BANCO DE CEBU,
Magkasalubong ang mga kilay ni Mrs. Buela nang makita ang inabot na puting sobre ni Zenie.
“Kailangan mo ba talagang gawin ‘to, Zen?” tanong ni Mrs. Buela na may seryosong mukha.
“Yes, Ma’am,” mariing tugon ni Zen.
Pinagdaop ni Mrs. Buela ang kanyang mga kamay saka humugot nang isang malalim na paghinga at nag-isip ng ilang saglit.
“Tataasan ko s’weldo mo.”
“Ma’am–”
“Dadagdagan ko rin ang mga benefits at incentives mo.”
“Ma’am, you don’t have to do this,” mahinahong saad ni Zenie kasabay ng pagbagsak ng balikat at malungkot na ngiti.
Biglang napasandal si Mrs. Buela sa kanyang kinauupuan. “How am I supposed to just let you go like that? Ikaw ang pinakamagaling kong empleyado!” wika nito na bakas ang labis na panghihinayang.
“Ma’am, you’re able to say that just because I’m here, but when I’m gone, you’ll see others who have potential like mine—or even greater.”
Umiling si Mrs. Buela sa labis na pagka-disgusto. “No, you’re the only one who truly excels here. You’ve done your tasks well and with care—no one else has, ikaw lang.”
“Ma’am–”
Napaayos ng upo si Mrs. Buela. “No, I really can’t just let you go, Zen,” determinadong saad nito. “Ano ba dapat kong i-offer just for you not to leave the company? Do you want me to make you team leader, head manager—even a shareholder?” Sunod-sunod na tanong nito na bakas ang desperasyon sa mukha ni Mrs. Buela nang sandaling iyon habang sunod-sunod na ikinukumpas ang kanyang mga kamay at paa habang nag-iisip ng kung ano pa ang maaaring i-offer sa dalaga. Hindi nito gustong bitawan si Zenie.
Napahinga nang malalim si Zenie bago hinarap si Mrs. Buela. “You don’t have to offer me anything to stay, Ma’am. It’s not about needing more—it’s about what I have to do”
“Hindi ko naman p’wedeng ibigay sa’yo ang kompanya, paano na lang ako? ” mahinang saad nito habang nagmumuni-muni.
“Mrs. Buela, you–”
Napahampas si Mrs. Buela sa ibabaw ng kanyang mesa ng makaisip ito ng magandang maiaalok sa dalaga para hindi ito umalis sa kompanya.
“Ah, what if I let you marry my son!” masayang bulalas nito na tila isang magandang ideya ang naisip nitong offer para sa dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Zenie sa narinig mula kay Mrs. Buela. “Jen! What are you talking about?” tanong nito na napataas ang boses sa labis na pagkabigla.
“You heard me, Zen. Why don’t marry my son? Single ka naman, ‘di ba? Gano’n din naman anak ko ‘eh di p’wede kayong dalawa!” masaya nitong suhestiyon.
Napasapo ng noo si Zenie. “Jen, I’m not single. I’m married,” pagtatamang saad nito.
“Sa papel lang, Zen.” Dagdag na ni Mrs. Buela. “Legally you are married, but not emotionally, therefore you are single and ready to mingle.” Pagbibigay punto nito.
“Jen…” mahabang sambit ni Zenie na bakas ang pagkasiphayo. “Ni isang beses hindi ko pa nakikita ang anak mo tapos ibubugaw mo sa akin para asawahin ko? Ayos ka lang ba?”
Isang mahabang butong-hininga naman ang pinakawalan ni Mrs. Buela na animo’y isang bata nang sandaling iyon. “Paano ba ako mapapanatag? ‘E iiwan mo na lang ako nang ganoon-ganoon na lang. S’yempre gagawin ko ang lahat para hindi mo lang ako iwan.”
“Kahit na ibugaw mo ako sa anak mo?”
“Why not? G’wapo ang anak ko! Hindi ka naman lugi kung aasawahin mo siya. He’s really a good catch though,” depensa ni Mrs. Buela na kitang-kita ang kumpyansa para sa kanyang anak.
Muli, napasapo na lamang ng kanyang noo si Zenie. “Jen, kahit na i-offer mo ang anak mo it won’t change my decision to resign. I know how much you cherish me, but I’ve made up my mind. So please, understand—and don’t try to bargain, because it won’t change anything.”
“Is there really nothing I can do to change your mind?” seryosong pangungumpirma ni Mrs. Buela.
Umiling si Zenie bilang tugon.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa hanggang sa biglang sinandal ni Mrs. Buela nang pabagsak ang likod nito sa kanyang upuan sa labis na pagkadismasya.
“You being my daughter-in-law is not a bad idea,” saad nito nang nakahalukipkip sabay tinignan nang masinsin si Zenie. “You and Ilon look so good together—I can totally picture the two of you.”
“Jen, please tama na,” awat ni Zenie. “Please don’t push your luck. I’m simply not in the right place to be part of your son’s—or anyone else’s—life, now or in the near future.”
Hindi umimik si Mrs. Buela at binigyan lang ng tingin si Zenie. Matapos ang ilang segundo ay isang butong-hininga ang pinakawalan nito.
“Gustong-gusto talaga kita mag-stay, Zen. I really like you. I even offer you my son pero wala rin effect. Hindi ka ba manghinayang na ni-reject mo offer ko?”
“Jen–”
Hindi nagawang matapos ni Zenie ang kanyang sasabihin nang putulin iyon ni Mrs. Buela.
“Fine, fine!” awat nito na nakataas ang mga kamay sa ere na animo sumusuko. “Hindi na kita pipilitin.”
Nang marinig ni Zenie iyon ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag.
“Thank–”
“Talaga bang hindi na magbabago ang desisyon mo, Zen?”
Napasapo ng kanyang noo si Zenie sa labis na kakulitan ng kanyang boss.
“Jen, do you even understand everything I’ve said?” tanong nito na bakas na labis na pagkasiphayo nang sandaling iyon.
“I understand everything, Zen. But, in case na magbago ang desisyon mo, my offer is still available lalong-lalo na si Ilon.” Dagdag nito na may malawak na ngiti sa labi.
“I had enough, Jen. I’ve already handed in my resignation letter. Alis na ako, bye.” Sunod-sunod na wika ni Zen at tuluyang iniwan si Mrs. Buela sa opisina nito. Hindi niya na pinansin ang mga sinabi nito at dire-diretsong lumabas na ng opisina nito.
Nang makalabas ay isang mahabang butong-hininga ang pinakawalan nito.
“Kahit kailan talaga kung ano-ano na lang talaga ang pumapasok sa utak niya.” Iiling-iling na saad nito sa sarili. “I-offer ba naman ang anak niya sa akin? Ano tingin niya sa anak niya aso na handa niyang ibigay sa kung sinong gusto niya na lang?”
Hindi makapaniwala si Zenie sa itinuran ni Mrs. Buela sa kanya. Aaminin niyang hindi maitatago ang pagkahumaling nito sa kanya dahilan para maging ganoon ang treatment nila sa isa’t isa, pero hindi niya inaasahan na mag-o-offer ito ng ganoon sa kanya.
Napailing si Zenie para ikumpas ang kanyang sarili bago ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad.
“Somehow, what does Ilon look like? Lagi siyang bina-brag ni Mrs. Buela pero I never met him even once.”
NAGISING si Zenie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang phone.“Zen, did I wake you up?”“No, Tita. It’s fine,” sagot nito sabay bangon sa kanyang pagkakahiga para magising ang kanyang diwa.“I will be leaving today. I’m going to Milan to attend the Fashion Week. Also, I’ll be heading to Paris for Haute Couture Week. We’ll go through the details of your situation when I return at the end of the month. Hope to see your latest work with you.”“My latest work?” Pag-uulit na patanong na saad ni Zenie.“Yes. I’m looking forward to seeing how much you improve or the flame of your passion has already died.”Hindi nakaimik si Zenie ngunit gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. “I know it hasn't died yet, so surprise me when I return. The plane will take off in a few seconds. Gotta go. Bye.”With that, the phone call ended and the smile in Zenie’s face goes wider. It’s undeniable to hide her happiness at that moment. Hindi niya lubos akalain na matapos ang ilang taon na hindi sila n
“ZEN…”Gulat na napatingin si Zenie sa direksyon ng lalaking tumawag sa kanyang pangalan.“Why are you still here?”“I was waiting for you,” mahinahong sagot nito.Napakunot ng kanyang noo si Zenie, hindi niya maunawaan kung ano ba ang dahilang ni Ulysses dahil matapos nito mawala ng hindi nagpapaalam ay bigla na lang babalik at mangungulit.“What do you want from me?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Zenie.Sa hindi maipaliwanag na rason ay gumuhit ang guilt sa mukha ng binata na mas lalong ikinakunot ng noo ni Zenie.“I’m sorry. Sorry kung bigla akong nawala at pakiramdam mo ay naiwan ka sa ere.”Hindi umimik si Zenie at napakagat ng kanyang labi.“Sorry kung nawala ako when you most needed me.”Mas bumaon ang mga ngipin ni Zenie sa kanyang labi nang marinig niya ang paghingi ng tawad nito. Alam niyang matagal na ang taon na lumipas ngunit hindi niya maunawaan bakit labis na lang ang sakit at kirot ang nararamdaman ng kanyang puso. Kinalimutan niya na ang lahat ng iyon pero bakit n
“Mommy…daddy…”Sumisinok-sinok habang pinipigilan ang mga luha ni Zenie nang makita nito ang kanyang mommy at daddy na nasa loob ng puting kabaong. Mura pa man ang kanyang edad ay alam niya na kung bakit naroon ang kanyang mga magulang“Zenie, it’s okay to cry, you don’t have to suppress your emotions just to be strong,” mahinahong saad ni Mercedes habang hinihimas ang balikat ng pamangkin.“But I don’t want mommy and daddy to be sad because I am crying for them,” wika ni Zenie na may halong paggaralgal ang tinig.“Darling, it doesn’t mean that they will get sad because you cry. They will because they left you at such a young age alone.” Paliwanag ni Tita Mercedes. “But…”“Darling, strong girls cry too. Crying is not a weakness—it’s an emotion that a human can express.”Nang marinig iyon ni Zenie ay hindi na nito nagawang pigilan ang luhang kanyang pinipigilan at napahagulgol.“Mommy! Daddy!” sambit nito nang humahagulgol ng iyak.Ikinulong ni Mercedes sa kanyang mga bisig ang dalaga
ISANG nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan nina Zenie. Hindi niya maipaliwanag pero simula ng hindi niya pinakinggan ang sinabi ng kanyang Tita Mercedes ay nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya—ang dating maamo at malambing na pakikitungo ay napalitan ng lamig at sungit.“Why do you want to see me? Are you just now regretting what I’ve told you before?” pagbabasag at diretsang tanong ni Tita Mercedes kay Zenie na nanatiling nakayuko ng sandaling iyon.Hindi makatingin si Zenie sa kanyang tita dahil lahat ng sinabi nito ay totoo at sobrang hiyang na hiya dahil sa kanyang ginawa.“Are you going to keep silent here? Do you want me to do all the talking?”Napakagat si Zenie ng kanyang labi. Hindi niya maikakaila na kapag ganito ang kanyang tita ay kahit na sino ay titiklop kahit na siya.How am I supposed to start if she’s too intimidating and pressuring me?Napakuyom nang mahigpit si Zenie ng kanyang mga kamay. Ilang sandali ng nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kani
NAKAUPO si Zenie sa isang cafe shop malapit sa kanyang apartment habang Kinakain siya ng sarili niyang isipan. Pansin na ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata na buhat ng ilang araw na rin na pagpupuyat sa mga papeles niyang kailangang gawin. Ngunit liban doon ay iniisip niya kung paano niya haharapin ang taong iyon. Alam niyang nasaktan ito sa kanyang nagawa at ngayon pinagsisisihan niya ang lahat ng iyon.“Will it be alright?” Mahinang niyang tanong sa kanyang sarili sabay nagpakawala ng isang mahina ngunit malalim na buntong-hininga.Napatingin siya sa kanyang phone at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula sa taong iyon.“Darating kaya siya?”Hindi maitatago ang emosyon na kanyang nararamdaman ng sandaling iyon, at kung may makakakita man ay tiyak na maiintindihan kung ano ang kanyang iniisip. Habang patuloy na kinakain ng isipan si Zenie ay biglang tumunog ang door chimes ng cafe shop at isang matipunong binata ang pumasok. Ngunit walang inten
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Aice ang nagsisitingkarang ilaw ng siyudad sa kanyang opisina habang iniinom nang dahan-dahang ang whiskey sa kanyang kristal na baso na kumikislap sa dilim dahil sa malamlam na ilaw na nagmumula sa kanyang maliit na lampara. Tahimik siyang nag-iisip habang dahan-dahan kinakalkula ang mga bagay-bagay sa kanyang binabalak na plano.“Everything is going according to the plan,” wika ni Aice sabay simsim ng alak. “This will be good to watch.” Dagdag nito at isang ngisi ang gumuhit sa kanyang mapupulang labi.Habang ninanamnam ang sandaling iyon ay biglang may kumatok sa kanyang pinto.“Come in!” Saad niya na nakatingin pa rin sa labas ng kanyang bintana.“Why did you make me come here?” bungad ng lalaki ng sandaling pumasok sa opisina ni Aice. “I almost turned back… but curiosity got the better of me”Natawa si Aice nang mahina. “Still you came.”“So what is this all about?” Tanong nito. “What favor are you going to ask for?”“Destroy Zenie.”Umigting ang pan