LOGINYael’s POV“Sabihin mo, saan ka nagtratrabaho?” Pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib, bumalik ang kumpyansa niya sa sarili. Ang kanina pa niyang namumula na mukha ay muling nagkaroon ng pagmamataas ekspresyon. “Hindi mo masabi, bakit? Pangalan pa lang ay kilala mo na ang asawa ko, tama?”Humakbang siya pasulong hanggang ilang hakbang na lang ang layo niya sa amin ni Yohan, na agad na ikinahakbang ni Yohan papunta sa likuran ko. Ang maliit niyang kamay ay mahigpit na humawak sa dulo ng suits ko, nanginginig ‘yon at sigurado akong hindi ‘to ang unang beses na ginawa ‘to na kaniya ng mga tsismosa na ‘to.“Well, kung titignan ang suot mo ay mukhang sa business industry din gumagalaw ang mundo mo. Pero mukhang ‘to na ang last day mo na masuot ang business suits na ‘yan,” nanunudyo niya muling saad, kasabay noon ang nangungutya naman na tawa ng ilan sa kanila.Hindi ko na gusto noon pa man ang tabas ng dila ni Benitez, ngunit ngayon ay narealize ko na hindi lang pala siya kundi m
Hana’s POV “H’wag kang malikot doon, pag may problema ay mag message ka sa akin, okay?” Bilin ko habang nasa labas na kami sa bahay, nasa loob na ng kotse ni Larry ang mga bagahe ko habang nasa loob na rin ng kotse ni Yael ang mga gamit ni Yohan. “Okay po, mama. Mag ingat po kayo ni tito Larry sa byahe, magmensahe rin po kayo pag nakarating na kayo doon,” saad niya at mahigpit na yumakap sa akin. Hindi naman ako mawawala ng matagal, pero ganito pala ang pakiramdam na alam ko na ilang araw ko siyang hindi makikita. Nasanay ako na sinasama siya sa mga business trip ko, pero ngayon ay hindi p’wede ang bata sa location. “Ako na ang bahala sa kaniya, mag focus ka nalang sa trabaho mo, hindi ko naman pababayaan si Yohan. Marunong akong mag-alaga ng bata, isa pa, kukuha rin ako ng nanny niya para magbantay sa school,” seryoso na saad ni Yael ng makabalik sa tabi namin. “Nanny? Hindi mo na siya kailangan na kuhanan ng magbabantay sa kaniya sa school, matagal na siyang pumapasok sa school
Yael’s POV“Meeting adjourned,” saad ko at mabilis na tumayo mula sa upuan ko, inayos ko na rin ang suot ko na necktie at handa ng lumabas sa meeting room ng magsalita ulit ang isa sa kanila.“How about the west condominium we propose last week, when will you decide about it?” Salubong ang kilay na tanong ni Mr. Benitez. “Lagi mo nalang pinagpapaliban ang proposal na ‘to o sinasadya mo na baliwalain ang—”“Mr. Benitez, sinasabi mo ba na ginagawa ko lang na trip ang pag approve ng mga project na pino-propose ninyo?” Putol ko sa kaniya at diretso siyang tinignan, ang salubong niyang kilay ay agad na kumalma at napaupo siya ng maayos.Para siyang aso na bumahag agad ang buntot, dapat lang… Alamin niya kung sino ang dapat at hindi dapat niyang tinatahulan.“T-That’s not it—”“I will tell you what’s my decision about it tomorrow, I have something urgent to do,” saad ko at nagmamadali na naglakad habang nakatingin sa oras.Late na ako.~~~~~“You okay? How’s your day?” Salubong ko kay Yohan
Hana’s POVMas humakbang siya palapit sa akin dahilan para mas lalo ko na mahigit ang hininga ko, hindi naman siya lasing para umakto ng ganitong kaya mas lalo akong naguguluhan kung ano ang magiging reaksyon ko.“Talaga ba na hindi mo naiisip na hawakan ako o hindi mo man lang naiisip ang ginawa natin noon?” Bulong niya.Ang mainit niyang boses at malambot na labi ay parehong humahaplos sa tenga, mas mainit pa ‘yon sa singaw ng tubig sa shower. Sinubukan ko na kalasin ang braso niya sa bewang ko para makahakbang palayo muli sa kaniya, ngunit mas humigpit lang ang yapos niya sa akin.“Don’t try to run, Hana… Not again,” mariin niyang saad, titig na titig ang mga mata niya sa akin. “Don’t ever think you can escape tonight, not until you answer my question.”Paulit-ulit akong napalunok, kahit yata anong gawin ko ngayong araw ay hindi ko matatakasan ang tanong niya. Kahit yata anong gawin ko, hindi niya ako hahayaan na iwasan siya hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot mula sa akin.“H-H
Hana’s POVNatutop ko ang bibig ko, ang ngiti na nakapaskil sa bibig ko ay agad na nawala at napalitan ‘yon ng matinding kaba. Hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon, wala pa sa plano ko na aminin sa kaniya ang totoo.“A-Ang ibig po sigurong sabihin ni mama ay kung hindi niya tayo kilala ay baka mapagkamalan na niya tayong mag-ama lalo na kung tawagin kitang papa,” si Yohan na nakahalata yata na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “Mama, hindi pa rin po kami tapos na mag ayos ni tito Yael ng mga gamit ko. Hindi ba p’wedeng bukas nalang kami ng maaga umalis kasabay mo para naman hindi ka mag-isang matulog ngayong gabi?”Nakatingin sa akin ng puno ng pag-asa si Yohan, gustuhin ko man na tumanggi ay ilang araw akong mawawala. Tulad niya, gusto ko rin na matulog ngayon na kasama siya, wala naman sigurong mali kung hayaan ko na rito matulog si Yael ngayong gabi.“Ayos lang naman sa akin, pero walang dalang damit si Yael para ngayong gabi dahil wala naman sa plano niya na rito matul
Yael’s POV“Kung ganoon po, mahal mo pa rin ba si mama?” Tanong niya, tagilid ang ulo na hinihintay ang sagot ko. “Ilang taon na ang lumipas, gusto mo pa rin ba si mama?”Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon, paano ko ba sasagutin ang tanong niya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko ng ikwento ko sa kaniya ang tungkol sa nakaraan naming dalawa ng mama niya, pero ngayon na may tanong siya tungkol na totoong nararamdaman ko ay hindi ko na alam ang isasagot ko.“Mahalaga pa ba kung mahal ko pa siya o hindi na?” Alangan na tanong ko sa kaniya at ginaya ang pagsalampak niya sa sahig na mayroong fur blanket, tumabi ako sa kaniya at pinaglaruan ang malambot niyang buhok. “Kung may nararamdaman pa ako sa kaniya o wala na, wala na rin namang magagawa ‘yon lalo na at magiging ayos na siya ng papa mo.”“H-Huh?” Naguguluhan na tanong ni Yohan at titig na titig sa akin, ngunit ilang segundo lang din ang tinagal ng kaguluhan sa ekspresyon niya ng animo’y may maalal
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya







