LOGINDahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.
Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.
Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.
“Professor Lhanze.”
Mabilis niyang itinago ang kanyang pagkagulat.
“Nandito ka na pala.”
Tinanggal ng babae ang kanyang mask at pumasok sa opisina.
“Matagal-tagal na rin po tayong hindi nagkita.”
Ngumiti nang marahan ang professor.
“Oo nga. Halos hindi na kita nakilala.”
Mapait na ngumiti ang babae.
“Muntik na nga ako hindi magpakita sayo eh, ang panget ko na ngayon eh”
Tumayo si Lhanze at lumapit.
“Ano ka ba normal lang naman sa mga buntis ang mag bago ang katawan at itsura. Wag ka mag alala pag nanganak ka naman babalik ka rin sa dati.”
“Sana nga kayanin kong bumalik.”
“Umupo ka na muna.”
Tahimik na umupo si Arabella sa sofa.
Ibinigay ng professor ang isang baso ng maligamgam na tubig.
“Uminom ka para uminit ang pakiramdam mo.”
“Salamat po.”
Napatingin siya sa nakaumbok niyang tiyan.
“Ilang buwan na nga ba yan?”
“Mahigit anim na buwan na po.”
Tumango ang lalaki.
“Sa katapusan ng Enero ang simula ng klase sa UST. Kaya mo ba? Sakto pa naman yun sa due date mo”
Saglit na nag alinlangan si Arabella pero agad din siyang sumagot.
“Professor, pwede po bang tulungan ninyo akong ma-delay ang enrollment ko?”
“Hindi ko naman mapipigilan ang panganganak, pero ayokong mawala ang pagkakataong ito,” dagdag pa niya.
Tumingin sa kanya nang seryoso si Lhanze.
“Bakit gusto mo pa ring pumunta?”
Ibinaba ni Arabella ang tingin.
“Nag usap na kami ni Nathaniel, gusto niya pag nanganak ako ayusin na raw namin yung annulment”
“Ayaw ko na ring ipagpatuloy ang relasyong ito.”
“Gusto kong magsimula ulit at buuin ang sarili kong buhay.”
Anim na buwan pa lamang ang lumipas, ngunit para sa kanya ay parang isang buong buhay na ang pinagdaanan niya.
Nakita ng professor kung gaano kalaki ang pinagbago ng dating masayahin at maliwanag na dalaga.
Kitang-kita sa kanya ang pagod at sakit na kanyang pinagdaanan.
“Masaya ako na natauhan ka na. Wag mo hayaan na makulong ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Kayo ni Nathaniel ay hindi talaga bagay sa isa’t isa.”
“At naniniwala akong darating ang panahon na makikilala mo ang isang taong tunay kang mamahalin. Yung taong kaya kang bigyan ng halaga at aalgaan ka ng totoo,” dagdag pa nito.
Tahimik na tumango si Arabella.
Noon pa man, hindi na sang-ayon ang kanyang professor na magtrabaho siya kay Nathaniel. Ngunit nagpumilit siya. At sa huli, siya rin ang nasaktan.
Maya-maya ay nagtanong siya.
“Professor, sa tingin ninyo, anong klaseng tao talaga si Nathaniel?”
Sandaling nanahimik si Lhanze bago sumagot.
“Isa siyang taong handang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Para sa kanya, mas mahalaga ang kapakinabangan kaysa sa damdamin. Sa tingin ko, ang taong tulad niya ay hindi marunong magmahal.”
“Talaga po?”
Ngunit naalala ni Arabella ang lambing ng lalaki sa babae nito na nakita niya sa ospital. Hindi iyon maaaring peke.
Marahil, tanging isang napakagandang babae lamang ang kayang palambutin ang puso nito.
Hindi na siya nagtanong pa.
“Kung desidido ka na, tutulungan kitang ma-delay ang enrollment mo.”
“Maraming salamat po, Professor.”
Pinapirma siya nito sa isang application form.
Pagkatapos niyang punan iyon, bigla itong nagtanong.
“Kapag ipinanganak mo ang bata, iiwan mo ba siya sa mga Monteverde?”
Mapait na ngumiti si Arabella.
Kahit gustuhin niyang isama ang kanyang anak, imposible iyon.
“Sigurado naman po akong aalagaan nila siya nang mabuti.”
Hindi na nagtanong pa ang kanyang professor.
“Kailangan ko ng assistant baka gusto mo. Isang buwan lang naman gusto mo ba subukan?”
Walang pag-aalinlangang sumagot si Arabella.
“Opo.”
Mula nang mabuntis siya, inilagay siya ni Nathaniel sa isang halos walang kabuluhang posisyon sa secretarial department. Mula sa pagiging personal assistant ng executive, naging isang ordinaryong empleyado na lamang siya. Parang naglaho ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
Kailangan niya ngayon ng bagong trabaho upang maibalik ang takbo ng kanyang buhay. At upang maihanda ang sarili para sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa.
Dahil naka-leave naman siya, nanatili siya sa unibersidad at nagsimulang magtrabaho bilang assistant ng professor.
Bilang dati nitong estudyante at dating mahusay na executive assistant, mabilis niyang naibalik ang kanyang dating husay.
Muli niyang naramdaman ang dating sarili. Ang babaeng may kakayahan. Ang babaeng may sariling halaga.
Tama nga ang professor niya. Masyado niyang isinentro ang buong buhay niya kay Nathaniel, hanggang sa tuluyan niyang makalimutan na may sarili rin siyang mga pangarap.
***
Nang gabi din iyon, hindi na naman umuwi si Nathaniel.
Ngunit hindi na tulad ng dati, hindi na naghintay si Arabella sa tunog ng sasakyan nito sa labas ng bahay. Hindi na rin siya paulit-ulit na tumingin sa cellphone para tingnan kung may mensahe ba ito o kahit simpleng abiso man lang.
Tahimik lang siyang nakahiga sa kama.
Hindi naman talaga naging tahanan ang bahay na iyon para kay Nathaniel. Isa lamang iyong lugar na pansamantala nitong inuuwian kapag kailangan.Kinabukasan, maaga siyang nagising.Tahimik ang buong mansyon habang dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Bahagya siyang napahawak sa kanyang tiyan nang makaramdam ng paninigas nito, dahilan upang marahan siyang mapapikit.
Anim na buwan na. Malapit na niyang maisilang ang anak nila.
At siguro, ito na ang tamang panahon upang simulang piliin naman niya ang sarili niya.
Tahimik siyang naupo sa harap ng study table bago binuksan ang kanyang laptop. Ilang segundo siyang napatitig lamang sa blangkong screen. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang tinype ang resignation letter niya.
Bawat salitang inilalagay niya roon ay tila paunti-unting pagputol sa mga bagay na matagal niyang kinapitan. Hindi naging madali ang desisyong iyon.
Sa kompanya ni Nathaniel umiikot ang malaking bahagi ng buhay niya sa nakalipas na mga taon. Doon siya nagsimulang mangarap. At doon din siya unti-unting nasaktan.Si Nathaniel ang namamahala sa banking at investment empire ng pamilya Monteverde. Bata pa lang ay kilala na ito bilang lalaking kayang makuha ang lahat ng gusto nito—matalino, dominante, at walang pusong magdesisyon kapag negosyo na ang usapan.
Pagdating ni Arabella sa kumpanya, eksakto namang kararating lang din ni Nathaniel. Bumaba ito mula sa itim nitong sasakyan habang maayos na inaayos ang cufflinks ng mamahaling suit. Sa bawat hakbang nito ay ramdam ang awtoridad at kumpiyansa ng lalaki.
“Good morning, Sir Nathaniel.”Sunod-sunod na yumuko ang mga empleyado habang dumadaan ito.
Saka lamang natauhan si Arabella. Marahan siyang umurong upang bigyang-daan ang lalaki. Ngunit ni isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Nathaniel sa kanya habang diretso itong naglakad papasok ng elevator.
Tahimik na inilapag ni Arabella ang kanyang resignation letter sa mesa ni Joyce.Saglit iyong sinulyapan ng babae bago muling itinaas ang tingin sa kanya. Mula ulo hanggang paa, tila sinusukat nito ang kanyang kabuuan bago bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito.
Si Joyce ang kasalukuyang sekretarya ni Nathaniel. Na dati, tauhan lamang ito ni Arabella.
Noong mga panahong executive assistant pa siya ng presidente ng kumpanya, si Joyce ang isa sa mga empleyadong madalas niyang turuan at utusan. Ngunit mabilis magbago ang posisyon ng tao sa mundong iyon. Lalo na kapag nawalan ka ng halaga sa mata ng mga tao.
Noong bigla siyang ilipat ng departamento at ibaba sa mas mababang posisyon matapos silang ikasal ni Nathaniel, nagtaka ang buong kumpanya. Dahil alam ng lahat kung gaano siya kahusay noon.
Pero ngayon, tila lahat ng iyon ay nabura na.
Sa mata ng mga tao sa kumpanya, hindi na siya ang mahusay at matalinong executive assistant. Kundi asawa na lamang ni Nathaniel Monteverde na nabuntis at sinuwerte sa kasal.
At si Joyce ang isa sa mga taong pinakamatinding naniwala roon.
Para rito, isa lamang si Arabella na babaeng gumamit ng pagbubuntis upang makapasok sa mataas na lipunan.
Sinulyapan muna ni Joyce ang resignation letter bago dahan-dahang bumaba ang tingin nito sa nakaumbok na tiyan ni Arabella. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito, tila may kung anong mapanuyang ngiti siyang nakita.
Tahimik lang na nakatayo si Arabella habang mahigpit na hawak ang strap ng kanyang bag.
Matagal na siyang sanay sa ganoong tingin. Iyong tipong parang hinuhusgahan ka kahit wala ka namang ginagawa.
“Resignation?” taas-kilay na tanong ni Joyce habang marahang iniikot ang upuan nito.
Tahimik na tumango si Arabella.
Bahagyang natawa ang babae bago sumandal sa sandalan ng upuan.
“Akala ko hindi mo kayang iwan si Sir Nathaniel,” sabi nitong may panunuya sa boses.
Hindi sumagot si Arabella. Ngunit tila lalo lamang naiinis si Joyce sa katahimikan niya.
“Dapat kasi marunong kang tumingin sa salamin,” muling sabi nito habang malamig na pinagmamasdan siya. “Huwag mong isipin na porke nabuntis ka, magiging bagay ka na sa pamilya ng mga Monteverde.”
“Tingnan mo muna ang sarili mo kung sino ka,” dagdag pa ni Joyce.
“Isa ka lang namang hamak na babaeng kumakapit sa pagbubuntis para mapikot si Sir Nathaniel.”
Ngunit ang hindi alam ng mga tao sa kumpanya, na legal nang mag-asawa sina Arabella at Nathaniel.
Habang pinapakinggan ni Nathaniel ang sinasabi ng kanyang anak, marahan siyang napangiti. Pinayuhan niya itong kumain ng maayos at makinig sa kanyang mga lolo at lola. Masunurin namang sumagot sa kanya ang bata, natuwa rin siya ng biglang magbilin ang kanyang anak. “Papa, mag-ingat ka po lagi ha? At huwag ka po masyadong magpagod, umuwi ka po agad ah?”“Hmmm opo boss, babalik na rin naman po ako after ilang days. You behave okay? I love you my princess.”“I love you more Papa.”***Bandang alas-diyes ng umaga, naglabas na ang Velasquez Real Estate ng isang pormal na public apology statement. Taos-puso ang pagkakasulat nito at malinaw na ipinahayag ang kanilang paghingi ng tawad. Nagbigay rin sila ng mabigat na parusa sa mga taong sangkot sa issue. Tanging sa forum lang nila inilabas ang statement. Hindi na ito pinakalat pa sa buong internet dahil iyon mismo ang hiling ni Arabella. Para sa kanya, hindi na kailangan pang palakihin pa ang isyu at ipaalam ito sa lahat. Pagkalabas ng a
Bahagyang napangisi ng malamig si Arabella. “Grabe talaga, hindi maikakaila na talagang swerte si Valentina.”Para sa isang taong katulad ni Andrei na may iniingatan na pangalan at may katayuan, napakalaking bagay sa kanila ang pagkakautang niya ng pabor sa isang tao. “Alam mo sa tingin ko, pwede mo naman tanggapin ang alok niya eh. Kasi malay mo dumating ang panahon na baka kailanganin mo rin ang tulong ni Andrei. Pero syempre, rerespetuhin ko pa rin ang magiging desisyon mo.”Muling kumain ang babae, alam niyang hindi lamang si Andrei ang nasa likod ni Valentina. Nariyan din si Nathaniel na lagi itong pinagtatanggol. Kung ipipilit niyang pagbayarin si Valentina ngayon, malamang siya rin ang mahihirapan sa huli.At ang tinatawag na public apology ay malamang paraan lamang nila para makahanap ng taong maaaring maging scapegoat nila. Halos mangalahati na ang kanyang kinakain nang mag salita siya ulit.“Hhmm sige pumapayag ako sa gusto niya, kalahating milyon ang compensation. Pero hu
Hindi galit ang tono niya, nanatili itong kalmado habang nagtatanong. Ilang sandali ring nanahimik si Valentina sa kabilang linya, hindi siya tumanggi.“Oo bakit? Ako nga ang nag-utos sa kanya, pumunta ba siya sayo?”“Bakit mo ginawa iyon? Eh wala naman siyang ginagawang masama sayo.”“Meron! Kasalanan niya iyon, hindi niya dapat pinakikialaman ang mga bagay na hindi naman niya dapat pakialaman. At huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip niya, gusto ko lang naman siyang turyan ng leksyon.”Narinig ni Arabella ang boses ni Valentina sa kabilang linya. Halos gusto na ni Arabella na tumagos sa cellphone at sampalin ito nang ilang beses. Napakayabang nito para sabihin ng ganoon kadali ang mga bagay na ginawa niya. Para bang sigurado itong walang makakapagparusa sa kanya. Napahilot si Andrei sa kanyang noo, mas naging maayos ang kanyang boses. “Valentina, sumosobra ka na.”Huminga ng malakas si Valentina, halatang hindi man lang ito nababahala. “Nagpapabayad ba siya? Magkano ba a
“Sinabi na sa akin ni Lhanze na may kailangan kayong pag-usapan ni Valentina. Kaso wala siya rito ngayon, ano ba pag uusapan niyo? Pwede mo namang sabihin sa akin.”Seryosong tiningnan ni Arabella ang lalaki, bago nagsalita. “Kung ganoon, sige sayo ko na lang sasabihin.”“Sige lang, sabihin mo lang kung ano ba talaga ang gusto mong sabihin.”“May isang post sa financial forum na group ngayong araw, anonymous ang nag post nito.”“So anong meron? Ano naman kinalaman ng kapatid ko jan?” nagtatakang tanong ng lalaki. “Masyado ka naman atang busy para hindi ‘yon mapansin, yung post kasi puro paninira at kasinungalingan tungkol sa akin. Gusto mo ba makita?”Matipid na tumango ang lalaki, kahit binura na ito ng nag-post mabilis na-screenshot ni Arabella ang buong post. Agad niyang inabot kay Andrei ang kanyang cellphone.Tinanggap naman ito ng lalaki, totoo naman kasi na wala siyang alam tungkol sa post na sinasabi ng babae. Habang binabasa niya ang laman nito, unti-unting dumilim ang kany
“Kailan yan?” tanong ni Dominic“Yung unang beses nung i-interview ko si Nathaniel sa office niya, tapos yung pangalawa ay yung inaya ako mag dinner ni Callie sa bahay nila. Then kahapon nagkita rin kami sa bahay ni Sir Jim accidentally lang naman yun. Pero sa tatlong iyon, yung dalawa ay nakita kami ni Valentina.” paliwanag ni Arabella.Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Chriztle. “Sabi na eh! Sigurado na talaga akong may kinalaman dito yung ahas na ‘yon eh. Kasi hindi niya makuha ng lubos si Nathaniel, kaya naman sa maruming paraan ang ginamit niya.”“Eh ano namang kinalama ko roon? Eh wala naman akong pakialam kay Nathaniel, kahit isaksak niya pa sa baga niya eh.” naiinis na sagot ni Arabella. “Wala ka ngang pakialam kay Nathaniel ngunit nakikita niyang nagiging malapit ka sa anak nito. Eh alam naman natin lahat kung gaano kahalaga si Callie sa ama niya, baka natatakot lang siya na mas ikaw ang magustuhan ng bata bilang nanay niya kaysa sa kanya.”Biglang narealize ni Arabella
Nang mabasa ni Arabella ang message mula kay Callie, hindi niya mapigilang mapaluha. Hindi niya akalain na makakausap niya ng ganito ang kanyang anak. Mga ilang oras bago ang message nito, tumawag din sa kanya si Callie at nakiusap na baka pwede siyang makausap. Ngunit sinabi niyang overtime pa siya sa opisina at marami pa siyang ginagawa. Buong akala niya ay mag tatampo ito ngunit laking gulat niya ng maintindihan siya ng bata. Mabait na bata talaga si Callie, hindi na siya nangulit. Muli niyang binasa ang message ng anak, biglang nawala ang lahat ng pagod at inis niya. Napangiti siya at mabilis na nag-reply.“Hi Callie, maraming salamat. Ikaw rin ha? Alagaan mo rin ang sarili mo, Good Night din.”Pinunasan niya ang luhang pumatak sa kanyang pisngi bago pinindot ang send button. Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto,binuksan iyon ni Lhanze. Nag-overtime rin ito ngayong gabi dahil marami talaga silang inaasikaso. Inilagay ni Arabella ang kanyang cellphone “Ready ka na? Uwi na
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n
“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw
Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya







