. O marahil ay mas pinili niyang isipin na pagod lamang ang kaniyang asawa at lilipas din ang lahat kapag nakapagpahinga na ito.Sanay naman siyang ganoon si Anna.May mga araw na tahimik ito, may mga araw na masayahin, at may mga araw ding tila napakaraming gustong sabihin. Ngunit sa huli, bumabalik at bumabalik pa rin ito sa dati.Sa tabi niya.Handang makinig.Handang umunawa.Kaya hindi niya nakita ang dahilan upang mag-alala.Hanggang sa sumunod na umaga."Good morning, Sir Lawrence."Napatingin siya sa kasambahay na nag-aayos ng mga pinggan sa hapag-kainan."Where's Anna?""Nasa labas po, Sir. Naglalakad po yata."Napatingin siya sa orasan.Alas-siyete pa lamang.Hindi pa siya umaalis ng bahay sa ganoong oras, ngunit kung minsan ay nauuna nang gumising si Anna upang ihanda ang almusal nila. Kapag hindi naman ito abala sa kusi
Hindi sanay si Lawrence Santillan sa katahimikan ng kanilang bahay.Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, nasanay siyang makita si Anna sa hapag-kainan tuwing umaga, marinig ang mahinang pagbati nito bago siya umalis, at matagpuan ang babaeng nakaupo sa sala sa tuwing umuuwi siya nang gabing-gabi na.Minsan, may hawak itong libro. Minsan naman ay may ginagawa sa kusina o kaya nama'y tahimik na naghihintay habang nakatanaw sa malaking bintana.Hindi niya kailanman tinanong kung bakit naghihintay ang asawa niya.Hindi rin niya kailanman naisip na darating ang araw na hindi na ito maghihintay."Nasaan si Anna?" tanong niya sa kasambahay nang makitang walang tao sa dining area."Umalis po kanina, Sir Lawrence."Napakunot ang kaniyang noo habang inaalis ang relo sa kaniyang pulsuhan."Saan pumunta?""Hindi po nagsabi, Sir."Sandaling natigilan si Lawrence.Hindi nagsabi?Kailan pa natutong umalis ang asawa niya nang hindi nagpapaalam sa kaniya?"Anong oras umalis?""Bago po mag-alas nu
Sa loob ng tatlong taon, walang ibang hinangad si Anna kundi ang maging masaya sila ni Lawrence. Ngunit sa kagustuhan niyang mapanatili ang kanilang pagsasama, may mga bagay din siyang isinantabi, gaya ng pagtuturo sa mga bata. Halos ilang buwan na rin kasing expired ang lisensya niya bilang isang guro at kailangan na niyang kumuha ng panibago.Noon, akala niya, kapag ikinasal siya ay magiging masaya na siya. Akala niya, sapat nang makasama niya ang lalaking mahal niya para masabi niyang kumpleto na ang kaniyang buhay. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Sa halip na saya, kirot sa dibdib ang madalas niyang maramdaman. Kaya naman minabuti niyang gawin na ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. Tutal, wala naman siyang mawawala kung susubukan niyang ibalik ang dating Anna na minsan niyang kinalimutan dahil sa pag-ibig.“Paz, baka gabihin ako ngayon. Siguro, huwag na lang kayong magluto ng marami. Para kay Sir na lang,” sabi niya habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang bag. “At



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



