Share

SEQUEL 77

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-11-10 21:43:06

Nilingon ko na si Lance at wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Napabuntong-hininga lang siya saglit habang mariin ang pagkakatitig kay Veronica. Saka lang niya ako binalingan nang humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"So, it wasn’t you, huh?" I asked sarcastically.

Alam ko, sa pagkakataong ito ay kita na sa mukha ko ang matinding inis. Literal na kumukulo na ang dugo ko. Kaunti na lang talaga ay sasabog na ako.

"Calm down, girls," singit ng mama ni Lance kaya nabalik ang tin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (TAGALOG STORY)   SEQUEL 80

    Kung inaakala niya ay magiging anghel na siya sa paningin ko dahil lang pinagtatanggol niya ako sa dalawa, hibang na siya.Wala kaming lahat sa sitwasyong ito kung una pa lang naging responsable na siyang tao.Naiintindihan ko naman na baliw na baliw siya kay Veronica noon, na kaya niya ako hindi kinausap pagkatapos ng nangyari sa amin ay dahil ayaw ni Veronica. Pero ang hindi ko ma-gets, bakit kung kailan nagsisimula na akong mabuhay ulit saka siya biglang sumulpot?Tutal, pinili na niyang hindi ako kausapin noon, bakit hindi pa niya tinuloy-tuloy?Kung ginagawa niya ito para pagselosin nga ang bruha, eh ano pang hinihintay niya? Selos na selos na nga ang gāga, oh!O baka naman dahil nalaman niyang nagka-baby kami noon kaya siya ganito? Na handa nga siyang bumawi at nagawa pang ipagsigawan kanina na ako ang pakakasalan niya?Tsk. Para saan pa kung gano’n nga? Sagrado ang kasal, hindi ba niya alam ’yon?“Don’t touch me!”Napadilat ako nang marinig ko ang biglaang pagsigaw ni Veronica.

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (TAGALOG STORY)   SEQUEL 79

    “W-What are you doing?” I stammered.Umiling siya at mas lalo pang hinawi ang nakakalat na hibla ng buhok ko sa mukha. Inipit niya ang mga iyon sa likod ng tainga ko, pagkatapos ay namumungay ang matang tumingin ulit sa mga mata ko.“This is supposed to be your first day, but so many people are getting in the way. I'm sorry,” aniya.Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya, kunot ang noo, na para bang isa siyang malaking puzzle na kailangan kong buuin nang mabilis.“Maybe I should plan your welcoming party first. No outsiders allowed.”I pursed my lips and looked away. Tumagos ang tingin ko sa likod niya at nakitang nakatingin na sa amin ang tatlo.Si Veronica ay bahagyang nakaawang ang bibig, marahil dahil sa gulat. Habang ang matandang Valderama naman ay nakatingin lang; hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil nakatitig lang naman talaga siya. At si Mr. Coat and Tie naman ay parang timang kung makangisi at makailing.“Upo ka muna,” dinig ko nang sabi ni Lance sa akin

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (TAGALOG STORY)   SEQUEL 78

    Matindi ang pagkakatumba ko kay Veronica sa sahig, dahilan upang mapadaing siya nang matindi. Binitawan ko na siya at hihikahikang pinakatitigan.Sinigurado ko talaga na sa pagkalampag ko sa kaniya sa sahig ay mapapaluhod siya, at iyon ang nangyari. Her hands were pressed against the floor while her face practically kissed it.Wala ako ni katiting na konsensyang nararamdaman. Tingin ko pa nga ay kulang pa ang ginawa ko para pagbayarin siya sa pagsunog niya sa condo ko.Napaangat ang tingin ko nang bumukas ang pintuan. It was Mr. Coat and Tie. I remember him. Kung hindi ako nagkakamali ay kanang kamay siya ni Lance dahil siya ang sumundo sa akin noon sa condo para dalhin ako rito.Nabalik ang tingin ko kay Veronica nang bumaba ang tingin niya roon.Akala ko’y tutulungan na niya siya sa pagtayo nang pumasok na siya nang tuluyan. Pero dinaanan lang niya ito ng tingin at nagtuloy-tuloy na ng lakad papunta kina Lance. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.Sinundan ko siya ng ting

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (TAGALOG STORY)   SEQUEL 77

    Nilingon ko na si Lance at wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Napabuntong-hininga lang siya saglit habang mariin ang pagkakatitig kay Veronica. Saka lang niya ako binalingan nang humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay."So, it wasn’t you, huh?" I asked sarcastically.Alam ko, sa pagkakataong ito ay kita na sa mukha ko ang matinding inis. Literal na kumukulo na ang dugo ko. Kaunti na lang talaga ay sasabog na ako."Calm down, girls," singit ng mama ni Lance kaya nabalik ang tingin ko sa kanila ni Veronica. "Maybe this is some kind of misunderstanding."Ako naman ngayon ang napangisi, pero hindi tulad ng kay Veronica kanina, ang akin ay dahil sa wala na akong mapaglalagyan ng inis.Misunderstanding? Hibang ba siya?Iyong condo ko na sinunog ng brvha…May ideya ba sila kung paano ko ‘yon pinaghirapan?Bukod doon, may mga naiwan akong gamit doon! Mga importanteng gamit na kahit sino, hindi kayang bilhin ng pera!Tapos, ano? Sinunog lang ng kung sinong babae na wala man l

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (TAGALOG STORY)   SEQUEL 76

    "Oh my God, Lance!" Veronica exclaimed as she saw us.Nagawa pa niyang magtakip sandali ng bibig gamit ang dalawang kamay niya. Bago pa ako makatayo at makalayo kay Lance ay aligaga na siyang nakalapit sa amin.Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinigit ang isa kong kamay."What are you doing to him?!" sigaw niya sa akin.Inalis ni Lance ang pagkakasubsob niya sa balikat ko at mabilis niyang inagaw ang kamay ko kay Veronica."Don't touch her!" sigaw din niya."No, Lance! It seems like she's harassing you," maagap na apila ni Veronica. "Get away from him!" Binalingan niya ako at inagaw ang braso ko kay Lance.Ako nama’y pinaghalong gulat at pagkalitong palipat-lipat ang tingin ko sa kanila."I said don't touch her!" sigaw ulit ni Lance sa babae, muling inagaw ang braso ko.Sinubukan niyang maupo kasama ako pero itong si Veronica, malakas niyang tinulak si Lance sa dibdib, dahilan upang mapahiga ulit ang lalaki. Sunod niyang ginawa ay inagaw ulit ang braso ko kay Lance saka niya ako

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (TAGALOG STORY)   SEQUEL 75

    Nagpatuloy na lang ako sa paglalaro sa kaniyang upuan. Bahala siya diyan mag-drama!Muli kong tinulak ang sarili gamit ang paa ko saka hinayaan ang sariling mapalayo sa gawi niya.Pilyo akong napangisi nang mamilog ang mga mata niya pagkakita sa ginagawa ko. Lutang talaga siya. Kanina ko pa 'to ginagawa pero ngayon lang niya napansin?"Hey, stop that..." Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin.Pero agad ko namang naitulak ang sarili palayo lalo sa kaniya bago pa niya ako maabot."Charlita, stop that. Baka mahulog ka."Hindi ko siya pinakinggan. Sa halip ay muli kong tinulak ang sarili. Binelatan ko pa siya nang sinubukan niya akong hulihin pero mas mabilis kong naiiwas ang sarili ko."Kanina ko pa 'to ginagawa tapos ngayon mo lang napansin? Drama pa more!" natatawa kong pangungutya sa kaniya.He sighed and placed both hands on his waist while watching me like he was trying so hard not to laugh."Just stop that, please?" he asked, but he already failed to hide his small laugh."Huwa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status