Share

Chapter 3

August's POV

The music played smoothly as we dance slowly. We talked a lot of things na malayo sa politika o kung ano man. I am trying to fish something but I could not do it obviously. Halatang matalino din ito kaya hindi ko ito pwedeng basta basta na lang bobolahin o kung anong technique. I will not act as a flirty type as well dahil baka magulat na lang ako bukas na nasa isang kuwarto na ako at n*******d. I don't trust these type of man who are after on getting under the pants of every girl they met. Baka may gawin pa ito sa akin ng hindi ko namamalayan.

"You dance well." Komento ni Nathan sa akin.

Napangiti lang naman ako. "Because you are a good leader." Sagot ko naman rito. Milagro nga dahil hindi ko pa naaapakan yung mga paa niya. I don't totally suck with dance, but I am not that good either. "Er, my feet is getting sore." Sabay ngiwi ko pa kahit hindi naman talaga. I wanted us to sit para may mga marinig akong iba pang usapan and I saw as well a group of men in tux na papasok and I can recognized their faces. They are the underground associate of Senator Velasquez.

"Oh, I'm sorry. Let's get back to our seat." Saad naman nito at inalalayan na nito ako pabalik sa aming upuan.

Pagkarating namin sa aming upuan at nakaupo ay agad na may lumapit kay Senator Velasquez at may ibinulong ito. Agad naman na tumango ang huli at tumingin ito sa akin.

"I have to take care of something. I'll be back soon." Saad nito and he tapped my shoulder and he stood up and started walking towards the direction heading to a door that seems like one of the living room or playroom.

"Six o'clock. Tango." Saad ko.

"Were on it." Sagot naman ni Reed.

Naging mailap ang aking mga mata at nakiramdam ako sa aking paligid. Tumayo na ako at tsaka nagpanggap na pupunta ako sa ladies room. Pero agad akong sumalisi at umikot ako palabas ng kusina sa mansyon na yun. Agad kong hinanap ang lugar kung saan pumasok sina Senator Velasquez. May mga bintana roon, pero may mga makakapal naman na mga kurtina kaya mahihirapan akong hanapin sila. Pero sa pag-iikot ko ay nakita ko sa wakas ang isang malaking bintana na may ilaw at ang mga anino doon na tila nag-uusap. I can even see the shadow of a man holding a glass, and drinking from it kaya hindi ako nag-atubiling lumapit doon at may kinuha ako muka sa buhok ko.

It is a bug. It is a small device that can crawl inside and it will capture the conversation inside the room. Kaya inilagay ko na yun sa bintana at hindi ako nagkamali. Nagsimula ng gumalaw ang bug at pumasok ito sa kaliit liitang sulok.

"Gotcha." Saad naman ni Misha mula sa ear piece.

I smirked. "Easy job." Komento ko naman. Wala man lang kachallenge challenge ang mga nangyayari. It would be better kung maaksyon na labanan. Kaya umalis na ako doon at tinangal ko na ang aking maskara. Medyo nagtagal ako sa labas dahil maganda ang tanawin din sa labas ng mansyon na pag-aari ng isang senador din. Pumasok na ulit ako sa mansyon ng ilang minuto na ang lumipas.

"He's so dead. This is the end of his good life." Saad ni Misha.

"Make sure to release it right away." Saad naman ni Reed.

"It's the end of his Reign." Saad naman ni Jasper.

"Why did they gave us this job? It's way too easy and boring." Reklamo naman ni Ryujin. Hindi ko alam kung saan sila nakapuwesto dahil hindi ko sila nakikita.

"FBI dimwits. And they will take the credit after this." Saad naman ni Jasper.

Totoo. We work behind the dark and FBI is the one who usually take credit of our job. Ni wala ngang ideya ang Pilipinas kung nag-eexist nga kami.

"Be ready August, it will be a big chaos." Warning naman ni Misha sa akin. "98..............99.............100%. Uploaded."

Pumasok na ako ng tuluyan at muntikan na akong mapako sa kinatatayuan ko ng makasalubong ko ng tingin si Senator Velasquez. His gaze went stuck on me. It stayed on my face and then it went down below. Recognition registered in his face kaya unti-unti itong lumapit sa akin. Naging malikot naman ang aking mga mata at napakuha ako ng isang baso ng white wine ng may dumaan na waiter. Inisang lagok ko yun at napansin ko na nakatayo na si Senator Velasquez sa harapan ko. He is smiling widely and looks satisfied of what he is seeing.

"Perfect." Halos bulong na nito habang nakatingin sa aking mga mata. "I-"

"Senator!" Biglang nagsilapitan ang mga bodyguard nito kaya naman biglang nataranta ang mga nasapaligid.

I clenched my jaw and I stepped back. Biglang nag ring halos lahat ng mga cellphone ng mga tao doon at lahat sila at sinagot yun. Habang sumasagot ay napapatingin sila kay Senator Velazquez na ngayon ang madilim na madilim na ang mukha. He looks pissed. Napaatras na ako ng tuluyan and his gazed went to me but I avoided it. Mabilis akong sumabay sa galaw ng mga bisita doon at madali akong lumabas ulit sa kusina palabas ng mansyon.

"Get out of there, the police are coming." Saad ni Misha kaya nagmadali akong lumabas at hinanap ang exit sa likod ng mansyon.

We already have the blueprint of this mansion kaya kabisado na namin ang pasikot sikot dito. Agad naman na may nakaabang sasakyan. It's Reed's car at agad akong sumakay doon. Ni hindi ko na magawang magreklamo. Mabilis agad na nagmaneho si Reed at nakasalubong namin ang mga police cars na tumutunog patungo sa mansyon.

"Do you think they will be able to catch him?" Tanong ko. Duda kasi ako. Yun lang kasi ang plano. We will just get the proof and our job is done. It will be the FBI and police who will capture them.

"If they are dimwits, then they will not be able to." Sagot naman ni Reed.

May mali sa pakiramdam ko. Malakas ang pakiramdam ko na makakatakas si Senator Velasquez. I can almost see it already. Senator Velasquez, sitting inside the chopper at the helipad at the top floor area of the mansion. "I think, he'll escape." Naisaad ko. I don't know but I must be imagining things like those pictures flashed inside my mind.

"Let's just hope this time, your hunch is incorrect. That man, is not an easy enemy." Sagot ni Reed. "But did he saw you?"

Napalunok ako. "What do you mean?"

"Your face." I clenched my palm. Yes. He saw me, but I don't think so he would suspect me. "No." Sagot ko na lang.

"Good. There might be a possibility that he will make an investigation for all the people who attend the gathering. It's best not to be seen." Saad nito na nasa kalsada pa rin ang tingin.

Hindi na ako sumagot. I don't think so na paghihinalaan niya ako. I am not that transparent. Not unless, he can read mind, then I am already busted from the very beginning.

Nagpatuloy lang si Reed sa pagmamaneho hanggang sa nakarating na kami sa boutique. Agad kaming pumasok doon at we went to G6. Nandoon ang monitoring area at nandoon din si Misha. Agad na sumalubong sa amin si Chief.

"Good job!" Bati ni Chief sa amin.

Tumunog naman ang kabilang elevator at lumabas naman doon si Jasper at Ryujin.

"Bad news. He escaped, with helicopter." Saad ni Ryujin na nakabusangot ang mukha. "FBI screwed up."

What the fuck? Tumama yung pakiramdam ko! He really did escape! Fucking shit, biglang kinabahan ako. I can already feel the upcoming storm. I feel like this already the prelude to the upcoming chaos. The fuck, he saw me. Baka gagawin nga nito ang sinabi ni Reed.

"Those FBI. They should fire those men who are not capable on capturing a criminal." Galit na saad ni Chief. Kung kanina ay masaya ito, ngayon naman ay parang sasabog na naman ito. "They should have let us finish their fucking jobs."

Walang nagsalita sa amin dahil kung galit ito, talagang galit ito. We cannot do something about it but let him blurt it out. Agad naman na nagwalk out ito sa harap namin. Kaya tahimik na pumasok na ako sa locker room at kinuha ko ang bag ko roon na may laman ng mga normal na damit ko. Agad na nagbihis ako ng black fitted leather pants and black tank top and black leather coat. Nakablack timber shoes ako at lumabas na ako sa locker room.

"Hay sa wakas, makakauwi na rin tayo." Bungad naman sa akin ni Misha. We live in a same building. We are actually neighbors in Pacific Plaza Towers in BGC. We both own a condo unit. Naipundar ko rin ito dahil na rin sa trabaho ko. This is actually a high paid job.

"Yeah. I'm tired. I really hates those creepy heels." Komento ko naman at sabay na kaming pumanhik sa elevator.

"Wait!" Sigaw naman ni Reed at nagmadali itong pumasok sa elevator at medyo hiningal ito.

"You look uncool just now." Komento naman ni Misha at nginisihan pa talaga nito.

Baliw talaga itong babaeng ito. Even though he looks uncool, it doesn't change the fact na saksakan pa rin ito ng guwapo. Basta gwapo, kahit mukhang tanga na, cute pa rin. Tss.

"Yeah right." Sagot lang ni Reed at pinindot na nito ang G1 kaya gumalaw na pataas ang elevator. "August, wanna sleep over? May bago akong movies." Yaya ni Reed sa akin.

"Food dapat ang sinabi mo. Parang hindi mo naman yan kilala." Singit naman ni Misha.

"Automatic na yun. Kelan ba nawalan ng food sa condo?" Masungit na sagot ni Reed rito. Ewan ko ba sa dalawang ito, parang hindi magkasundo. I can't tell naman kung may gusto ba itong si Misha rito dahil kabisado ko naman din ang lukaret na ito. But I can tell that she's not attracted romantically with Reed. Bumaling naman ng tingin sa akin si Reed. "Ano? Game?"

Umiling ako. "I'm too tired Reed. Next time na lang. I am seeking refuge with my bed right now." Matamlay na sagot ko rito. Totoo naman kasi talagang pagod ako. Noon rest day ni hindi ako nakatulog ng maayos, dahil sa buwiset na ito biglang nagka-emergency meeting pa. Saan ang hustisya ng rest day ko? Isang araw na nga lang yun nasasayang pa.

"Fine, next time." Saad na lang din ni Reed na may halong disappointment ang boses nito but I really could not do a sleepover right now. Yes, sometimes, nagtutulog ako sa condo ni Reed lalo na kung may maagang misyon kami. He has two room, ang isa ay guest room na pinapagamit niya sa akin tuwing doon ako natutulog. I even have a few clothes there.

Nakalabas na kami ng elevator at lumabas na rin kmi ng boutique. Agad na nakita ko ang nakaparada kong motorsiklo Black Ducati 848 Evo.

At sa kabila naman ay ang sasakyan ni Reed na Bugatti veyron.

Napapangiwi ako habang nakatingin sa sasakyan na ito. I am not really comfortable with this type of cars. Mas prefer ko pa yung mga Bentley. And Misha gently reach her ride. Her Yamaha YZF R6.

We all have cool rides dahil uso din kasi ang payabangan ng sasakyan dito. Hindi ko trip yung mga kotse dahil mas trip ko yung mga motor.

Agad na kaming nagsisakayan sa aming kanya kanyang mga sasakyan at nagconvoy na rin kami. Ganito lagi ang rota namin. Reed is sending us in BGC then he will go home after. Nakasanayan na namin yun since around the area lang naman din ang lugar namin. He's in Makati while we are in BGC. Hindi ganun kalayo.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa basement ng Pacific Plaza Towers. Agad namin pinarada sa parking area ang motor namin at pumanhik na kami sa elevator. Pinindot ko naman ang 24 dahil doon ang floor namin ni Misha.

"Alam mo August, malakas talaga pakiramdam ko diyan kay Reed eh." Salita ni Misha.

"Na ano?" Patamad kong tanong rito. Hindi naman kasi ako interesado sa mga sinasabi niya. Alam ko naman kasing kung anu-ano na naman ang sasabihin nito tungkol kay Reed.

"Na may gusto sayo yun." Sagot nito.

Napabuntong hininga namab ako. Matagal na talaga ang isyu na ito. She is insisting na may gusto sa akin si Reed kahit wala naman. Like the hell, kilala ko ang mga type nun. Magaganda at sexy at wala ako sa listahan doon, and we are friends. Kung may gusto yun sa akin, eh di sana pinormahan na ako nun.

"Hindi ka pa ba sawa sa isyu na yan Misha? Nakikita mo ba kung anong klaseng mga babae ang dinedate nun?" Tamad na saad ko rito.

"I'm aware of it natural. Pero malakas talaga pakiramdam ko eh. Iba talaga siya pagdating sayo eh. Walang matinong lalaki na magyayaya ng babae na magsleepover sa condo niya ng walang dahilan." Saad pa nito na parang may nakakalokong iniisip pa na nakuha ko naman kung ano.

"So are you saying na kaya niyaya niya ako because he wanted to have sex with me? Eeeeww, tumigil ka nga. Ilang beses na akong natulog doon kaya walang malisya ang imbetasyon niya. And besides baka bored yun dahil walang kasama yun sa condo niya. Ang laki pa naman ng condo nun." Sagot ko dito. Parang kinilabutan ako sa isipan na yun. Mababatukan ko talaga itong si Misha pag-ipinagpilitan pa nito ang mga sinasabi nito.

Ngumuso naman ito. "Eh sa yun ang nakikita ko. Hindi naman imposible na magkagusto yun sayo. Alam mo naman na maganda ka. Magandang maganda."

"Tumigil ka nga Misha, baka ihawin ko yung alaga mong si Tinay." Banta ko rito. May alaga itong poodle na nasa condo nito. Kawawa nga yun kasi iniiwan nito araw araw. Kaya hindi ako mag-aalaga dahil hindi ko kayang iwan mag-isa ang isang aso sa condo ko.

"Oo na titigil na. Hay, sige goodnight na. Malapit na training natin dahil darating na yung Alpha Team." Saad ni Misha sa akin ng makalabas na kami ng elevator at nasa palapag na namin kami.

"Yeah, we should be happy." Saad ko na lang at inaantok na tumungo na ako sa pintuan ko. "Goodnight Misha." And I swipe the card on the scanner and the door opened and I can't wait to lay down on my soft mattress to enjoy sleep.

_____________________________________________

Bitin ba?

Naninibago ba kayo sa flow ng story? Well, remember, sa Earth na po ito. For instant update 150 votes and comments!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status