Tazanna POV
Halos hindi ko mabilang kung nakailang buntong-hininga na ba ako ngayong araw. Naiinis pa rin ako kay Kaizer, kaya hindi rin ako maka-focus sa klase. I should be thankful na walang masyadong ginawa sa araw na 'to.
"Tazanna, uuwe kana ba?" Sinulyapan ko ang mga pinsan ko. Mukhang kakatapos lang din ng klase nila.
Halos dito nagtapos ang mga kapatid namin sa BU. Well, except Kuya Tristan na sa ibang bansa nag-aral dahil do'n raw ang pangarap niya.
"Tapos na kayo?" Tanong ko kay Syxiantall.
"Yeap. How about you?" Sagot nito.
"Oo. Pauwe na nga." Lima lang kaming babae sa aming magpi-pinsan. Karamihan kasi ay lalaki, tapos puro panganay pa tapos babae ang bunso.
"Sayang. Akala ko pa naman makakasama ka." Nakasimangot na sabi ni Syxiana.
"Saan ba kayo pupunta?" Nagtataka kong tanong. Nagkatinginan silang tatlo.
"Sleepover sa bahay nina Sylvanna." Sagot naman Sybella.
"Nadyan na pala si Kuya Sylvan." Nakangiting kumaway si Syxiana kay Kuya Sylvan. Mukhang naunang umuwe si Sylvanna kanina o hindi siya pumasok?
"May sundo ka ba ngayon, Tazanna?" Tanong ni Kuya Sylvan nang tuluyan kaming mapalapit.
"Opo. Actually I'm waiting for them, I maen... kuya Ellison and Ashton." Nakangiti kong sagot. Ginulo niya ang buhok ko. Madalas talaga niyang gawin iyon kahit isang taon lang naman ang agwat namin.
"Nandiyan na sila." Turo niya sa dalawa kong kapatid na papalapit sa amin.
"Are you sure, Taz, na hindi ka sasama?" Paninigurado ni Syxiantall.
"Siguro sa susunod nalang." Mahinahon kong sagot. Ngumiti ako para ipaalam na okay lang sa akin.
"Okay? Promise iyan, ha?" Tumango lang ako bilang sagot. Nakalapit na rin sina Kuya Ellison and Kuya Ashton na mukhang naging abala rin sa pakikipag-usap kay Kuya Sylvan.
"Yeah, sure. Matagal na rin naman tayong hindi magkakasama kaya mas maganda iyon. Just inform us kapag hindi na drawing, loko!" Natatawang asar ni Kuya Ashton kay Kuya Sylvan.
"Oo na. Alis na kami, nasa bahay pa si Hyacinth at baka awayin na naman ako." Nakangiti niyang paalam sa mga kuya ko. Ganoon din ang mga pinsan kong babae na yumakap muna sa akin bago tuluyang pumasok sa dalang Van ni Kuya Sylvan.
"How's your day?" Tanong ni Kuya Ellison.
"Fine." Alam kong mahahalata na naman niyang wala ako sa mood dahil siya lang naman ang madalas makabasa ng mood ko.
"Fine, ha? Nag-away na naman ba kayo?" Doon ko lang nagawang sumulyap sa kanila nang marinig ko rin ang inis na pagtawa ni Kuya Ashton.
"Of course not! Okay kami."
"Stop it, Tazanna, you're not good at lying." Si Kuya Ashton na mukhang napipikon na. Alam kong hindi sila magkasundo ni Kaizer at iyon talaga ang iniiwasan ko minsan. Ang hirap mamagitan kapag parehong mahalaga sa 'yo.
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Kuya Lawrence.
"Nag-aaway ba kayo?" Tanong nito nang makalabas sa sasakyan.
"Hindi naman po."
"Ashton?" Kalmado ngunit may pagkaseryoso niyang tawag sa pangalan ni Kuya Ashton.
"Nothing, bro. Tara na." Nanguna siyang pumasok sa loob, na agad namang sinundan ni Ellison. Hindi ko sila masisisi kung bakit mabilis silang mainis kay Kaizer.
"Let's go, baby?" Tanong ni Kuya Lawrence na pinagbuksan ako nang pinto. Tumango lang ako at tahimik na umupo sa unahan.
Dadaan muna kami sa bahay para magpalit ng damit. Naka school uniform kaming tatlo samantalang naka white polo naman si Kuya Lawrence.
"So how's your day?" Basag ni Kuya Lawrence sa katahimikan naming tatlo.
"Okay lang naman po, medyo nakakapagod pero masaya naman. Oo nga po pala, p'wede bang samahan mo ako sa weekends, Kuya? Kailangan kong bumili ng books for my other subjects." Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong gusto ko sa college.
Basta ang alam ko mahilig lang talaga ako sa Korean Movie, at siguro dahil sa pagtambay ko sa office room ni Dad, doon ko naisipan na kunin itong course. At first, I'm not really interested about law or even political issues. Not until one day I realized na dapat I have goals in life.
Habang tumatagal, madami akong napapansin para ipagpatuloy ko ang pangarap kong maging Lawyer.
Law as a means of Serving Justice.
Fight for those who lost, Be the voice for those people who can't speak, inspired those people who gave up, and stand up for powerless. Iyon ang nabasa ko sa books ni Dad.
Gusto kong maging lawyer, not because dito nakilala ang pamilya ko. Gusto kong maging lawyer dahil gusto kong ipaglaban ang mga taong hindi kayang lumaban para sa sarili nila.
I realized that hindi lahat ng tao pinanganak na kagaya ko. Hindi lahat nagkakaroon ng hustisya, my heart is for the people na laging sinasabi na "mayayaman" lang ang nagkakaroon nang hustisya. I want to to fight for the equity and Justice.
Ano naman kung nasa marangya at masaya kang pamilya kung ilan sa kababayaan mo ay naghihirap at pilit nakikipagsapalaran sa hirap ng buhay?
Those people who's silently praying and begging for justice na hindi sa kanila maibigay?
"Hey, are your okay? Kanina pa kita tinatawag." Doon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng bahay. Masyado akong nadala sa mga iniisip ko.
"I'm sorry.. sige magpapalit na muna ako." Paalam ko bago tuluyang lumabas sa kotse. Nadatnan ko si Manang na naglilinis sa may Sala habang nanonood naman si Yaya Emily. Anak ni Manang.
"Magandang hapon po, Ma'am Tazanna." Ngumiti lang ako bago tuluyang umakyat sa kuwarto. Nasa 3rd floor ang room ko kaya madalas tamad talaga akong bumaba.
Hindi rin ako mahilig magsuot ng maiksi or masyadong sexy, I am more comfortable kapag Jeans and Shirt lang. Pero, dahil family dinner namin ngayon, siguro a simple light blue dress is enough. Hindi rin naman ako bawal magsuot nang kahit ano, ako lang talaga iyong may ayaw dahil nasanay akong puro shirt and Jeans lang.
Naglagay rin ako nang lipstick and powder para hindi ako maputla tingnan. Well, half-Spanish si dad kaya walang masyadong Moreno/Morena sa amin. Siguro si Kuya Tyler pero hindi naman din masyado.
Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin bago tuluyang bumaba. Kagaya nang inaasahan ko, nasa loob na ng kotse sina Kuya Ellison at ako lang ang hinihintay nila.
"Sorry. Nahirapan akong maghanap ng isusuot ko e." Ewan ko rin ba. Iyong madami naman tayo maisusuot na damit pero nahihirapan pa tayong mamili kung ano ang isusuot natin?
"It's okay.. wala ka bang naiwan?" Umiling ako bilang sagot.
Kapag may family dinner kami ginagawaan namin ng paraan para magkasama-sama kami.
Busy talaga ang mga magulang namin. Dad being a lawyer at si mom naman na umaasikaso ng business namin. Mabuti nalang at nagtapos ang iba sa kuya ko para maghandle ng iba naming negosyo.
May Hacienda ang lolo at lola ko pero hindi ko alam kung sino ang namamahala sa ngayon. All I know is si kuya Lawrence and Vaughn ang namamahala sa Breevort Hospital.
Pinagbukasan ako ni Kuya Lawrence na madalas naman niyang ginagawa. He's gentleman not unlike.. nevermind.
Hindi ko alam kung paano sila nagkasundo ni Kuya, may pagkaseryoso si Kuya samantalang ang isang iyon, kulang nalang ata malagay sa mental hospital. Teka nga? Bakit ko ba iniisip iyon?!
"Argh! Hindi nga siya nagpaalam kanina na aalis eh!" Inis kong bulong, na mukhang narinig ng ilan sa mga kuya ko.
"Who?" Nakangisi na namang tanong ni Kuya Tyler.
"Boyfriend niya ata." Mabilis naman na sagot ni Kuya Ashton.
Hinintay nila kami sa labas para sabay-sabay na raw kaming pumasok sa loob ng restaurant. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makita ang ilan sa kababaihan na nagbubulungan. Ikaw ba naman ang pinapalibutan ng mga gwapong lalaki?
"Hindi!" Wala akong balak na pag-usapan namin si Kaizer ngayon. Ayaw kong mas lalong mainis si Kuya Ellison and Kuya Ashton sa kaniya.
"E 'di sino?" Mukhang ipagpipilitan na naman nila kung sino ang tinutukoy ko.
"Good evening, Mom. Good evening, Dad." Bati ko nang salubungin kami nina mommy.
Gusto ni Dad sa mga Spanish restaurant kaya hindi na ako nagtataka kapag ganitong mga family dinner or some simple celebration.
"Good evening, Sweetie, you're so gorgeous." Napangiti nalang ako bago tuluyang maupo.
Namana ko kay mommy iyong pagkasingkit niya, while kay dad naman iyong makapal na kilay at pilik mata. Sabi nila kay Daddy talaga ako nagmana pero iyong iba naman ay kay Mommy. Wala namang problema sa akin kung kanino o saan ako nagmana e, ang mahalaga maganda at guwapo ang magulang ko.
Madami kaming napag-usapan habang kumakain. Tawanan at asaran nanaman ng mga kuya ko hanggang sa napunta sa akin ang usapan.
"So how's your day, hija?" Ganyan lagi ang tanong nila sa akin. Wala naman sigurong masama kung kamustahin nila ang araw ako. Medyo nahihirapan lang akong sumagot sa ngayon.
"Ayos naman po, Mom." Nakangiti kong sagot.
"How about your boyfriend? Isang beses lang namin siyang nakita ng dad mo." Mahinahon na sagot ni mommy.
"Medyo busy po k-kasi siya, Mommy.." Nahihiya kong sagot.
Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming matigilan sa babaeng sumisigaw.
"I'm begging, Chelsea... Ikaw nalang ang meron ako..." Ramdam ko ang lungkot at bigat ng loob niya habang nakaluhod sa babaeng sumisigaw kanina.
"Ano pa ba ang hindi mo maintindihan sa hindi ikaw ang ama ng dinadala ko. Damn it, Zeldrich! Nakakasawa na!" Ramdam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa nakikita ko. Alam kong ganoon din ang mga kuya ko na pare-parehong natigilan.
"Ano ba ang dapat kong gawin para manatili ka? Titiisin ko lahat ng sakit, kaya kong magpakatatay sa dinadala mo, kahit masakit pipilitin ko, Basta lang manatili ka sa tabi ko, Chels--"
"Ikakasal na kami! Ginamit lang kita, Zeldrich! Alam kong mahal mo ako pero hindi na kita mahal. I-I don't love you... anyway..." Para akong nanonood ng Korean drama. Nananatiling nakaluhod ang lalaki habang nakayakap sa hita ng babae. She's lucky-- pero sinayang lang niya.
"Let me go, Zeld!" Sigaw ulit nung babae at inis na inalisang pagkakayakap sakanya nung lalaki.
"Chels....please.." Tuluyan nang nakaalis ang babae habang mananatili nakaluhod naman ang lalaki.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. It's my first na makakita ng lalaking handang patawarin ang babaeng mahal niya. I mean, hindi ko pa naman naranasang lokohin pero sa nakikita ko, halatang sobrang mahal niya iyong babae.
"Sir, tumayo na po kayo. Umuwe na po tayo." Mukhang body guard niya ang lumapit dito.
Halata naman sa lalaki na mayaman siya, siguro hindi lang talaga sila para sa isa't isa. Minsan nasa atin na ang lahat, pero may isang bagay na gustuhin man nating makuha, mukhang malabo lalo na kung hindi talaga para sa 'yo ang bagay na 'to.
Hindi ko magawang makisabay sa mga kuya ko lalo na at naging usapan nila ang nangyari kanina lang. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala si Kaizer.
Hindi ko alam kung ano rin ang nararamdaman ko kapag manloko siya? Well, kung sakali man na makabuntis din siya, I will choose the rights thing to do. Gusto kong panagutan at maging ama siya sa magiging anak niya.
Bakit ba hindi ko maalis sa isip ko iyong lalaki kanina? Pakiramdam ko ako ang nasasaktan sa kanya.
--------
To be continued.....