登入
“Ano ba ang tinatago mo?”
Bahagyang yumuko ang lalaki at marahang hinalikan ang labi ni Stacey. Pigil ang kanyang mga kilos pero ramdam mo ang init ng mga labi nito . “Nasan na ang tapang mo? Parang kanina lang ang lakas ng loob mong halikan ang adam’s apple ko ah” Ang mapuputi at makinis na binti ni Stacey na natatakpan ng mahabang bestida ay mahigpit na nakadikit sa katawan ng lalaki. Bahagya siyang nanginginig habang naka titig sa gwapo at matipunong mukha ng lalaking nasa harapan niya. “Huwag… hindi pwede rito…” Mahina niyang itinulak ang dibdib nito, naghahalo ang kanyang emosyon parang ayaw niya pero gusto niya rin.Tahimik lang siyang tinitigan ng lalaki. Isinuklay nito ang mahahabang daliri sa malambot niyang buhok, saka mahigpit na hinawakan ang likod ng ulo niya at marahas siyang hinalikan, parang gustong agawin pati hininga niya.Umaalog na ang makipot na sasakyan, tuluyan nang nawala ang natitirang katinuan nila. Saglit na sumilay ang pulang ilaw, tinamaan ang mariin niyang nakapikit na mga mata at ang halos baliw na ekspresyon sa mukha ng lalaki. Parang noong tatlong taon na ang nakalipas, sa engagement party nila ni Franco nakasuot ito ng itim habang naglalakad sa gitna ng mga rosas. Punong-puno ng galit ang aura nito habang dumiretso sa kanya at hinalikan siya sa harap ng lahat. Pagkatapos, isa-isang sinabi nito sa lalaki “Hindi ako kailanman nakikipag-agawan sa’yo. Pero pagdating sa kanya… ibang usapan.” … Nanatili sila sa loob ng sasakyan.Pagkatapos ng matinding laban, halos maubos ang hininga ni Stacey.Nakasandal siya sa dibdib ni Franco habang mahigpit siyang niyayakap nito.Pakiramdam niya’y matutunaw siya kaya niyakap niya rin ito pabalik. “Franco, may gusto akong sabihin sa’yo.” Tatlong taon na silang kasal. Bukod sa pagiging magaling nito sa kama, malamig at tahimik itong makitungo sa kanya sa pang-araw-araw. Gusto niyang sabihin na gusto niyang magkaroon sila ng anak at mamuhay ng normal na parang ordinaryong mag-asawa. “May sasabihin din ako sa’yo.” “Mauna ka na.” Dahan-dahan siyang itinulak palayo ng lalaki at may kinuha na dokumento mula sa loob ng sasakyan. “Kapag natapos na ang partnership project ng Manila Tourism Town…mag file na tayo ng annulment..” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang babae. Pilit niyang kinontrol ang sarili para hindi mawalan ng balanse. “P-pero bakit? May nagawa ba akong mali?” Mapait na ngumiti ang lalaki habang hinawakan ang lumang kwintas sa leeg niya.Nakakita na siya ng ganoong kwintas noon sa kwarto ni Marie. Napakarami na niyang ibinigay na mamahaling alahas at mga rare na koleksyon pero hindi man lang niya pinansin. Pero itong simpleng kwintas, mahal na mahal niya. At tuwing magkasama sila, lagi itong nakapikit.Ngayon naiintindihan na niya.May iba pa rin palang laman ang puso ng asawa niya.Ang nakababatang kapatid niya.Tahimik na nagsuot ng suit ang lalaki.Binuksan mula sa labas ang pinto ng Rolls-Royce at bumaba ito sa sasakyan. Sa ilalim ng ilaw sa gabi, kita ang manipis na ambon.Matangkad at elegante siyang naglakad palabas habang nababasa ng ulan ang mamahalin niyang suit.Agad namang nagpayong ang assistant nitong si Christian. “Lumipat ka sa guest room sa taas. Huwag mong hayaang maabala si Trixie.” Habang naka silip si Stacey sa bintana ng sasakyan, pilit niyang pinipigilan ang luhang kanina pang nagbabadyang tumulo. Magsasalita na sana siya nang biglang may pulang sasakyan na dahan-dahang huminto malapit sa kanila. Kahit malabo ang salamin dahil sa ulan, agad niyang nakilala ang babaeng nasa loob. “Trixie…” Ex-Girlfriend ng asawa niya at ang babaeng hindi nito makalimutan.Narinig na niya dati mula kay Aling Flor na direktang nakakapag-report si Trixie kay Franco sa kumpanya kahit lampasan pa nito ang mga manager. Walang magawa si Stacey habang pinapanood ang kanyang asawa na lumapit sa babae at sumakay sa kotse nito. Ang luhang kanina pa niya pinipigilan ay nag unahan nang lumabas. Parang biglang dinurog ang kanyang puso, sumabay pa ang sakit ng tiyan niya. Kumapit siya sa bintana para lang makatayo.Humahampas ang malamig na ulan habang nanginginig ang payat niyang katawan na parang dahong malalaglag anumang oras. Tila humalo na ang tubig ulan sa luhang pumapatak sa kanyang mga mata. “Madam, umuwi na po tayo.” naaawa nang sabi ng driver na si Mang Ronald. Mabait kasi sa kanya si Stacey noon pa man.Pinunasan niya ang luha at pilit na ngumiti. “Halika na po Tay Ronald, uwi na po tayo.” Malakas na bumubuhos ang ulan sa bintana ng sasakyan kasabay ng sakit na nararamdaman niya sa dibdib.Habang tuluyang nilalamon ng lungkot, biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkakita sa caller ID, lumambot agad ang ekspresyon niya. “Lola…” mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinahon at mapagmahal na boses ng matanda. “Stacey, nasundo mo ba si Franco?” Saglit siyang natigilan. “Opo nasundo ko po.” “Tama ‘yan. Noong sinabi mong uuwi siya ngayong gabi, maaga akong namalengke. Bumili pa ako ng king crab, ubos halos isang buwang pension ko!” “Kapag may oras kayo, pumunta kayo rito at sabay tayong kumain.” Namula agad ang mga mata ng babae. “Huwag na po kayo masyadong bumili… hindi rin naman niya pinahahalagahan.” Biglang natawa ang lola niya. “Nag-away ba kayo? Kahit hindi niya pahalagahan, okay lang. Ang mahalaga, galing iyon sa puso ko.” suminghot siya at agad nagpalit ng usapan. “Lola, kamusta na po kayo?” Saglit na natahimik ang matanda bago sumagot ng may pilit na ngiti. “Mabuti naman ako po.” “Si Mama po?” matagal bago nagsalita si Maricel. “Stacey… napagdesisyunan kong ilipat ang mama mo sa ordinaryong kwarto mula sa special ward. Napakamahal kasi roon bawat araw. Pinatigil ko na rin ang imported niyang gamot.” “Matagal na tayong tinutulungan ng asawa mo pero hindi naman tayo pwedeng umasa habambuhay sa kanya.” “Ginagamit mo na ang kinikita mo sa studio mo, pati ipon ko para sa pagtanda ko inilabas ko na rin… pero hindi pa rin sapat.” “Kapag nailipat siya sa ordinaryong ward… baka hindi na siya masyadong mahirapan.” Parang binagsakan lalo ng malaking bato ang puso ni Stacey. Biglang pumasok sa isip niya ang nakakatakot na posibilidad.Pinutol na ba ng asawa niya ang pagbibigay ng pera para sa pagpapagamot ng mama niya?Hindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?”Napatingin si Stacey kay Franco.Alam niyang dahilan lang iyon ni Trixie para makasama sa business trip.Pero sigurado siyang hindi ito papayagan ni Franco. Kilala niya ito. Palaging trabaho ang inuuna nito at hindi nito hinahalo ang personal na buhay sa trabaho.Kahit gaano pa kamahal ni Franco si Trixie, hindi siya basta gagawa ng espesyal na pabor.Ngunit sa sumunod na sandali, kalmadong sinabi ni Franco habang may sigarilyo sa labi:“Pumunta ka rito.”Bahagyang humigpit ang hawak ni Stacey sa kanyang panulat.Doon niya napagtanto na ang mga prinsipyo ni Franco ay para lamang sa kanya. Kapag si Trixie ang kasangkot, handa itong balewalain ang kanyang prinsipyo.Pagkaraan ng tatlong oras,
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, umalis si Stacey sa lumang mansyon.May kukunin siyang mga dokumento sa bahay kaya dumaan muna siya roon. Pagpasok niya, nasalubong niya si Franco na palabas naman.Naroon sina Ronald at Clara na nagliligpit ng mga gamit matapos mag-almusal.Nagulat siya nang kaunti ng makita nia si Franco.Hindi ba dapat kasama niya si Trixie? Bakit nandito siya?Ngunit hindi na niya ito pinag-isipan. Mabilis siyang umakyat para kunin ang kanyang mga gamit. Pagbaba niya, naroon pa rin si Franco.Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay may sasabihin ito sa kanya.Tama nga siya. Pagkasakay nila sa sasakyan, malamig na nagsalita ang lalaki.“Napakatuso mo talaga. Sa harap ko, kunwari kaawa-awa ka at mahina. Pero sa likod ko, ginagamit mo si Lola para protektahan ka at para lang saktan si Trixie."Nagulat si Stacey.Nalaman niya na matapos pagalitan ng matanda si Franco kagabi, lihim nitong pinakisuyuan ang katiwala na bigyan ng leksyon si Trixie.Habang papunta sa
Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata.“Nandito na ang apo ko! Namiss ka ni Lola, sa buong pamilya ikaw ang paborito ko.”Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Stacey.Pagkatapos ay tumingin sa tiyan nito.Nang makitang wala pa rin itong laman, agad nitong sinamaan ng tingin si Franco.“Apo, may problema ka ba? Tatlong taon na kayong kasal di’ba pero bakit hindi pa rin kayo nagkakaroon ng anak? Gusto mo ba na mag pa-check up ka na?”Napabuntong-hininga si Franco.“Lola, wala akong sakit at wala rin akong problema. Alam ni Stacey iyon, kahit tanungin mo pa siya.”Biglang namula ang mukha ng babae. Bahagya siyang napayuko dahil sa sobrang hiya, samantalang ngumuso naman ang matanda.“Kung wala kang problema, patunayan mo. Simula n
Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kasi mamaya, may business trip ako. Two days pa ko bago ko makabalik, kaya baka naman pwedeng ikaw na ang mag balik kasi favorite necktie niya to eh”Agad niya itong inabot kay Stacey at wala ng nagawa pa ang babae dahil nilagay na ito mismo sa kamay niya.Nakita ni Trixie ang hawak na folder ng babae, agad niyang inunat ang kanyang kamay para maabot ito. Ngunit mas mabilis si Stacey at agad na niyakap ng mahigpit ang folder niya, naglalaman ito ng mahalagang dokumento.Mas importante para sa kanya na matapos ng maayos ang project ng kumpanya kaysa sa walang saysay na pang aasar ng babaeng nasa harapan niya.“Dinala mo iyan dito para ipakita sa akin, hindi ba?” malambing na sabi ni Trixie.Nati
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita ang mama niya. Agad siyang ang tungo sa ospital kung saan naka confine ang kanyang ina.Makati Medical Center, sa hallway ng inpatient department.“Miss Stacey, buti nalang at napadalaw ka ngayon kasi tatawagan pa lang sana kita. Dumating na ang bayad mula sa Mondragon Corporation, pero ipinag-utos ng lola mo na ilipat ang mama mo sa ordinary room. Ano pong gusto ninyong gawin?”Mahigpit na hawak ng babae ang atm card.“Ibalik niyo siya sa special care ward.”“Pero sabi po ng lola mo—”“Sakin kayo makinig, ako ang masusunod.”Habang inaayos ang papeles, nagtanong siya tungkol sa bayarin. Napabuntong-hininga ang nurse.“Dati advance magbayad ang Mondragon Corporation. Pero nitong mga nakaraan
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang nilang sagutin ng mga ito.Ang ibang gastusin ay sila na mismo ang naghanap ng paraan.At may isa pang kondisyon ang asawa niya,may karapatan sila na tapusin ang kasunduan anumang oras nila gusto.Pero kapag si Stacey ang humiling ng hiwalayan, kailangan niyang magbayad ng isang billion.Para kay Franco, maliit na halaga lang iyon.Pero para sa kanya, imposibleng halaga iyon.Gayunpaman, walang pag-aalinlangan niya iyong pinirmahan noon.Dahil mahal niya ito.Ang mapangasawa ang lalaking matagal na niyang hinahangaan ay parang pinakamasayang himala sa buhay niya.Hindi niya inakalang balang araw, magiging patibong rin pala iyon. May malakas na tunog mula sa kabilang linya na nagpabalik sa kanya s







