LOGIN“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”
Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.
Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magawa kundi tanggapin ang mga ito.
Ang pananatili niya sa kompanya at tahimik na pagtatrabaho araw-araw ay isa lamang paraan ng panlilinlang niya sa sarili. Dahil alam niyang kahit anong gawin niya, hindi siya kayang bigyan ng pansin ng sarili niyang asawa.
Matapos niyang tapusin ang financial analysis report, ipinasa niya kay Joyce ang parehong electronic at printed copy nito, saka umorder ng pagkain online.
May cafeteria naman ang kumpanya, pero palagi siyang nagbabaon ng sarili niyang pagkain. Ayaw niyang pumunta sa mataong lugar. Ayaw niyang maramdaman ang mga matang nakatitig at sumusukat sa kanya.
Gusto lang niyang mapag-isa at mamuhay nang tahimik.Hindi siya nakapag handa ng pagkain ngayong umaga kaya napilitan siyang umorder ng takeout.Habang naghihintay ng kanyang order, may ilang kasamahan na kakabalik lang mula sa tanghalian at masiglang nagkukuwentuhan habang naglalakad papasok ng opisina.
“Ang bata pala ng girlfriend ni Sir Nathaniel noh. Mukhang estudyante pa!”
“Siguro nga. Ang ganda niya talaga. Para siyang manika.”
“Grabe siya titigan ni Sir noh kitang-kita mo talaga sa mata niya na mahal niya talaga yung girlfriend niya. Hindi ko akalaing may ganoon siyang malambot na side. Para silang totoong bida sa isang romance drama—isang makapangyarihang CEO at ang kanyang munting prinsesa!”
“...”
Habang nag-uusap ang dalawa, napansin nila si Arabella na tahimik na nakaupo sa kanyang mesa.
Simula nang ilipat siya sa secretary department, bukod sa trabaho ay halos hindi na siya nakikipag-usap sa iba. Habang tumatagal, lalo siyang naging mapag-isa. Palagi pa siyang nakasuot ng mask na para bang may itinatago.
Mahirap isipin na anim na buwan lang ang nakalipas, isa siyang tanyag at respetadong executive assistant ng presidente.
Hindi rin nagtagal ang kanyang paghihintay nang biglang tumawag na sa kanya ang delivery rider. Agad siyang tumayo at lumabas ng opisina para puntahan ang rider sa labas ng building.
Pagdating niya sa lobby para kunin ang kanyang pagkain, nagkataon namang may dalawang empleyado ng isang hotel na may dalang mamahaling pagkain. Tinanong nila ang receptionist at agad silang binigyan nito ng access card para sa exclusive elevator na para lang kay Nathaniel.
Napatingin si Arabella sa bote ng alak na dala ng isa sa mga ito.Ang presyong niyon ay halos isang milyon na ang halaga.Pero para sa asawa niya barya lamang ito at kaya niyang kumita nito sa isang minuto.Tahimik niyang kinuha ang pagkain na inorder niya at bumalik sa itaas.
Alas-dos ng hapon habang abala si Arabella sa mga ibang trabaho na pinapagawa sa kanya, nagulat siya nang lapitan nanaman siya ni Joyce.
“Hinahanap ka ni Sir Nathaniel.”
Nagulat si Arabella, bakit naman siya biglang hahanapin ng asawa niya? Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Masama ang kutob niya habang naglalakad patungo sa opisina ng asawa niya. Nang buksan niya ang pinto saka lang niya napagtanto na tama ang hinala niya, naramdaman niya agad ang bigat at lamig ng atmosphere sa loob.
“Sir pinapatawag niyo raw po ako?”
Malamig at matalim siyang tiningnan ng asawa. Nagulat siya nang biglang ihagis ng lalaki ang hawak nitong dokumento sa kanyang mukha.
“Ito ba ang analysis report na ginawa mo?”
Dumaan sa kanyang pisngi ang matalim na gilid ng papel. Naramdaman niyang humapdi ang kanyang pisngi.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa sahig.Iyon ang report na ginawa niya kaninang umaga.Hinawakan niya ang kanyang tiyan at dahan-dahang yumuko upang pulutin ang mga dokumento. Malamig na pinagmamasdan ng lalaki ang kanyang mabagal na pagkilos.Matapos niyang kunin ang mga papel, sinuri niya ang mga ito.Isang tingin pa lang, napansin na niya ang ilang maling numero.
“Sir, hindi po ito ang report na ginawa ko.”
“Tama na.”
Malamig ang boses ng lalaki.
“Ayaw kong marinig ang mga palusot mo.”
Mahigpit na napisil ng babae ang mga papel.Hindi naman alam ni Nathaniel ang kanyang kakayahan.Hindi dahil ayaw nitong makinig kundi mas pinipili lamang nito maniwala na siya ang may kasalanan.
Napakasakit isipin na ang lalaking minahal niya nang walong taon ay kinasusuklaman siya nang ganito. Natatawa at naaawa na siya sa sarili niya, sandali siyang pumikit at huminga ng malalim. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob niya bago idinilat ang kanyang mga mata.
“May backup copy ako ng ginawa ko. Maaari ko itong ipadala ngayon mismo para makita ninyo. Kapag napatunayang ako ang nagkamali, saka ninyo ako pagalitan.”
Bahagyang nanliit ang mata ng lalaki at kitang-kita ang kanyang pagkainis.Nanigas ang katawan ni Arabella.Sa kaloob-looban ng kanyang puso, palagi siyang may takot sa lalaking ito.Takot sa kapangyarihan nito.Lalo na kapag seryoso at malamig ang mukha nito.
Noon, hindi man lang siya nangangahas na sumagot.Pero ngayon...Malapit na rin naman silang maghiwalay.Ibibigay niya rito ang kalayaang matagal nang gusto nito.Pagkatapos nito, hindi na siya muling babalik sa lugar na ito.Hindi na rin siya aasa pa.Kung ganoon, ano pa ang dapat niyang katakutan?
“Pakiramdam mo ba'y inaapi ka?” sarkastikong tanong ng lalaki.
Tiningnan niya ito nang diretso. Bumaon na ang kanyang kuko sa palad niya ng makuyom niya ito. Mas mabigat ang kanyang tinig nang sumagot siya.
“Pinagbintangan ninyo ako sa isang bagay nang hindi man lang inaalam ang totoo. Wala ba akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko?”
Tuluyang lumamig ang mukha ng lalaki.
“Karapat-dapat ka lang na pagdusahan iyan.”
Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa puso ng babae.
Agad siyang namutla at sa mga sandaling iyon bumukas ang pinto ng lounge.Lumabas ang isang dalagang nakasuot ng kulay rosas na silk nightdress.Mahaba ang makintab nitong buhok.Maputi ang balat na tila kumikinang.At napakaganda ng kanyang mukha.
“Kuya Nath!”
Malambing at banayad ang kanyang tinig.Ngayon lamang nakita nang malinaw ni Arabella ang kanyang mukha.At totoo ngang napakaganda nito.Sobrang ganda na nakakapagpababa ng tingin sa sarili.Ngunit isang sulyap pa lamang ang nagawa niya nang marinig niya ang malamig na sigaw ng kanyang asawa.
“Lumabas ka!”
Agad niyang ibinaba ang tingin.Pinilit niyang pigilan ang lahat ng emosyon sa kanyang dibdib bago tahimik na tumalikod.Paglabas niya ng opisina, narinig niya ang mahinahong pag papakalma ng dalaga.At hindi nagtagal, kumalma rin ang lalaki.
Bahagyang itinaas ni Arabella ang kanyang ulo. Pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. Pumunta siya sa hagdanan na walang tao, humawak siya sa rehas at saka tuluyan nang bumigay.
Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha.Parang pinipiga ang kanyang puso sa sakit.Sumasakit ang kanyang dibdib,at pati ang kanyang sikmura ay tila bumabaliktad.
Ang pagbura sa isang lalaking walong taon niyang minahal mula sa kanyang puso ay parang pagbabaklas ng sariling laman at buto.Pero ayos lang alam niyang lilipas din ito. Darating din ang araw na tuluyan niya itong makakalimutan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanatili roon. Nang tuluyan na siyang kumalma bumalik na siya sa taas.
Habang naglalakad siya pabalik ng opisina ay nakasalubong niya ang dalagang nakita niya kanina. Mula ulo hanggang paa ay halatang puro mamahalin ang suot nito, halatang lumaki sa karangyaan at pagmamahal.
Kasama nito si Joyce, ang espesyal na assistant ni Nathaniel. Nang mapansin siya ng dalaga ay agad itong ngumiti at lumapit, huminto ito sa kanyang harapan.
“Wala nang problema,” malumanay nitong sabi.
“Hindi ka na papagalitan ni Kuya Nath.”
Habang nagsasalita, may inilabas itong isang perlas mula sa kanyang bag.Hinawakan nito ang kamay ni Arabella at inilagay roon ang perlas.
“Ito, para sa iyo. Huwag ka nang malungkot. Tapos gamutin mo na ang sugat sa mukha mo dahil hindi maganda pag na peklat yan.”
Napakaganda.Napakabait.Kung ihahambing sa masigla at maliwanag na dalagang ito, pakiramdam ni Arabella ay isa lamang siyang payaso na nabubuhay sa kadiliman.
Nang hindi siya sumagot, nagsalita si Joyce.
“Hindi ka ba magpapasalamat kay Miss Nhia?”
Nhia.Iyon pala ang pangalan niya.Binawi ng dalaga ang kanyang kamay at ngumiti.
“Ayos lang. Tara na.”
Sabay silang umalis.Nanatiling nakatayo si Arabella sa kanyang kinatatayuan.Nakatingin sa kulay pilak-asul na Australian South Sea pearl sa kanyang palad.Perpekto ang kinang nito.Malinis.Dalisay.Katulad ng may-ari nito.
Ngunit hindi niya alam kung alam ba ng dalaga na may asawa na si Nathaniel.Pagbalik niya sa kanyang mesa, muli niyang inilimbag ang orihinal na report at dinala ito kay Joyce.Nang makita siya nito, walang bakas ng pagsisisi sa mukha nito.Sa halip, puro pagyayabang.
“Ngayon nakita mo na kung anong klaseng babae ang bagay sa presidente.”
Mabigat na ibinagsak ni Arabella ang mga dokumento sa harapan nito.
“Kung hindi ako bagay sa kanya, hindi ka rin naman nababagay sa kanya. Kaya mo lang naman tumira patalikod. Wala kang mararating sa buhay kung ganyan ang mga galawan mo. Ilang taon ka na? Wala ka na sa kalendaryo, mag asawa ka na at tigil-tigilan mo ng mangarap ng gising.”
Matapos niyang sagutin ang secretary ng kanyang asawa ay taas noo siyang bumalik sa kanyang lamesa. Hindi na siya papayag na basta-basta na lang siyang aapihin ng kahit na sino.
Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Rong na napilitan nilang ibenta.Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan.Lumantad ang perpektong tagiliran ng isang gwapong lalaki.Tahimik niyang pinagmamasdan ang loob ng mansyon.Maliwanag ang mga ilaw nito.Sumasalamin sa kanyang mga mata ang dilaw na liwanag ng mga poste.Ngunit sa ilalim nito ay nakatago ang isang bakas ng kalungkutan at pangungulila.Matagal siyang nakatingin.Pagkatapos ay dahan-dahang binawi ang kanyang tingin.Nagsindi siya ng sigarilyo.Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang telepono.Sinagot niya agad ito.Lumambot ang kanyang boses.“Ano iyon, Nhia?”Agad namang sumagot ang dalaga sa kabilang linya.“Kuya, nasaan ka na?”“Gutom na gutom na ako. Ayaw pa akong pakainin n
Tahimik niyang tinitingnan ang mga larawan nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Arabella, nakauwi na ang papa mo at ang kuya mo.”Kumatok si Catherine sa pinto habang nagsasalita.Hindi na masyadong nag-isip pa si Arabella.Ibinalik niya ang photo album sa mesa, tumayo, at lumabas ng silid.Pagkakita niya sa dalawang lalaking kakapasok pa lamang ng bahay, agad siyang napangiti.“Papa, Kuya!”Sabay na napalingon sa kanya sina Gerald at Charles.“Ara, may pasalubong ako para sa'yo. Halika at tingnan mo kung magugustuhan mo.”Masayang lumapit si Arabella.“Talaga kuya? Ano iyon?”Ipinatong ni Gerald sa center table ang ilang paper bag na dala niya.Pagkatapos ay inilabas niya ang isang kahon ng mamahaling alahas at iniabot iyon sa kapatid.“Buksan mo.”Masaya niya itong tinanggap.Pagbukas niya ng kahon, tumambad ang isang napakagandang gintong pulseras na may napakapinong pagkakagawa.Agad siyang napangiti.“Salamat, Kuya. Gustong-gusto ko ito.”“Basta nagustuhan mo, masaya na
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit na sugat sa kanyang pisngi. Tumalikod siya at umalis.Pagbalik sa kanyang mesa, inilabas niya ang maliit na salamin sa kanyang bag.Tinitigan niya ang manipis na gasgas sa kanyang pisngi.Hindi naman ito malalim.Pinunasan niya iyon gamit ang basang tissue at hindi na nag-abalang lagyan pa ng gamot.Tutal, sa tingin niya, wala nang saysay kung madagdagan pa ng isa pang peklat ang mukha niyang ito.Muli niyang naalala ang babaeng nakita niya kanina.Habang iniisip niya ito, pakiramdam niya ay pamilyar ang mukha nito.Parang nakita na niya ito noon.Malapit nang matapos ang oras ng trabaho nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama.Nakabalik na raw si Gerald at gusto siyang pauwiin para sabay
“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magawa kundi tanggapin ang mga ito.Ang pananatili niya sa kompanya at tahimik na pagtatrabaho araw-araw ay isa lamang paraan ng panlilinlang niya sa sarili. Dahil alam niyang kahit anong gawin niya, hindi siya kayang bigyan ng pansin ng sarili niyang asawa.Matapos niyang tapusin ang financial analysis report, ipinasa niya kay Joyce ang parehong electronic at printed copy nito, saka umorder ng pagkain online.May cafeteria naman ang kumpanya, pero palagi siyang nagbabaon ng sarili niyang pagkain. Ayaw niyang pumunta sa mataong lugar. Ayaw niyang maramdaman ang mga matang nakatitig at sumusukat sa kanya.Gusto lang niyang mapag-isa at mamuhay nang tahimik.Hindi siya nakapag handa ng pagkain ngayo
Dahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.“Professor Lhanze.”Mabilis niyang itinago ang kanyang pagkagulat.“Nandito ka na pala.”Tinanggal ng babae ang kanyang mask at pumasok sa opisina.“Matagal-tagal na rin po tayong hindi nagkita.”Ngumiti nang marahan ang professor.“Oo nga. Halos hindi na kita nakilala.”Mapait na ngumiti ang babae.“Muntik na nga ako hindi magpakita sayo eh, ang panget ko na ngayon eh”Tumayo si Lhanze at lumapit.“Ano ka ba normal lang naman sa mga buntis ang mag bago ang katawan at itsura. Wag ka mag alala pag nanganak ka naman babalik ka rin sa dati.”“Sana nga kayanin kong bumalik.”“Umupo ka na muna.”Tahimik na umupo si Arabella sa sofa.Ibinigay ng professor ang isang baso ng maligamgam na tubig.“Uminom ka para um
Hindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod. Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na pinaglalaruan ni Arabella ang kanyang mga daliri habang nakatingin sa labas ng bintana. Dumadaan ang mga ilaw sa labas, ngunit tila wala siyang nakikita dito, dahil masyadong magulo ang isip niya.Paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanya ang sinabi ni Nathaniel.Marahan siyang huminga nang malalim bago tuluyang nagsalita. “Monday na bukas,” mahina niyang sabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa bintana. “May oras ka ba sa hapon?”Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Nathaniel ngunit hindi ito nagsalita.“Pwede na siguro tayong pumunta sa korte para simulan ang proseso ng annulment,” dugtong niya. “Kahit tatlong buwan pa bago ako manganak, mas mabuting maasikaso na natin nang maaga.”Hindi







