登入Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose.
“Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito. “May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.” Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita ang mama niya. Agad siyang ang tungo sa ospital kung saan naka confine ang kanyang ina. Makati Medical Center, sa hallway ng inpatient department. “Miss Stacey, buti nalang at napadalaw ka ngayon kasi tatawagan pa lang sana kita. Dumating na ang bayad mula sa Mondragon Corporation, pero ipinag-utos ng lola mo na ilipat ang mama mo sa ordinary room. Ano pong gusto ninyong gawin?” Mahigpit na hawak ng babae ang atm card. “Ibalik niyo siya sa special care ward.” “Pero sabi po ng lola mo—” “Sakin kayo makinig, ako ang masusunod.” Habang inaayos ang papeles, nagtanong siya tungkol sa bayarin. Napabuntong-hininga ang nurse. “Dati advance magbayad ang Mondragon Corporation. Pero nitong mga nakaraang buwan, paulit-ulit pa naming kailangang maningil bago sila magbayad.” “Hindi naman siguro problema kay Sir Franco ang pera…” Biglang natigilan ang nurse nang maalalang asawa ni Franco ang kausap niya. Mabilis nitong tinakpan ang bibig at awkward na ngumiti.Nang matapos ang lahat, madaling-araw na.Tahimik na nakaupo si Stacey sa tabi ng kama ng mama niya. Mas lalo pang namutla si Jaira dahil sa puting kumot.Nakahiga lang ito roon nang walang malay, parang lumang perlas na natabunan ng panahon. Sampung taon na mula nang maaksidente ito at nauwi sa pagiging comatose.Tatlong taon na ang nakalipas nang lumala ang kondisyon nito.Kung hindi dahil kay Franco na nagbabayad para sa special care at mamahaling gamot, matagal na sanang nawala ang kanyang ina. Hinawakan ni Stacey ang malamig na kamay ng ina.Marami siyang gustong sabihin. Pero sa huli, iisang pangungusap lang ang lumabas. “Mama… sana magising ka na, miss na miss na kita.” Dalawang araw siyang nanatili sa ospital. Dahil bukod doon… wala siyang ibang mapuntahan.Sa studio? Ang pagre-restore ng ancient beads ay nangangailangan ng tiyaga at konsentrasyon. At wala siya noon ngayon.Sa bahay ng lola niya?Kapag nakita siya ni Maricel sa ganoong kalagayan, siguradong mag-aalala lang ito.Sa ikatlong araw, pinilit niyang bumangon at pumunta sa studio. Isinuot niya ang simpleng robe at manipis na puting gloves bago humarap sa worktable.Habang nagtatrabaho, tumawag ang matalik niyang kaibigan at business partner na si Rochelle. Hindi raw maganda ang resulta ng pregnancy check-up nito kaya pinag-papahinga muna ito ng doktor ng isang buwan.Pinakiusapan siya nitong siya muna ang humawak sa partnership sa Mondragon Corporation. Pumayag si Stacey at pinayuhan itong magpahinga nang mabuti. Napunta rin ang usapan sa promotion ng asawa ni Rochelle. “Sa totoo lang, Stacey, hanggang ngayon naiinggit pa rin sa’yo ang mga kaklase natin.” “Jusko naman, ano naman ang kainggit inggit sa buhay ko?” “Simple lang ang pamilya mo at tahimik ka pa… paano ka nagustuhan ng tulad ni Franco?” “Hindi ko rin alam.” simpleng sagot niya kay Rochelle. “Siya ang CEO ng Mondragon Corporation. Kapag kumilos siya, yayanig ang buong business world.” paliwanag ng kaibigan niya. “Maghihiwalay na kami.” naka yukong sambit niya. “Ha?! Bakit naman? May problema ba kayo?” “Wala naman kaming problema pero, bumalik yung ex niya.” Biglang tumaas ang boses ng kaibigan niya. “May problema ba sa utak yang asawa mo?! Nangako siyang poprotektahan ka niya habambuhay!” “Wala eh kahit na kasal na siya sa akin, mas mahal pa rin niya yung ex niya.” “Kung ganoon pala niya kamahal ang babaeng iyon, bakit sila naghiwalay noon? Dapat iyon nalang ang pinakasalan niya” Dahil sa sobrang emosyon, sumakit ang tiyan nito. Napansin agad iyon ni Stacey. “Huwag ka nang magalit, ako nga na asawa hindi galit eh. Makakasama sayo at sa baby pag nagalit ka.” “Hindi ba sabi mo may GC kayo? Isama mo na lang ako roon para hindi maapektuhan ang trabaho.” “Magpahinga ka nang mabuti. Huwag mo na akong isipin, kaya ko na ang sarili ko.” Pagkababa ng tawag, idinagdag siya ang kaibigan sa group chat ng kumpanya. Pinadalhan din siya nito ng urgent notice mula sa tourism department ng Mondragon Corporation. Matapos iyong basahin, tumayo siya at nag paalam sa isa niyang assistant. “Roan, ikaw muna bahala rito. Lalabas lang ako.” Pumunta siya sa Mondragon Corporation. At sa seventh floor… hindi niya inaasahan na makaka salubong niya si Trixie. “Miss Stacey? Hi ako nga pala si Trixie.” “Kahit hindi pa tayo officially nagkita, alam mo naman siguro kung sino ako, hindi ba?” “May kailangan ba kayo, Miss Trixie?” Unang beses na nakita ni Stacey nang malapitan ang babaeng mahal ng asawa niya. Medyo magkahawig sila, pareho sila ng mata at parehong mahaba ang nakalugay nilang buhok. Kaya pag nakatalikod ay mapag kakamalan mo silang isang tao lang. “Sinabi kasi ni Franco na sa tatlong taon ng pagsasama ninyo, hindi siya naging totoong masaya.” “Palagi kang abala sa pagre-restore ng beads. Hindi mo man lang alam kung ano ang gusto at ayaw niya. Pero iba kasi ako sayo eh, alam kong ayaw niya ng asukal sa kape at alam ko rin na ayaw niyang pinapatay ang ilaw kapag natutulog” Habang nagsasalita, dahan-dahan itong lumapit tila nang aasar pa. “At sinabi rin niya… na ang pagpapakasal niya sa’yo ay isang pagkakamali lang, dahil ang totoo ay ako pa rin talaga ang mahal niya.” Parang biglang dinurog ang puso ni Stacey, bahagya niyang nakuyom ang kanyang mga kamay. Pero mas nanatili siyang kalmado, na para bang tahimik na lawa ang ekspresyon ng mukha niya at hindi pinapakita na apektado siya sa lahat ng sinasabi ng babae sa harap niya. Tila naasar ang babae sa reaksyon ni Stacey, kaya naman kinuha niya ang isang necktie mula sa kanyang bag. “Nga pala kay Franco pala to, naiwan niya nung isang gabi nung magkasama kami. Paki bigay nalang ha? Salamat.” Pagkasabi nito ay ngumiti ang babae na may halong pang aasar, samantalang si Stacey ay parang estatwa na hindi na nakagalaw habang hawak-hawak ang necktie ng asawa.Hindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?”Napatingin si Stacey kay Franco.Alam niyang dahilan lang iyon ni Trixie para makasama sa business trip.Pero sigurado siyang hindi ito papayagan ni Franco. Kilala niya ito. Palaging trabaho ang inuuna nito at hindi nito hinahalo ang personal na buhay sa trabaho.Kahit gaano pa kamahal ni Franco si Trixie, hindi siya basta gagawa ng espesyal na pabor.Ngunit sa sumunod na sandali, kalmadong sinabi ni Franco habang may sigarilyo sa labi:“Pumunta ka rito.”Bahagyang humigpit ang hawak ni Stacey sa kanyang panulat.Doon niya napagtanto na ang mga prinsipyo ni Franco ay para lamang sa kanya. Kapag si Trixie ang kasangkot, handa itong balewalain ang kanyang prinsipyo.Pagkaraan ng tatlong oras,
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, umalis si Stacey sa lumang mansyon.May kukunin siyang mga dokumento sa bahay kaya dumaan muna siya roon. Pagpasok niya, nasalubong niya si Franco na palabas naman.Naroon sina Ronald at Clara na nagliligpit ng mga gamit matapos mag-almusal.Nagulat siya nang kaunti ng makita nia si Franco.Hindi ba dapat kasama niya si Trixie? Bakit nandito siya?Ngunit hindi na niya ito pinag-isipan. Mabilis siyang umakyat para kunin ang kanyang mga gamit. Pagbaba niya, naroon pa rin si Franco.Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay may sasabihin ito sa kanya.Tama nga siya. Pagkasakay nila sa sasakyan, malamig na nagsalita ang lalaki.“Napakatuso mo talaga. Sa harap ko, kunwari kaawa-awa ka at mahina. Pero sa likod ko, ginagamit mo si Lola para protektahan ka at para lang saktan si Trixie."Nagulat si Stacey.Nalaman niya na matapos pagalitan ng matanda si Franco kagabi, lihim nitong pinakisuyuan ang katiwala na bigyan ng leksyon si Trixie.Habang papunta sa
Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata.“Nandito na ang apo ko! Namiss ka ni Lola, sa buong pamilya ikaw ang paborito ko.”Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Stacey.Pagkatapos ay tumingin sa tiyan nito.Nang makitang wala pa rin itong laman, agad nitong sinamaan ng tingin si Franco.“Apo, may problema ka ba? Tatlong taon na kayong kasal di’ba pero bakit hindi pa rin kayo nagkakaroon ng anak? Gusto mo ba na mag pa-check up ka na?”Napabuntong-hininga si Franco.“Lola, wala akong sakit at wala rin akong problema. Alam ni Stacey iyon, kahit tanungin mo pa siya.”Biglang namula ang mukha ng babae. Bahagya siyang napayuko dahil sa sobrang hiya, samantalang ngumuso naman ang matanda.“Kung wala kang problema, patunayan mo. Simula n
Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kasi mamaya, may business trip ako. Two days pa ko bago ko makabalik, kaya baka naman pwedeng ikaw na ang mag balik kasi favorite necktie niya to eh”Agad niya itong inabot kay Stacey at wala ng nagawa pa ang babae dahil nilagay na ito mismo sa kamay niya.Nakita ni Trixie ang hawak na folder ng babae, agad niyang inunat ang kanyang kamay para maabot ito. Ngunit mas mabilis si Stacey at agad na niyakap ng mahigpit ang folder niya, naglalaman ito ng mahalagang dokumento.Mas importante para sa kanya na matapos ng maayos ang project ng kumpanya kaysa sa walang saysay na pang aasar ng babaeng nasa harapan niya.“Dinala mo iyan dito para ipakita sa akin, hindi ba?” malambing na sabi ni Trixie.Nati
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita ang mama niya. Agad siyang ang tungo sa ospital kung saan naka confine ang kanyang ina.Makati Medical Center, sa hallway ng inpatient department.“Miss Stacey, buti nalang at napadalaw ka ngayon kasi tatawagan pa lang sana kita. Dumating na ang bayad mula sa Mondragon Corporation, pero ipinag-utos ng lola mo na ilipat ang mama mo sa ordinary room. Ano pong gusto ninyong gawin?”Mahigpit na hawak ng babae ang atm card.“Ibalik niyo siya sa special care ward.”“Pero sabi po ng lola mo—”“Sakin kayo makinig, ako ang masusunod.”Habang inaayos ang papeles, nagtanong siya tungkol sa bayarin. Napabuntong-hininga ang nurse.“Dati advance magbayad ang Mondragon Corporation. Pero nitong mga nakaraan
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang nilang sagutin ng mga ito.Ang ibang gastusin ay sila na mismo ang naghanap ng paraan.At may isa pang kondisyon ang asawa niya,may karapatan sila na tapusin ang kasunduan anumang oras nila gusto.Pero kapag si Stacey ang humiling ng hiwalayan, kailangan niyang magbayad ng isang billion.Para kay Franco, maliit na halaga lang iyon.Pero para sa kanya, imposibleng halaga iyon.Gayunpaman, walang pag-aalinlangan niya iyong pinirmahan noon.Dahil mahal niya ito.Ang mapangasawa ang lalaking matagal na niyang hinahangaan ay parang pinakamasayang himala sa buhay niya.Hindi niya inakalang balang araw, magiging patibong rin pala iyon. May malakas na tunog mula sa kabilang linya na nagpabalik sa kanya s







