After our family dinner we decided to go home since pare-pareho rin naman kaming napagod.
Wala naman kaming ginawa sa school kanina pero parang sobrang pagod ko. Sinulyapan ko ang phone ko pero wala pa rin siyang message sa akin.
"Well, kung ako rin naman ang lalaking iyon. Gagawin ko ang lahat para lang manatili siya." Natigilan ako sa biglang sagot ni Kuya Tyler. Iyong lalaki pa rin kanina ang pinag-uusapan nila.
"Luluhod para lang manatili siya? I don't believe you." Nakangiti kong sagot. Katabi ko si Kuya Lawrence na nakaakbay sa akin habang nasa kaliwa ko naman si Kuya Ellison na nakapatong ang ulo sa balikat ko.
"Then, don't. Basta wala akong hindi kayang gawin para sa babaeng mahal ko." Nagtawanan ang iba sa mga kuya ko kaya hindi ko mapigilang hindi magtanong pa.
"Paano kung ayaw na niya? Kagaya ng nakita natin kanina?"
"I know that guy, he's from engineering department." What?
"Braxton University?" Tanong naman ni Kuya Lawrence.
"That's why he's familiar." Si Kuya Javier na nakasandal sa single sofa.
"Ha? I don't get it? What do you mean, Kuya Ellison?" Nagtataka kong tanong.
"I'm not sure about it, okay?" Natatawa niyang sagot.
"Nasa engineering iyon. Sa sobrang laki ng university, malabong makilala mo siya." Dagdag naman ni Kuya Ashton.
"Sa bagay and I-i am not interested about him. Bakit siya pa rin ang usapan?" Nahihiya kong tanong.
I mean, hindi naman tama na pag-usapan namin ang lalaking iyon.
"Not interested daw.. ikaw kaya ang nagtatanong kanina." Napanguso nalang ako nang magtawanan sila. Sa totoo lang masaya ang pamilya namin.
Hindi kami iyong magkakapatid na laging nag-aaway. We always talk and asked each other kapag may napapansin kaming mali.
We're family after all. Kami-kami lang din ang nagdadamayan. We talk about a lot of things and sometimes walang kuwenta talaga iyong pinag-uusapan naming magkakapatid.
"Matulog na kayo at maaga pa ang mga pasok niyo." Si mommy na mukhang bumaba lang para pagsabihan kami.
"Si kuya Tyler kasi mommy." Nakangiti kong sagot.
"What about him, baby?" Malambing na tanong ni mommy habang hinahaplos ang mahaba kong buhok.
"Luluhod daw siya sa babaeng mahal niya o babaeng papakasalan kung sakaling aalis ito." Natatawa kong dagdag.
"Hanap muna siya ng girlfriend." Dagdag naman ni Kuya Kenn.
"Yeah right. Girlfriend muna bago kasal." Nagtawanan kami dahil mukhang kay Tyler na naman mapupunta ang usapan.
Napunta sa asaran ang seryosong naming usapan kanina. Hindi ko lang alam kung ilang oras ang nakalipas bago kami magpasyang umakyat sa kanya-kanyang kwarto.
It's already 9 in the evening pero, wala pa rin talagang message si Kaizer.
I don't really know if he's busy or what? Napabuntong-hininga muna ako bago pindutin ang call.
"H-hello.. hey stop it." Mariin akong napapikit nang marinig ko ang ingay sa kinaroroonan niya. Busy with his chicks, I guess?
I decided to end my call. I don't want to talk to him anyway.
I don't really get it? Bakit may mga lalaking pumapasok sa isang relasyon pero hindi naman kayang panindigan ang pinasok nila? When they're not happy with their relationship anymore bakit pa sila mananatili? Siguro bored?
Iritado akong nahiga sa kama ko. To be honest, I'm not happy anymore. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali. Kung saan kami nagkulang para umabot kami sa ganito.
I'm still hoping na magbabago siya pero mukhang bumabalik na naman siya sa dati.
Tama nga si mommy, parang novel lang naman talaga ang buhay pag-ibig. Minsan maghihiwalay para makakilala ng panibagong character sa story, panibagong scene para mas gumanda at madaming matutunan na aral.
Just like my relationship with Kaizer, maybe there will be a twist in the middle of out story. P'weding kami talaga sa huli at p'weding hindi kami.
Love is not about "Siya ang nauna kaya nasa tamang tao na ako." Siguro kung sino ang mananatili at tanggap ang buo mong pagkatao.
Inabala ko lang ang sarili kong mag-isip hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
***
KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga kuya ko. Wala namang bago doon. Tumayo na lamang ako at dumretso sa banyo. Hindi maayos ang tulog ko pero hindi naman problema iyon since maliit lang ang subject ko today.
Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis para hindi kami mahuli sa klase. I don't know kung sino ang maghahatid sa amin ngayon.
"Good morning!" Napangiti nalang ako pagkalabas ko ng kwarto. Magkatabi ang kwarto namin ni Kuya Tyler kaya minsan nagkakasalubong talaga kami.
"Walang pong maganda sa umaga kapag ikaw ang bungad. Hahaha!" Natatawa niyang ginulo ang buhok ko bago umakbay sa akin.
"Talaga lang ha? Pasalamat ka nga may gwapo kang kuya e." Mas lalo akong napangisi.
"Mas maganda pa rin ako." Sabay kaming bumaba dahil mukhang kami lang ang hinihintay nila.
"Good morning, nahuli ata kayo?" Kuya Jonathan.
"Hindi lang maagang nagising." Si Kuya Tyler na inalalayan akong maupo sa tabi ni Kuya Jace.
"How's your sleep? Hindi ka ata nakatulog ng maayos?" Nagtatakang tanong ni Kuya Jace.
"Hindi naman po talaga. Pero maaga ang off ko kaya matutulog nalang ako after school." Sagot ko.
"Oo nga pala, dito raw matutulog ang mga pinsan natin." Si Kuya Ashton na mukhang ngayon lang naalala ang pinag-usapan nila ni Kuya Sylvan.
"When?" Si Kuya Lawrence na kasabay lang sina mommy at daddy na bumaba.
"Weekends? Movie marathon daw ang girls. I don't know kung ano ang atin." Madalas talaga kaming magkakasama kapag nandito kami. Madalas kasi nasa ibang bansa kaming magkakapatid kapag summer or vacation.
"Matagal pa naman ang weekends. Madami naman kayong p'weding gawin." Madami naman talaga silang p'weding gawin since may court, pool, gym and etc. Ang bahay namin. I don't consider it as mansion pero madami kang p'weding puntahan o gawin sa sobrang dami ng rooms.
"Nagkita na ba kayo ni Sylvanna?" Umiling ako.
Sa Spain kami galing this summer kaya nga sa video call ko lang nakikita si Kaizer at iba sa mga pinsan ko.
"Hmm.. hindi pa rin ba kayo bumabalik sa dati?" Nagtatakang tanong ni Kuya kenn.
"Busy lang siguro siya, isa pa ayos na kami." Pagsisinungaling ko. Tumango lang ang iba sa mga kuya ko bago magpatuloy sa pagkain.
"Mom, are you okay?" Tanong ko nang mapansin ang pananahimik niya.
"Oo naman. Iniisip ko lang iyong pag-alis namin ng dad mo." Nagkatinginan muna kaming magkakapatid bago muling magtanong.
"Saan kayo pupunta this time?" Sanay naman kaming laging silang umaalis. Alam namin na madami silang inaasikaso kaya dapat naming intindihan iyon.
"May inaasikaso lang kaming farm business sa Mindanao. Malapit lang naman." Biro niyang sagot. Napataas ang kilay ko. Siguro epekto lang ito nang walang maayos na tulog. Lahat nalang weird.
"Anong malapit doon e sasakay pa rin naman kayo ng airplane." Natatawa kong biro.
Napasulyap ako kay daddy na mukhang hindi nakikinig sa usapan namin. Alam kong hindi lang ako ang nakapansin sa kinikilos nila ni mommy.
Hindi naman talaga maiiwasan na magkaroon sila ng problema. Lalo na at hindi iisang business ang inaasikaso nila. Bukod sa hospital and school may work din silang inaasikaso.
"Wala ka bang napapansin kay Mommy and daddy?" Nagtataka kong tanong kay Kuya Jonathan. Siya ang naghatid sa aming tatlo dahil madaming pasyente si Kuya Lawrence at hindi niya 'to p'weding pabayaan nalang.
"Ayan ka na naman sa mga iniisip mo. Siguro may problema sa kasong hawak ni dad." Napaisip din ako. Sa bagay may mga hinahawakang kaso si Daddy na medyo mahirap din talaga.
Magsasalita pa sana ako nang bigla kong mabasa ang message ni Kaizer.
Babe:
"Where are you? Can we talk after your class? I miss you."
Kumunot ang noo ko. Dapat masaya ako sa nabasa ko. Pero bakit pakiramdam ko wala akong maramdaman?
Sa totoo lang masaya naman talaga ang buhay na meron ako. Nakukuha ko ang mga gusto ko pero hindi naman ako spoiled brat na panay kuha nang kung ano ang naiisip ko.
Sabi nila ang s'werte ko dahil nasa akin ang lahat. Pero tanging sa Lazarus lang ako masaya. May mga pinsan ako sa mom side na hindi ko talaga kasundo. I mean, they don't like me dahil malaking kasalan na para sa kanila ang pagsagot ko kay Kaizer as my boyfriend.
"Mukhang may nakagawa ng kasalan tss." Kunot noo rin akong bumaba ng sasakyan nang madatnan ko si Kaizer na nakatayo habang may hawak na bulaklak. Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya.
"Take care of her." Paalala ni Kuya Jonathan kay Kuya Ellison. Overprotective masyado, akala naman nila mawawala ako kapag maalis ang mata nila sa akin.
"No. I can handle it." Ayaw mong makipagtalo na naman si Kuya Ashton kay Kaizer.
"Tss. Una na kami." Si Kuya Ashton na sinama pa si Kuya Ellison. Napabuntong-hininga na lamang ako nang lampasan nila si Kaizer.
"Anong ginagawa mo--"
"I'm sorry." Mabilis niyang sagot sa akin.
"Sorry for what?" Nagtataka kong tanong.
"I love you, Tazanna, I'm sorry kung lagi kong inuuna ang galit ko--"
"Magsosorry ka tapos gagawin mo ulit?" Seryoso kong tanong.
"No. Naisip ko lang na hindi na tama ang ginagawa ko. Gusto kong maging sapat sa 'yo, Tazanna, ayaw kong mawala ka sa akin." Emosyonal niyang saad.
"Tazanna--"
"No. I want to end this, Kaizer. Nahihirapan akong intindihan ka, gusto kitang intindihan pero ayaw kong umabot sa puntong tatalikuran ako ng sarili kong kapatid dahil lang sa ikaw ang pinipili ko lagi. If you want to change, then go. Pero magbago ka para sa sarili mo. Be a better person, Kaizer." Mabilis kong sagot. Buo na ang desisyon ko.
"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong.
"Let's end this. Tapusin na natin 'to--"
"No. Dalawa tayong nasa relasyon na 'to, Tazanna." Emosyonal niyang sagot.
"Kaya nga e, dalawa tayong nasa isang relasyon pero bakit parang ako lang ang lumalaban? Napapagod na akong ipaglaban ka sa pamilya ko. My dad is asking about you, Kaizer. Gusto ka nilang makilala pero ikaw ang may ayaw. Lagi mong iniisip na maliit lang ang tingin nila sa'yo. Gusto kong tapusin 'to--"
"I said no. Kung hindi mo na ako mahal, kung pagod kana, then rest. Ako muna ang lalaban para sa relasyon natin, Tazanna." Mabilis niyang sagot na nagpatig sa akin. Bakit kung kailan pagod na ako saka pa siya nagkagan'to?
----------
To be continued..