Share

Chapter 2

last update publish date: 2026-06-13 09:41:30

Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.

Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang nilang sagutin ng mga ito.Ang ibang gastusin ay sila na mismo ang naghanap ng paraan.

At may isa pang kondisyon ang asawa niya,may karapatan sila na tapusin ang kasunduan anumang oras nila gusto.Pero kapag si Stacey ang humiling ng hiwalayan, kailangan niyang magbayad ng isang billion.

Para kay Franco, maliit na halaga lang iyon.Pero para sa kanya, imposibleng halaga iyon.Gayunpaman, walang pag-aalinlangan niya iyong pinirmahan noon.Dahil mahal niya ito.Ang mapangasawa ang lalaking matagal na niyang hinahangaan ay parang pinakamasayang himala sa buhay niya.

Hindi niya inakalang balang araw, magiging patibong rin pala iyon. May malakas na tunog mula sa kabilang linya na nagpabalik sa kanya sa realidad.

“Tinatangay ng hangin ang bintana, Stacey. Papasukin na naman ng ulan ang bahay. Kukuhanin ko muna ang mga sinampay. Alagaan n’yo ang isa’t isa ni Franco.”

Pagkatapos noon, mabilis nang ibinaba ng lola niya ang tawag. Mahigpit na hinawakan ng babae ang kanyang namatay na cellphone.Tahimik na pinutol ng asawa niya ang gamot at gastusin ng mama niya.

At tama lang naman, dahil mag di-divorce na rin naman sila. Wala na itong obligasyon sa isang taong wala namang koneksyon dito. Binuksan niyang muli ang chat nila mag asawa.At maikli lang ang isinagot niya.

“Sige.”

Limampung araw na lang bago matapos ang tourism project ng Mondragon Corporation. Pagdating ng araw na iyon… wala na silang magiging ugnayan pa.

Sa master bedroom sa ikalawang palapag.

“Madam, desidido na si Sir Franco na makipaghiwalay sainyo. Wala ka ng karapatan na gamitin ang master bedroom, mag-impake ka na.”

May narinig siyang yabag sa may pinto. Lumingon si Stacey at nakita si Aling Flor na nakasandal sa pinto habang nakatingin sa kanya nang may pang aasar. Pagdating ni Aling Flor, nag-iimpake na si Stacey.

Pero natigilan siya sa isang itim na silk dress na may tag pa rin. Regalo iyon ni Franco at kahit minsan ay hindi niya ito nasuot.Ngayon, gusto na niyang itapon lahat ng alaala niya rito.Pero sa damit na iyon… hindi niya magawang bitawan agad.

Napansin ni Aling Flor ang pag-aalinlangan niya at napangisi.

“Tatlong taon kang tumira sa kwartong ito. Bukod sa mga walang kwentang lumang beads mo, ano pa ba ang naiwan mo rito?”

“Ah oo… nag-iwan ka pala ng iskandalo. Dahil sa’yo nag-away ang magkapatid. Habambuhay kayong pagtatawanan ng pamilyang to.”

Ang tinutukoy nito ay ang matinding alitan nina Kevin at ng kapatid nitong si Franco isang gulong halos sumira sa mga Mondragon.Tahimik na isinabit ni Stacey ang silk dress sa cabinet at inilagay ang atm card sa wallet niya.

Pagkatapos nilang ikasal, buwan-buwan siyang binibigyan ng asawa ng allowance. Pero bihira niya ito gamitin para sa sarili niyang interes. 

Sanay siya sa simpleng pamumuhay. Madalas, kapag may nakikita siyang bagay na na alam niyang bagay kay Franco damit, sapatos, necktie, cufflinks iyon ang binibili niya gamit ang perang nasa card.

Ngayon, halos isang milyon na lang ang natitira roon.Sapat para sa isang treatment ng mama niya at dadalhin niya iyon.Magsasalita pa sana si Aling Flor nang dumating si Auntie Rose at dire-diretso na kinuha ang maleta mula sa babae.

Hindi man lang nito pinansin si Aling Flor.

“Madam, nilinis ko na ang attic sa itaas. Maliwanag doon at maaraw, inakyat ko na rin ang mga libro at beads mo.”

Napangiwi si Aling Flor.

“Auntie Rose, masyado kang mabait. May mga tao kasi talagang malas sa bahay…”

“Aling Flor,” mahinahong putol ni Rose kahit hindi tumitingin dito, “ipinag-utos ni Sir Franco na tulungan si Madam sa pag-aayos, hindi sakop ng trabaho mo ang chumika rito.” masungit na sagot niya sa kasambahay.

“Hindi naman ako —” hindi pa man nakakasagot ang kasambahay ng putulin ni Rose ang sinasabi nito.

“Hindi ba may niluluto ka pa sa baba? Baka masunog na iyon at mapagalitan ka pa.”

Natameme si Aling Flor at tiningnan muna ng masama si Stacey bago umalis.Mabait at tahimik si Auntie Rose.Pero ngayon, parang marami itong gustong sabihin.

“Matagal na ako sa pamilyang to. Buhay pa noon si Madam nang kunin niya ako rito. Nakita kong lumaki ang magkapatid na Kevin at Franco.”

“Simula bata pa sila, hindi na talaga sila magkasundo. May mga sama ng loob na matagal nang nakabaon… at hindi nagtagal, naging galit na.”

Pagdating nila sa attic sa ikatlong palapag, tinulungan siya nitong ayusin ang mga damit.

“Tungkol sa magkapatid at sa pagkamatay ni Madam… kung may gusto kang malaman, itanong mo lang sa akin. Lahat ng alam ko ay sasabihin ko sa’yo”

Pagka alis ni Rose, tahimik na naupo si Stacey sa masikip na kama habang marahang hinihimas ang wedding ring niya.Naalala niya ang araw ng engagement party.

Parang demonyong galing impyerno si Franco noon habang hinila siya palayo kay Kevin sa harap ng lahat.

“Mula ngayon, akin ka na.”

Hindi siya inagaw nito dahil mahal siya.Kundi dahil gusto nitong maghiganti.At ngayong sapat na ang paghihiganti nito… kahit ang master bedroom ay ayaw na siyang patuluyin.

Kinuha ng babae ang annulment papers mula sa bag at binuksan sa huling pahina.Handa na sana siyang pumirma. Pero nang maalala niya ang maputlang mukha ng mama niya sa ospital at ang clause na titigil ang gastusin kapag nag hiwalay sila… nanginig ang kamay niya.Hindi niya magawang pumirma.Mabilis niya itong tinago sa drawer, nagsuot ng coat, at bumaba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 197

    Isang araw, nakatanggap siya ng sobre mula sa Europa. Walang mamahaling regalo. Walang mahabang paliwanag. Isang larawan lamang ni Xin Xin, nakangiti sa harap ng paaralan.Sa likod nito, may maikling sulat.Daddy, natapos ko na ang bagong school year ko. Miss na kita. Magkita tayo sa bakasyon.Napangiti si Franco. Sa ilalim ng sulat ay may isa pang linya, na isinulat ni Stacey.Maayos kami rito. Sana ay maayos ka rin. Matagal niyang tinitigan ang mga salita.Noon, maaaring inisip niyang pagkakataon iyon upang muling buksan ang kanilang pag-uusap.Ngunit ngayon, alam na niyang iyon lamang ang ibig sabihin ni Stacey.Maayos sila. At nais nitong maging maayos din siya.Hindi iyon pangako. Hindi iyon paanyaya. Hindi iyon pag-asang magbabalikan sila. Isa lamang iyong mensahe mula sa isang babaeng minsan niyang minahal at hindi na niya muling makakasama bilang asawa.Dahan-dahan niyang itinupi ang sulat at inilagay sa drawer.Pagkatapos, nagpatuloy siya sa trabaho.Sa kabilang panig ng mund

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 196

    Hindi na naging pareho ang buhay ni Franco matapos umalis sina Stacey at Xin Xin.Sa unang linggo, araw-araw niyang tinatawagan ang anak. Sa ikalawang linggo, nagsimula siyang masanay sa pagkakaiba ng oras. Sa ikatlong linggo, natutuhan niyang maghintay hanggang sa libreng oras ni Xin Xin.Hindi na niya hinihinging makausap si Stacey. Hindi na rin siya nagtatanong kung sino ang kasama nito o kung saan ito pumupunta. Ngunit may mga gabing hindi niya kayang pigilan ang sarili. Kapag umuuwi siya sa bahay, tahimik ang buong mansiyon. Wala ang mga yapak ni Xin Xin. Wala ang boses ni Stacey na nagpapaalala sa kanya na huwag kalimutang kumain. Wala ang babaeng minsang naghintay sa kanya hanggang madaling-araw.Isang gabi, pumasok siya sa silid na dating ginagamit ni Xin Xin. Nasa istante pa rin ang ilang laruan nito. Kinuha niya ang isang maliit na manika at naupo sa sahig.Naalala niya ang unang pagkakataong nakita niya ang anak. Ang bilog nitong mga mata. Ang maliit na dimples. Ang paraan

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 195

    Samantala, tuluyang gumaling ang ina ni Stacey na si Jaira. Nagpasalamat si Stacey kay Franco dahil sa tulong niya at pakikipagugnayan sa kaibigan niyang doctor na si Dr. Gino, napagaling nito si Jaira. "Maraming salamat, Franco. Napakalaki ng naitulong mo sa nanay ko." Ngumiti si Franco. "Walang anuman, Stacey. Lahat gagawin ko para sayo at sa pamilya mo"Makalipas ang isang buwan, dumating ang opisyal na alok mula sa ibang bansa.Isa itong malaking proyekto para sa Pavilion, at kasama sa kasunduan ang pagkakataong mamahala si Stacey ng isang sangay sa Europa.Nang basahin niya ang kontrata, alam niyang ito ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay. Ngunit may isang bagay siyang kailangang pag-isipan.Si Xin Xin.Nang gabing iyon, naupo siya sa tabi ng anak.“Baby, may gustong itanong si Mommy.”“Ano po iyon?”“Paano kung lumipat tayo sa ibang bansa?”Nanlaki ang mga mata ng bata.“Malayo po ba?”“Oo. Pero maaari pa rin nating makita si Daddy kapag may bakasyon ka.”Napaisi

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 194

    Samantala, makalipas ang ilang buwan, tuluyang bumagsak ang pamilya ni Trixie. Tuluyan silang hindi tinulungan ni Stacey. Masakit man sa kanyang loob pero sapat na sa kanya ang lahat ng paghihirap na naranasan nila ng kanyang ina noon na kailanman ay hindi niya malilimutan.Isang taon ang lumipas. Patuloy padin si Franco sa pagsuyo kay Stacey. Hindi siya nawawalan ng pagasa na muli siyang mapapatawad at mamahalin ni Stacey.“Tangtang…”Mainit ang hininga ni Franco habang nakatayo sa harap ni Stacey. Ilang sandali pa lamang ang nakalilipas, malamig ang kanyang mukha, ngunit nang marinig niya ang paghingi nito ng tawad, tila may kung anong bagay na muling nabuhay sa kanyang dibdib.Ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong ito. Hindi niya kailanman inakalang ang simpleng mga salitang iyon mula sa babae ay makapagdudulot sa kanya ng ganitong kalaking pag-asa.Ngunit nang makita ni Stacey ang nagbabagong ekspresyon niya, agad siyang umatras.“Franco, huwag mong bigyan ng ibang kah

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 193

    Nang makita niyang kumakampi ang lahat sa kanyang panganay na anak, hindi na niya muling binanggit ang usapin. Tuluyan pa niyang tinanggihan ang pakikipagkita kay Bella.Nang marinig iyon ni Trixie, mahigpit niyang niyakap ang sarili at pumulupot sa isang sulok ng inuupahan niyang silid habang humahagulgol.Bumagsak ang dilim, at para bang wala nang sisikat na liwanag kinabukasan.Siya, na dating mapagmataas ay hindi kayang tanggapin na tuluyan siyang malugmok sa putikan.Tahimik niyang kinuha ang isang kutsilyong panghiwa ng prutas at itinapat iyon sa kanyang dibdib…Inakala niyang si Franco ang tumatawag. Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata. Hindi man lamang niya tiningnan ang telepono bago ito sinagot.“Franco…”Ngunit isang hindi pamilyar na tinig ng babae ang narinig niya sa kabilang linya.“Gusto mo bang labanan ang tadhana?”Sandaling nag-alinlangan si Trixie.“Oo.”“Pumunta ka sa pribadong piging sa Springtown.”Bumagsak sa sahig ang kutsilyong nakadikit sa kanyang dibdib.

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 192

    Nakasuot si Meng ng maluwag na asul na damit pang-ospital na may mga guhit. Sa ibabaw nito ay suot niya ang pagkakakilanlang vest ng detention center. Gusgusin ang kanyang itsura habang nakaluhod sa lupa, mahigpit na binabantayan ng mga pulis.“Tanging ikaw na lang ang natitira sa akin, anak…”Matatagpuan ang kanilang Studio sa mataong komersiyal na distrito, sa loob ng isang magandang villa na maayos ang pagkakadisenyo. Hindi lamang maraming taong dumaraan sa lugar, kundi marami ring turistang sadyang pumupunta roon upang mamasyal at makita ang studio.Sa isang iglap, nagtipon ang mga tao sa paligid.Dahil kaunti lamang ang nalalaman nila tungkol sa nangyari, at dinagdagan pa ng malakas na paghagulgol ni Bella, inakala ng lahat na naging mayaman ang anak ngunit kinalimutan na nito ang sariling mga magulang.Nang makita iyon ni Rochelle, agad siyang lumabas upang paalisin ang mga nakikiusyoso. Ngunit may ilang taong hindi nakatiis.“Sino ba ang anak ng matandang iyan? Palabasin ninyo

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 3

    Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 6

    Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, umalis si Stacey sa lumang mansyon.May kukunin siyang mga dokumento sa bahay kaya dumaan muna siya roon. Pagpasok niya, nasalubong niya si Franco na palabas naman.Naroon sina Ronald at Clara na nagliligpit ng mga gamit matapos mag-almusal.Nagulat siya nang ka

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 5

    Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata

  • Too Late, Mr. CEO: I Left With Your Baby   Chapter 4

    Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status