LOGINNagdilim ang mukha ng matanda at agad na inaya ang kanyang assistant.“Halika na nga! Medyo pangit na ang ihip ng hangin dito.”Pagkasabi noon, naglakad siya papunta sa direksyon ng sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Si Jeremy ang nagbukas ng pinto ng kotse at agad na sumakay ang matanda.Ibinaba ni Nathaniel si Valentina sa kotse, pagkatapos ay pinanood ang pulang kotse na dumaan sa harap niya bago siya pumasok sa sarili niyang sasakyan.Lumipas ang ilang sandali.Ang mga gintong dahon ay unti-unting nalalagas at tinatangay ng hangin, at lalong lumalamig ang panahon.Mabilis na lumipas ang mga araw, palaki na ng palaki ang tiyan ni Arabella. Halos hindi na siya makalakad nang matagal at kailangan na niyang maupo at magpahinga paminsan-minsan. Mas nagiging mahirap na rin ang pagbibihis niya, lalo na sa pantalon dahil hindi na siya maka yuko ng maayos dahil sa laki ng tiyan niya. Madalas na rin siyang nagigising sa gabi dahil sa maya’t maya na pag-ihi. Minsan
Dumating si Arabella sa silid ng ospital kung saan naka confine si Chriztle. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili para hindi mag alala ang kanyang kaibigan.“Bella, mabuti naman at nandito ka na, may makakausap na ko. Bakit pa bumili ng prutas?” bungad ng babae pagpasok niya ng silid.Inilagay ni Arabella ang prutas sa mesa at tiningnan ang kalahating bote ng swero. “Malapit na ba maubos ’yan?”“Kaunti na lang, makakalabas na sa wakas.”“Sa susunod, huwag ka nang iinom ng alak gaya noong gabing iyon. Ayan tuloy nangyari sayo.”Ngumiti si Chriztle. “Kapag mabigat ang nararamdaman, minsan kailangan lang ilabas ang sama ng loob. Wag ka mag alala sa susunod mag-iingat na ako.”Nag kwentuhan lang ang dalawang babae tungkol sa mga pangyayari habang nasa ospital si Chriztle. Maging ang pagsama kay Arabella ng Lola ni Nathaniel ay ikinwento niya sa babae. Halata sa babae ang gulat nang marinig ang kwento nito, dahil hindi niya akalain na may mabait pala sa mga Monteverde.Hindi naman nag ta
Hindi nagtagal si Maricel sa bahay ng kanyang apo. Bago siya umalis, muli niyang pinaalalahanan si Arabella na manatili na sa bahay nila at huwag nang pabalik-balik sa bahay ng ama niya dahil may asawa na siya.Umakyat si Nathaniel sa kanyang opisina.Samantalang bumalik ang babae sa kanyang silid at tinawagan ang Tita Catherine niya.“Ara anak, anong oras ka uuwi ngayon?” tanong nito.“Tita Cath, nandito po kasi ako ngayon sa Forbes. Dito po ako hinatid ni Lola Maricel hindi na po ako nakatanggi.”Nagulat ang ginang sa kabilang linya. “Bakit? Okay ka lang ba dyan? Pinilit ka ba nila na manatili dyan?”“Pinag papahinga ako ni Lola para sa pagbubuntis ko.”Naunawaan agad ni Catherine ang ibig sabihin at wala na siyang nasabi.“Pupunta ka pa ba sa yoga mamaya?”“Opo. May schedule po ako mula alas-sais hanggang alas-otso.”“Sige. Maaga tayong pumunta. Dadalhan kita ng hapunan.”“Okay po, salamat po.”Pagkababa ng tawag, tumingin ang babae sa oras at nagpahinga muna.Pagkagising niya at ha
Nang makita niyang ang Lola niya ang tumatawag agad niya itong sinagot.“Lola, napatawag po kayo?”“Wala naman apo, gusto lang kita kamustahin. Kamusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw?”“Mabuti naman po ako, kayo po Lola kamusta na po kayo?”“Mabuti kung ganoon. Wala naman akong gagawin bukas, kaya dadalawin kita at sasamahan kitang magpa-check up. Okay lang naman ako.”Nagulat ang babae sa kanyang narinig hindi niya akalain na kaya siyang samahan ng isang Monteverde sa kanyang check-up.Mula nang mabuntis siya at tumira sa mga Monteverde, ni minsan ay hindi siya dinalaw ng matanda. Kaya nagtaka siya kung bakit bigla itong gustong sumama sa kanya sa ospital. Mukhang mahalaga talaga sa matanda ang batang nasa sinapupunan niya.Hindi na siya makatanggi.“Sige po, Lola. Nasa bahay muna ako ng papa ko. Sabihin niyo lang po ang oras at hihintayin ko kayo sa ospital.”“Bakit ka pala na sa bahay ng papa mo? May problema ba kayo ni Nathaniel?” tanong ng matanda.Mukhang hindi pa
Napangiti ang lalaki nang kunin niya ang candy mula sa bata.“Salamat, Khloe.”Ngumiti ang bata at lumitaw ang maliliit nitong dimples. “Walang anuman po.”Biglang nagsalita si Angie, ang asawa ni Jim.“Malapit ka na ring magkaroon ng anak na babae, Nathaniel. Magkakaroon na ng kalaro si Khloe.”Bahagyang ngumiti ang lalaki, pero hindi niya mabasa ang tunay niyang nararamdaman.Tumakbo ang babae papunta sa kanyang Lola.“Lola, nasaan po ang baby?”“Hindi pa siya ipinapanganak apo.”“Kailan po siya ipapanganak?”“Malapit na apo bago mag bagong taon kaya humanda ka na ha, magkakaroon ka na ng kalaro.”“Talaga po? Magkasama kaming magce-celebrate ng bagong taon?” tumatalon na sagot ng bata“Oo apo, halatang excited ka na ha.”Masayang pinanood ni Maricel ang bata.“Sa susunod na taon, magkakaroon ka na rin ng apo sa tuhod,” sabi ni Angie.“Oo nga. Matagal ko na iyong hinihintay, gusto ko na siyang maalagaan.” sagot ni Maricel.Masaya ang usapan hanggang sa biglang nagsalita si Jim.“Baki
Ilang ring pa ang narinig ni Arabella bago ito sinagot ng kanyang Professor, pagsagot nito ay hindi na ang alinlangan ang babae at agad na kinamusta si Chriztle.“Professor, ano na po ang nangyari kay Ate Chriztle?”“Nakipagkita siya kay Andrei. Bukas kakausapin niya si Nathaniel. Huwag ka ng mag-alala baka ma-stress ka pa at ang baby mo.”Nakahinga nang bahagya ang babae. Mukhang mas madaling kausapin si Andrei kaysa kay Nathaniel.Kinabukasan, hindi pumasok ang kanyang professor sa unibersidad. Inihanda ng babae ang mga lecture materials para sa buong linggo. Dahil wala siyang gaanong gawain, naglakad-lakad siya sa campus at nagbasa sa library.Maganda ang panahon nang araw na iyon.Pagkatapos kumain ng tanghalian at magpahinga sandali, humiram siya ng dalawang libro at naghanap ng lugar na maarawan. Sa isang bangko, nakita niya ang isang matandang lalaki na maputi na ang buhok at nakasalamin. Pilit nitong binabasa ang hawak na diyaryo ngunit hirap pa rin siyang makita ang mga nakas
Matapos kumain, sinamahan ni Arabella si Joshua sa isang mall dahil malapit na ang kaarawan ng kanyang ina at wala pa itong nabibiling regalo. Nagpasya siyang humingi ng opinyon kay Aranbella habang naglalakad-lakad na rin ito para matunawan.Pagdating nila sa isang store ng alahas, sinalubong sila
Matagal bago natauhan si Arabella matapos ibaba ang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Uuwi ka?” tanong ng kanyang . Narinig din nito ang sinabi ni Nathaniel sa tawag.Sandaling natahimik ang babae bago sumagot.“Uuwi na po muna ako. Tingnan ko kung ano ang gusto niyang pag-usa
Agad na napatingin si Chriztle sa malaking tiyan ni Araella at mas lalong naging mapanukso ang ngiti niya. Inubos muna niya ang laman ng baso niya at malakas itong ibinaba sa mesa."Talaga palang mahilig mang-agaw ng lalaki si Valentina. Siguro walang may gusto sa kanya noong nakaraan niyang buhay
Sandaling naestatwa si Arabella sa kanyang kinatatayuan bago siya tuluyang natauhan. Mabilis siyang lumapit sa dalawa.“Ate Chriztle!”Hawak ni Valentina ang namumulang pisngi at galit na galit na tumingin kay Chriztle, ngunit hindi siya gumanti kahit gustuhin niyang gumanti ay hindi niya ginawa. S







