CLUB TIPSY SUPER CLUB,
“Bullshit, Zen! Asawa mo ba talaga ‘tong hayop na ‘to?” galit at pasigaw na tanong ni Phoemezine—ang matalik na kaibigan ni Zenie, nang makita nito ang mga headlines sa mga tabloids at news articles na nagkalat sa online. “That asshole really has the nerve to announce to the entire country that he’s making his mistress the president of their company!”
Labis ang pagkasiphayo ni Phoemezine nang sandaling iyon na sa kabila nang maingay at magulong bar ay hindi nagpapatalo ang kanyang boses sa nag-uumapaw na emosyon nito.
“Ang kapal talaga ng pagmumukha niya!” nanggigigil na sigaw nito sabay tungga ng martini sa kanyang baso.
Nanatiling tahimik si Zenie nang sandaling iyon habang sinisimsim ang alak sa kanyang baso.
“Hey, Zen! Mananahimik ka lang ba dyan? Hindi ka man lang ba magagalit sa ginawa ng gago mong asawa?” Sunod-sunod na tanong ni Phoemezine.
“I’m angry, but there’s no point in ranting about what’s clearly happening—especially when it’s something I have no control over.”
Napaungot si Phoemezine sa labis na pagkasiphayo. “Damn it!”
“I know where your frustration is coming from, Mez, but no matter how you get mad and frustrated it will never change that he doesn’t care about me nor my feelings as his wife,” pagbibigay punto ni Zenie sabay simsim sa alak.
“If he doesn’t love you then why did he bother marrying you? For what? To torment you? To make you his slave? Have he lose his mind?” nanggagalaiting tanong ni Phoemezine sabay lagok ng pangalawang baso nito ng martini. “Hindi na siya nahiya! Talagang gusto niyang maging katatawanan ka sa harap ng maraming tao!”
“Hayaan mo na lang sila, Mez.”
Nagpantig ang mga tainga ni Phoemezine sa naging tugon ni Zenie. “Anong hayaan? Kaya ka naabuso dahil sa pagiging santa mo ‘e! Lumaban ka kasi!”
Hindi umimik si Zenie. Alam ng dalaga na kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyayari ang lahat ng iyon sa kanya. Aminado siya sa kanyang sarili na masyado siyang nabulag sa nararamdaman niya para kay Aice noon. Nagpakasal siya agad dito na hindi man lang kinilala pa nang husto. Halos lahat ng nakakakilala sa kanya ay iniinsulto siya nang harap-harapan—she’s nothing but just a painting that has nothing other than her name.
“Hindi ako santa, Mez. Naging tanga ako kaya ako nagkaganito, kaya nangyayari ang lahat ng ito sa akin,” matabang na saad ni Zenie sabay lagok ng alak.
“But—”
“Mez, you don’t have to comfort me because of my own stupidity.” Hinawakan ni Zenie kamay ni Phoemezine at marahan itong hinimas.
Kitang-kita ni Phoemezine kung gaano pilit ni Zenie na maging matatag at ipakitang mahina ito. Hindi niya gustong nakikita ang kaibigan ng ganoon kung kaya pinalitan niya ang kanilang topic.
“Kung wala siyang pake sa’yo, it’s his loss not yours!” wika ni Phoemezine.
Natawa naman si Zenie sa kaibigan niya, sa kabila ng pagiging mahinhin at mahiyain nito ‘e number one supporter at ranter niya ito.
“And if he’s not meant for you, malay mo si Ilon ang para talaga sa’yo and will treat you like a queen,” panunuksong saad ni Phoemezine habang sinisiko-siko ang braso ni Zenie.
Pinandilatan ni Zenie ang kaibigan. “Mez! Stop teasing me!”
“Why? Magiging single ka naman na ulit once na ma-divorce ka na sa walang kwenta mong asawa, so meron ng place para kay Ilon.”
Hindi nakapagpigil si Zenie at nahampas ang kaibigan sa braso. “Ikaw, kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo dyan!”
“Why? Tita Jen already made the offer so why not accept it? Saka good catch daw si Ilon ano pa ba ang tapon sa offer ni Tita Jen?”
“Lukaret! Kahit na in-offer pa ‘yan ni Jen hindi ko pa rin tatanggapin,” mariing saad ni Zenie.
“Bakit naman hindi? Masama bang tanggapin ang offer ni Tita Jen?”
Hindi umimik si Zenie. Hindi niya magawang sagutin ang tanong ni Phoemezine.
“I just can’t take the offer, Mez.”
“Bakit nga kasi, Zen?”
“It’s too much to accept, Mez. I don’t want to take advantage of Jen's kindness. She has already helped me a lot and that’s already enough.”
Isang mahabang buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Phoemezine sa sinabi ng kaibigan.
“Fine, if that’s what you want. But, if ever—”
“Mez, pagpipilitan mo pa rin ba talaga?”
“Just if ever lang naman, if ever na magbago desisyon mo. Please reconsider Tita Jen’s offer.”
“Mez, that’s not the reason why we are here. I asked you to come here to talk about my divorce, so can we proceed with that matter?” kalmadong saad ni Zenie.
Bumuntong-hinga si Phoemezine saka ikinumpas ang kanyang sarili. “Fine.” Ipinikit nito nang ilang saglit ang kanyang mga mata bago muling itinuon ang kanyang pansin kay Zenie. “Better not mention that bastard’s name mas lalong kumukulo dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan ng hayop na ‘yon!”
Isa-isang nilapag ni Phoemezine ang mga dokumento sa mesa. “I reviewed all the documents you have sent me the other day. This prenup is airtight. Kapag nakipag-divorce ka sa kupal na ‘yon wala kang makukuha ni kahit isang pisong kusing. Aalis ka sa pamamahay na ‘yon ng walang dadalhin kung ‘di sarili mo lang,” pagbibigay diin nito.
“What about the compensation? The alimony?”
Hindi niya gustong may makuha kay Aice pero sa ilang taong paninirahan, paninilbihan at pagganap niya bilang asawa ay nararapat lang naman siguro na may makuha siyang kabayaran—for her sanity and physical state. Hindi siya naghahangad ng malaking halaga. Karampatang kompensasyon lang. It is something she deserves.
Umiling si Phoemezine. “Malabong mangyari ang bagay na ‘yan, Zen. Una sa lahat may prenup agreement kang pinirmahan. Pangalawa, may trabaho ka. Panghuli, that bastard has always kept a clear separation between your work and his—”
Hindi pa man natatapos ni Phoemezine ang kanyang sasabihin ay malinaw na ang lahat ng iyon kay Zenie. Pero hindi nito nais na walang makuha lalo na para sa kanyang dinanas sa pamilyang iyon.
“Paano kung nagloko siya? Magagamit ba natin ‘yon para may makuha ako?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Phoemezine nang sandaling iyon. “Kung may malinaw kang ebidensiya na maibibigay, p’wede kong subukan.”
Napakagat ng kanyang labi si Zenie. Wala siyang hawak na ebidensiya. Wala siya ni kahit isa para patunayan ang akusasyon niya sa kanyang asawa kahit na kitang-kita niya ang kagaguhan nitong ginawa sa mismong araw ng kanilang anibersaryo.
“Damn it!” mahina niyang mura sabay lagok sa alak na nasa kanyang baso. “How can I escape this marriage with nothing? I have endured everything—the cold treatment, neglect, and the worst betrayal. Divorce must happen! I can’t let it not happen!”
Kitang-kita ni Phoemezine ang desperasyon ng kaibigan na makakawala sa mga kamay ng Bustillos kung kaya hinawakan niya ito sa kamay at hinawakan nang mahigpit.
“Don’t worry—I will make it happen. I won’t let you suffer any longer at the hands of that bullshit family. This ends now, no matter what!”
NAGISING si Zenie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang phone.“Zen, did I wake you up?”“No, Tita. It’s fine,” sagot nito sabay bangon sa kanyang pagkakahiga para magising ang kanyang diwa.“I will be leaving today. I’m going to Milan to attend the Fashion Week. Also, I’ll be heading to Paris for Haute Couture Week. We’ll go through the details of your situation when I return at the end of the month. Hope to see your latest work with you.”“My latest work?” Pag-uulit na patanong na saad ni Zenie.“Yes. I’m looking forward to seeing how much you improve or the flame of your passion has already died.”Hindi nakaimik si Zenie ngunit gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. “I know it hasn't died yet, so surprise me when I return. The plane will take off in a few seconds. Gotta go. Bye.”With that, the phone call ended and the smile in Zenie’s face goes wider. It’s undeniable to hide her happiness at that moment. Hindi niya lubos akalain na matapos ang ilang taon na hindi sila n
“ZEN…”Gulat na napatingin si Zenie sa direksyon ng lalaking tumawag sa kanyang pangalan.“Why are you still here?”“I was waiting for you,” mahinahong sagot nito.Napakunot ng kanyang noo si Zenie, hindi niya maunawaan kung ano ba ang dahilang ni Ulysses dahil matapos nito mawala ng hindi nagpapaalam ay bigla na lang babalik at mangungulit.“What do you want from me?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Zenie.Sa hindi maipaliwanag na rason ay gumuhit ang guilt sa mukha ng binata na mas lalong ikinakunot ng noo ni Zenie.“I’m sorry. Sorry kung bigla akong nawala at pakiramdam mo ay naiwan ka sa ere.”Hindi umimik si Zenie at napakagat ng kanyang labi.“Sorry kung nawala ako when you most needed me.”Mas bumaon ang mga ngipin ni Zenie sa kanyang labi nang marinig niya ang paghingi ng tawad nito. Alam niyang matagal na ang taon na lumipas ngunit hindi niya maunawaan bakit labis na lang ang sakit at kirot ang nararamdaman ng kanyang puso. Kinalimutan niya na ang lahat ng iyon pero bakit n
“Mommy…daddy…”Sumisinok-sinok habang pinipigilan ang mga luha ni Zenie nang makita nito ang kanyang mommy at daddy na nasa loob ng puting kabaong. Mura pa man ang kanyang edad ay alam niya na kung bakit naroon ang kanyang mga magulang“Zenie, it’s okay to cry, you don’t have to suppress your emotions just to be strong,” mahinahong saad ni Mercedes habang hinihimas ang balikat ng pamangkin.“But I don’t want mommy and daddy to be sad because I am crying for them,” wika ni Zenie na may halong paggaralgal ang tinig.“Darling, it doesn’t mean that they will get sad because you cry. They will because they left you at such a young age alone.” Paliwanag ni Tita Mercedes. “But…”“Darling, strong girls cry too. Crying is not a weakness—it’s an emotion that a human can express.”Nang marinig iyon ni Zenie ay hindi na nito nagawang pigilan ang luhang kanyang pinipigilan at napahagulgol.“Mommy! Daddy!” sambit nito nang humahagulgol ng iyak.Ikinulong ni Mercedes sa kanyang mga bisig ang dalaga
ISANG nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan nina Zenie. Hindi niya maipaliwanag pero simula ng hindi niya pinakinggan ang sinabi ng kanyang Tita Mercedes ay nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya—ang dating maamo at malambing na pakikitungo ay napalitan ng lamig at sungit.“Why do you want to see me? Are you just now regretting what I’ve told you before?” pagbabasag at diretsang tanong ni Tita Mercedes kay Zenie na nanatiling nakayuko ng sandaling iyon.Hindi makatingin si Zenie sa kanyang tita dahil lahat ng sinabi nito ay totoo at sobrang hiyang na hiya dahil sa kanyang ginawa.“Are you going to keep silent here? Do you want me to do all the talking?”Napakagat si Zenie ng kanyang labi. Hindi niya maikakaila na kapag ganito ang kanyang tita ay kahit na sino ay titiklop kahit na siya.How am I supposed to start if she’s too intimidating and pressuring me?Napakuyom nang mahigpit si Zenie ng kanyang mga kamay. Ilang sandali ng nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kani
NAKAUPO si Zenie sa isang cafe shop malapit sa kanyang apartment habang Kinakain siya ng sarili niyang isipan. Pansin na ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata na buhat ng ilang araw na rin na pagpupuyat sa mga papeles niyang kailangang gawin. Ngunit liban doon ay iniisip niya kung paano niya haharapin ang taong iyon. Alam niyang nasaktan ito sa kanyang nagawa at ngayon pinagsisisihan niya ang lahat ng iyon.“Will it be alright?” Mahinang niyang tanong sa kanyang sarili sabay nagpakawala ng isang mahina ngunit malalim na buntong-hininga.Napatingin siya sa kanyang phone at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula sa taong iyon.“Darating kaya siya?”Hindi maitatago ang emosyon na kanyang nararamdaman ng sandaling iyon, at kung may makakakita man ay tiyak na maiintindihan kung ano ang kanyang iniisip. Habang patuloy na kinakain ng isipan si Zenie ay biglang tumunog ang door chimes ng cafe shop at isang matipunong binata ang pumasok. Ngunit walang inten
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Aice ang nagsisitingkarang ilaw ng siyudad sa kanyang opisina habang iniinom nang dahan-dahang ang whiskey sa kanyang kristal na baso na kumikislap sa dilim dahil sa malamlam na ilaw na nagmumula sa kanyang maliit na lampara. Tahimik siyang nag-iisip habang dahan-dahan kinakalkula ang mga bagay-bagay sa kanyang binabalak na plano.“Everything is going according to the plan,” wika ni Aice sabay simsim ng alak. “This will be good to watch.” Dagdag nito at isang ngisi ang gumuhit sa kanyang mapupulang labi.Habang ninanamnam ang sandaling iyon ay biglang may kumatok sa kanyang pinto.“Come in!” Saad niya na nakatingin pa rin sa labas ng kanyang bintana.“Why did you make me come here?” bungad ng lalaki ng sandaling pumasok sa opisina ni Aice. “I almost turned back… but curiosity got the better of me”Natawa si Aice nang mahina. “Still you came.”“So what is this all about?” Tanong nito. “What favor are you going to ask for?”“Destroy Zenie.”Umigting ang pan