LOGINHalos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya.
“Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.” Ngumiti lang si Trixie. “Flight ko na kasi mamaya, may business trip ako. Two days pa ko bago ko makabalik, kaya baka naman pwedeng ikaw na ang mag balik kasi favorite necktie niya to eh” Agad niya itong inabot kay Stacey at wala ng nagawa pa ang babae dahil nilagay na ito mismo sa kamay niya. Nakita ni Trixie ang hawak na folder ng babae, agad niyang inunat ang kanyang kamay para maabot ito. Ngunit mas mabilis si Stacey at agad na niyakap ng mahigpit ang folder niya, naglalaman ito ng mahalagang dokumento. Mas importante para sa kanya na matapos ng maayos ang project ng kumpanya kaysa sa walang saysay na pang aasar ng babaeng nasa harapan niya. “Dinala mo iyan dito para ipakita sa akin, hindi ba?” malambing na sabi ni Trixie. Natigilan si Stacey. “Si Miss Rochelle ang dating kausap namin tungkol sa project, tama? Hindi ba niya nabanggit sayo ang tungkol sa akin?” Naalala ng babae ang sinabi sa kanya noon ng kaibigan. May bagong supervisor daw na dumating sa tourism department ng kumpanya. Maganda, bata at medyo may hawig pa raw sa kanya. Kung noon ay hindi niya ito binigyan ng pansin, dahil sa dami naman ng empleyado sa kumpanya hindi niya akalain na si Trixie pala ang tinutukoy nito. Habang nag-iisip siya, walang paalam na kinuha ng babae ang folder at binuklat iyon. “Miss Stacey, narinig kong kilala ka sa larangan ng restoration at may magaling ka pang naging mentor. Pero hindi naman tugma ang proposal mo sa direksyon ng tourism department namin” puna ng babae. “Hindi ba inform sayo na hindi kami nag hahanap ng restoration. Ang kailangan namin at isang selling point.” Pagkatapos nito, ibinalik ng babae ang folder sa kanya. “Sa susunod nating pagkikita, umaasa akong may bago ka nang proposal. Dahil kung hindi wala ng kwenta kung itutuloy pa ang partnership nito” Matapos siyang pagsabihan ng babae ay taas-noo itong umalis. Samantalang naiwan si Stacey na nakatitig sa proposal na ilang araw niyang pinaghirapan. Sa mga simple mga salita ni Trixie tila lahat ng pagod niya ay parang bula na biglang naglaho. Pero wala siyang magawa. Kinakatawan ito ng kumpanya, tahimik siyang tumingin sa hawak niyang dokumento at sandaling nag isip.Nang iangat niya ang tingin, nakita niya ang transparent elevator ilang metro ang layo sa kinatatayuan niya. Pababa na ito at sakay nito ang asawa niya at babaeng kanina lang ay kaharap niya.Huminto ang elevator sa isang palapag at may ilang empleyado ang sumakay.May isang lalaking gustong tumabi kay Trixie.Pero nakita agad iyon ni Franco.Agad itong lumapit at tumayo sa harapan ng babae. Napakalapit nila sa isa't isa.Maliit at marupok tingnan si Trixie, parang isang babasaging vase kung protektahan.Samantalang si Francis naman ay nakatayo sa tabi ng salamin, isang kamay ang nasa bulsa. Malapad ang balikat, makitid ang baywang, at taglay pa rin ang malamig ngunit marangal na aura.Isang sulyap lang ang ibinigay ni Stacey bago siya umiwas ng tingin.Nakakapagtaka dahil mas kalmado na siya ngayon. Hindi tulad noong gabing umuulan at halos hindi niya makontrol ang sarili niya emosyon. Pagbalik niya sa studio, agad niyang itinapon ang dating proposal at nagsimulang gumawa ng panibago.Paulit-ulit siyang nagsulat, pero wala ni isa sa ginawa niya ang pumasa sa panlasa niya. Natapos na ang office hours, hindi na nag paalam si Roan at agad na siyang umuwi. Samantalang si Stacey ay nanatiling nagsusulat hanggang inabot na siya ng gabi. Pumunta siya sa pantry ng office para uminom ng tubig, pagkatapos nito ay may tao siyang tinawagan. “Tungkol sa cultural products project ng museum na Bagong Buhay ng mga Artefakto... gusto rin naming sumali ng Rebirth of Cultural Relics.” “Ako na ang gagawa ng design. Pagkalipas ng kalahating buwan, dadalhin ko mismo sa inyo ang proposal.” ilang segundong tahimik ang kabilang linya bago ito nagtanong. “Stacey, kailangan mo ba ng pera?” “K-kailangan? Hindi naman...” mahina niyang sagot. Lalong lumamig ang boses ng kausap niya. “Kasi nung nakaraan lang ikaw mismo ang tumanggi sa project na yan, hindi ka nga nag dalawang isip eh. Pero bakit biglang nagbago ang isip mo ngayon?” Kinagat ni Stacey ang kanyang labi. “Kapag hindi ako sumipot sa pagkakataong ito…hindi mo na ako makikita ulit.” Muling natahimik ang kabilang linya.Pagkatapos ay ibinaba nito ang tawag.Alam niyang pumayag na ito.Bahagya siyang ngumiti.Pagkatapos ay tumingin siya sa kalangitan sa labas ng bintana.Maliwanag ang gabi dahil punong-puno ng bituin ang madilim na langit. At bigla niyang naalala ang mga sinaunang beads na may ukit ng mga konstelasyon.Biglang lumiwanag ang mga mata niya.Parang konektado ang mga bituin at ang mga sinaunang perlas sa paglipas ng panahon. “Isang Libong Taon ng Ningning ng mga Bituin…” Mahina niyang binigkas ang pangalan. “Ito na ang magiging tema.” Ang cultural town na itinatayo ng Mondragon Corporation ay may mahigit isang libong taong kasaysayan.Perpekto ang temang iyon.Agad siyang bumalik sa harap ng computer at sinimulang ayusin ang proposal. Masyado siyang nakatutok sa trabaho kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Christian. “Madam, susunduin ko na po kayo.” Agad na tumayo si Stacey. Sasabihin pa naman sana niya na hindi siya uuwi ngayon pero naalala niya ang necktie ng asawa niya. Kaya binuksan niya ang drawer kung saan niya ito tinago at kinuha ito. Matalas ang mata ni Christian, agad niyang naintindihan niya ang sitwasyon. At tulad ng dati hindi na siya nag tanong pa.Tahimik siyang tumalikod. Sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng kalsada, nakaparada ang Rolls-Royce.Bahagyang nakabukas ang bintana.Kita ang malamig at matigas na side profile ng kanyang asawa. May sigarilyo sa pagitan ng mahahaba nitong daliri habang tahimik na nakatingin sa isang convenience store sa di kalayuan. Nang lumapit ang babae, dala niya ang malamig na hangin ng gabi.Sumakay siya sa kotse at naupo sa kabilang side.May bakas pa rin ng alaala ng gabing iyon sa loob ng sasakyan. At ngayon, tila lalo iyong naging mapait.Hindi siya tumingin sa lalaki.Tahimik niyang inilagay ang necktie sa tabi nito. “Pinapabigay ng babae mo naiwan mo raw sakanya.” Mahina ang boses niya ngunit malamig.Napatingin si Franco sa necktie.Saglit siyang natigilan.Pagkatapos ay kumuha siya ng wet tissue, pinulot ang necktie, at itinapon iyon sa labas. Diretso iyon sa basurahan sa gilid ng kalsada.Parang halimaw na nilamon ang necktie. “Bumalik na si Lola. Pinapapunta niya tayo sa bahay para makapag dinner” Parang nag-uulat lang siya ng trabaho habang itinatapon din ang sigarilyo. Tahimik lang si Stacey.Hindi siya sumagot.Hindi nagtagal, nakarating sila sa lumang mansyon ng mga Mondragon. Isang magandang garden na may mahigit dalawang daang taong kasaysayan.Hindi pamilyar si Stacey sa lugar dahil ilang beses pa lang siya nakapunta roon Kung ang Makati ay ang center ng business district, ang mga Mondragon ang nasa pinakatuktok nito. Kaya hindi kataka-takang hindi siya gusto ng pamilyang napasok niya.Matagal nang naghihintay ang chairman ng Mondragon Corporation.Pagkakita pa lang sa kanila, agad itong nagsalita. “Bago malaman ng matanda, maghanap kayo ng oras at ayusin niyo na ang paghihiwalay niyo. Kung mas maagang matapos, mas mabuti. Franco binabalaan kita, huwag mong sirain ang kinabukasan mo para sa isang taong hindi tayo kayang pantayan.”Nanatili roon si Stacey nang ilang sandali bago bumalik sa kuwarto upang tingnan si Laicca. Mahimbing na natutulog ang bata at normal na rin ang temperatura nito. Kinuha niya ang damit ng bata mula sa kama at dinala sa labahan bago pumunta sa kusina upang magluto. Tutal, karaniwang umaabot nang hindi bababa sa dalawampung minuto ang malamig na paligo ni Franco.Ngunit pagpasok pa lamang niya sa kusina, naramdaman niyang may malamig na presensya sa likuran niya. Tapos na pala itong maligo.“Ang bilis mong natapos?”Paglingon niya, nakita niya si Franco na nakasuot lamang ng puting bathrobe.Maluwag itong nakabalot sa katawan nito, bahagyang nakabukas ang kuwelyo at lantad ang matigas at malinaw nitong collarbone. May mga patak pa ng tubig na dumadausdos mula sa kanyang dibdib, at bawat galaw nito ay may nakakapangibabaw na awtoridad. Ngunit ang mga mata nito ay napakalambing na para bang kayang lunurin ang sinumang tumingin. Bahagya lamang ang ngiti sa kanyang mga labi, ngunit napakata
“May nararamdaman ka pa rin para sa akin, hindi ba?”Diretsahang hinawakan ni Franco ang kamay ni Stacey.“Huwag mo na akong itulak palayo, okay?”Sa mga mata ng lalaki ay may malalim at hindi maipaliwanag na pagnanasa—hinaluan ng pagsisisi, pananabik, at isang matinding pagnanais na matagal na niyang pilit na pinipigilan.“Kanina, nakita kitang nakaupo sa tabi ni Luke. Pinapakain mo siya at nginingitian mo.”Malalim at paos ang kanyang tinig, bawat salita ay tila tumatama mismo sa puso ni Stacey. Bahagya siyang yumuko hanggang sa magdikit ang noo nila.“Tangtang, balikan na natin ang isa’t isa, okay? Nagkamali ako noon. Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko.”“Sa loob ng apat na taon, hindi kita kailanman nakalimutan.”Huminto siya sandali.“Ang totoo, alam mo naman na matagal na—”Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang inis siyang pinutol ni Stacey.“Mr. Franco, tapos na tayo.”“Hindi ko naman binabalewala ang nararamdaman mo ngayon, pero hindi ba’t dapat pareho na tay
Mabilis na nagsuot ng coat si Stacey at pumunta sa shoe cabinet upang magpalit ng sapatos.“May sakit si Laicca.”“Walang karanasan si Uncle niya sa pag-aalaga ng bata, kaya pupunta ako roon para tumulong.”Nag-alala si Xin Xin nang marinig niyang may sakit si Laicca.“Mommy, sasama ako.”Umiling si Stacey.“Gabi na at hindi ko rin alam ang sitwasyon doon. Hindi maginhawang isama ka.”“Dito ka na lang kasama ni Grandma.”Kinuha ni Stacey ang medicine box ng mga bata at lumabas ng bahay.“Grandma, huwag na ninyo akong hintayin. I-lock ninyo ang pinto at matulog na kayo.”Pagkaalis niya, hinila ni Maricel si Xin Xin pabalik sa kanilang silid. Makalipas ang kalahating oras, ipinarada ni Stacey ang kanyang sasakyan sa entrance ng Mansyon. Mabilis siyang pumasok dala ang medicine box. Ngunit nang mahawakan ng kanyang mga daliri ang malamig na doorknob, bigla siyang natigilan. Apat na taon na ang lumipas. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng villa na ito. Pareho pa rin ang lahat. Ma
Upang hindi biguin ang dalawang bata, napilitan si Stacey na hawakan ang kamay ni Franco. Parang likas na lamang sa lalaki, agad nitong ipinagsalikop ang kanilang mga daliri. Noong una, nasa hulihan ang grupo nila. Ngunit nang magtulungan ang dalawang matatanda, mabilis nilang nalampasan ang lahat ng ibang team. Sa huli, sila ang nakakuha ng unang puwesto.Sa kasamaang-palad, habang nagaganap ang karera, marami sa mga bata ang natumba dahil maliliit pa ang mga ito. Kaya habang pabalik sila, iminungkahi ng headmistress,“Hindi na kailangang sumali ng mga bata. Puwede namang sina ‘Daddy’ at ‘Mommy’ na lang ang lumahok sa three-legged race.”Biglang kumabog ang puso ni Stacey. Kumunot ang kanyang noo at agad niyang naisip na umatras. Ngunit sa sumunod na sandali, lumapit sa kanila ang dalawang bata.“Uncle, Pretty Sister, manonood kami sa inyo!” masayang sabi ni Laicca.“Mommy, mag-focus ka lang sa competition. Huwag mo nang isipin ang ibang bagay,” dagdag ni Laicca.Ayaw ni Stacey na bi
Noong una, inakala niyang imahinasyon lamang niya iyon.Ngunit nang lumingon siya… Naroon nga si Trixie, nakatayo mismo sa likuran niya.“Ano ang ginagawa mo rito?”Tumingin si Trixie kay Franco bago ngumiti nang bahagya.“Ate, park ito, hindi kindergarten.”Dahil maliit ang lugar ng kindergarten, napagdesisyunan nilang gamitin ang isang bahagi ng West Lake Park bilang pansamantalang sports field. Nilagyan nila ito ng harang upang maging hiwalay na lugar para sa mga paligsahan.At bukod kay Trixie, marami ring taga-neighborhood ang pumunta upang manood. Malamig ang ekspresyon ni Stacey.“Hindi kita kapatid. Huwag mong piliting magkaroon tayo ng relasyon.”Maayos na natapos nina Franco at Laicca ang relay race. At sila ang nakakuha ng unang puwesto. Masayang lumapit si Xin Xin kay Stacey habang hawak ang kanyang premyo. Hindi siya tumigil sa pagpuri kay Franco. Ngunit habang hindi nakatingin si Stacey…Biglang lumapit si Trixie. At marahas niyang itinulak si Xin Xin mula sa likuran.“A
Nagulat si Bella at napalingon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nasa likuran niya.Si Maricel, and Lola ni Stacey. Napansin na siya ni Maricel mula pa lamang nang dumating siya. Tahimik itong sumunod at nagmasid sa kanyang mga kilos. At nang makumpirma niyang ang pakay ni Bella ay sina Stacey at Xin Xin, saka lamang siya biglang lumitaw.Hindi na kayang ipagsapalaran ni Maricel ang kaligtasan ng kanyang pamilya.Nasa vegetative state na ang kanyang anak. Hindi na niya hahayaang pati ang kanyang apo at manugang ay mapahamak.“Ninang, ang tagal na ng mga taon. Kumusta ka na…?”Simple at tapat na babae si Maricel. Kahit alam niyang nagkaroon ng relasyon ang kanyang manugang at inaanak ilang taon na ang nakalipas, hindi niya agad itinuring na masamang babae si Bella. Inisip lamang niya noon na bata pa ang dalawa at nadala ng pansamantalang damdamin. Akala niya, kalaunan ay mapapagod din sila at babalik sa kani-kanilang pamilya.Ngunit kalaunan, nalaman niyang hindi pal
Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang
“Ano ba ang tinatago mo?”Bahagyang yumuko ang lalaki at marahang hinalikan ang labi ni Stacey. Pigil ang kanyang mga kilos pero ramdam mo ang init ng mga labi nito .“Nasan na ang tapang mo? Parang kanina lang ang lakas ng loob mong halikan ang adam’s apple ko ah”Ang mapuputi at makinis na binti







