Zendra Allyssa Enriquez was forced by her family to embark on a deadly mission driven by a single vision: Revenge. To achieve this, she must marry Kai Rowan Grey, a ruthless half-Filipino-American billionaire, by any means. However, Kai's offer comes with a condition - a Contract Marriage that requires Zendra to pretend to be his wife in front of others and his family. Seizing this once-in-a-lifetime opportunity to infiltrate the enemy's lair, Zendra agrees to sign the contract. But she never expected to become tied to the enemy's heart! Will she obey her family's orders or follow her heart?
View MoreChapter 1
Nagluluksa ang pamilya Enriquez ngayon dahil sa pagkamatay ng Mommy at Daddy ni Zendra which is the founder of Enriquez Electronics. They are one of the biggest companies here in the Philippines and have branches all over the world that manufacture expensive and high-tech gadgets. Ngunit sa isang iglap lang ay naglaho ang lahat ng yaman ng mga Enriquez at napunta ang lahat ng ito sa kaibigan at partner in business ng mag-asawa. And they are the Grey Family which is the owner of Grey Corporation. Hindi alam ni Zendra kung paano nangyari ang lahat ng ito. At napunta ang kompanya nila sa pamilya Grey! Kasabay ng pagkamatay ng kanyang Mommy at Daddy ay naglaho rin ang kompanya at sila ay namulubi. Ang buhay prinsesa noon ay naging pulubi na ngayon! Naging ulila silang dalawa ng kapatid na si Brendon sa loob ng isang araw lamang! Ang tanging natira niyang kapamilya ay si Uncle Lucio na kapatid ng kanyang Daddy. Ngayon ay nakatayo siya sa harapan ng mga kabaong ng kanyang Mommy at Daddy at patuloy sa pag-agos ng walang humpay ang kanyang mga luha. "Pagmasdan mong mabuti ang walang buhay mong mga magulang Zendra. It's not a car accident! Sinadya ang pagkamatay nila at alam mo naman kung sino ang naka benefits sa kanilang pagkawala diba?" Seryosong tanong ni Lucio na biglang sumulpot sa kanyang harapan. Kanina lang ay kinausap siya ng kanyang Uncle tungkol sa pagkupkop ng mga ito sa kanyang nakababatang kapatid. Highschool pa lamang ito at nasanay na sa marangyang buhay. Maging siya ay nasanay sa pagiging buhay prinsesa at hindi napagtuunan ng mabuti ang negosyo ng kanilang pamilya. Kung alam lang niya na magiging pulubi sila sa isang iglap lang ay nagtrabaho na sana siya pagka graduate ng college. Pero ayaw niya dahil nababagot siya! Gusto niya lang maglakwatsa at barkada. Sa edad niyang bente-kwatro, dapat ay nagtratrabaho na siya. Pero ayaw niya at hindi pinansin ang alok ng Daddy at Mommy niya na magtrabaho sa kompanya upang maging handa sa pag manage nito kapag nag retire na sila. But they didn't retire, they are dead... Bulong ni Zendra na patuloy parin sa pag-iyak. May kondisyon ang pagkupkop ng kanyang Uncle Lucio at ng asawa nitong si Rebecca sa kapatid niyang si Brendon. And that is... To marry their enemy! Paano niya pakakasalan ang pamilya ng taong pumatay sa Mommy at Daddy niya? Kahit pa sinabi ni Lucio na magpapakasal lang siya sa nag-iisang legal na tagapagmana ng pamilya Grey upang maghiganti ay hindi parin niya kayang gawin. Pero kapag nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng kapatid ay hindi rin niya kayang hayaan itong maghirap at maging isang pulubi! "I'll give you time to think about it. You are the only one who can enter the enemy's lair Zendra. I just hope that you will make the right choice." Sabi ni Lucio at bumalik na sa kanyang pagkakaupo. Nagising naman si Zendra sa kanyang malalim na pag-iisip at napalingon sa kanyang likuran. Walang ibang tao na nagpunta sa burol ng kanyang Mommy at Daddy kundi ang malapit na kapamilya lang nila. Ang mga angkan ng Enriquez. At lahat sila ay sang-ayon sa gustong paghihiganti ni Lucio! Dahil hindi biro ang yaman na nawala sa kanila. Lahat sila ay may mga shares sa Enriquez Electronics at kasama rin itong naglaho ng parang bula. Ang kaibahan lang ay may iba pang mga negosyo ang mga ito at hindi sila namulubi katulad nila ng kapatid niya. Tanging ang kanyang Uncle Lucio lang ang nag offer ng tulong sa kanila. Ang gusto ng ibang mga kamag-anak niya ay mabawi lamang ang kanilang share sa kompanya! Muli siyang napatingin sa kabaong ng kanyang Mommy at Daddy. "Mommy, please tell me what to do. Daddy," bulong niya habang patuloy parin sa pag-iyak.. She's lost and broken but she needs to be strong para sa kapatid niya! After three days... Ay nailibing naman ng maayos ang kanyang Mommy at Daddy sa tulong ng kanyang Uncle Lucio. And this is also the day that she needs to decide. Hawak niya ngayon ang kapalaran ng kanyang kapatid. At hindi niya maaatim na pabayaan ito at maghirap. "Uncle Lucio," mahinang tawag ni Zendra sa kanyang Uncle habang palabas na sila ng sementeryo. "Yes?" Seryosong tanong ni Lucio "I accept your offer," mahinang sambit ni Zendra. "I'm happy that you make the right choice Zendra. Ngayon din ay sumama kayo ni Brendon sa bahay." Nagniningning ang mga mata na sabi ni Lucio. Napabuntunghininga naman si Zendra. Masaya ang Uncle niya habang siya ay hindi alam kung makakayanan ba niya ang misyon na tinanggap. May choice ba siya? Wala! Pati bahay at lupa nila ay nawala rin sa isang iglap lang. Walang natira sa kanila kundi ang kanilang mga damit at alahas. Maibebenta naman niya ang mga ito but for how long it will last? Sa luho nilang magkapid ay kulang pa ang lahat ng mga ito. "Ate," sambit ni Brendon sa kanyang likuran. Niyakap naman niya ang kapatid habang naglalakad sila kasunod sa likuran ni Lucio. "Don worry, everything will be fine. Hindi kita pababayaan." Nakangiting sabi ni Zendra. Niyakap lang siya ng kapatid at naglambing sa kanya. Alam niya na miss na miss na nito ang kanilang Mommy. Dahil walang ibang ginawa ang kanyang kapatid kundi ang maglambing na parang bata sa kanilang ina. Ngayon ay siya nalang ang natitirang kapamilya nito. Siya na ang Mommy, Daddy at Ate ni Brendon. Kailangan niya talaga gawin ang lahat para sa kapatid. Ang plano niya ay lumipad sila ni Brendon papunta ng ibang bansa kapag nabawi niya na ang kompanya at lahat ng yaman nila. Puno parin siya ng pag-asa kahit alam niyang hindi madali ang kanyang gagawin at pwede pa niyang ikapahamak! Nang makarating sila sa mansion ng kanilang Uncle Lucio ay agad na ibinigay nito ang folder kung saan andun lahat at kompleto ang impormasyon tungkol sa pamilyang Grey at mga negosyo ng mga ito. "You need to familiarize every family members from Grey family. Mas lalo na ang nag-iisang tagapagmana nito na si Kai Rowan Grey. He's ruthless in terms of business at mas lalo na sa babae. He is the most famous playboy bachelor of his generation. He doesn't believe in marriage at pinaglalaruan lang ang mga babae nito. Medyo mahirap kunin ang kanyang loob but you need to do this para sa future ng kapatid mo Zendra." Mahabang paliwanag ni Lucio. Napatingin naman si Zendra sa picture nito. May dark aura nga si Kai Rowan Grey. But he's handsome, wala sa sariling naibulong ni Zendra. "Zendra! Are you with me?" Tawag sa kanya ni Lucio ng makitang nakatulala siya. Muntik na siyang matawa dahil nakatulala pa talaga siya sa litrato ng kalaban niya! "Yes, Uncle. I'm sorry," paumanhin niya. "But here's the twist kung saan may chance at opportunity ka na makalapit kay Kai Rowan." Pa suspense na sabi ni Lucio. Naging interesado naman si Zendra sa sinasabi niya. "His Grandpa is dying from cancer at gusto niyang mag-asawa na ang kanyang apo at magkaanak ito. And you know that Kai Rowan hate marriage! It's your opportunity to grab Zendra." Masayang sabi ni Lucio. Napakunot naman ng kilay niya si Zendra. Kai Rowan hate marriage. Paano naging opportunity para sa kanya? "Why? Diba ayaw niyang magpakasal?" Naguguluhang tanong ni Zendra. "Ayaw nga niya. That's why you will introduce yourself to him. Akitin mo o kahit na anong gawin mo makuha mo lang ang ayensiyon ng lalaking ito. And offer him a contract marriage!" Sagot ni Lucio. "Papayag kaya ang isang Kai Rowan Grey na makipagkasundo sa hindi niya kilala na katulad ko? I'm a stranger to him. Hindi ata siya papayag. Sa dami ng mga babaeng nasa paligid niya imposible na piliin niya ako." Malungkot na sabi ni Zendra. Hindi pa nga niya sinisimulan ay nabigo na kaagad siya! "And just like that, you will surrender?" Galit na tanong ni Lucio. Hindi nakasagot si Zendra. "Remember Zendra that your Mom and Dad died in a tragic way! At sino ang nakinabang sa mga kayamanan nila? Ang pamilya Grey!" Emosyonal na sigaw nito. "I'm sorry, Uncle." Paumanhin niya. "Don't be sorry! You should think and find a way na makuha ang loob ni Kai Rowan Zendra. This is a once in a lifetime opportunity. Umaatras kana ba? Paano ang kapatid mo?" Pakiramdam ni Zendra ay tanong ito na may halong blackmail. Syempre, hinding-hindi niya pababayaan ang kapatid niya! "I'm not backing off. I will do this mission, Uncle Lucio." Seryosong sagot ni Zendra. "That's the spirit! Bukas ay darating ang mga files kung saan ang hang out ni Kai Rowan. Mga lugar na kanyang pinuntahan at kinakainan. Mag-uumpisa kana sa iyong misyon Zendra. Bukas na bukas din!" Sigaw ni Lucio.Chapter 11Kahit naguguluhan at nalilito sa biglaang pag-iba ng ihip ng hangin ay masaya si Zendra dahil pabor sa kanya. Makakauwi na rin siya sa wakas! Nagpapasalamat siya sa mga bodyguards ni Kai Rowan at hindi siya iniwan. Talagang siya ang sadya ng mga ito dahil hinintay talaga siya at naka escort pa ito palabas ng bahay."Damn! Where's Kai Rowan?" Galit na tanong ni Queen.Humarang ito sa kanilang daraanan. Walang masabi si Zendra kundi ngiti lang talaga. Hindi niya alam kung bakit masaya siya! Basta ang pakiramdam niya ay parang nakalaya na siya sa pagkakabilanggo.She's free!At hindi ito nakaligtas sa mala-owl na mata ni Queen."You're so happy contract girl? I want to tear that smile!" Sigaw ni Queen.Susugurin na sana niya si Zendra ngunit napigilan siya ng baril!"If you want to live, back off." Kalmadong sabi ng bodyguard.Napatawa ng malakas si Queen. All her life ay wala pang nang insulto sa kanya ng ganito!She's the niece of the President! Kahit wala sila sa Pilip
Chapter 10Hindi na nga ginulo ni Queen si Zendra dahil sa utos ni Kai Rowan pero pinapahirapan naman niya ito ng husto. Bawal lumabas si Zendra. Hanggang bahay lang siya. Maganda naman ang vacation house ng mga Grey at mala-mansion.Yon nga lang ay hindi ma enjoy ni Zendra ang kagandahan ng kanyang paligid dahil kay Queen.Ginawa siyang maid nito! Masyado itong demanding at kung anu-ano ang inuutos sa kanya.Tulad ngayon na gusto nitong kumain ng sinigang na hipon. Akala ni Zendra ay makakalabas siya upang mag grocery pero false alarm lang pala.Kumpleto na sa rekados ang ibinigay ni Queen sa kanya. Hindi niya na kailangan pang lumabas. Lulutuin nalang ito pero ang problema ay hindi siya marunong magluto!Kahit itlog nga ay nahihirapan siya. Pumayat na din siya dahil hindi siya nakakain ng maayos. At dahil hindi siya marunong magluto ay noodles lang ang kinakain niya kapag wala ang dalawa.Matapos siyang palinisin ni Queen sa buong mansion ay palulutuin siya.Sa labas naman laging
Chapter 9Nakatulog si Zendra at ng maalimpungatan ay bumangon siya. Kukuha lang sana siya ng tubig pero hindi natuloy dahil may nakita siya na dalawang anino. Nag-uusap ang mga ito at napagpasiyahan niyang makinig!"You should kill that bitch or itapon ito palabas ng eroplano. Ipinatawag ko kayo rito, to do the job." Utos nito. Nakilala naman ni Zendra ang boses ni Queen. At tama nga ang hinala niya na mas malala ito sa lahat ng mga babae ni Kai Rowan dahil may lahi itong killer! Bigla siyang kinabahan para sa kanyang buhay. Pero kung matatakot siya ay hindi siya makakapag-isip ng tama para depensahan ang kanyang sarili. Parang basura lang siya kung ipatapon nito!Mag buddy nga sina Kai Rowan at Queen dahil parehong may criminal mind! Hiyaw ni Zendra sa kanyang isipan."But- baka magalit si Sir Rowan, Queen." Nag-aalalangan na sagot nito. Hindi alam ni Zendra ang mga pangalan ng alalay ni Queen. Obvious naman na makikilala niya ang boses nito dahil walang ibang pasahero kundi
Chapter 8Hindi na isinauli ni Kai Rowan ang cellphone na itinapon nito. Tuluyan ng nawalan ng kontak sa outside world si Zendra.Wala siyang choice kundi ipagpatuloy ang misyon. Kung ano man ang naghihintay sa kanya sa Europe ay hindi niya alam.Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas at mas lalo ng nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Siya itong maghihiganti pero tila nabalektad ang nangyari dahil nagdurusa siya ngayon!Paalam Brendon, bulong ni Zendra ng makaalis na sila ng mansion.Ang Lolo ni Kai Rowan ay masayang-masaya at excited sa kanilang honeymoon.Nagbilin pa siya kay Zendra na kailangan pagbalik nila galing sa Europe ay may apo sa tuhod na siya!Ngiti lang ang isinagot ni Zendra sa Lolo ni Kai Rowan. Wala naman sa kontrata na magpapaanak siya. Mabibigo ang Lolo ni Kai Rowan. Nag-aalala rin siya sa kalusugan nito dahil baka iba ang mangyari pagbalik nila. Gayunpaman ay ipinagdasal niya ito na maging malusog at gumaling na ang sakit.Hindi niya alam kung ano talaga
Chapter 7Kahit nahihirapan sa kanyang paghiga ay nakatulog naman ng mahimbing si Zendra. Ngunit ng magising na siya ay bangungot ang nasa paligid niya. Back to reality where she's losing hope but still hanging on. Manipis nalang ang pisi niya at malapit na itong maputol! Nagsisimula na siyang ma bored, mangamba at ma stress. Ilang araw na rin na wala siyang kontak sa pamilya. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng kapatid niya ngayon at kung tinupad ba ng kanyang Uncle Lucio ang pinagkasunduan nila.At alam niyang nag-aalala na si Brendon ngayon dahil ni text ay hindi man lang siya nagparamdam!Mas lalo na ang kanyang Uncle Lucio. Umaasa siya na dadalawin siya nito sa mansion at kamustahin. Kahit tungkol nalang sa plano nilang paghihiganti. Pero wala!Puno ng pag-aalala ang kanyang puso at isipan.Pero ang maamong mukha ni Kai Rowan kagabi ang hindi talaga mawala at lagi niya itong naiisip!Mas lalo siyang naguluhan.Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan at nakangising muk
Chapter 6Labis ang pasasalamat ni Zendra dahil hindi umuwi si Kai Rowan. Tahimik lang ang buhay niya sa mansion ng mga Grey. Kain at tulog lang. Minsan ay nakakausap niya ang Lolo ni Kai Rowan na si Faustino. Pero naglagay siya ng boundary sa lahat ng mga tao doon.Ayaw niyang makipag close sa mga ito. Dahil hindi naman sila kakampi. Kalaban sila! Hiyaw ni Zendra sa kanyang isipan.Hindi parin niya natatawagan si Lucio dahil natatakot siyang kunin ang cellphone. Kung totoong may mga mata si Kai Rowan ay sigurado siyang may mga hidden camera sa loob ng kwarto nila at sa buong mansion!Gusto muna niyang mag relax at huwag makadama ng takot habang wala pa si Kai Rowan. I'm sorry, Uncle Lucio. Bulong ni Zendra.She failed her mission pero para sa kanya ay hindi pa siya nabibigo. Oras na magkaroon siya ng pagkakataon ay bubuksan niya ang vault na nasa cabinet ni Kai Rowan!Matutulog na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto at pumasok ang limang naggagandahang kab
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments