INICIAR SESIÓNHana’s POV“Y-Yael, andito ka na pala,” halos bulong na saad ko, sobrang lapit na niya sa akin at tuwing hahakbang ako paatras ay mas lalo lang siyang umaambante. “B-Bakit hindi ka pa kumatok sa pinto, panigurado naman na pagbubuksan ka ni Yohan. Baka nga anino mo palang ang nakikita niya ay bubuksan na agad niya ng maluwag ang pinto.”Napangisi naman siya at tumayo na ng diretso.“Kararating ko lang din, hinahanda ko pa ang sarili ko kung ano ang sasabihin ko kay Yohan para hindi magbago ang isip niyang sumama sa akin at sakto naman na dumating ka. Sana sinabi mo para nadaanan nalang kita sa opisina ninyo at sabay na tayong nakarating dito,” saad niya at tumingin sa bahay. “Halika na, baka kanina pa naghihintay si Yohan sa atin.”Sumenyas siya na mauna na akong maglakad kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad sa unahan siya at pakiramdaman lang siyang maglakad sa likuran ko, tahimik lang kaming dalawa hanggang mabuksan ko ang pintuan ng bahay.Agad na bumungad sa amin si Yohan na k
Hana’s POV“Sigurado ka?”Kahit hindi ko siya nakikita sa mga oras na ‘to ay alam ko na gulat ang nakarihistrong ekspresyon sa mukha niya ngayon.“Sigurado ako,” saad ko at huminga ng malalim. “Sinabi sa akin ni Yohan kung gaano niya kagusto na sa’yo siya manatili habang wala ako sa tabi niya, ilang beses ko siyang kinausap ngunit ayaw niyang pumayag. Sa pagkakataon na ‘to, hindi ko na alam kung ano pa ang idadahilan ko sa kaniya.”“Hindi mo kailangan na magdahilan, Hana… Ayos lang talaga sa akin na sa bahay ko muna siya habang wala ka, promise aalagaan ko siya ng maayos na parang sarili kong anak.” Nagmamadali niyang saad.Aalagaan na parang sariling anak?Ilang minuto akong natahimik, kung alam lang niya ang bigat ng mga salitang binitiwan niya ngayon at ang epekto nito sa akin.“Alam ko na magiging maayos siya sa tabi mo, aminin ko man o hindi ay kilala kita at alam ko na mapagkakatiwalaan kita, Yael. Pero, hindi ba makakagulo si Yohan sa’yo? Abala ka rin sa new project ngayon, kah
Yael’s POV “Tito Yael, aalis po si mama kasama si tito Larry para sa business trip nila. Hindi ako kasama, wala akong kasama sa bahay namin at tanging mag-isa lang ako habang wala si mama. Natatakot po akong mag-isa, ‘yon po ang problema,” malungkot niyang saad na naging dahilan ng pagkuyom ng palad ko. Ano? Iiwan niya ang anak niya ng mag-isa para samahan ang boss niyang Ross na ‘yon, hindi talaga siya hahanap ng kapalit o magawa man lang na magpalusot? Isa pa, ano nalang ang sasabihin ng papa ni Yohan pag nalaman na iiwan ni Hana ang anak nila ng walang kasama sa bahay? Bata pa si Yohan, kahit sabihin na matured na siyang mag-isip ay iba pa rin ang araw-araw siyang mag-isa. Paano pag sumama ang pakiramdam niya, paano kung magutom siya at wala ng pagkain? “Kakausapin ko ang mama mo, sasabihin ko sa kaniya na natatakot ka at—” “Hindi na po kailangan, pumayag na po akong umalis siya,” saad niya, agad na pinutol ang sinasabi ko. “What, bakit ka pumayag kung natatakot ka na mag-is
Yael’s POVIlang araw ang lumipas, sa bawat araw na ‘yon ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magkita o magkasalubong ang landas naming dalawa ni Hana. Na miss ko na rin ang kaingayan ni Yohan, gustuhin ko man na dalawin siya sa school o bahay nila ay alam ko na magmumukha akong desperado.Pakiramdam ko ay ilang araw ng may kulang sa buhay ko, kahit anong patawag ko ng meeting hindi na si Hana ang pinapadala nila rito para pagusapan ang project. Ngayon, gusto ko pa na sisihin ang sarili ko sa mga pinagsasabi ko noon sa kaniya.Talagang humiling siya at tinotoo na hindi na siya ang magdadala ng mga dokumento na kailangan ko, kung alam ko lang na ganito pala kahirap na makasalubong ang landas naming dalawa ay sana hindi nalang sana ako nag sungit noon.Nagmamatigas pa kasi, sa huli ay ako rin itong nanglalambot ngayon dahil sa hindi namin pagkikita.“Sir Miller, andito na po ang mga tao sa Ross company,” saad ni Victor.Ang walang gana ko na katawan ay agad na napadiretso ng upo, ma
Hana’s POV“Ayos lang lahat, ngayon ay sigurado na walang malalang naging epekto ang aksidente at pagkakauntog mo,” Nakangiting saad ng doctor at tumingin kay Yael at Yohan sa gilid. “Kaunti lang ang nakuha mo sa mama mo, no? Ang papa mo ang kamukhang-kamukha mo,” saad niya at ngumiti.“Doctor, hindi po—”“Salamat po, hindi lang po kayo ang nagsabi,” sagot ni Yael at kinurot pa ang pisngi ni Yohan, para naman ang hindi makahinga sa sagot niya. Anong ibig sabihin noon, h’wag niyang sabihin na alam na niya ang tungkol kay Yohan?Paano, sigurado naman akong kahit minsan ay hindi ako nadulas na sabihin sa kaniya. Hindi ko rin hinayaan na maiwan mag-isa si Yohan sa tabi niya kaya paano niya malalaman?“Ooh, sabi na at hindi lang ako ang nakakapansin. Lalo na ang mga mata ninyo, kuhang-kuha ng anak mo,” dagdag pa ng doctor kaya tumayo na ako sa inuupuan ko.“May kailangan pa po kaming puntahan, salamat po,” paalam ko sa doctor at agad na hinila ang dalawa sa labas ng office nito.Nagtataka
Yael’s POV“We’re once co-workers, ma’am,” saad ni Hana na ikinawala ng ngiti sa labi ko.Co-workers?So, ‘yon lang talaga ang p’wede niyang ipakilala sa akin sa harap ng ibang tao. Isang hamak na naging katrabaho lang niya noon, at wala ng iba pa?Nakita ko rin ang pagkawala ng sigla sa mga mata ni mama, at kahit si papa na walang reaksyon simula pa kanina at seryoso lang na nagmamasid ay napatingin din sa akin. Napayuko ako at tinitigan ang kanin sa plato ko, kahit wala namang sagot doon o gamot sa nararamdaman kong bigat sa dibdib ko sa mga oras na ‘to.Gusto ko na tumawa at makisinggit sa usapan nila, pero paano ko pa gagawin ‘yon ngayon na mas nalalasahan ko ang pait ng kahapon kaysa sa masarap niyang adobo?“Oh…” Sambit ni mama na parang nawala bigla ang mga salitang kanina lang ay naguunahan sa paglabas sa bibig niya. “Gano’n ba, akala ko ay magkakilala kayo sa ibang paraan.”Ngumiti lang si Hana at umiling.“Nagkasama po kami bilang trainee sa isang branch ng Miller’s company,
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da







