Chapter 7
Kahit nahihirapan sa kanyang paghiga ay nakatulog naman ng mahimbing si Zendra. Ngunit ng magising na siya ay bangungot ang nasa paligid niya. Back to reality where she's losing hope but still hanging on. Manipis nalang ang pisi niya at malapit na itong maputol! Nagsisimula na siyang ma bored, mangamba at ma stress. Ilang araw na rin na wala siyang kontak sa pamilya. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng kapatid niya ngayon at kung tinupad ba ng kanyang Uncle Lucio ang pinagkasunduan nila. At alam niyang nag-aalala na si Brendon ngayon dahil ni text ay hindi man lang siya nagparamdam! Mas lalo na ang kanyang Uncle Lucio. Umaasa siya na dadalawin siya nito sa mansion at kamustahin. Kahit tungkol nalang sa plano nilang paghihiganti. Pero wala! Puno ng pag-aalala ang kanyang puso at isipan. Pero ang maamong mukha ni Kai Rowan kagabi ang hindi talaga mawala at lagi niya itong naiisip! Mas lalo siyang naguluhan. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan at nakangising mukha ni Kai Rowan ang kanyang nasilayan. Pinagmasdan at tinitigan niya ito ng mabuti. Kahit anong titig niya ay hindi ito ang Kai Rowan na nakita niya kagabi bago siya matulog! Itong nasa harapan niya ay salbahi at mukhang gangster kung kumilos. Gusto niya yong Kai Rowan na banayad ang ngiti at mukhang mabait. "Good morning wife! Pack your things today and prepare yourself for our upcoming honeymoon. Trip to Europe!" Masayang sigaw ni Kai Rowan. Biglang kinabahan si Zendra. Ang layo ng Europe at hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Kai Rowan sa kanya kapag sila nalang dalawa at walang ibang tao. Natatakot siya! "Honeymoon? Bakit?" Wala sa sariling tanong ni Zendra. Natigilan naman si Kai Rowan at biglang sumeryoso ang hitsura. "Bakit? Syempre ang susunod sa kasal ay honeymoon my wife! And it's Grandpa's gift to us. Trip to Europe! Hindi ka ba excited?" Tanong ni Kai Rowan. Hindi makasagot si Zendra dahil mahirap sa kanya ang magpanggap na natutuwa pero hindi naman. Mission failed na talaga! Hiyaw ni Zendra sa kanyang isipan. Hindi niya kayang madikit o mapalapit man lang kay Kai Rowan dahil sa kanyang nasaksihan kagabi. Ang dami nitong babae at nandidiri siya sa mga pinaggagawa ng mga ito! "What kind of expression is that?" Galit na tanong ni Kai Rowan. Mas lalo ng hindi niya kayang pakisamahan ang ugali nito. Minsan ang bait-bait kumilos at magsalita. Tapos bigla nalang magagalit. Mas una yata siyang mababaliw sa taong ito! Kailangan niya talagang makausap ang kanyang Uncle Lucio. Hindi niya alam kung makakabalik pa ba siya ng buhay o doon na siya ililibing sa Europe! "Are you thinking what I'm thinking?" Nakangising lumapit si Kai Rowan sa kanya. Umiwas si Zendra dahil amoy alak parin si Kai Rowan. "Haha! Ang arte mo. Don't worry, I'm not interested in you. Mas interesado pa ako sa aking mga angels. Ikaw na walang kabuhay-buhay ay hindi uubra sa akin." Seryosong sabi ni Kai Rowan. Medyo naibsan naman ang pangamba na nadama ni Zendra. She's glad na walang gusto sa kanya si Kai Rowan. But the first night that they met ay may nangyari na kaagad sa kanila. Tapos ngayon ay biglang hindi na siya gusto nito? Ano ka ba Zendra! Gusto mo bang may mangyari pa sa inyo? Pinagalitan niya ang kanyang sarili. "Im glad," tanging nasagot niya. "You should be happy! Nakapunta kana ba sa ibang bansa? It's your chance, pasalamat ka at may Contract Marriage. Kung wala ay ewan ko nalang." Naiinis na sabi ni Kai Rowan. Kita niya ang pagka-disgusto sa mukha ni Zendra. Oo! Sigaw ni Zendra sa kanyang isipan. Halos nalibot niya na ang buong bansa. Ngayon ay hindi niya na magagawa dahil mahirap na siya. But still, she thanks her parents for giving them luxurious life. Kahit saglit lang. Nayayabangan siya ngayon kay Kai Rowan! "Hindi ba tayo babalik at doon titira sa mansion mo?" Tanong ni Zendra. Napatingin naman si Kai Rowan sa kanya na nakakunot ang kilay. "What mansion? Dito tayo gustong tumira ni Lolo. At bakit mas marunong kapa sa akin? May Contract Marriage tayo and you are bound to obey me sa loob ng isang taon. After that ay sa kangkongan kana pupulutin. Kahit sabihin mo na hindi ka kalaban o spy ay hindi ako naniniwala. Pinasok mo itong marriage na ito my dear wife. Kaya, huwag kanang magreklamo at magtanong." Mahabang sermon ni Kai Rowan. Napailing nalang si Zendra. Ang daldal pala ni Kai Rowan! Nababastosan talaga siya sa inaasal nito. At one point ay tama si Kai Rowan. Pinasok niya, magdusa siya! Lalo pa ngayon na may pagdududa na ito sa kanya. Mas mahihirapan siya na kunin ang loob nito. At ayaw din niya! Ewan ko! Bulong ni Zendra at biglang sumakit ang ulo niya. Ayaw niya ng mag-isip pero ayaw naman tumigil ng isip niya sa kakaisip! Nagtataka siya kung bakit hindi sa mansion ni Kai Rowan sila titira. Akala niya pagkatapos makasal ay deretso na sila sa mansion. Dahil siguro nahuli siya nito? Tanong ni Zendra sa kanyang isipan. Nawala ang tiwala nito sa kanya. Pero hindi pa nalalaman ni Kai Rowan ang tunay niyang pagkatao. May pag-asa pa! Napahawak si Zendra sa kanyang ulo. Hindi niya talaga maiwasan na mag-isip. Gusto niyang makausap ang kanyang Uncle Lucio bago siya pumunta ng Europe. Kahit may warning na mula kay Kai Rowan ay susugal parin siya. Tatakas siya! Gusto niyang marinig ang opinyon ni Lucio at payo nito, ngayong nahuli na siya ni Kai Rowan. "Hey, are you listening?" Galit na tanong ni Kai Rowan. Tumigil naman si Zendra sa pag-iisip at napatingin kay Kai Rowan. "Okay," nakangiti niyang sagot. "Baliw kana! Maghanda kana ng mga gamit mo. Early in the morning ay lilipad na tayo pupuntang Europe." Sabi nito at nagtungo sa kanyang cabinet. Naglabas ng dalawang malalaking maleta si Kai Rowan at nagsimula ng mag-impake. Habang si Zendra naman ay binuksan ang kanyang luggage bag. Wala naman siyang damit na iimpake dahil nasa luggage bag lang lahat ng damit niya. Ayaw niyang suotin ang mga damit na nasa cabinet. Mas lalo na ngayon ng masaksihan niya ang nakakadiri na party ng mga babae ni Kai Rowan! Nangislap ang kanyang mga mata ng makita ang burner cellphone na bigay ni Lucio. Napalingon siya kay Kai Rowan at busy parin ito sa pag-iimpake. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at inilagay sa kanyang bulsa. Bahala na! Bulong ni Zendra. "Kakain muna ako sa kusina," paalam ni Zendra. Hindi siya pinansin ni Kai Rowan at patuloy lang ito sa kanyang ginagawa. Deretso siyang lumabas at hindi nagpunta sa kusina. Naghanap siya ng tagong lugar na walang tao. At ng makatago na sa mga halamanan ay kaagad niyang tinawagan si Lucio. "Uncle Lucio!" Sambit ni Zendra. "Zendra, I'm waiting for your call. How's everything?" Tanong nito. Napagdesisyunan ni Zendra na sabihin ang totoo at gusto niya ng umatras sa misyon. Hindi niya alam ang kapalaran na naghihintay sa kanya pagdating sa Europe. Kahit pa sabihin ni Kai Rowan na may kontrata sila. What if? Maraming what if ang gumugulo sa isipan niya. "There's no backing out, Zendra." Seryosong sabi ni Lucio. Pagkatapos ng mahaba niyang paliwanag ay ito lang ang isasagot ng Uncle Lucio niya? "Uncle, I'm afraid," naiiyak na sabi ni Zendra. "Natatakot kana? Hindi ka ba natatakot na sa kalsada kayo pupulutin ng kapatid mo?" Tanong ni Lucio. "But- baka may iba pang paraan. Ha-" Hindi niya naituloy ang sasabihin. "There's no other way! Andiyan kana Zendra. Nahuli ka ni Kai Rowan but he still didn't know your real motive. Wala ng iba pang paraan. Being the wife of Kai Rowan is the closest and fastest way." Sigaw ni Lucio. Tuluyan ng napaiyak si Zendra. Kahit kadugo niya ay wala ng pakialam sa kanya. Basta mabawi lang nito ang kayamanan. Tapos siya ano? Ano'ng mangyayari sa kanya?! Gumuho ang pag-asa niya na makatakas. Paano siya tatakas kung hindi siya tutulungan ng Uncle niya? She felt hopeless. "Uncle," mapait na sambit ni Zendra. "Brendon is doing fine Zendra, May komportableng natutulugan, may masarap na pagkain at patuloy na nag-aaral sa mamahaling paaralan. You want him to sleep on the streets? I know you can do it, kung paano ay ikaw na ang bahala. We will be waiting for your good news." Mahabang paliwanag ni Lucio. What about me? Mapait na tanong ni Zendra sa kanyang isipan. Sa kabilang banda ay panatag na ang kanyang kalooban dahil maayos ang kalagayan ng kapatid. Pikit-mata nalang niya na pakikitungohan ng maayos si Kai Rowan para matapos na ang misyon niya. Pero ang tanong ay kung paano? Nahuli na siya ni Kai Rowan. At wala na itong tiwala sa kanya. Paano niya ito aakitin? At wala rin siyang balak dahil hindi niya kaya! Ewan at hindi niya alam kung bakit. Basta simula ng magdala ng mga malalaswang babae si Kai Rowan ng gabing iyon ay nandiri na siya at ni anino nito ay ayaw niya ng makita. Pero wala siyang magagawa! Kailangan niya harapin si Kai Rowan at ituloy ang misyon. Para narin niyang itinulak ang sarili niya sa kumunoy ng kamatayan! Gusto niyang tawagan si Brendon at sabihin dito na hindi muna sila magkikita ng isang taon. Pero biglang sumulpot si Kai Rowan at inagaw ang cellphone sa kanya! "I knew it, ngayon mo sabihin na inosente ka Zendra?" Galit na tanong ni Kai Rowan. At nagagalit na rin si Zendra. Bakit hindi siya pwedeng gumamit ng cellphone? "I'm innocent. I'm just calling my family. Kailan pa naging bawal ang tumawag sa kapamilya?" Ganting tanong ni Zendra. "You can't fool me. From now on ay hindi kana makakahawak pa ng cellphone." Sabi ni Kai Rowan. "Bakit hindi pwede? Pamilya ko ang tatawagan ko. Bahala kana kung ano ang gusto mong isipin sa akin Kai Rowan. I'm not a spy! Kung ayaw mong maniwala ay wala na akong magagawa." Galit na sigaw ni Zendra. Sasampalin na sana siya ni Kai Rowan pero natigilan ito at hindi itinuloy. Napapikit naman si Zendra sa sobrang takot. "You're lucky. Kung hindi ka lang protektado ay makakatikim ka ulit sa akin. But soon, he will die. Hahaha! That time ay wala kanang lusot sa akin Zendra!" Nakatawa nitong sabi at ihinagis ang cellphone ni Zendra sa malayo. Ngayon ay wala na siyang cellphone! Ni hindi man lang niya nakausap ang kapatid. "Hang in there Brendon. Sister will be back." Mapait na bulong ni Zendra. Pero sa kaibuturan ng puso niya ay hindi niya alam kung kakayanin ba niya. There's no escape, she's trapped in hell! Naguguluhan siya sa sinabi ni Kai Rowan. Hindi siya pwedeng saktan nito dahil protektado siya. At malapit ng mamatay! Sino? Tanong ni Zendra sa kanyang isipan.Chapter 12Hanggang sa loob ng sasakyan ay magkahawak kamay parin sila ni Kai Rowan!Hindi alam ni Zendra kung ano ang gagawin.Nakakabigla! Sigaw niya sa kanyang isipan."Are you hungry?" Tanong ni Kai Rowan na bumasag sa kanilang katahimikan.Nagulat naman si Zendra dahil malambing ang boses ni Kai Rowan.Kahapon lang ay iba ang trato nito sa kanya at palaging si Queen ang kalambingan nito. Parang ibang version na Kai Rowan ang nasa harapan niya ngayon!"Hindi masyado, pero parang nagugutom din." Alanganin na sagot ni Zendra.Mas lalo lang siyang nagulat ng biglang tumawa si Kai Rowan!Yong tawa na mabibighani ka. Pati pagtawa nito ay ibang-iba."You're funny, are you nervous?" Muling tanong ni Kai Rowan.Oo! Sigaw ni Zendra sa kanyang isipan. Pero hindi niya masabi dahil parang natameme na ata siya.After how many years..."Ah, naninibago lang ako. Galit na galit ka sa akin kahapon lang. Ngayon ay biglang nag-iba ata ang ihip ng hangin." Sa wakas ay nakapagsalita na rin si Zendra
Chapter 11Kahit naguguluhan at nalilito sa biglaang pag-iba ng ihip ng hangin ay masaya si Zendra dahil pabor sa kanya. Makakauwi na rin siya sa wakas! Nagpapasalamat siya sa mga bodyguards ni Kai Rowan at hindi siya iniwan. Talagang siya ang sadya ng mga ito dahil hinintay talaga siya at naka escort pa ito palabas ng bahay."Damn! Where's Kai Rowan?" Galit na tanong ni Queen.Humarang ito sa kanilang daraanan. Walang masabi si Zendra kundi ngiti lang talaga. Hindi niya alam kung bakit masaya siya! Basta ang pakiramdam niya ay parang nakalaya na siya sa pagkakabilanggo.She's free!At hindi ito nakaligtas sa mala-owl na mata ni Queen."You're so happy contract girl? I want to tear that smile!" Sigaw ni Queen.Susugurin na sana niya si Zendra ngunit napigilan siya ng baril!"If you want to live, back off." Kalmadong sabi ng bodyguard.Napatawa ng malakas si Queen. All her life ay wala pang nang insulto sa kanya ng ganito!She's the niece of the President! Kahit wala sila sa Pilip
Chapter 10Hindi na nga ginulo ni Queen si Zendra dahil sa utos ni Kai Rowan pero pinapahirapan naman niya ito ng husto. Bawal lumabas si Zendra. Hanggang bahay lang siya. Maganda naman ang vacation house ng mga Grey at mala-mansion.Yon nga lang ay hindi ma enjoy ni Zendra ang kagandahan ng kanyang paligid dahil kay Queen.Ginawa siyang maid nito! Masyado itong demanding at kung anu-ano ang inuutos sa kanya.Tulad ngayon na gusto nitong kumain ng sinigang na hipon. Akala ni Zendra ay makakalabas siya upang mag grocery pero false alarm lang pala.Kumpleto na sa rekados ang ibinigay ni Queen sa kanya. Hindi niya na kailangan pang lumabas. Lulutuin nalang ito pero ang problema ay hindi siya marunong magluto!Kahit itlog nga ay nahihirapan siya. Pumayat na din siya dahil hindi siya nakakain ng maayos. At dahil hindi siya marunong magluto ay noodles lang ang kinakain niya kapag wala ang dalawa.Matapos siyang palinisin ni Queen sa buong mansion ay palulutuin siya.Sa labas naman laging
Chapter 9Nakatulog si Zendra at ng maalimpungatan ay bumangon siya. Kukuha lang sana siya ng tubig pero hindi natuloy dahil may nakita siya na dalawang anino. Nag-uusap ang mga ito at napagpasiyahan niyang makinig!"You should kill that bitch or itapon ito palabas ng eroplano. Ipinatawag ko kayo rito, to do the job." Utos nito. Nakilala naman ni Zendra ang boses ni Queen. At tama nga ang hinala niya na mas malala ito sa lahat ng mga babae ni Kai Rowan dahil may lahi itong killer! Bigla siyang kinabahan para sa kanyang buhay. Pero kung matatakot siya ay hindi siya makakapag-isip ng tama para depensahan ang kanyang sarili. Parang basura lang siya kung ipatapon nito!Mag buddy nga sina Kai Rowan at Queen dahil parehong may criminal mind! Hiyaw ni Zendra sa kanyang isipan."But- baka magalit si Sir Rowan, Queen." Nag-aalalangan na sagot nito. Hindi alam ni Zendra ang mga pangalan ng alalay ni Queen. Obvious naman na makikilala niya ang boses nito dahil walang ibang pasahero kundi
Chapter 8Hindi na isinauli ni Kai Rowan ang cellphone na itinapon nito. Tuluyan ng nawalan ng kontak sa outside world si Zendra.Wala siyang choice kundi ipagpatuloy ang misyon. Kung ano man ang naghihintay sa kanya sa Europe ay hindi niya alam.Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas at mas lalo ng nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Siya itong maghihiganti pero tila nabalektad ang nangyari dahil nagdurusa siya ngayon!Paalam Brendon, bulong ni Zendra ng makaalis na sila ng mansion.Ang Lolo ni Kai Rowan ay masayang-masaya at excited sa kanilang honeymoon.Nagbilin pa siya kay Zendra na kailangan pagbalik nila galing sa Europe ay may apo sa tuhod na siya!Ngiti lang ang isinagot ni Zendra sa Lolo ni Kai Rowan. Wala naman sa kontrata na magpapaanak siya. Mabibigo ang Lolo ni Kai Rowan. Nag-aalala rin siya sa kalusugan nito dahil baka iba ang mangyari pagbalik nila. Gayunpaman ay ipinagdasal niya ito na maging malusog at gumaling na ang sakit.Hindi niya alam kung ano talaga
Chapter 7Kahit nahihirapan sa kanyang paghiga ay nakatulog naman ng mahimbing si Zendra. Ngunit ng magising na siya ay bangungot ang nasa paligid niya. Back to reality where she's losing hope but still hanging on. Manipis nalang ang pisi niya at malapit na itong maputol! Nagsisimula na siyang ma bored, mangamba at ma stress. Ilang araw na rin na wala siyang kontak sa pamilya. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng kapatid niya ngayon at kung tinupad ba ng kanyang Uncle Lucio ang pinagkasunduan nila.At alam niyang nag-aalala na si Brendon ngayon dahil ni text ay hindi man lang siya nagparamdam!Mas lalo na ang kanyang Uncle Lucio. Umaasa siya na dadalawin siya nito sa mansion at kamustahin. Kahit tungkol nalang sa plano nilang paghihiganti. Pero wala!Puno ng pag-aalala ang kanyang puso at isipan.Pero ang maamong mukha ni Kai Rowan kagabi ang hindi talaga mawala at lagi niya itong naiisip!Mas lalo siyang naguluhan.Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan at nakangising muk