登入Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.
“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.” Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata. “Nandito na ang apo ko! Namiss ka ni Lola, sa buong pamilya ikaw ang paborito ko.” Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Stacey.Pagkatapos ay tumingin sa tiyan nito.Nang makitang wala pa rin itong laman, agad nitong sinamaan ng tingin si Franco. “Apo, may problema ka ba? Tatlong taon na kayong kasal di’ba pero bakit hindi pa rin kayo nagkakaroon ng anak? Gusto mo ba na mag pa-check up ka na?” Napabuntong-hininga si Franco. “Lola, wala akong sakit at wala rin akong problema. Alam ni Stacey iyon, kahit tanungin mo pa siya.” Biglang namula ang mukha ng babae. Bahagya siyang napayuko dahil sa sobrang hiya, samantalang ngumuso naman ang matanda. “Kung wala kang problema, patunayan mo. Simula ngayong gabi dito na kayo matulog, pinahanda ko na ang kwarto ninyo. Hangga’t wala kayong anak, bawal kayo umuwi sa bahay niyo.” Pagkasabi ng matanda, napatingin si Stacey sa kanyang asawa. Mahigpit ang pagkakatikim ng labi nito at wala ng masabi. Mukhang magiging mahaba at walang tulog ang gabing ito. “Ahem... ahem...” Biglang umubo ang matanda. Mahina na talaga ang katawan nito noon pa man.May lung cancer siya at tatlong beses nang naoperahan. Noong bata-bata pa siya ay medyo mataba pa, pero ngayon ay halos balat at buto na lamang. Lalo na noong operasyon niya isang taon na ang nakalipas, muntik na niyang ikamatay iyon.Sa mga nakaraang taon, nanatili siya sa probinsya upang magpagaling at magdasal. Hindi maintindihan ni Stacey kung bakit bigla itong bumalik.Nang marinig niya itong umubo, hindi niya napigilang mag-alala. “Lola, masama na naman po ba ang pakiramdam ninyo?” “Wala ito. Dati ko nang sakit to sanay na ko.” Karaniwan, hindi nagsasabi ng problema ang matanda.Pero ngayon ay nag kwento ito. “Noong nakaraan, nagkaroon ako ng problema sa thyroid kaya sumailalim ulit ako sa maliit na operasyon. Sa edad ko bawat operasyon ay parang nasa hukay na ang isang paa ko. Hindi ko na sinabi sa inyo dahil ayaw kong mag-alala kayo.” “Lola,” malambing na sabi ni Stacey, “huwag ninyong sarilinin ang lahat. Dapat sinabi niyo pa rin sa amin, napakaling bagay ng operasyon. Alam kong ayaw niyo kaming mag-alala pero kami ay nag-aalala para sa inyo.” “Ngayong tapos na ang operasyon, magpahinga kayo nang mabuti. Kapag may masama kayong nararamdaman, huwag na ninyo itong itago sa amin, ha?” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng matanda.Puno ng pag-aalala ang malumanay niyang boses.Napangiti ang matanda. “Tama ka apo ko. Mali si Lola sa pagkakataong ito.” “Sa susunod, sasamahan ko kayo.” Pagkatapos ay biglang nagbago ang usapan. Hinawakan nito ang kamay ni Franco at ipinatong sa kamay ni Stacey. “Ang kailangan ko lang naman ay bigyan ninyo ako ng isang cute at malusog na apo sa tuhod. Kapag may aalagaan na akong bata araw-araw, sasaya na ko at baka mas gumaling pa ako.” Pagkatapos ay masama nitong tiningnan si Franco. “Hoy, bata ka! Wag ka nga masyadong maging subsob sa trabaho. Mas mahalaga na magkaroon ka ng anak kaysa pumirma ng sandaang bilyong kontrata.” Ngunit hindi ganoon ang pananaw ni Franco.Kahit kinikilala si Stacey bilang eksperto sa restoration ng sinaunang beads, para sa kanya isa lamang itong ordinaryong crafter. Samantalang si Franco ay nasa tuktok ng mundo ng negosyo.Ang babaeng dapat nitong mapangasawa ay isang mayamang tagapagmana na makakatulong sa kanyang karera. At para sa kanya, malayong-malayo si Stacey roon. “Nakahanda na ang hapunan. Tara na at kumain.” masiglang sabi ng matanda. Sa hapag-kainan, palipat-lipat ang tingin ng matanda sa mag asawa.Ngumingiti lamang ito ngunit walang sinasabi. Pagkatapos kumain, nag-usap muna nang masinsinan sina Lola at Stacey.Makalipas ang ilang sandali, gumawa ng dahilan ang matanda upang tawagin naman si Franco sa itaas.Pagkapasok nila sa silid, agad itong nagsalita. “Alam ko kung ano ang nasa isip mo, pero kalimutan mo na iyan. Si Stacey lang ang kinikilala kong apo na manugang. Kung gusto mo makipaghiwalay kailangan mo munang lampasan ako. At isa pa pwede bang lumayo ka kay Trixie, hindi ba sabi ng mga kabataan ngayon ang pinakamagandang ex ay iyong parang patay na? Eh ano siya ngayon? Zombie kasi nabuhay ulit?” Napakamot ang lalaki sa kanyang noo. “Lola, huwag na kayong makialam sa mga bagay na gusto ko.” Biglang nanghina ang matanda at napahawak sa mesa. “May lung cancer ako, kaka-opera ko lang nitong nakaraan. Huwag mo naman akong bigyan ng sama ng loob.” Pagkatapos ay sunod-sunod itong umubo.Bahagyang napakuyom ang kamao ni Franco. “Sige po, magpahinga na kayo” Tinulungan niya itong makahiga bago umalis ng silid.Pero pagkasara pa lang ng pinto, biglang lumiwanag ang mukha ng matanda. “Hmph! Talagang kailangan kong turuan ng leksyon ang Trixie na iyon!” Sabay kuha nito ng cellphone at may tinawagan. Samantala, sa ibaba, tutulungan sana ni Stacey ang mga kasambahay sa pagliligpit.Masipag siya at sanay tumulong kahit sa bahay nila.Ngunit bago pa siya makarating sa kusina, tinawag siya ng byenan niyang lalaki. “Stacey, sandali.” Tumayo silang dalawa sa ilalim ng pasilyo sa labas.Malakas ang hangin at humahampas ito sa puting polo ng Dominic. “Kung hindi lang nagpumilit ang matanda noon, hindi ko kailanman papayagan si Franco na pakasalan ka. Karapat-dapat siya mapunta sa mas mabuting asawa.” Lahat ng sama ng loob na itinago niya sa loob ng tatlong taon ay tila sabay-sabay na lumabas. “Hindi ka naman namin pinabayaan sa loob ng tatlong taon, hindi ba? Dahil pumirma ka na ng annulment papers niyo, wala ng bisa ang kasal ninyo. Kung ganoon, bakit ka pa sumama ngayong gabi? O nananadya ka lang talaga?” Mula nang ikasal siya kay Franco, hindi na siya kailanman nagustuhan ng ama nito.Pero palagi siyang magalang rito.Hindi siya kailanman nangahas sumagot.Pahirapan ito?Magagawa ba niya iyon?Parang pinisil ang puso niya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay.Hindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?”Napatingin si Stacey kay Franco.Alam niyang dahilan lang iyon ni Trixie para makasama sa business trip.Pero sigurado siyang hindi ito papayagan ni Franco. Kilala niya ito. Palaging trabaho ang inuuna nito at hindi nito hinahalo ang personal na buhay sa trabaho.Kahit gaano pa kamahal ni Franco si Trixie, hindi siya basta gagawa ng espesyal na pabor.Ngunit sa sumunod na sandali, kalmadong sinabi ni Franco habang may sigarilyo sa labi:“Pumunta ka rito.”Bahagyang humigpit ang hawak ni Stacey sa kanyang panulat.Doon niya napagtanto na ang mga prinsipyo ni Franco ay para lamang sa kanya. Kapag si Trixie ang kasangkot, handa itong balewalain ang kanyang prinsipyo.Pagkaraan ng tatlong oras,
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, umalis si Stacey sa lumang mansyon.May kukunin siyang mga dokumento sa bahay kaya dumaan muna siya roon. Pagpasok niya, nasalubong niya si Franco na palabas naman.Naroon sina Ronald at Clara na nagliligpit ng mga gamit matapos mag-almusal.Nagulat siya nang kaunti ng makita nia si Franco.Hindi ba dapat kasama niya si Trixie? Bakit nandito siya?Ngunit hindi na niya ito pinag-isipan. Mabilis siyang umakyat para kunin ang kanyang mga gamit. Pagbaba niya, naroon pa rin si Franco.Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay may sasabihin ito sa kanya.Tama nga siya. Pagkasakay nila sa sasakyan, malamig na nagsalita ang lalaki.“Napakatuso mo talaga. Sa harap ko, kunwari kaawa-awa ka at mahina. Pero sa likod ko, ginagamit mo si Lola para protektahan ka at para lang saktan si Trixie."Nagulat si Stacey.Nalaman niya na matapos pagalitan ng matanda si Franco kagabi, lihim nitong pinakisuyuan ang katiwala na bigyan ng leksyon si Trixie.Habang papunta sa
Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata.“Nandito na ang apo ko! Namiss ka ni Lola, sa buong pamilya ikaw ang paborito ko.”Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Stacey.Pagkatapos ay tumingin sa tiyan nito.Nang makitang wala pa rin itong laman, agad nitong sinamaan ng tingin si Franco.“Apo, may problema ka ba? Tatlong taon na kayong kasal di’ba pero bakit hindi pa rin kayo nagkakaroon ng anak? Gusto mo ba na mag pa-check up ka na?”Napabuntong-hininga si Franco.“Lola, wala akong sakit at wala rin akong problema. Alam ni Stacey iyon, kahit tanungin mo pa siya.”Biglang namula ang mukha ng babae. Bahagya siyang napayuko dahil sa sobrang hiya, samantalang ngumuso naman ang matanda.“Kung wala kang problema, patunayan mo. Simula n
Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kasi mamaya, may business trip ako. Two days pa ko bago ko makabalik, kaya baka naman pwedeng ikaw na ang mag balik kasi favorite necktie niya to eh”Agad niya itong inabot kay Stacey at wala ng nagawa pa ang babae dahil nilagay na ito mismo sa kamay niya.Nakita ni Trixie ang hawak na folder ng babae, agad niyang inunat ang kanyang kamay para maabot ito. Ngunit mas mabilis si Stacey at agad na niyakap ng mahigpit ang folder niya, naglalaman ito ng mahalagang dokumento.Mas importante para sa kanya na matapos ng maayos ang project ng kumpanya kaysa sa walang saysay na pang aasar ng babaeng nasa harapan niya.“Dinala mo iyan dito para ipakita sa akin, hindi ba?” malambing na sabi ni Trixie.Nati
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita ang mama niya. Agad siyang ang tungo sa ospital kung saan naka confine ang kanyang ina.Makati Medical Center, sa hallway ng inpatient department.“Miss Stacey, buti nalang at napadalaw ka ngayon kasi tatawagan pa lang sana kita. Dumating na ang bayad mula sa Mondragon Corporation, pero ipinag-utos ng lola mo na ilipat ang mama mo sa ordinary room. Ano pong gusto ninyong gawin?”Mahigpit na hawak ng babae ang atm card.“Ibalik niyo siya sa special care ward.”“Pero sabi po ng lola mo—”“Sakin kayo makinig, ako ang masusunod.”Habang inaayos ang papeles, nagtanong siya tungkol sa bayarin. Napabuntong-hininga ang nurse.“Dati advance magbayad ang Mondragon Corporation. Pero nitong mga nakaraan
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang nilang sagutin ng mga ito.Ang ibang gastusin ay sila na mismo ang naghanap ng paraan.At may isa pang kondisyon ang asawa niya,may karapatan sila na tapusin ang kasunduan anumang oras nila gusto.Pero kapag si Stacey ang humiling ng hiwalayan, kailangan niyang magbayad ng isang billion.Para kay Franco, maliit na halaga lang iyon.Pero para sa kanya, imposibleng halaga iyon.Gayunpaman, walang pag-aalinlangan niya iyong pinirmahan noon.Dahil mahal niya ito.Ang mapangasawa ang lalaking matagal na niyang hinahangaan ay parang pinakamasayang himala sa buhay niya.Hindi niya inakalang balang araw, magiging patibong rin pala iyon. May malakas na tunog mula sa kabilang linya na nagpabalik sa kanya s







